Chapter 7

"Ellaine, tumahan kana." Hindi ko siya pinansin at patuloy pa rin ako sa pag-iyak, kakauwi ko lang galing sa event at umiyak lang ako nang umiyak.

"Nicole, ano ba talagang nangyari?" Tanong sa'kin ni Viva, mas umiyak lang ako lalo. Ayaw na sa'kin ni Lance, ayaw niya na ako maging kaibigan, gusto na niya lumayo kami sa isa't isa.

Bakit pa kasi ako umamin? Sana pala nag-lose a chance nalang ako.

"Ellaine... Isusumbong kita kay Tita kapag hindi ka nagsalita." Pananakot niya kaya ngumuso ako habang umiiyak pa rin.

Kapag hindi ako nagsalita baka sumama ang tingin nila Mommy kay Lance, ayoko mangyari iyon.

"Si L-Lance, ayaw na sa'kin n-ni Lance." Umiiyak kong sabi, mas naiiyak ako tuwing naalala ko 'yung mga huling salita niya sa'kin.

Hindi ko alam kung nakauwi na ba siya, asan na ba siya, ano bang nararamdaman niya ngayon? nag-aalala ako sa kan'yang dahil biglang umulan ng malakas kanina, hindi ko alam kung saan siya nagpunta pagkatapos namin nag-usap.

"Huh? Si Lance aayaw sa'yo? Imposible Nicole, magkaibigan kayo eh, simula bata pa lang kaya hindi ka noon aayawan, nagbibiro lang 'yun." Sabi niya pero umiling ako, sana nga biro lang ang lahat, sana nga nagbibiro lang siya na ayaw niya na sa'kin, sana lahat ng sinabi niya ay biro lang pero, hindi, hindi siya nagbibiro.

Mas lumakas ang hagulgol ko nang marinig ko pa ang malakas na ulan, gusto ko siya punthan sa kanila para masigurado ko lang nakauwi na siya pero, natatakot ako na baka magalit siya sa'kin pag-punta ako sa kanila.

"Ang lakas ng ulan." Sabi ni Viva kaya nilingon ko siya, nakatingin siya sa bintana ng kwarto ko, agad ako napatayo ng biglang kumulog ng malakas.

Nakauwi na ba siya? Baka nagpapaulan siya? Baka magkasakit siya?

Mabilis ako tumakbo sa storage ng kwarto ko saka kumuha ng payong doon, at tatakbong lumabas ng kwarto ko, narinig ko naman tinatawag ako ni Viva pero hindi ko na siya nilingon.

"Hoy Ellaine! Saan ka pupunta ang lakas-lakas ng ulan ano ba?!" Ramdam ko ang galit sa boses ni Viva pero wala akong pakialam doon. I-check ko lang naman kung nakauwi na si Lance eh.

"Puputahan ko lang si Lance!"

Hindi ko na siya hinintay pa na sumagot at tumakbo na ako papunta sa gate ng bahay namin at nagtatakbo hanggang sa marating ko ang street nila Lance, dahil sa unahan lang naman ng street ang bahay nila ay agad ako lumapit sa gate at sinalubong agad ako ni manong.

Basang-basa na ang suot kong damit, kahit naka payong ako ay basang-basa pa rin ako dahil sa lakas ng ulan at hangin, sumasabay pa 'yung kulog takot pa naman ako sa kulog.

"Ellaine, gabi na bakit ka pa nandito?" Tanong ni Manong sa'kin, agad naman ako sumilip sa bahay nila Lance nakapatay ang ilaw sa kwarto niya kaya kinabahan na talaga ako ng lubos.

Hindi pa ba siya umuuwi?

"Andiyan na po ba si Lance?" Tanong ko kay manong.

"Umalis po si Sir Lance." Sagot ni Manong sa'kin kaya napaawang ang bibig ko. Uuwi na naman siguro 'yun, hintayin ko nalang kaya siya rito sa labas ng bahay nila, gusto ko magkaayos agad kami.

"Ellaine, ineng umuwi kana." Utos sa'kin ni Manong pero uming ako at nanatiling nakatayo sa harap ng bahay nila.

