Kabanata 10
Nang makauwi sila sa apartment ay mabilis siyang pumasok sa loob at hindi na nilingon ang binata. Ang tanga niya kasi eh, bakit niya pa nakalimutan 'yon? Dahil ba nababaliw na siya sa init ng katawan niya?
Sinapak niya ang ulo para magising siya sa katotohanan.
"Ouch," daing niya. Sinubsob niya ang mukha sa unan. Sumigaw siya roon ng sumigaw. Nagi-guilty talaga siya. Hindi naman siya gano'ng klaseng tao pero bakit niya iyon nagawa.
Natigilan siya nang tumunog ang cellphone niya at si Warren iyong tumatawag. Agad niyang sinagot para komprontahin ito sa nangyari sa kaniya kahapon.
"Hello-"
"Bakit hindi kita matawagan kahapon? Alam mo ba 'yong balak gawin sa akin ni Jago?" inis na bulalas niya rito.
"Nagreklamo sa akin si Jago, Des! Kung hindi lang daw may nagbayad ng mas malaki pa sa kaniyang halaga ay ipapatumba niya ako." Natawa siya ng maiksi nang marinig ang galit na boses nito.
"Siraulo ka ba? Ikaw pa ang galit ngayon? Baka nakakalimutan mong hindi kita responsibilidad, Warren!"
"May boyfriend ka raw na mayaman?" Kumunot ang noo niya dahil sa pagtatanong nito.
"Kung mayroon man, wala ka na roon!"
"Des, hindi pa ako kasal..."
"Oh, anong gagawin ko? Putangina naman, Warren! Huwag mong sabihin na balak mong makipagbalikan sa akin?" natatawang ani niya. Gusto niyang matawa dahil hindi niya gusto ang pinaparating ng lalaki sa kaniya.
Napatayo siya nang may kumakatok sa labas ng pinto niya at sunod-sunod iyon. Naiiritang binuksan niya ang pinto at tumambad sa kaniya ang wala sa mood na mukha ni Arkin. Sinenyasan niya ito na maghintay lang pero pumasok pa rin sa apartment niya at umupo sa sofa niya kaya wala siyang nagawa kun'di isarado na lang ang pinto.
Natahimik ang kabilang linya kaya naintindihan niya na ang gustong iparating nito.
"Kung wala ka ng sasabihin ay 'wag na 'wag mo akong guguluhin dahil ito na ang last na pinagbigyan kita!"
"Magka live-in lang kami ng partner ko, Des. Hindi ko na siya mahal, tanging ang anak lang namin," sambit nito sa mahinang boses. Napabuga siya ng hangin, gusto niya itong sabunutan.
"Wala akong pakialam na sa problema mo. Basta natulungan na kita para anak mo, 'wag mo na ako guluhin pa! Masaya na ako Warren bakit ba ang kulit―" Hindi niya natapos ang sasabihin dahil may humablot ng cellphone niya.
"If you won't stop pestering my woman, then be ready because you will not see daylight again, you fucker." Pinatay nito ang tawag at binalik ang tingin sa kaniya.
"Done. So, now, talk to me." Kinuha niya ang cellphone dito at tinalikuran. Hindi niya alam kung anong pag-uusapan nila pero hangga't maaari ay ayaw niya muna itong kausapin. Nabo-bobo ata siya dahil sa mga desisyon na nagawa niya. Sabi niya hindi siya magsisisi pero ito sising-sisi siya.
"Mainit dito, Arkin. Doon ka na sa inyo at naiirita ako," dahilan niya.
"Then let's go to my apartment. The aircon was on." She was shocked when he lifted her like a sack of rice.
"Gago! Baka makita tayo ni Ricamae at i-chismiss pa tayo no'n," singhal niya rito. Nakalabas naman sila ng apartment niya ng walang nakakakita sa kanila. Pumasok sila sa loob ng apartment nito at tama nga ang binata, dito ay malamig dahil buong apartment ay naka-aircon.
"Nababaliw ka na ata―"
"Yeah. I might going crazy because you suddenly didn't talk to me. Are you playing with me?" he clenched his jaw while looking intently to her.
"I am not. Ikaw ata ang naglalaro, Mr. Arkin." She cross her arms. "Alam kong sabi ko hindi ako magsisisi pero nawala naman sa isip kong may jowa ka pala! Kaya nga ayaw mo makipag-close sa akin 'di ba? Kaya mo ako sinusungitan kasi baka magselos ang girlfriend mo! Tapos kagabi hanggang umaga sobrang close na close tayo," pinagdikit niya ang dalawang daliri para ipakita rito kung gaano sila ka-close dahil sa nangyari.
