Kabanata 12


Hindi nasunod na kila Justine sila mag-iinom ngayong gabi dahil nag presinta si Arkin na sa apartment na nito.

Gulat na gulat si Ricamae dahil hindi naman niya nake-kwento rito ang mga nangyari sa kaniya noong mga nakaraang araw.

Ayaw niya kasi itong maistorbo dahil exam week at maraming tinatapos sa school habang nagta-trabaho pa.

Tuwang-tuwa rin naman ito dahil marami silang pagkain na in-order ni Arkin. Pinagluto niya pa rin ito ng sardinas na miswa at hindi man lang nagbigay nang nanghihingi si Ricamae.

"This is exclusive for me." Iyon ang sinabi kanina ng binata sa kaibigan.

Napalagok siya ng alak habang nagke-kwentuhan sila.

"Anong nangyari at parang ang close niyo na talaga? Kayo na ba?" Lasing na ito at nakahilig na sa balikat ni Justine.

"Oy hindi ah! Magkaibigan lang kami!" Kumuha siya ng chicken at kumain para naman mawala ang pait ng alak.

"Sabagay... kasi date to marry ka nga pala," ani nito habang napatango-tango pa.

"Kaya ikaw! Kung liligawan mo ang kaibigan ko dapat pakasalan mo rin ha!" sigaw ni Ricamae at ginamit pang pangturo ang buto ng manok.


Sinita naman ito ni Justine na natatawa na.


Napakamot siya sa leeg dahil sumasakit na rin ang ulo niya. Nakadalawang bote na sila ng brandy. Malakas kasi uminom si Justine at Ricamae. Mataas ang alcohol tolerance ni Justine kaya alam niyang hindi pa ito lasing. 


"Truth or dare! Dapat hindi mawala ang truth or dare na laro pag umiinom kasi dito lang lalakas ang loob natin para magsabi ng isang bagay na mahirap sabihin," malakas na loob na ani ng kaibigan. Tanging tango na lang ang tugon niya rito dahil wala naman siyang magagawa. Kahit sabihin niya ayaw niya maglaro ay itutuloy pa rin nito. 


Napababa ang tingin niya sa kamay ni Arkin na nakahawak sa baiwang niya. Marahan nitong hinihimas ang baiwang niya. Binaling niya ang tingin dito at nakikinig ito kay Ricamae na nag e-explain ng laro nila. 


Ngayon niya lang na-realize na sobrang dikit pala nila. Lahat kasi sila ay nakaupo sa sahig. Silang dalawa ni Arkin ay nakasandal sa sofa at nasa harapan nila ang glass table at ang dalawang kaibigan.


"Tapos pag nakatutok sa inyo 'yong nguso ng bote ibig sabihin ikaw 'yong tatanungin or mag d-dare, pag pwetan naman ng bote ang nakatutok sa'yo ay ikaw ang magtatanong or mag-uutos, okay?"


Humikab siya habang tumatango sa instruction ng kaibigan. Hindi niya na nga kanina narinig ang unang sinabi nito dahil sa kamay ni Arkin. 


"Ako na ang magpapaikot," wika ni Justine at inikot ang bote. Dahil apat lang naman sila ay paniguradong ang magtatanong o mag-uutos lang sa kaniya ay si Ricamae o si Justine. 


Tumapat ang nguso ng bote kay Justine at siya naman ang magtatanong.


"Ayusin mo tanong mo sis, dapat may malalaman ako ha?" ani ni Ricamae at pinanlakihan siya ng mata.


"Truth or Dare?" tanong niya kay Justine.


"Truth, gusto kasi niya may malaman," ani nito at sinulyapan ang katabi. Medyo nagising ang diwa niya. Tinitigan niya si Justine at parang may sinasabi ang mata nito. Pinigilan niya ang ngiti sa labi pero napasabunot siya sa buhok dahil kinikilig siya sa di malaman na dahilan.


