Kabanata 18
Pinilit niyang matulog sa byahe nila ni Arkin para hindi niya maisip ang kaba niya pero hindi talaga siya nakatulog. Pagdating nila sa hotel room ay halos hindi siya umiimik. Maganda ang hotel kung saan sila mtutulog ngayong araw pero hindi siya makapag saya dahil sa kaba.
"Do you want some sweets or desserts?" tanong nito nang mayakap siya.
"Sige... pero kaunti lang," sambit niya rito at niyakap pabalik ang binata. Sinubsob niya ang mukha sa matipunong dibdib nito. "Kinakabahan talaga ako."
"It's going to be fine. My mamita is a kind person, don't worry." Arkin kissed her forehead and caressed her back. Nag-order si Arkin ng dessert para meryenda nila sa hotel room. Tapos na rin naman kasi sila mag lunch.
Naka-prepare na ang susuotin niya mamaya sa dinner. Simpleng dress lang 'yon na binili niya. Gusto pa sana siyang bilhan ni Arkin ng set pero humindi siya rito. Hindi naman siya pinilit ng binata dahil kahit ano raw na isuot niya ay maganda siya.
Binola pa siya porket kinakabahan siya sa dinner mamaya.
Sa totoo lang ay natuwa siya na hindi siya pinilit ng binata na pasuotin ng mga mamahaling damit alahas kahit ito pa ang bibili. Arkin doesn't care if she's too simple in the fine dining restaurant, he just want her to be she is.
Paano ba na hindi siya mahuhulog dito kung ganito ito sa kaniya. Arkin doesn't care about status in life. Akala niya talaga sa una ay isang bugnutin lang ito na ang alam ay magsungit sa lahat ng nasa paligid. He has the warmest heart.
Nang matapos mag meryenda ay inaliw niya lang ang sarili niya saglit bago mag-ayos ng sarili. Kahit simple lang ang suot niya ay mag-aayos pa rin siya kahit papaano para maging presentable sa harapan ng lola nito.
Hindi niya naman kailangan ng bonggang makeup at mga alahas na kumikinang, kung ano siya ay 'yon ang ipapakita niya.
Tinali niya lang ng maayos ang maalon niyang buhok at inayos niya lang ang kilay niya at naglagay ng blush on at liptint. Mas bumuhay na ang maputi niyang balat.
Mabilis lang lumipas ang oras at patungo na sila sa fine dining restaurant. Dapat pala sa mansyon pero para hindi maging malayo ang byahe sa kanilang hotel ay sa malapit na fine dining restaurant na lang.
Halos lumabas ang puso niya sa ribcage ng makapag-park na si Arkin. Lumabas siya ng kotse at gano'n din ito. Palinga-linga pa siya sa restaurant dahil kaunti lang ang kumakain, marahil sa sobrang mahal.
"This way po ma'am and sir," ani ng receptionist at iginaya sila sa isang private room. Napahawak siya ng mahigpit sa binata nang makitang may isang matandang babae ang naroroon at isang babae na sigurado siyang assistant ng lola ni Arkin.
Her grandmother looks too elegant at the same time intimidating. Napakaayos ng buhok nito at kung umupo ay tuwid na tuwid. Hindi niya lang malaman kung bakit ito naka-shades.
"Mamita!" tawag ni Arkin dito. Binitawan siya saglit ni Arkin para halikan sa pisngi ang lola. Bumalik din naman ito sa tabi niya at hinawakan ang bewang niya.
"This is Desiree my—"
"Kaibigan niya po," sabat niya kaagad. Hindi niya kasi alam kung ano ang balak nito sabihin. Tinanggal niya ang pagkakahawak nito sa bewang dahil nakita niyang nakatingin ang lola ni Arkin doon. Kahit naka-shades ito ay ramdam niya ang titig nito sa kamay ng apo.
"Magkapitbahay po kami," dagdag niya pa at tumikhim. Hindi ito umimik kaya bahagya siyang umatras.
"Please sit. Your mamita is having a bad sore throat since yesterday so she can't speak," ani ng assistant nito kay Arkin.
"What? How did it happened mamita? You don't even like eating too much sweets and cold stuffs," naguguluhan na tanong ni Arkin nang makaupo sila. "And what's with the shade? don't tell me you have a sore eyes too?"
"Tama po kayo, sir Arkin." Mabilis sumagot ang assistant nito sa binata.
Nakagat niya ang ibabang labi dahil biglang nawala ang kaba niya kahit papaano dahil natatawa siya sa sitwasyon na 'to. Hindi umiimik ang lola ni Arkin at ang tanging sagot ng sagot ay ang assitant nito.
Halos lumubo na ang pisngi niya dahil sa pagpipigil ng tawa. Talagang natatawa siya sa nangyayari. Ayaw niyang maging bastos pero ito ang nararamdaman niya ngayon.
Dumating naman ang mga servers para ilagay ang mga pagkain sa malaking lamesa. Tinulungan siya maglagay ni Arkin ng table napkin sa damit niya para hindi madumihan.
"Hindi ka ba marunong mag lagay ng table napkin sa sarili mo?" Sabay silang napabaling ni Arkin sa assistant ng lola nito.
