Kabanata 15


Napabaling siya sa pinto nang dumating si Arkin. Bumaba kasi ito dahil dumating ang order nilang pagkain. Dapat may pasok siya ngayon pero ito ay absent siya sa kagagawan ng binata.


Kahapon sila nakauwi sa apartment at masama na ang pakiramdam niya no'n. Pumunta sila sa clinic kahit nakakahiya pero pina-check up niya gitnang bahagi niya dahil napakasakit.


Iyon pala ay nagkaroon siya ng vaginal tear dahil hindi kinaya ng pempem niya ang junjun ni Arkin. Hiyang hiya siya pero mabuti na lang babae ang doctor. 


"Mainit pa?" tanong niya rito. Um-order kasi sila ng pares dahil natatakam siya nang makakita sa palabas no'n. Naka-stay siya kay Arkin dahil aalagan daw siya nito. 


Siyempre okay lang sa kaniya dahil magkatabi lang naman sila ng apartment. Malaya na nga itong pasok labas sa apartment niya at kinuha na ang duplicate key niya. Binigay rin nito ang duplicate key nito sa kaniya. 


"Yes. Dumating na rin ang ice cream, magkasabay lang dumating 'yong rider," ani nito sa kaniya. Tumayo naman siya ng dahan-dahan dahil masakit pa rin ang gitna niya. 


"Stay still." Umiling siya rito at tinulungan ito isalin sa bowl ang pares. Natuwa naman siya ng maraming chili garlic ang nilagay. 


"Nakakapanglaway!" natutuwang ani niya. "Gutom na ako," dagdag niya pa at napapalakpak. Nanunubig na ang bagang niya dahil takam na takam na siya sa pagkain. Natigilan naman siya nang may kumatok sa apartment ni Arkin. 


Naglakad naman ang binata patungo sa pinto at binuksan iyon.


"I smell food. Anong binili mo?" Nanlaki ang mata niya dahil narinig niya ang boses ni Rayver. "Oh, bakit mo ko pinipigilan pumasok? may tinatago ka?" ani pa nito na natatawa. 


Tuluyan ng nakapasok ito at maski ito ay nagulat na makita siya. 


"Good thing you're here. Ibabalita ko lang na marami palang reklamo talaga kay Jago Ignacio kaya mas nadagdagan pa ang taon na makukulong siya. You don't have to worry with him. Hindi na rin siya makakalapit sa'yo." 


Nakahinga siya ng maluwag sa binalita ni Rayver. Siyempre ay nangangamba pa rin siya na isang araw ay sugurin siya ng matanda. 


"Salamat," ani niya rito habang dinadala ang pagkain sa glass table na nasa harapan ng sofa. 


"Are you two..." Napalingon ulit siya kay Rayver na tumitingin sa kanila ni Arkin.


"What?" iritadong tanong ng binata. "Kung 'yon lang ang sasabihin mo, umalis ka na." 


"Wow! Did I just heard it right? Tinataboy mo na ng kaibigan mo ngayon? Alam ko babae lang ang tinataboy mo, Arkin." 


"Shut up." 


Hindi niya alam kung anong alam ni Rayver at Hugo sa kanilang dalawa ni Arkin pero sigurado siyang napapansin na ng mga ito na close na sila ng binata. 


Nahihiya pa rin siya sa dalawa dahil nakita siya nitong sumayaw. Nalaman niya na hindi raw talaga nila namukhaan siya. Sa tingin niya ay hindi lang nila ine-expect na gagawin niya ang bagay na 'yon kaya hindi siya nakilala ng mga ito.


Umupo siya ng dahan dahan sa sofa.


"You don't have work today, Desiree?" tanong ni Rayver at tumabi sa kaniya. Kumuha ito ng pagkain at nakikain. Pumagitna naman si Arkin sa kanila kaya natabig si Rayver.


"Shit! Muntikan na 'yong pares! matatapon pa eh," sambit ni Rayver. 


"Get lost. Why are you even here without asking me if you can go here?" Napakamot siya ng ulo dahil mukhang magbabangayan pa ang dalawa. 


"Hay nako ha, nasa harapan kayo ng pagkain!" sita niya sa mga ito. Gutom na siya tapos hindi pa siya makakain dahil sa dalawa. Inabot niya na ang isang bowl na may pares at nilagyan iyon ng kanin. Napapikit pa siya dahil sa sobrang sarap. 


"Bro? you change huh... Noong unang week mo nga rito ay wala kang reklamo pag tatambay ako." Pinagpatuloy niya ang pagkain niya at hindi pinansin ang dalawa. Plinay niya ang kdrama na pinapanood niya sa tv ni Arkin. 


Natigilan naman siya ng agawin ng binata ang kutsara niya at sumandok sa sarili niyang bowl. Doon ito kumain at binalik din sa kaniya ang kutsara niya. 


"You two look like a married couple," Rayver chuckled. Uminom siya ng tubig at hindi pinahalata na natigilan siya. Hindi niya alam kung compliment ba 'yon o ano pero hindi na lang siya nag-isip pa ng ibang bagay.


Napatingin siya sa cellphone niya at nakitang si Warren ang tumatawag. Ngayon na lang ulit ito tumawag sa kaniya dahil hindi niya na ito pinapansin. Ayaw niya man sagutin ay sinagot niya na lang dahil baka may importante itong sasabihin.