Wala naman na ke-kwento si Justine sa kaniya. Hindi niya nga rin masabi kung gusto ba ni Justine si Ricamae. Ayaw niya kasi mangialam ng love life ng iba, pwera na lang kung ike-kwento sa kaniya siyempre magsasabi siya ng opinyon lalo na kay Ricamae.


"May gusto ka ba kay Ricamae? Kailan pa? Seryoso ka ba?" Biglang umayos ang kaibigan niya nang marinig ang tanong niya. Lasing na talaga si Ricamae pero alam niyang alam pa nito ang nangyayari dahil nagyaya pa maglaro.


"Isang tanong lang dapat 'di ba?" natatawang tanong ni Justine sa kaniya.


"Wala kang magagawa basta sagutin mo lahat ng tanong ko!" ani niya habang naaatat na sa magiging sagot nito. Justine scratched his eyebrow before he answered.


"I love her and I'm serious. When did it start? Hindi ko alam..." Nahihiyang umiwas ng tingin si Justine. Si Ricamae naman ay nanlalaki ang mata habang nakatingin sa katabi niya.


"K-kailan pa?! Bakit 'di mo sinabi? Alam mo namang may gusto ako sa'yo 'diba?" 


"Hindi kasi ako sure kung seryoso ka ba o sadiyang sinasabi mo lang na gusto mo ako. Lahat kasi ng pumupuntang gwapo rito ay sinasabihan mong crush mo," paliwanag nito.


Tawang-tawa siya na halos mapalakpak pa. "Shuta! Kaya lang naman 'yan nagsasabi na crush niya lahat ng gwapo na napapadpad dito para iligtas 'yang sarili niya. Hindi mo kasi siya pinapansin masiyado no'ng nalaman mong may gusto siya sa'yo. Napaka-casual mo lang sa kaniya kaya paano rin namin mahahalata!" Naitulak at nahamap-hampas niya si Arkin dahil kinikilig siya sa dalawa.


Hindi naman siya sinita ng binata kahit nabubugbog niya na ito dahil sa tuwa at kilig.

Napakamot siya sa pisngi at muling napahikab. Inaantok na talaga siya at parang tumitibok na ang ulo niya. Tinamaan na talaga siya ng alak.


"Oh sige na mag-usap na kayo! Inaantok na ako, umuwi na kayo!" ani niya sa mga ito. Parang kaunti na lang kasi ay babagsak na siya. 


"H-hoy, hindi pwede! Magtatanong muna ako kay Arkin! Nacu-curious ako eh," halos pasigaw na ani ni Ricamae at tumayo pa.



"Justine, iuwi mo na 'yan sa apartment mo. Graduate muna ha? bago anak," hagikgik niya. Tumawa lang sa kaniya si Justine at inalalayan si Ricamae.


"Wait lang! Mamaya kana, loves ko!" Muli na naman siyang natawa sa kilig. Sasabunutan niya si Ricamae bukas dahil matindi ang kilig niya ngayong gabi.


Nakapamaywang si Ricamae habang nakatapat kay Arkin na tumayo na rin. Siya naman ay gumapang papuntang sofa at humiga roon.


"Anong meron sainyo ni Desiree? Imposibleng wala! hindi ako bulag para di makita 'yang kamay mo sa bewang niya at parang may glue kayo sa isa't isa sa sobrang dikit!"


Napakamot siya sa ulo niya dahil naiingayan na siya sa kaibigan. "Manahimik ka na, mababato kita eh," halos pabulong na sambit. 


"Ano nga? Dalian mo!" 


"We are... getting to know each other?" sagot ng binata. Nalukot ang mukha niya at napabangon.


"Magkaibigan lang kami! Layas na!" pagtataboy niya sa kaibigan. Si Justine naman ay todo hatak na at pigil kay Ricamae pero hindi ito nagpapatinag. Gusto niya ng tumayo at sabunutan ang kaibigan. Masiyado na itong maligalig.


"Pero gusto mo si Arkin, ha?" baling naman sa kaniya nito.


"Crush ko siya pero hanggang doon lang okay? Hindi kami talo niyan. Lupa ako langit siya!" tawa niya. 


