Chapter 6

"Kalma teh." Sabi sa'kin ni Dwin pero hindi ko siya pinansin, kinakabahan kasi talaga ako malapit na ako mag-perform at ito rin ang araw na napili ko para umamin kay Lance. Natatakot ako sa magiging reaction niya pero, gusto ko na talaga umamin,  I don't know anong pumasok sa utak ko nang maisipan kong umamin na rin ngayon, I think kung aamin ako mawawala feelings ko para sa kanya, sana nga ganoon ang mangyari.

"Oo nga naman Nicole, tsaka 'wag ka kabahan, kakanta ka lang at aamin ka sa kan'ya, kilala ka ni Lance kaya sure akong maiintindihan ka rin niya." Sabat naman ni Marga tumungo nalang ako. Maya-maya lang ay nagpaalam na 'yung dalawa na aalis na sila at magsi-sibalik sa tabi ng boyfriend nila.

Sana all nalang talaga.

"Good evening ladies and gentlemen! Our event will be start right now, please stay quite everyone, for the opening program our SSG President! Ellaine Nicole Andrade will perform to our stage, let's welcome Our SSG President Miss Ellaine Nicole Andrade!" Sigaw ng host ng event kahit kinakabahan ay pinilit ko kumalma bago marahan naglakad papunta stage.

Sunod-sunod naman ang narinig kong tawag sa pangalan ko pati ang palakpak ay sumasabay sa sigaw.

"Hi, good evening, first of all thank you for everyone who helped us para lang matuloy ang event na ito, to our Principal Mr. Salazar, and to our teachers, also to our parents who supports our candidates for today, I hope all of you enjoy this event tonight." Ngumiti ako at tumayo nang maayos. "Sa matagal ng student sa school na ito, halos taon taon na po ako kumakanta sa mga event and very thankful ako dahil hindi po kayo nagsasawa, and to start this song I would like to say that I dedicated this song to the man who made me happy and special to the man who always being there and support me for everything and lastly to the man who I lost the most since we're young..." Kahit nahihiya ngumiti ako pagkatapos sabihin 'yun, sunod-sunod ko na naman ulit narinig ang sigawan nila. Maraming bulungan lalo sa sinabi ko.

"Kaibigan." Mabilis ko hinawakan ang mic saka nilingon ang gawi nila Marga, nakita ko sila Marga na pumapalak pero kay Lance nakatuon ang paningin ko, malaki itong nakangiti sa'kin habang sinisigaw ang pangalan ko.

Hindi ko alam kung paano ipapaliwanag ang nararamdaman
Kapag kasama ka ay tumatalon-talon ang puso ko sa tuwa, hindi ka mawala-wala sa isip ko, sinta

Madalas ay tanaw-tanaw ka, kahit gano'n ay alam kong mahal ka ng puso ko... Hindi man ako ang iyong gusto

Simula nang makita ka ay alam kong ikaw na oh, ikaw na ang kaibigan gusto ko ibigin ng buong-buo

Isipin man nilang mali dahil bata pa lang ay may pagtingin na sa iyo ngunit kahit kailanman ay hindi itatanggi na ikaw, at ikaw lang talaga ang hinahanap-hanap ng mata ko sa tuwing nasasaktan ikaw ang gusto kasama ko, oh...

Kay hirap lang... isipin, na kaibigan lang ako, kaibigan lang ako para sa'yo... Kaibigan lang ba talaga? Kay sakit isipin na may iba kang gusto, kaibigan lang ako habang siya ay ang babaeng hinahangad mo

Oh.. oh.. oh...

Kinakabahan, natatakot, litong-lito, gustong-gusto umamin ng puso ko, kahit na magkaibigan lang ay mahal kita... Kaibigan, mahal kita... Nahulog na nga sa kaibigan, simula noong una pa lamang.

Titig na titig lang ako sa kan'ya pero, ang ngiti niya ay nawala habang nakatingin sa'kin, tulala siya habang wala ngiti sa mga labi.

I don't know, hindi ko alam pero gusto ko na huminto sa pagtugtog. Lalo na alam kong alam niya na, alam niya na siya ang tinutukoy ko sa kan'ya.

Siguro sa ngayon ay hanggang kaibigan lang talaga ako...

Kahit na matakot, hindi ako mapapagod dahil alam kong ikaw ang gusto ng puso ko.

Mabilis ko nalang tinapos ang pagkanta, pagkatapos ng kanta ay dali-dali akong bumaba ng stage ng makita ko siyang umalis sa mga audience.

"Lance!" Sigaw kong tawag sa kan'ya habang hinahabol siya pero hindi niya ako nililingon, kaya mas binilisan ko ang takbo ko, hanggang sa maabutan ko siya sa gitna ng soccer field.

"Lance..." Mangiyak-ngiyak kong tawag sa pangalan niya. "I'm sorry, hindi ko sinadyang mahulog sa'yo... alam ko na kaibigan mo lang ako, bestfriend mo lang talaga pero, hindi naman siguro masamang minahal kita, 'di ba?" Naiiyak ang boses ko sabi sa kan'ya, hindi siya umimik, bagkus pinagsisipa niya ang lupa kaya bahagya ako lumayo sa kanya.

"Lanc—"

"Kulet... Bakit? Bakit ako?" Natigilan ako, bakit siya? Bakit nga ba siya?