Kahit galit man siya rito ay hindi niya pa rin maiwasan mag-alala pero para sa anak nito. Walang kamalay malay ang sanggol kaya naaawa siya. 


"Hello?" tumayo pero hinawakan ni Arkin ang kamay niya para pigilan. Alam niyang nakita nito kung sino ang caller. Sinenyasan niya ito na maghintay kaya walang nagawa. 


"Nakulong daw si Jago? Paano nangyari 'yon? May kapit ka na ba ngayon? 'Yong lalaking nakita ko no'ng unang punta ko diyan?" sunod sunod ang tanong ni Warren. Kaya niya ito hindi pinapansin, pati ang mga text message nito dahil puro gano'n ang tanong. Ayaw niyang sagutin iyon dahil wala naman na itong pakialam sa buhay niya.


"Pwede bang itigil mo na 'yan? Nakuha mo na ang gusto mo 'di ba? Huwag ka ng tumawag sa akin dahil tapos ka na sa kailangan mo at hindi na kita pagbibigyan sa susunod. Wala ng susunod Warren dahil simula ngayon hindi na kita kilala." 


Sabi nga nila kahit gaano mo pa ka-close o kahit pamilya mo 'yong tao, pag toxic na sa buhay mo ay kailangan mo ng bitawan. Actually, she don't trust easily. Oo, friendly siyang tao pero nakikiramdam pa rin siya kung kati-katiwala ba 'yong tao.


"So, lumalaki na ang ulo mo ngayon dahil may mayaman kang nabinggwit? Iyon ang pinapamukha mo sa akin?"


"Aba'y gago ka ba?!"hindi niya napigilan sumigaw. Nakita niyang papalapit sa kaniya si Arkin kaya sinenyasan niya ito na 'wag lumapit sa kaniya. Posibleng agawin na naman nito ang cellphone, nararamdaman niya iyon.


"Gago ka? Isang taon na tayong hindi nagkikita, uulitin ko lang ha? Wala kang pakialam sa buhay ko at wala na rin akong pakialam sa buhay mo. Pinagbigyan lang kita dahil naaawa ako sa lagay ng anak mo pero kung gaganituhin mo lang ako at wala kang utang na loob sana makarma ka! Alam mong muntikan na ako rape-in ni Jago dahil sa kagagawan mo pero pinalampas kong hayop ka!" 


Napaharap siya sa gawi ng binata na nakasimangot na at si Rayver na kumakain habang naiintrigang nakikinig sa kaniya. Galit siya kay Warren pero hindi niya mapigilan na matawa dahil sa itsura ni Rayver. Kunot noo kasi itong nakatingin sa kaniya habang patuloy pa rin na kumakain. Kulang na lang ay popcorn at softdrinks para maging palabas na siya.


"What's his name? I'll make his life a living hell." Hindi niya pinansin si Arkin. Alam niyang kaya nitong gawin ang sinabi. 


"Hindi nga ako kasal—"


"Wala nga akong pakialam? Sino ba nagtanong? Kung gusto mo magpakasal kayo! bye!" Pinatay niya kaagad ang tawag at blinock ang number nito. Hindi niya maintindihan kung bakit niya nagustuhan ang lalaking 'yon. Siguro nga hindi niya pa talaga tuluyang kilala ng lubusan si Warren.



"Ipapakulong na ba natin? Ano bang pwedeng kaso niyan? Siya naman ang dahilan kung bakit ka nahanap ni Jago 'di ba?" tanong ni Rayver.


"Huwag niyo na atupagin 'yon. Para na lang sa anak niyang nahihirapan ngayon sa hospital, hayaan niyo na siya. Nababaliw lang 'yon. Baka kaya paulit ulti na sinasabi sa akin na hindi pa sila kasal ng ka-live in niya dahil baka gusto niya ako maging sponsor nila," biro niya sa mga ito. Napansin niya kasing napakaseryoso na naman ng binata. 


Alam niya namang galit na naman ito.


Para mawala ang init ng ulo niya ay kinuha niya ang ice cream sa refrigerator ni Arkin. Korean ice cream iyon kaya tuwang-tuwa siya. Nagbukas siya ng isa at kumain kaagad.


"Napano ka pala? Parang hirap na hirap ka maglakad? Napilayan ka ba?" Muntikan na siyang mabulunan sa ice cream na kinakain dahil sa tanong ni Rayver.


"H-hindi ah! M-masakit lang hita ko! Nag workout kasi ako," pagdadahilan niya.


"Hindi ka na raw pumupunta sa gym sabi ni Hugo eh." Napalunok naman siya dahil nabuking kaagad siya.


"Siyempre sa bahay!" Tiningnan siya nito ng husto at inilipat ang tingin kay Arkin na lumapit sa kaniya. Kumagat ito sa ice cream na hawak niya. 


"Workout? Sa bahay? Sinong kasama? Si Arkin?" Rayver suppressed his lips. Kita niya ang pagpipigil ng ngiti nito.


"Anong iniisip mo? Hindi 'yan!" sigaw niya kaagad habang nanlalaki ang mata.


"Don't mind him, baby. He just like to tease someone and today, we are his target," Arkin whispered before he took a bite on his ice cream again.








Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top