Napasabunot siya sa buhok niya at iniwas ang tingin dito.
"What are you talking about?"
"Huh?"
"Hmm?"
"Ay nako, 'wag ka magmaang-maangan, Arkin! Nakita ko naman 'yong girlfriend mo!"
"Who's my girlfriend? and who told you I have a girlfriend? Because the last time I know, I don't have." Arkin looked at her with amusing smile. He's smiling.
He's literally insane, isn't it?
"N-nakita ko sa labas ng gym! 'yong babaeng nakasakay sa magarang kotse tapos sexy!" Napaatras siya pero wala siyang maatrasan dahil nakaupo siya sa sofa. Arkin cornered her in the sofa while thinking something. Napalunok siya nang makita ang braso nitong nagf-flex sa gilid niya. Naalala niya na naman kung paano siya nito buhatin at ibato sa kama.
Desiree! umaayos ka nga! Pati ata ako nababaliw na?
"Oh, you're talking about Chanel? My niece?" pagkukumpirma nito sa kaniya.
"N-niece? Pamangkin? Aba'y 'wag mo akong ginagago, Arkin! Mukhang matured na tingnan iyong babae at napakaganda pa!" ani niya at iniwas ang tingin. Hinuli naman nito ang mukha niya para hindi siya mapaiwas.
"Are you jealous?"
"Oy hindi ah! Crush lang naman kita―" Natakpan niya ang bibig niya dahil sa nasabi. He pursed his lips trying to suppress his smile. Lumayo ito sa kaniya at tumayo ng maayos.
"Hoy hindi nga! Mali ka ng rinig!" ani niya pa rito. Hindi niya alam kung naa-amaze ba siya dahil ang guwapo nito pag ngumingiti o naiinis kasi parang inaasar siya nito.
"That was Chanel, my niece from my older cousin. We're 6 years apart so we are close. Especially because I am the one who sided her when she have a boyfriend and her mom won't allow them to be in a relationship." Pumunta ito sa harapan ng refrigerator para kumuha ng tubig at uminom.
Natahimik naman siya dahil sa pagkapahiya. Hindi niya naman kasi talaga iisipin na pamangkin nito ang magandang babae.
"Akala ko girlfriend mo kasi ngumingiti ka sa kaniya pero sa akin o sa ibang babae hindi!" pagliligtas niya sa sarili.
"Because I am irritated with your presence." Halos mag tama ang kilay niya dahil sa sinabi nito. Napatayo siya at napamaywang habang nakaharap dito.
"Iritado ka pala sa akin, bakit mo ako kinakausap? bakit mo ako niligtas at bakit mo ako kina...in," humina ang boses niya dahil napagtanto niya ang huling nasabi. Hindi niya talaga napipigilan ang pagratrat ng bibig niya.
Mukhang maski siya naiinis sa sarili dahil putak siya ng putak at lahat ng nasa isip niya ay nasasabi niya sa binata.
"I don't know too. I guess you put some black magic on the adobo last time," kibit balikat nito.
Nilapitan siya nito at hinawakan sa balikat para paupuin ulit. "We have to talk, about what happened in the club. How did you become a dancer on that old man birthday? I can feel you don't want to be in that fucking place."
Inabutan siya nito ng isang baso na may laman na tubig. Tumabi ito sa kaniya at humarap. Nakita niya sa mukha nito na gusto talaga nitong malaman ang lahat ng pangyayari.
"Ex boyfriend ko si Warren, isang taon na rin kaming hiwalay at hindi na nagkita simula noong nalaman kong niloko niya ako at nakabuntis pa siya." Tumigil siya nang makita ang pandidilim ng mukha nito. Binaba niya ang hawak na baso sa lamesa at tinapik ang kamay ng binata.
"Hoy! Huwag kang maawa sa akin 'no, okay na ako!" ani niya at tumawa.
"I'm not." Tumikhim siya at muling pinagpatuloy ang pagk-kwento.
"Hinintay niya pala ako noong gabing 'yon para pakiusapan ako na tulungan siya dahil may sakit ang 2 years old na anak niya at kailangan ng operasyon. Sinabi ko naman na wala akong pera na makakatulong sa operasyon ng baby niya pero papahiramin ko pa rin siya kahit maliit na halaga." She sighed.