"B-Bakit mo tinatanong sa'kin 'yan?"

"Bakit? Ellaine nakakatanga ka eh. Alam mong si Marga marga ang gusto ko matagal na, alam mong si Marga pa rin ang gusto ko ngayon kahit boyfriend na niya si Kobi, alam mo rin kung gaano ko siya kagusto, Ellaine pero, nagpaka-anga ka para sa'kin, bakit?" Mahaba niyang sabi, napailing naman ako.

Nasasaktan ako, dahil hindi niya ako tinatawag sa pangalan na Ellaine pero ngayon...

"Lance hindi, hindi pagkatanga ang pagmamahal sa'yo, anong masama sa ma—"

"Hindi Ellaine, masyado ka naging tanga para sa akin o ako ang naging tanga! Hinahayaan mo 'ko magkwento sa'yo kung gaano ko kagusto si Marga, hinahayaan mo lahat ang gusto ko, hinahayaan mo 'ko sumaya habang ikaw... Nasasaktan ka, alam ko 'yun, nasasaktan ka sa tuwing nagkwekwento ako sa'yo tungkol kay Marga, nasasaktan ka sa tuwing magkasama tayo siya ang topic, nasasaktan ka dahil mahal mo 'ko, tama ba ako?" Hindi agad ako nakasagot at napatingin sa mga mata niya ng deretsyo, namamasa-masa na rin ang mga mata niya, hindi ko na napigilan ang umiyak saka marahan tumungo. "Akala ko... Mali nakikita ko sa mata mo tuwing tinititigan kita, kasi nakikita ko, Ellaine. Nasasaktan ka..."

"Alam kong tanga rin naman ako kay Marga eh pero, ayokong pati ikaw Ellaine, mahal kita eh, mahal na mahal kita dahil kaibigan kita, bestfriend kita, sobrang halaga mo sa'kin, dahil simula bata ako nand'yan kana sa tabi ko kaya ayaw kita masaktan pero, ngayon. Ngayon alam ko na gusto mo 'ko, na mahal mo 'ko higit sa pagkakaibigan, na nasasaktan ka lagi sa tuwing kasama kita pero si Marga ang nasa isip ko, Ellaine..."

Titig na titig lang ako sa kanya saka pigil ang paghibik, nasasaktan ako, durog na durog ang puso ko, hindi ko akalain ng dahil sa simpleng pag-amin ko ay mapupunta kami sa gantong punto.

"Kailan pa?" Tanong niya.

"Matagal na, sobrang tagal na Lance simula bata tayo gusto na kita, nung nag-high school tayo hindi ko naman akalain mamahalin na kita eh... Kaso natatakot ako umamin, natatakot akong masaktan, pero, hindi ko naman alam na palihim pa rin pala ako masasaktan... sa tuwing topic mo si Marga sa pagitan natin dalawa, 'yung... Tipong ako 'yung nasa tabi mo nang oras na 'yun pero, si Marga ang bukang bibig mo. Wala akong galit kay Marga ha, hindi naman kasi niya kasalanan kung siya ang gusto mo tsaka, mabait kong kaibigan si Marga pero..." Pinutol ko ang sa sasabihin saka pinahid ang luha sa mata ko.

"Pero Lance... Hindi ko maiwasan masaktan... Kasi hanggang kaibigan lang talaga ako sa'yo. I love you more than friends, but you love me just a friend." Sabi ko habang patuloy sa pag-tulo ang luha ko.

"Pero Ellaine, hindi kita mahal na higit pa sa pagkakaibigan, mahal lang kita bilang kaibigan ko."

"I-I know..." Kahit nahihirapan ay pinilit kong ngumiti. "I-I know you love me just a friend but, my heart, my heart keep saying to me, I love you more than, friends and that's hurts me a lot..."

Walang umimik sa'min pagkatapos ko sabihin 'yun, nakatitig lang kami sa isa't isa, nagulat ako ng hapitin niya ako ng mahigpit pa lapit sa kan'ya.

"Can I have a request?" Tanong niya, marahan naman akong tumungo.

"Can you please stop loving me?" Emosyonal ang boses niyang tanong sa'kin, hindi naman agad ako nakaimik at mas lumakas ang iyak ko.

"W-Why? I can't Lance, sorry..."

Bumuntonghininga siya saka pinaghiwalay ang yakap namin sa isa't isa, nakatayo kami sa harap ng isa't isa titig na titig, alam kong gusto na niya umiyak pero hindi niya magawa, alam kong nasasaktan din siya.

Dahil kilalang, kilala ko siya.

"Can I hug you... For the last time?" Ano'ng ibig sabihin niya? Anong for the last time?! Hindi pa ako nakakasagot ng higitin niya na muli ako sa kanya at yakapin ng mahigpit, mahigpit na mahigpit, hindi ko pa naramdaman ang gano'n na yakap niya noon.

"I'm so sorry kung nasaktan kita noon Ellaine, please stop loving me, and this is the last time we will hug each other, this is the last time for our friendship, I can't lost you and the friendship we have but, If we continue our friendship, mas nasasaktan kita." Pagkatapos niya sabihin 'yun ay humiwalay na siya ng yakap sa'kin at binigyan ako ng halik sa noo ko bago tumalikod at naglakad palayo sa'kin.

And that day, I regret everything, because that night, I lost the man I love the most, I lost him, I lost my Lance, I lost my bestfriend...

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top