"Umuwi kana iha." Utos ulit sa'kin ni manong pero umiling ulit ako. "Okay lang po ako Manong dito, hihintayin ko lang po si Lance." Sabi ko saka ngumiti.

Lumakad ako sa gilid ng malaking gate nila, nakita ko naman bumalik na si Manong sa guard house akala siguro uuwi na ako. Umupo ako roon sa gilid ng gate at nakatanaw sa bahay nila.

Ibinagsak ko ang payong na hawak ko saka umiyak, kasabay nang patak ng mga ulan kasabay rin nang pag-patak ng luha ko, ang bata ko pa pero nasasaktan na ako nang ganito, ang hirap naman kasi.

Kaibigan ko ang nawala sa'kin, hindi lang basta kaibigan sa'kin si Lance, siya din ang taong gusto ko. Sa isip ko ang gusto ko nalang mangyari ay kahit hindi niya rin ako mahalin pabalik basta magkaibigan pa rin kami.

Ito na nga 'yung kinakatakot ko eh, na pag-umamin ako sa kan'ya ay layuan niya ako, ayaw na niya sa'kin.

Tumayo ako sa pagkakaupo at niyakap ang sarili at mas dinama ang ulan pumikit ako nang mariin at dinama lalo ang ulan, gusto ko nalang umiyak, umiyak nang umiyak, ang sakit kasi talaga ng puso ko eh, hindi ko akalain mas masakit pa 'to kaysa makita siyang masaya kasama ang taong gusto niya. Hindi ko akalain mararamdaman ko ang ganitong sakit sa puso, ganito ba sadya kasakit magmahal? Totoo pala 'yung sabi nila, wala sa edad 'yan kung masasaktan ka, masasaktan ka talaga.

Agad nangunot ang noo ko dahil wala na akong nararamdaman na patak ng ulan sa katawan ko, marahan akong dumilat gano'n nalang agad nanlaki ng makita ko si Lance na nakatayo sa harap ko habang hawak ang payong.

"L-Lance..." Utal kong tawag, nahihirapan na ako umimik dahil sa pag-iyak ko, pati nilalamig na talaga ako. Paga na rin ang mata ko.

"Sinabing umuwi ka na, 'di ba?!" Sigaw niya kaya nagulat ako at natakot, mas naiyak ako nang makita ko ang mata niya, makikita mo roon ang inis at galit, sunod-sunod lumuha ang mata ko muki dahil sa paraan nang tingin niya, never niya ako tinitigan nang ganito, never niya ako sinigawan, never siya nagalit sa'kin.

Hindi kailanman ako sinigawan ni Lance...

"L-Lance naman..." 'Yun lang ang lumabas sa bibig ko at nagsimula na ako humibik ng sunod-sunod, para akong hahapuin dahil sa pag-iyak ko.

Malakas na kumulog kaya mariin ako napapikit, takot ako sa kulog pero naglakas loob pa rin ako lumabas para puntahan siya.

Mas naiyak ako nang maramdaman na kong may yumakap sa'kin, sunod-sunod na hibik ang lumabas sa bibig ko nang humigpit ang yakap niya, agad naman din ako yumakap pabalik sa kan'ya at mas umiyak lalo.

Mayayakap ko pa rin pa ba siya sa susunod? Ayaw na niya sa'kin, ayaw niya na ako makasama at makita, ayaw na niya na akong maging kaibigan at higit sa lahat, ayaw na niya ako maging parte ng buhay niya dahil kanina pinaalis na niya ako ng tuluyan sa buhay niya.

Umiyak pa ako lalo ng maalala ko kung paano niya ako iniwan kanina sa field, mas idiniin ko ang yakap ko sa kanya at tuloy-tuloy humibik parang bata.

"Tahan na... Kulet, tahan na 'wag kana umiyak, nasasaktan ako... Tara na sa loob, dito kana matulog tatawagan ko nalang sila Tita tahan na, Kulet..." Pagpapatahan niya sa'kin pero mas naiyak lang ako ng lubos.

Tinawag niya na ulit akong Kulet...

Binitawan niya ang hawak na payong saka yumuko nang kaunti at inabot ang dalawa kong hita, marahan niya akong binuhat kaya niyakap ko naman ang mga braso ko sa leeg niya at siniksik ang ulo ko roon.

