Kabanata 19
Tatlong araw pa lang ang lumipas simula noong nag dinner sila kasama ang mamita ni Arkin pero muli siyang pinatawag nito. Hindi na siya nagtaka kung paano nakuha ang number niya, basta't alam niya lang ay gusto siyang kausapin nito.
Muli siyang nag half day sa office at hindi niya iyon pinaalam kay Arkin. Wala rin naman ito sa gym ngayon kaya hindi siya nito mapapansin. Ang alam niya ay may inasikaso ito sa kompanya dahil maraming events ang paparating.
Sumakay siya ng jeep para makarating sa pinakamalapit na mall sa lugar nila. Medyo na traffic pa siya dahil maraming estudyante sa labas. Pagdating niya sa mall ay tumungo siya sa napag-usapan nilang coffee shop.
Nang makapasok sa coffee shop ay nakita niya na kaagad ang mamita ni Arkin at ang assistant nito. Nararamdaman niya na kung ano ang sasabihin nito kaya hindi niya magawang matawa ngayon kahit nakita na naman niya ang mukha ng assistant.
Nakaayos ang lola ni Arkin at naka-shades ulit ito. Maaraw pa naman kaya naiintindihan niya kung bakit ito naka-shades.
"Magandang hapon po," bati niya sa mga ito. Sinenysan siya ng matanda na umupo sa harapan nila. Mukhang hindi pa rin magaling ang lalamunan nito dahil hindi pa rin nagsasalita. Napansin niya naman ang iniinom nito ay mainit na tsaa.
May nilabas ang assistant nito na mga papel at isang sobre. Kunot noo niya iyong tinanggap at tiningnan. Ang mga papel ay dokyumento ng bahay at lupa sa clark pampangga.
"Aanhin ko po ito, lola— madam," bawi niya nang maalala na ayaw pala nito na tinatawag na lola.
"Magiging sa'yo ang property na 'yan, basta layuan mo lang si Mr. Arkin. Hindi naniniwala si madam na magkaibigan lang kayo." Napangiti siya dahil sa sinabi ng assistant. Tama nga siya ng hula, ramdam niya talaga na mangyayari ito.
"Wow, magkakabahay ako basta layuan ko lang si Arkin?" manghang sambit niya. Tiningnan niya ang laman ng sobre at isa 'yong cheque na may nakalagay na sampung milyon. "Tapos magiging milyonarya pa ako?" she gasped.
Arkin's grandmother crossed her arms.
"Ikakasal na si Mr. Arkin sa taong totoong mahal nito. Baka hindi mo alam na may fiance na siya?" tanong ng assistant at may nilabas na cellphone.
"Hindi ko alam na may fiance na siya dahil ang alam ko po ay ayaw niya magpakasal sa kung sino lang."
"Hindi kung sino lang ang fiance niya, pakinggan mo 'to para maniwala ka." May pinindot ito sa cellphone at nilagay sa gitna ng table para marinig niya.
"Do you love her?"
"What question is that?"
"Do you lover her?"
"Damn. Of course I love her, she's my—"
Halos mahigit niya ang hininga nang marinig ang boses ni Arkin sa record. Hindi na natapos ang pakikinig niya roon dahil tinigil na ng assistant, marahil ay nakita nitong nanibago ang expression niya sa mukha.
Of course, that will hurt her. She loves Arkin.
"Chaniya is his love of his life. Akala niya siguro ay sa ibang babae ko siya ipapakasal pero hindi," seryosong sambit ng assistant ng matanda. "Iyon ang gustong sabihin ni madam."
Napabuntong hininga siya. Hindi siya matawa sa oras na 'yon.
"Ine-expect ko na po ito. Kung napansin niyo pong hindi lang po kami magkaibigan ni Arkin ay tama po kayo. Hindi ko rin masasabing boyfriend ko siya at girlfriend niya ako dahil hindi rin po. Kung napansin niyo po na higit lang kami sa pagkakaibigan ay siguro naman po napansin niyo na mahal ko ang apo niyo?" napangiti siya pero hindi iyon umabot sa mata.
Hindi siya nakapagsalita ng ilang minuto dahil hindi niya masabi ang gusto niyang sabihin. Naiiyak siya sa puntong iyon pero hindi siya iiyak sa harapan ng mamita ni Arkin.
