Chapter 5

"Si Marga?" Tanong ko kay Dwin na kasama si Arnold, sa lumipas na ilan buwan ay hindi na ako nagtaka dahil simula nang umalis si Kobi noon madalas na namin kasama si Arnold.

"Baka sinusundan na naman si Kobi." Sagot niya bago kinuha ang inorder na pizza, napailing nalang ako.

Mag-iilang buwan pa lang simula nang bumalik si Kobi dito pero lagi na nakabuntot si Marga. Hanga rin ako sa kanya eh, showy siya sa feelings niya and kahit ilang rejection na yata natanggap niya hindi siya sumusuko. Unlike me na mag-confess man lang ay hindi na magawa, ma-reject pa kaya.

"Tingin niyo may pag-asa si Marga kay Kobi? I mean pare-prehas natin alam na simula't sapul si Fritz ang gusto niya bago pa natin makilala si Marga syempre ayaw ko lang siya masaktan." Sabi ko saka sabay silang nilingon hindi naman agad naka-imik si Dwin habang si Arnold naman ay nakangisi lang na parang may something.

"Yes, malaki ang chance ni Marga kasi nung mga nagdaan araw kinakausap ako ni Kobi naguguluhan daw siya sa nararamdaman niya eh bagong kilala lang naman daw niya si Marga at kakamove-on niya lang kay Fritz." Kwento ni Arnold natigilan kami ni Dwin sa sinabi niya,

"You mean may feelings na rin nabubuo?" Tanong ko mabilis naman siyang tumungo.

"Nako sobrang tuwa ng babaitang 'yon kapag binalita ko sa kan'ya 'to." Masiglang sabi ni Dwin saka tumawa natawa na rin ako, na-iimagine ko pa lang si Marga grabe na agad ang tawa ko.

"'Wag mong sabihin Dwin, hayaan natin si Marga ang makaalam, feeling ko naman ilang linggo or araw nalang masisigurado na ni Kobi ang nararamdaman niya." Sabi naman ni Arnold, tumungo ako bilang pagsang-ayon sa sinabi niya.

"Eh kayo? Kailan kayo aamin ha?" Nang-aasar ko naman silang tignan parehas lang sila nag-iwas nang tingin kaya natawa nalang ako.

***

One week na ang lumipas at tahimik lang ako naglalakad papunta sa faculty may iuutos daw kasi sa'kin si Ma'am kaya bilang president ng school kailangan kong sunduin lahat ng iuutos nila. Super hell week din namin ngayon dahil submission ng Chapter 2 namin sa Research namij sa English, baby research pa lang daw talaga ito or thesis pero ang hirap talaga. Ang hirap humanap ng RRL kapag unique ang napili mong topic, since it's our first time to make a research paper wala akong alam masyado.

Napalingon ako sa canteen agad naman nakita ng mata ko ang apat, si Marga, Dwin, Arnold, and Kobi. Hindi ko alam kung ano'ng nangyari pero ang bilis halos dalawang araw na rin ang lumipas at sila na as in wow nalang sa kanila.

Napangiwi naman ako dahil sa isip-isip, ako kaya? Kailan ako magugustohan at mamahalin ng taong gusto ko? Mahirap kasi masyado ang sitwasyon ko dalawa ang pwedeng mawala sa'kin kung sakaling umamin ako.

Ang friendships namin at pati na rin siya.

Nailing nalang ako ng dahil sa iniisip agad ko naman kinatok ang pinto ng faculty bago ako pumasok.

"Good afternoon Ma'am and Sir." Bati ko sa kanila ngumiti lang naman sa'kin ang mga teachers kaya nagderetsyo na ako nang paglalakad hanggang sa makarating ako sa table ni Ma'am ang teacher ng buong grade ten sa math.

"Ma'am, ano po iiutos niyo?" Tanong ko agad saka umupo sa upuan na nasa harap lang malaking ngumiti sa'kin si Ma'am saka inabot sa'kin ang gree envelope.

"Nasa loob niyan ang list ng mga bata na gusto ko tulungan mo, I mean Nicole, matalino ka at president ka ng school gusto ko sana tulungan mo 'ko maghanap ng mga student na willing maging tutor ng mga batang 'yan na nahihirapan sa math." Paliwanag naman agad naman ako tumungon saka ngumiti sa'kanya. "No problem Ma'am, 'yun lang po ba iuutos niyo?"

