Chapter 8

Nagising ako na wala na akong katabi kaya mabilis ako bumango at pumunta ng banyo para mahilamos. Pagkatapos ko maghilamos ay lumabas na ako ng kwarto niya at naglakad pababa ng hagdan.

"Iha, umuwi kana raw sabi ni Lance pero kung gusto mo mag-almusal ka na rin dito, iha." Salubong agad sa'kin ni Ate Maris.

"'Wag na po, baka hinahanap na po ako sa amin." Ngumiti nalang ako saka naglakad na palabas ng bahay nila.

Tulala ako hanggang sa makauwi ako sa bahay, akala ko okay na kami? Bakit ganito na naman? Huli na ba ang lahat para maibalik namin ang dati? Kahit 'yung pagkakaibigan lang namin, 'wag na niya ako gustuhin pero, 'yung friendship kasi, ang hirap pakawalan.

Lumipas ang isang linggo na hindi niya talaga ako pinapansin, at nahahalata na nila Marga at Dwin 'yun, pagkatapos ng birthday ni Marga ay mas naging magulo, mas lalo akong iniwasan ni Lance, araw-araw ko siya pinupuntahan sa kanila kahit sa klase hindi niya ako pinapansin.

Nababaliw na ako kakaisip kung paano ko ibabalik ang kaibigan ko. Next week ay district meet, maglalaban na naman ang mga school, kaya excuse si Lance, mas lalo ako nawalan ng pag-asa makausap siya, madalas siyang nasa Volleyball court habang ako nasa classroom lang.

"Habulin mo." Si Marga 'yun.

"Chase him." Sabi ni Dwin, humiling nalang ako sa upuan at hindi sila inintindi. "Hinabol ko na siya, I already chase him almost a month na pero walang nangyayari, hinahabol ko siya hindi para mahalin niya rin ako. Hinahabol ko siya dahil... Umaasa akong maibabalik pa ang pagkakaibigan namin." Malungkot kong sabi at Bumuntonghininga, nandito kaming tatlo sa cafeteria, break time nila sa practice kaya sinamahan muna nila akong dalawa.

Busy din kasi ang mga boyfriend nila sa training.

"Alam mo ba... Alam kong hindi talaga ako ang gusto ni Lance." Agad ko nilingon si Marga dahil sa sinabi nito, imposible, laging bukang bibig sa'kin ni Lance na si Marga ang gusto niya.

"Impo-"

"Maniwala ka sa'kin, hindi ako papayag maging close kami kung iyong pagkagusto niya malalim," putol niya sa sasabihin ko at binuksan ang isang strawberry sandwich na binili ko kanina, ngayon ko lang napansin na hindi ko pa pala nakain 'yun.

"Sa nagdaan na araw simula nang hindi ka niya pansinin, alam ko. Alam ko naguguluhan si Lance eh, lagi ka niya bukang bibig madalas ay mainit ang ulo niya at hindi makalaro nang maayos, kaunti nalang nga ay aalisin na siya ni Coach bilang Captain ball." Mahaba niya sabi, agad naman napaawang ang bibig ko. Imposible, hindi papabayaan ni Lance ang Volleyball mahalaga sa kanya ang position na 'yun.

"Paa-"

"Alam natin na hindi pabaya si Lance. Lalo na sa volleyball pero, nang dahil sa'yo ay napapabayaan niya 'yun, isa lang ang ibig sabihin no'n. Higit pa sa pagkakaibigan ang nararamdaman niya sa'yo, sa'kin nakukuha niya akong sigawan dahil pinaiyak daw kita." Tuloy niyang kwento, hindi naman ako nakaimik, tanda ko ang araw na 'yun na nagsinungaling ako.

"Sorr-" Muli niya akong pinutol at ngumiti, inilapag niya sa harap ko ang strawberry sandwich na binuksan niya kanina.

"'Wag ka mag-aalala hindi ako galit basta maniwala ka sa'kin. Ikaw ang gusto ni Lance matagal na hindi ako, siguro naging crush ako, oo pero, like and love? I don't think so." Muli siyang ngumiti at tumayo gano'n din si Dwin.

"Don't worry, gumagawa na kami nang paraan, kumain kana ayaw ni Lance na nagugutom ka, alam mo ba?" Tumawa siya at parang baliw na hindi mo maintindihan. "Ilang araw na aligaga 'yun, kasi raw hindi ka kumakain nang maayos, ilang beses na nga ako inuutusan noon iyong mga binibigay ko, sa kanya galing iyon." Muli siyang tumawa at umiling-iling.

"Siguro... Ang nangyari sa inyo, siya ang takot mahulog at takot aminin sa sarili niya na nahulog na siya, habang ikaw, natatakot kang masaktan kaya hindi mo magawa umamin noon." 'Yun ang huli niyang sinabi bago nila ako iniwan sa cafeteria, napailing iling nalang ako at naguguluhan.