"Naiintindihan ko po na ayaw niyo sa akin. Hindi na rin po ako magugulat kung kilala niyo na ang buong pagkatao ko. Gano'n naman po pag mayayaman 'di ba? Pag ayaw niyo sa isang tao, paalisin niyo at bibigyan niyo ng pera. Parang nasa teleserye talaga tayo," she laughed.
"Alam ko rin po na lupa ako at langit si Arkin. Masiyado po siyang mataas para maabot ko. Aware po ako sa status ng buhay namin. Sobrang magkaiba at sobrang magkalayo. Wala akong pamilya at mahirap pa. Wala akong ipagmamalaki sa buhay."
Sa oras na 'yon ay mas lalong bumaba ang self esteem niya. Hindi talaga naaalis sa sarili niya ang pagdududa sa sarili.
Napatingin siya sa kamay ng matanda na nasa lamesa ng kumuyom iyon.
Huminga siya ng malalim at inusog ang papel at sobre sa assistant nito. Tumayo siya at nagpakita ng isang ngiti.
"Hindi ko po matatanggap 'yan. Huwag po kayo mag-alala dahil wala naman po sa isip ko na mas lumalim pa ang relasyon namin ni Arkin. Hindi ko po siya abot, hindi rin po kami bagay kaya naiintindihan ko po kayo. Kung ano po namamagitan sa amin ay ititigil ko na po at lalayo po ako pero hindi ko pa rin po matatanggap 'yang bahay at lupa tiyaka milyon. Malaking tulong po 'yan sa akin pero hindi po pera ang habol ko sa apo niyo kung iyon ang iniisip niyo. Nagising na lang ako na mahal ko na siya. Kahit napaka-sungit pero may tinatago rin palang kabaitan sa puso," she can't help but to smile while thinking of Arkin.
'Yong mga pagtatalo nila sa unang linggo nito na naging kapitbahay niya ito at ang mga epic fail na nagawa niya sa binata.
"Maraming salamat po sa oras niyo para kausapin ako. Mauuna na po ako, mag-ingat po kayo sa byahe." Yumuko siya ng bahagya rito at tinalikuran ang mga ito.
Kinagat niya ang labi dahil nagbabadiya ang luha sa mga mata niya. Nagtatapang-tapangan lang naman siya.
Hanggang sa byahe pauwi sa apartment ay hindi nawala ang boses ni Arkin na nasa record kanina. Wala siyang ideya na may mahal itong iba.
Napaupo siya sa sofa nang makarating sa apartment. Doon na bumuhos ang luha niya.
"Expected mo na 'to 'di ba? bakit ka umiiyak? dapat hindi na masakit 'di ba? tangina naman Desiree oh, tapos ang lakas mo pa sabihin kanina na lalayuan mo si Arkin pero wala ka namang ibang mapupuntahan," sambit niya sa sarili habang umiiyak.
Ilang minuto siyang umiyak doon. Ang tanging matatawagan niya lang at mapupuntahan ay ang bahay ni lola, ang matandang nagligtas sa kaniya.
"Hello, lola?"
"Oh, napatawag ka? teka lang dahil nagluluto ako ng saba, patayin ko lang 'yong apoy dahil tapos na." Suminghot singhot siya at napakunot ang noo dahil parang malapit sa daan si lola. Naririnig niya kasi na may busina pa ng kotse.
"N-nasaan ka lola? saan ka ba nagluluto at parang nasa kalsada ka," tanong niya habang pinupunasan ang luha niya na hindi pa rin tumitigil.
"Nandito sa bahay, may mga sasakyan na dumating. Mukhang bisita ng kapitbahay ko. Anong nangyari sa boses mo at parang umiiyak ka?"
"L-lola, pwede po bang makituloy muna sa bahay mo? wala pong problema sa akin kung sa sahig lang po ako matutulog. K-kailangan ko lang po talaga makaalis ngayon," ani niya. Baka kasi pag naabutan niya pa si Arkin ay umiyak siya sa harapan nito.
Mas masakit pa 'to kaysa sa breakup nila ni Warren.
"Ano ba ang nangyari at nagkakaganiyan ka? Sige at pumunta ka rito sa cavite. Ite-text ko sa'yo ang address ko ha?"
"Maraming salamat po lola!" Agad siyang kumilos para mag-impake ng gamit. 'Yong kaya niya lang dalhin na damit.
Bahala na muna basta hindi niya mahaharap ang binata dahil sigurado siyang hahagulhol siya ng iyak.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top