"What?" kunot noong tanong ni Arkin.
Seryoso ang mukha ng assistant pero ngumiti rin ito kaagad. "Iyon po ang gustong sabihin ng mamita niyo kay miss Desiree, sir."
Hindi niya na napigilan ang pagtawa niya. Halos hindi siya makahinga dahil sa pagtawa, hinahampas niya pa ang braso ng binata habang naiiling ang ulo.
"A-ano 'yan... M-may bluetooth po ba utak niyo sa isa't isa? Paano niyo po nalaman ang gustong sabihin ni lola?" tawang tawa niya na bulalas.
"L-lola? Huwag mo siya tawaging lola, hindi niya gusto iyon." kinakabahan sambit sa kaniya ng assistant.
"S-sorry po," ani niya habang pinupunasan ang mata dahil naluha na siya. Sino bang hindi matatawa kung wala namang imik ang mamita ni Arkin at 'yong assistant lang ang salita ng salita. Wala rin namang pinapakitang sulat ang lola ni Arkin para ipakita sa assistant ang nais niya sabihin kung masakit nga talaga ang lalamunan nito.
"What's happening here? Mamita, are you doing roleplay again?" Arkin was so confused. Umiling ang mamita nito at hindi siya pinansin para magpatuloy kumain.
"S-sorry, hindi ko talaga napigilan. Mauutot na ata ako e," bulong niya rito habang mahinang natatawa pa rin.
Although she tries not to be sarcastic tonight, she can't help herself. She has already overcome all of her prior anxiousness. She just can't get over this because the scene was so hilarious.
Pinaghiwa siya ni Arkin ng steak at pinagpalit ang plato nila. Sobrang tahimik ng buong dining area dahilan para gusto niya na namang matawa. Sobrang sakit ng panga at tiyan niya, hindi niya talaga kinaya.
"Mamita, you want to meet her but you are not talking." Tinapik niya si Arkin para mapatingin dito at sinenyasan na okay lang. Malawak na ang ngiti sa labi niya dahil sa pagtawa.
Magana siyang kumain pero pasulyap sulyap pa rin sa lola ni Arkin. Napaka-elegante nito kumain pati na rin ngumuya ng tahimik. May nag-serve ng wine ang isang staff at nang makita niyang sine-serve-an nito ang lola ng binata ay agad siyang nagsalita.
"May hot lemon tea po kayo? Bawal po siya sa alcoholic drinks kasi po may sore throat siya. Pwede 'yon na lang ang i-serve mo sa kaniya?" magalang na tanong niya sa server.
"Sure madam, we can make that." Ngumiti siya pabalik sa server at hindi na sinalinan ang wine glass nito.
"Paborito mo 'yon madam," rinig niyang bulong ng assistant sa katabi.
"Para po mas gumaling agad ang sore throat, iwasan po ang uminom ng mga alak dahil nakaka-dry po lalo. Mas mainam ang hot lemon tea, para mas mabilis gumaling," paliwanag niya sa mga ito. Hindi na siya nahihiya dahil nakatawa na nga siya ng malakas.
Concern lang din siya sa lola ni Arkin dahil napakahirap kaya ng gusto mong magsalita pero hindi ka makapagsalita.
"If you are just doing a roleplay mamita you can tell now. I know you love that wine," Arkin said.
Umiling naman ito kay Arkin bilang sagot. Katapat niya pa naman ang assistant ng lola nito kaya sa tuwing matititigan niya ito ay natatawa pa rin siya.
Hindi niya alam kung bakit ito ganap na ganap.
Ang dinner na inaasahan niyang hindi siya makakakain ng maayos ay naging matahimik. Nag k-kwento lang sila paminsan ni Arkin para lang magkaroon ng ingay ang private room habang kumakain sila.
She had fun that night because of them. Pagkatapos nila ay nagpaalam na rin sila at dumeretso na sa hotel. Hanggang sa makarating sila ay hindi siya maka-get over.
"Matagal na bang assistant 'yon ng mamita mo?" tanong niya kay Arkin nang matapos siya mag toothbrush. Tapos na rin kasi siya mag half bath at nag sabay pa sila ng binata.
"Yes. I know it's already 10 years. Kilalang kilala na niya ang mamita kaya siguradong kung ano man ang trip kanina ni mamita ay sinabayan niya." Napaupo siya sa sink dahil may kahabaan iyon. Pinapanood niya si Arkin mag shave ng beared dahil may tumutubo na.
"Hindi naman ako nakausap ng lola mo, siguro ayaw niya sa akin," ani niya at natatawa. Pinunasan nito ang mukha bago siya harapin at lapitan.
"Of course not. She has a sore throat so she didn't get a chance to talk to you." Nagkibit balikat naman siya. She leaned and kiss Arkin's lips. Binuhat naman siya nito para dalhin sa kama.
Wala rin naman siyang magagawa kung ayaw man sa kaniya ng lola nito. She's not a girlfriend of Arkin but they look like in a relationship. Nararamdaman niyang pinagmamasdan siya ng mamita ni Arkin kanina.
Arkin's grandmother was observing her and she doesn't know what to feel. Parang expected niya na na gano'n ang mangyayari.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top