"Actually pinapunta rin kita rito para sana alukin ka ulit na mag-performe sa Elegant pageant natin alam mo na naman siguro 'yon." Lihim nalang ako napangwi halos taon-taon naman ako ang pinag-performe nila para kumanta bilang opening ng elegant pageant. I mean, hindi ba sila nagsasawa sa boses ko?

Ang elegant pageant ay ginawa ng school para sa mga babaeng at lalaki masyado mahiyain at hindi nag-aayos ng sarili, what I mean is sa pageant na 'yon ay gusto ipakita ng paaralan namin na walang tao na walang talento, doon ipapakita ang totoong ganda at gwapo ng mga mahihiyain na student sa school. "Sige po, Ma'am no problem, by the way anong kanta po ang kakantahin ko?"

"Mr. Diego request na ikaw na raw ang bahala sa kantang kakantahin mo, na sa'yo raw kung sariling kanta mo or kahit anong kanta na favorite mo." Sagot ni Ma'am kaya napatungo nalang ako, kanta ko? Marami na akong ginawang kanta pero hindi ko pinaririnig 'yon sa iba dahil nahihiya ako.

"Okay po Ma'am, alis na po ako." Paalam ko malaking ngiti lang ang isinagot niya sa'kin tumayo na ako saka dali-daling naglakad palabas ng faculty.

Ano naman kakantahin ko? Ayoko kumanta ng ibang kanta tsaka ang favorite kong kanta ay chinese and korean song alangan naman 'yon ang kantahin ko?!

Natigil ako sa paglalakad ng maalala ko ang green na envelope hayst! Kakamot ulo akong umikot ulit saka nagsimula muli maglakad papuntang faculty.

Ewan ko rin pero sa halos dalawang taon na ako naging president ng school na 'to nakakapagod din paglalakad pa lang sa buong school.

"Oy Lance!" Bati ko ng makasalubong ko siya kunot noo ko naman tinignan ang green envelope na inabot niya.

"Kinuha mo?"

"Hindi, pinaabot sa'kin ni Ma'am naiwan mo raw." Agad ko naman kinuha sa kan'ya ang envelope.

"Thank you, saan ka ngayon? Tapos na ba ang training?" Tanong ko, tumungo naman siya.

"Kumain kana ba?"

Umiling agad ako.

"Nagpapagutom ka naman kulet ha, tara sa cafeteria." Yaya niya saka ako inakbayan napangiti naman ako namiss ko 'yung ganto masyado kasi siya naging busy sa Volleyball kaya wala akong gawa kundi ang maghintay nalang sa pangungulit niya.

"Libre mo 'ko ha."

"Kulet nauubos na pera ko sa'yo." Reklamo niya kaya mabilis ko inalis ang pagkakaakbay ng braso niya sa balikat ko agad naman niya binalik 'yon saka ako hinapit pa palapit sa kanya.

"Sige na, libre na kita, nako talaga." Tumawa nalang ako saka kinurot ang tagiliran niya nang makarating sa cafeteria ay agad ako umupo sa madalas namin upuan wala na sila Marga siguro nasa classroom or music room ang nga 'yon.

Agad naman nagtungo sa unahan si Lance para umorder alam na niya ang favorite kong lasagna at strawberry ice cream kaya hindi kona kailangan sabihin pa sa kan'ya.

Mabilis din siya nakabalik dala-dala ang pagkain agad niya nilapag sa harap ko ang strawberry ice cream saka Lasagna, umupo naman siya sa harap ko saka nilapag ang inorder niyang cheesecake at chocolate juice na favorite niya din.

"Kakanta ka raw ulit sa elegant pageant, anong kakantahin mo?" Tanong niya habang kumakain kami natigilan naman ako sa pag-subo saka nilingon siya at nakipagtitigan.

Kung kanina hindi ko alam ang kakantahin ko, ngayon alam kona at ready na ako harapin ang kakalabasan ng kakantahin ko.

"Secret muna." Saka ngumiti nang malaki sa kaniya.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top