"Tapos doon niya sinabi hindi niya kailangan ng pera ko dahil alam niyang wala akong mapapahiram. Ang kailangan niya lang ay sumayaw ako sa birthday ni Jago Ignacio dahil hinahanap daw ako no'n." Tiningnan niya ang binata at nakikinig talaga ito sa kaniya kaya pinagpatuloy niya pa ang pagk-kwento.
"Nakilala ko si Jago noong senior highschool ako. Pangalawang beses na no'n ng trabaho ko sa pagsasayaw para matustusan ang pangangailangan ko sa pag-aaral, dahil ang goal ko lang ay makapagtapos ng senior highschool kahit papaano. Nang makita niya ako ay pinipilit niya ako sa ibang trabaho. Tinanggihan ko siya dahil pagsasayaw lang ang trabaho ko at hindi ako bayarang babae na ibebenta ang sarili para yumaman. Oo, wala na akong pamilya, ako na lang mag-isa sa buhay pero kinakaya ko pa naman. Wala na akong iisipin kung hindi sarili ko na lang kaya hangga't maaari ay gusto ko pa rin ng simple pero maayos na buhay. Hinabol ako ni Jago pero nagsumbong ako sa pulis kaya hindi na siya nakalapit sa akin. Alam ni Warren ang buhay ko dahil kaklase ko siya bago maging kami. Hindi ko lang talaga akalain na ibibigay niya ako sa taong kinatatakutan ko para lang magkapera siya. Tapos sasabihin niya sa akin na gusto niyang makipagbalikan? Gago ba siya?" mahabang litanya niya.
Nagulat siya nang tumayo ang binata at inabot ang cellphone. "Hello? Yes... I want to sue someone, yes. Meet me tomorrow."
"S-sinong kausap mo?" tanong niya nang malapitan ang binata.
"My lawyer. We will sue Jago Ignacio. We will not settle this, baby. I'm going to sue him for real and let him live to hell."
"Huh? Huwag na! a-ayoko na ng gulo, i-isa pa't wala akong pera para sa ganiyan, Arkin."
"Did I ask you to give me a money?"
"Masiyadong mahal 'yon 'di ba? saan ka kukuha ng pera!" naiinis na ani niya. Hindi niya ito maintindihan talaga.
Arkin let out a heavy sighed.
"Did you not hear me yesterday when I am talking to that old man?" kunot noong tanong nito sa kaniya. Pilit niya naman inalala pero hindi niya na masiyadong matandaan ang sagutan nila. Basta ang alam niya lang nakita niyang natakot si Jago nang may sinabi si Arkin.
"You... you don't remember?"
"Hindi nga! I-ikaw kaya mahirapan dahil sa init ng katawan!" inirapan niya ito at tinalikuran.
"I'm Arkin Alves."
"Alam kong ikaw si Arkin! hindi mo na kailangan magpakilala― Alves... Alves ang surname mo? Huwag mo sabihing ikaw 'yong nabalita na magiging bagong director ng Alves Oil Corp." Napapalakpak siya habang tumatawa. "Ang galing mong mag-joke ha!" ani niya pa.
"Do I look like I'm kidding, right now?" Unti-unting nawala ang ngiti niya sa labi. Seryoso itong nakatingin sa kaniya kaya pinasadahan niya ito ng tingin mula ulo hanggang paa.
"S-seryoso ka?" Mukha naman itong mayaman dahil sa pagmumukha at dating pa lang ng binata pero hindi niya ine-expect na sobrang yaman nito. Kilala ang Alves Oil Corp. sa buong asia dahil iyong ang number 1 biggest and richest oil corporation.
"I'm Arking Alves, the owner of A.A Fitness Club around the world and the heir of Alves Oil Corp. You are right, I'm going to be a Director but not now, I am not ready to settle down like my Mamita wants."
Hindi niya naintindihan ang sinabi nito sa pinakahuli dahil natulala na lang siya at parang nilipad ang utak niya.
____
A/N: Oh 'di ba hindi ko na naman kayo natiis! HAHAHAHA. Basta mag-a-update ako if may time ako. Pag natapos naman na ako sa pag-aasikaso ng requirements sa work ko ay tuloy-tuloy na ulit at hataw na kada araw ^_^
Vote and comments are appreciated! <33
Help me to promote my stories on facebook if you love it! Sobrang thank you talaga <3 Pwede niyo rin ako i-tag sa facebook page or group. Just follow/ add me on my fb acc - Author Darkwrites
MWAHH MWAHHH <3
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top