"Pano siya naging langit? anghel na ba siya?" tawa naman ni Ricamae. 


"Basta hanggang friends lang kami, okay? Tumigil ka na. Inaantok na ako pisteng yawa!" 


"Gaga! Inaantok ka pero bakit ka hihiga diyan? Hindi mo 'to apartment, sa kabila ka oy!" Tuluyan na siyang napabangon dahil nawala sa isip niya na hindi pala rito ang apartment niya. 


"Sige na tara na, gusto ko na matulog," ani niya at humikab muli. Mabuti na lang ay hindi na nagpapigil ang kaibigan kay Justine. Kahit halos pagewang-gewang na ang lakad niya ay inalalayan niya ang dalawa sa pinto. Binuhat na lang ni Justine si Ricamae dahil nagpabuhat ang kaibigan.


"Arte! pabuhat pa," bulong niya habang nangingiti. Binalingan niya si Arkin na nasa likod.


"Sige na, balik na ako sa kabila— hoy! Lalabas ako!" Hinatak siya nito papasok at sinarado ang pinto, narinig niya pa ang pag-lock no'n. 


Tiningnan niya ang mukha nito at halata rito na wala na naman sa mood. "Bakit ganiyan na naman mukha mo? Badtrip ka na naman?" 


"You said that we are only just a friend? Hanggang kaibigan lang? are you really playing with me?" magkasalubong ang kilay nito.


"Tanga ka ba? Ikaw na nga rin nagsabi na magkaibigan tayo eh. Mamaya na lang tayo mag-usap inaantok na ako." Hinawi niya ang kamay nito pero muli nitong hinuli iyon. Napatili siya nang buhatin siya nito na parang sako. 


Doon nagising ang diwa niya. Tuluyang nawala ang antok niya dahil sa pagbuhat nito. Binuksan nito ang kwarto at hinagis siya sa kama. Nakaawang na ang labi niya dahil sa gulat. 


"I change my mind, I don't like that we are just a friend, baby." She gulped when she heard his husky voice. "I'm trying to control this unfamiliar feeling but I guess I can't." 


"A-ano ba tayo... 'di ba magkaibigan?" Nahigit niya ang hininga nang gumapang ito papunta sa kaniya. Pinangtukod niya lang ang dalawang siko habang umaatras sa kama. 


"I don't like the way you said that we are only just a friend and we will remain as a friend. I'm fucking pissed about that." 


 "A-ano bang nangyayari sa'yo! N-naguguluhan na a-ako ha!" halos pasigaw na sambit. Sobrang lakas na ng tibok ng puso niya at parang sasabog iyon. Tuluyan ng nawala ang antok niya dahil sa binata. 


Napatitig ito sa kaniya ng ilang segundo bago bumuntong hininga. Napahiga siya nang dumag-an ito sa kaniya. Hindi naman iyon mabigat dahil nakaalalay pa rin ito. Siniksik nito ang mukha sa pagitan ng leeg at balikat niya. 


Pinalibot nito ang kamay sa maliit niyang bewang bago ito humiga kaya pati siya ay nahatak. 


"I don't know too... I just know that I was curious with you but I felt something unfamiliar. I don't like the idea of us being just friend, baby. What the hell did you do to me?" mabibigat ang paghinga nito at ramdam niya ang tibok ng puso nito dahil sa sobrang dikit nila.




"What is this feeling..." 



Nakagat niya ang ibabang labi at napasiksik sa binata. Niyakap niya ito pabalik at tiyaka pinikit ang mata. Alam niya sa sarili niyang crush niya ang binata pero sa ngayon ay siguradong hindi lang paghanga ang nararamdaman niya na.


Pero hangga't maaari ay gusto niya iyong pigilan lalo na at nalaman niya ang estado ng buhay ni Arkin. Masiyado itong mataas para sa kaniya, hindi niya ito abot at kailanman ay hindi niya maabot. 


Siguro ay e-enjoy-in niya muna ang mayroon sa kanilang dalawa. 




Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top