Nagsimula na siyang maglakad papunta sa gate ng bahay nila.

"Manong pasuyo naman, pumunta po kayo roon sa bahay nila Nicole, pasabi rito muna siya matutulog." Utos niya kay Manong bago nagpatuloy sa paglalakad papasok ng bahay nila.

Hindi naman gano'n kalayo ang bahay namin dito pero, sigurado akong papagalitan ako ng magulang ko at alam ni Lance 'yun kaya alam ko ba't hindi niya ako pinauwi agad, sa tagal na namin magkaibigan ay malaki na ang tiwala sa kaniya ng magulang ko, kahit nga yata sa kanila ako matulog ng isang linggo walang problema kay Mommy at Daddy.

Humihibik pa rin ako sa leeg niya habang nakahiling ang ulo sa balikat niya, hindi ko mapigilan ang humibit para akong hinahapo.

Pagkapasok namin sa bahay nila ay agad sa'min sumalubong ang kasambahay nila.

"Manang, pahingi po akong bagong towel, paki dala nalang po sa kwarto ko." Utos niya at nagpatuloy na muli sa paglalakad hanggang sa makarating kami sa kwarto niya, inilapag niya ako sa kama niya bago yumuko sa harap ko.

Ang sakit na ng mata ko at ngayon ko lang naramdaman 'yung sakit, ang ilong ko rin masakit na sa kakasinghot.

Tinagtag niya ang sapatos ko saka tumingala nang tingin sa'kin.
Umangat ang isang kamay niya at hinaplos ang pisngi ko.

"Maligo ka muna, basang-basa kana lalagnatin ka niyan." Utos niya, marahan naman akong tumungo at tumayo mula sa pagkakaupo ag naglakad papunta sa bathroom ng kwarto niya.

Nang makarating ako roon ay agad ko hinubad ang suot na damit at naligo.

Pagkatapos ko maligo ay sinuot ko muna ang roba na nakita ko sa banyo niya saka lumabas. Nakita ko naman siya nakaupo sa kama niya mukhang hinihintay ako, napansin ko rin na bago na ang cover ng kama niya, siguro dahil nabasa ko ng umupo ako roon.

Nang mag-angat siya nang tingin sa'kin ay sumenyas siya na lumapit ako agad ko naman ginawa. Kinuha niya ang nakatuping damit sa tabi niya at inabot sa'kin.

"Magdamit kana, lalamigin ka." Utos niya at kinuha ko naman ang damit na inabot niya at naglakad muli pabalik sa banyo.

Simpleng oversize brown v-neck t-shirt lang 'yun, at isang jogging pants na malaki, sobrang luwag sa'kin pero ayos na. May underwear din na kasama at bago pa.

Pagkatapos ko magbihis ay lumabas ako ng banyo at nakita ko ulit siya nakaupo sa kama, gaya ng kanina ay sumenyas siyang lumapit ako sa kan'ya at pinaupo ako sa tabi niya.

Tumayo siya sa pagkakaupo sa kama at doon ko lang napansin na ligo na rin siya.

Bumalik siya na may dalawang puting towel at naupo sa tabi ko, bawat galaw niya ay pinapanood ko lang.

Hindi ko akalain na pupunasan niya ang buhok ko kaya nanlaki ang mata ko. Pagkatapos niya punasana ng buhok ko ay tumayo siya muli at sinampay ang towel.

"Tulog na tayo." Yaya niya tungo lang ang sinagot ko at marahan nahiga sa kama niya gano'n din naman siya. Pantatlong beses ko na yata ito natulog katabi siya. Pero ito ang unang beses na kaming dalawa lang.

Nahiga na ako at pinikit na ang mata, naramdaman ko naman na yumakap siya sa'kin saka may binulong.

"I'm so sorry Kulet..." Hindi ko na naring ang iba dahil kinain na ako ng antok, maya-maya lang ay naramdaman kong kumalas ang yakap niya sa bewang ko gusto ko man imulat ang mata ko pero hindi ko magawa dahil sa sobrang pagod ko na rin talaga.

Ang gusto ko nalang mangyari ay sana hindi na ako magising.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top