Chapter 3
Nakaka-stress 'tong araw na ito!
Pagod akong naupo sa upuan ko sa loob ng SSGO office para sa mga officer ng school ito, kakatapos ko lang libutin ang buong venue kung saan magaganap ang FWP, welcome party para sa mga new teachers, student, at para makilala na rin ang isa't isa ng magkakaklase kasi hindi puro kain, kanta, performance, at sayaw ang magaganap meron din na simpleng meet to each other ang mga transfer ipapakilala rin ang mga officer ng bawat organization ng school.
Ipinikit ko ang mata ko saka Isinandal ang likod ko sa inuupuan, ang sakit ng noo, likod, at paa ko. Pahinga lang nang kaunti dahil kasama pa ako ni Ms. Lezel sa pag-check ulit mamaya kung okay na ang lahat para bukas.
Napadilat ako nang marinig kong bumukas ang pinto agad nangunot ang noo ko ng masayang pumasok si Lance at Marga. Ba't sila magkasama? Sabay, lagi naman.
"Kulet, anong want mo?" Biglang tanong agad sa akin ni Lance.
Nilingon ko si Marga na kinintadan ako napairap naman ako nang lihim dahil alam kong inaasar niya ako.
"Ice cream strawberry tsaka strawberry juice, str-"
"Hoy kulet ang dami!" Reklamo niya agad, napairap naman ulit ako lagi nalang siya nagreklamo sunod naman nang sunod sa gusto ko.
"Edi 'wag!" Kunwari nagtatampo ako pero alam ko naman na hindi niya ako matitiis. "Joke lang sige, strawberry ice cream, juice, milkshake, tsaka milktea. Okay noted, Lods!" Inakbayan pa ako nito alam mo 'yung feeling na dapat sanay na ako kasi madalas naman niya gawin sa'kin 'yun simula bata pa kami.
Pero hindi kasi mawala 'yung kilig lalo't na may lihim akong pag-tingin para sa kan'ya. Ikaw kaya akbayan ng taong gusto mo? Hindi ka kikiligin?!
Nagpaalam na sila na aalis na sila, sumandal nalang ulit ako sa upuan saka pumikit pero wala pa atang isang minuto akong nakasandal ay bumukas na agad ang pinto.
"Oh, Kobi." Napaupo ako nang maayos nang pumasok siya. Walang sabi-sabi siyang humila ng upuan saka umupo roon. Bossy.
"Do you stilll like Lance?"
Nanlaki ang mata ko sa bigla niyang tanong, ano bang ginagawa ng lalaking 'to rito? Pinuntahan niya lang ba ako para tanungin noon? Parang gusto ko nalang siya paalis, god.
Magkaibigan kami nung bata pa kami pero hindi namin pinapahalata sa tao lalo na nung nag-highschool kami.
Sa totoo lang trio kaming tatlo nila Kobi, Lance, at ako. Si Arnold bukod na kaibigan ni kobi pero nagkakausap din kami kahit papaano.
Halos four years din simula nang huli kami mag-usap, tapos ngayon kakausapin niya ako para itanong 'yon.
"Ano bang ginagawa mo rito ha?" Tanong ko at hindi pinansin ang sinabi niya ngumisi naman siya saka tumayo sa pagkakaupo.
"Sa nakikita ko, gusto ni Lance si Marga na may gusto sa'kin, tapos ikaw may gusto ka pa rin kay Lance, bakit hindi ka umamin, cole?"
Umirap ako saka tumayo sa pagkakaupo ko. "Kobi ano bang pakialam mo? Ilang taon tayo hindi nag-usap tapos ngayon kakausapin mo ako at tatanungin kung gusto ko pa rin si Lance." Hindi maka-paniwala kong sabi.
"Ano bang gusto mo mangyari?" Tanong ko nang hindi siya umimik.
"Layuan ni Lance si Marga marga, my feelings for her is going deeper and I know maybe next time is not just like a crush."
Umawang ang bibig ko, ibig sabihin tama ang sinabi sa'kin ni Arnold? May something na. "Gusto ko si Lance pero, hindi ko gusto sirain ang friendship namin."
"Palayuin mo siya 'yun lang, Marga is mine. Alam kong susunod sa'yo ang lalaking iyon dahil kahit baliktarin pa natin ang mundo, Cole. Mas mahalaga ka for him, believe me, besides I want to pursue, Margaret." Nakita ko kung paano umano ang panga niya habang sinasabi ang mga salitang 'yon. Ngayon ko lang nakita maging possessive si Kobi.
"Hindi ko kailangan palayuin si Lance, alam niya ang lugar niya alam niyang ikaw ang gusto ni Marga at walang siyang pag-asa." Parang ako walang pag-asa.