Ayoko maniwala pero hindi ko maiwasan mapangiti, nag-aalala pa rin siya sa'kin. Hindi ko mapigilan ang puso ko na 'wag maniwala sa sinabi ni marga pero kung paano... Parehas lang kami natakot?

Natatakot siyang mahulog at aminin sa sarili niya na gusto na niya ako at mahal na niya ako?

Habang ako naman natatakot umamin dahil natatakot akong masaktan.

Hindi ko na alam, naguguluhan na ako.

***

"What's your biggest regret Ms. Fabuo?" Tanong ni Ma'am sa kaklase ko, tumayo ito at ngumiti sa'min lahat.

"My biggest regret I did Ma'am was, is giving my trust to the person who made me feel I'm worthless." Sagot niya, agad naman nagbungulan ang mga kaklase ko.

"Oh sorry to heard that."

"You, Mr. Alfonso, what's your biggest regret?" Tanong naman ni Ma'am sa isa kong pang kaklase na si Nica, kinakabahan ako kapag ako ang natawag kasi nandito si Lance.

"My biggest regret Ma'am is, loving the person who can't love me back."

"Woah."

"Broken ba talaga ang lahat ngayon?"

"Grabe na sa earth ngayon."

Ilan lang 'yan sa bulungan ng mga kaklase ko, kahit ako hindi ko maintindihan kung ano'ng meron sa mga kaklase ko.

"Loving someone is not a thing, like she or he need to love you back, If you love her then, still in love with her, there's nothing wrong being in love, hindi porket mahal mo need ka rin mahalin pabalik, if you're in love then good for you." Halos lahat kami ay nagulat ng biglang tumayo si Jin.

"Very well said, Mr. Del Valle." Saad naman ni Ma'am. Nakita ko pang-umiwas nang tingin si Nica nang titigan siya ni Jin.

"You Ms... Andrade." Agad nanlaki ang mata ko ng tawagin ni Ma'am ang apelido ko, mabilis ako tumayo at deretsyong tumingin sa unahan.

"What's your biggest regret?"

"To admit to my friend that I like him and I love him." Sagot ko.

"Why?"

"Because, I lost the man I love, I lost my friend and also our friendship, para sa'kin nagsisi ako na umamin ako kasi, alam kong lalayuan niya ako kapag ginawa ko 'yun pero umamin ako, nagsisi ako dahil inuna ko ang laman ng puso ko, nawala tuloy ang pagkakaibigan namin ng gano'n kadali, for me friendships is more than Important." Ngumiti ako pagkatapos sabihin 'yun at muling umupo. Nakita ko naman ang mata ni Lance na nakatingin sa akin nang mapansin na nakatingin ako sa kanya ay umiwas siya bigla.

Nagulat naman ako nang tumayo bigla si Jin. "But, taking a risk is not a thing you should regret In fact naging matapang ka sa part na iyon, at least you try." Hindi nalang ako at umimik, kasi alam kong hindi magpapatalo ang lalaking iyon.

Natapos ang klase na puro 'yun lang ang topic namin.

Nandito ako sa labas ng gate at hinihintay si Lance, six na nang gabi pero nandito pa rin ako, desperada na akong makipagbati sa kan'ya. Kahit pagkakaibigan nalang namin ang maibalik.

"Nicole?" Agad ako napatayo ng marinig ko ang boses niya, hindi ko napansin nakatulog na pala ako.

"Lance..."

"Ano'ng ginagawa mo rito?" Tanong niya hindi ko alam kung galit ba siya. Agad ako naaligaga at hindi agad nakasagot.

"Ano, hini-"

"Gabi na sure akong hindi ka pa kumakain, ang lamig dito! Tapos uniform lang ang suot mo baka nilamok kana, gutom kana ba? Masakit ba ang likod mo? Baka nangalay ka rito, ano gusto mo kainin? Gusto mo ba uuwi na agad tayo, sa bahay ka muna namin baka may sugat ka, d'yan kapa natulog. Kulet naman eh..." Sunod-sunod niya sabi sabay suot sa'kin ng hoodie niya, hindi naman ako nakaimik at natulala lang sa kan'ya.

"Tara na kakain tayo, sure ako gutom kana." Akmang hihilahin niya ako nang pigilan ko siya.

"Lance, hindi ka galit sa akin?"

Ngumiti siya. "Hindi ko kaya magalit sa iyo, Kulet eh. Mas gusto ko pa yata magalit sa sarili ko kaysa sa iyo, kasi alam kong iiyak ka kapag nagalit ako sa iyo. Ayokong umiiyak ka."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top