Chapter 9

"Lance..." Tawag ko sa pangalan niya, nasa taxi kami ngayon papunta kami sa mall kasi hindi ko alam saan kami kakain sabi ko bahala siya pero ang sagot niya ay ako ang magdesisyon.

"Hmm?" Sagot niya, kung hindi ako nagkakamali around 15 or 16 na siya madalas kasi ay niloloko niya ako sa age niya tuloy nalilito na ako pero, parang ang matured na nang katawan niya.

Hindi ako umimik dahil nakatingin lang ako sa kamay ko na hawak niya, sobrang higpit nang hawak niya roon parang ayaw na niya bitawan, hindi ko tuloy siya maintindihan.

Galit pa rin ba siya? Ano ba talaga?

"Kulet. May tanong ako..." Nag-angat ako nang tingin sa kan'ya pero nanatili siyang natingin sa bintana ng sasakyan.

"Ano 'yun?"

"Sabi mo kanina... Nagsisi ka na umamin ka... Nagsisi ka rin ba, dahil ako ang minahal mo? Nagsisi ka ba dahil minahal mo 'ko?"

Biglang humigpit lalo ang pagkakahawak niya sa kamay ko pagkatapos niya sabihin 'yun, hindi naman agad ako nakasagot.

Bakit siya bigla nagtatanong ng ganto? Hindi ko talaga siya maitindihan.

"Hindi, hinding hindi ako nagsisi na minahal kita." Deretsyo kong sagot, bigla naman siyang lumingon sa'kin pagkatapos ko sabihin 'yun ngumiti siya at pinagdikit nang maayos ang kamay namin kung kanina ay hawak niya lang 'yun ngayon ay naka holding hands na kaming dalawa.

"Okay lang bang hintayin mo 'ko? Hintayin mo malaman ko ang totoo, alam kong tama sila Marga and Kobi, pero gusto ko makasigurado muna, gusto ko masigurado kung ikaw ba talaga ang mahal ko."

Huminga ako nang malalim at hinigpitan din ang hawak sa kamay niya.

"Sige, maghihintay ako."

***

"Ellaine!" Mabilis ako napalingon sa likod ko ng may sumigaw ng pangalan ko, gano'n nalang kabilis kumunot ang noo ko ng makita ko sila Dwin at Marga na hinihingal na tumatakbo.

Laro na nila ngayon ah, and balita ko first game sila sa girls.

FIS VS SNU.

"Bakit?" Nagtataka kong tanong sa kanila, pupunta pa ako sa office, hindi ko naman kasi akalain sa school namin gaganapin ang laro kaya nagbabantay ako.

"Bati na kayo ni Lance?"

"Oo."

"Kailan kayo huling nag-usap." Tanong ni Marga, napaisip naman ako, parang one week na rin? Busy siya busy ako tsaka nagtampuhan talaga kami.

Kasalanan naman kasi niya, ayaw niya ako pakainin ng strawberry kasi kakain ko lang daw eh sa gusto ko pa eh ayun nainis ako.

"Noong nakaraan na linggo pa 'ata." Sagot ko. Bigla naman nagpapadyak si Marga.

"Bakit?"

"Puntahan mo nga sa court, mainit ang ulo pati ako umiinit ang ulo kakaltukan ko na ang lalaking 'yun, first game sila. Puntahan mo nga Nicole nakikinig sa'yo 'yun." Utos sa'kin ni Marga napailing nalang ako. Bakit ako na naman? Ginagawa talaga akong panakot ng dalawang 'to kay Lance.

"Sige." Sabi ko, nanguna naman silang maglakad papunta sa court, nang makarating kami sa court ay agad ko naabutan si Lance na halata nga mainit ang ulo, pinapagalitan niya 'yung ibang teammates niya, tapos kung paano niya paluin 'yung bola ang lakas grabe, may pektos na nilalagay si Lance mababasa mo 'yun kung paano niya hampasin 'yung bola at paano iyong ikot ng bola, kaya kapag dumadating sa kabila ay masakit kapag sinalo ang bola kahit pahina lang 'yung paka spike ay masakit.

"Habulin niyo!" Sigaw niya, nahampas ko nalang ang noo ko at napailing-iling, agad naman lumapit si Marga at Dwin sa kan'ya para pigilan siya, mukhang mga junior 'yung nagkakasablay.