"Good. See next time, Cole let's have a simple dinner next time. We're still a friends after all." 'Yun lang ang sinabi niya saka naglakad papunta sa pinto nang bumukas ito at pumasok si Lance na may dalang dalawang plastic.
Hala! Bakit ang dami naman nitong binili?!
"Good afternoon, Bro." Bati niya kay Kobi saka dumeretsyo sa harap ko at inilapag ang plastic bag nilingon ko naman ang pinto na kakasara lang.
"Oh kumain kana, 'wag ka magpagutom, ito ang isang kahon juice para may stock ka, tatlong ice cream na nasa cup, isang milktea at dalawang milkshake, ito naman strawberry jam sandwich." Sabi nito habang nilalapag ang mga inumin at pagkain sa lamesa napaawang ang bibig ko habang nakatingin sa mga 'yon, strawberry flavor lahat 'yon dahil favorite ko talaga ang strawberry pero— ang dami!
"Lance naman ang dami! Baka naubos ang pera mo!" Hindi ko maintidihan ang sarili ko, maiinis ba ako or natutuwa.
"Don't worry may pera pa ako tsaka ayoko malungkot ka kaya bumili ako nang marami." Ginulo nito ang buhok ko saka hinawakan ang parehas kong balikat bago ako inupo sa upuan ko at binuksan ang isang ice cream tinusok naman niya ng straw ang isang milkshake, tska ang milktea binuksan naman din niya ang strawberry jam sandwich.
Hinila naman niya ang isang upuan sa tabi ko saka tinusok ang isang milktea na nasa plastick bag pa, chocolate flavor 'yon.
"Thank you." 'Yun nalang ang na sabi ko saka nagsimula inumin at kainin ang pagkain, kinikilig ako na hindi ko malaman dahilan. Princess treatment ba ito pero as a friend? Funny huh?
"Pagod ka?"
"Yeah, ang sakit na ng likod, paa, at noo ko." Sagot habang sumubo ng ice cream. "May gagawin kapa pagkatapos mo rito?" Tanong niya ulit, sunod-sunod naman ako tumungo saka ibinaba ang spoon na hawak. "I-check pa namin ni Ms. Lezel ang venue tapos ang mga pagkain para bukas."
"Ah gano'n."
Kumunot ang noo ko.
"Bakit?"
"Kulet, may partner kana?" Tanong niya, umiling lang ako, wala akong balak sumali bukas dahil kailangan ko magbantay at kasama ako nang mga officer kaya for sure hindi rin ako makakasali sa party.
"Pwede ako nalang?" Tanong niya saka itinikom ang bibig 'di naman agad ako sumagot. Paano ko siya magiging partner eh wala naman akong balak sumali.
"Wala akong balak sumali pero, pwede kang sumama sa'kin kasama 'yung mga officer kung gusto mo lang or sila Daniella or si Joyce pwede mo sila gawin partner sa pagkakaalam ko kasi sasali sila." Suggest ko.
"Hmm... 'Di nalang din ako sasali sa party, sama nalang ako sa inyong mga officer sa pagbabantay at pag-aayos, kung okay lang?"
"Sure."
Pagkatapos ko maubos 'yung pagkain ay itinabi ko sa ref ang natirang Milkshake at ice cream, itinago ko naman, sa cabinet ko naman nilagay ang natirang juice na binili niya. Hinatid niya rin ako hanggang sa makarating sa faculty saka nagpaalam na babalik muna sa volleyball court maglalaro lang daw siya i-text or i-chat ko nalang daw siya kung saan niya ako susunduin. Sunod-sunod din talaga ang araw ng training nila.
Pupunta kasi kami sa kanila roon ako mag-di-dinner dahil birthday ng bunso niyang kapatid at gusto ng mama at papa niya simple lang ang party.
Pagkatapos namin malibot ni Ms. Lezel ang buong venue ay kinuha ko lang ang bag ko sa SSGO saka kinuha ang cellphone ko habang naglalakad ay i-text ko si lance.
Ako:
Asan ka?
Itinago ko muna ang cellphone sa bag saka nagpatuloy maglakad hanggang sa makarating sa parking lot, malayo palang ay tanaw ko na si Kobi at marga mukhang kinukulit na naman ni Marga na isabay siya.
Pero bigla lumingon ang mata ko sa hallway ng senior high building, nakatayo sa malayo si Lance habang nakatanaw kay marga. Mapait lang ako napangiti.
'Yung nasasaktan siyang nakatanaw kay Marga habang ako nadudurog na naman.
Mabilis ko kinuha ang cellphone ko saka nagtipa.
Ako:
'Wag mo na ako sunduin, susunod nalang ako sa bahay niyo.
Pagka-sent ko no'n ay mabilis ko pinahid ang luha na tumulo sa mata ko saka nag-patuloy sa paglalakad papunta sa exit. Anong gagawin ko? Kaibigan lang ako habang iyon ay gusto niya...
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top