"Lance, 'wag mo nga sila sigawan!" Pagalit sa kanya ni marga. "Paano sila matuto kung gano'n?" Tanong naman niya.

"Hoy." Umimik na ako, baka mamaya magtalo pa ang dalawang 'to.

"Bakit mo nilalagya ng pektos?" Pagtataray kong tanong, hindi naman siya umimik at mukhang nagulat nang makita niya ako sa harap niya.

"Ano..."

"Ano?" Tanong ko, para siyang bata na hindi makasagot kasi hindi alam ang sagot.

"Gaga tiklop pagdating kay Ellaine." Si marga 'yun, narinig ko naman tumawa si Dwin. "Oo nga, ang rupok pa, may pasabi sabi pa kanina na hindi raw niya kakausapin si Ellaine." Ha? Ano ba pinagsasabi ng dalawang 'to?

Ibinaling ko ulit ang mata ko kay Lance saka pinag-cross ang dalawang braso sa dibdib at nagtaas ng kilay.
"'Wag mainit ang ulo, maglaro ka nang maayos mamaya, kapag inuna mo init ng ulo mo lagot ka sa'kin." Pananakot ko, para naman siyang bata sunod-sunod na tumungo at naglakad palapit sa'kin, agad niya ako inakbayan at inakay maupo sa mga bench.

"Upo ka lang dito, opo makikinig na po sa inyo, 'wag kana po ma-stress."

Natulala nalang ako sa kan'ya pagkatapos ako iwan doon, grabe. Ano ba talaga kami?

Napahawak nalang ako sa ulo at pinilit ang sarili ituon ang pansin sa cellphone ko. Maya-maya lang ay narinig kong magsisimula na ang game kaya akmang tatayo ako nh may biglang tumigil sa harap ko.

"Why?"

"Ikaw si Nicole right?" Tanong niya, agad naman akong tumungo. Sino ba ang lalaking 'to?

"I'm Juan by the way. How about you?"

"Nicole nga 'd-"

Hindi ko natapos ang sasabihin ko nang biglang sumulpot sa tabi ko si lance. "Ano'ng ginagawa mo rito?" Malamig niyang tanong doon kay Juan, what the hell!

"Sino ka ba?" Tanong ni Juan, god. Ano bang balak ng dalawang 'to?

Nang mapansin ko madami na ang tumitingin sa'min, hindi lang taga school namin pati taga ibang school, hindi ko alam ano'ng trip ng dalawang 'to. Ang tahimik ko nakaupo tapos biglang ganto ako kaya makipagaway sa inyo, bwisit.

"Kilalanin mo kasi kung sino ang may-ari ng kausap mo." Agad nangunot ang noo ko sa sinabi ni Lance, malamig ang pagkakasabi niya no'n kaya nagtaas ako nang tingin sa kanya bago nilipat ang tingin kay dereck na narinig kong ngumisi.

"Girlfriend mo?"

"Hindi pa, pero akin 'to so back off." Huh? Hindi pa? So may balak. Tsaka ano raw?!

"Ha?" 'Yun nalang ang lumabas sa bibig ko, hindi na ako nagulat nang akbayan ako ni Lance dahil sanay na ako na gano'n siya.

"Hindi pa pala eh." Ngumisi muli si Juan, halata talaga nang aasar siya ako, ang na aasar sa kan'ya.

"Pwede ba umalis ka." Ako na ang umimik at tinarayan siya, tumawa naman siya bago nagtaas nang kamay bilang pagsuko, nang umalis na siya ng tuluyan ay saka ako humarap kay Lance na masama ang mukha.

"'Wag kana magsungit d'yan." Sabi ko, dahil sobrang nakakunot ang noo niya habang ang labi naman niya ay parang batang nakanguso.

"Nagseselos ako eh..." Pag-amin niya natawa naman ako bago siya niyakap at binitawan pero nanatili ang dalawang braso ko sa bewang niya.

"'Wag kana magselos, ikaw lang naman gusto ko."

"Gusto lang?" Tanong niya.

"Sige, mahal ko." Tumawa muli ako pero agad ako nagulat ng mag-iwas siya nang tingin. Parang baliw na namumula.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top