Chapter 10
"Shit naman oh!" Sigaw ni Marga kahit ako naiinis na sa laro, wala akong alam sa laro pero alam kong matatalo sila Lance, pang 3 set na 'to bali kung matalo ang school namin mamayang hapon na ulit sila at kapag natalo ulit mamayang hapon no more na. Kapag natalo kasi ng straight two automatic talo na.
"Daya talaga down to the line 'yun eh! Bulag ata 'yung nagbabantay." Reklamo ni Marga, panalo sila Marga sa game nila kaya nandito sila Volleyball boys nanonood, nagtataka ako dahil imbes sa mga boyfriend nila sila manood ay sa Volleyball boys sila nanonood.
"Kaya nga putek naman, 'yung kabila nag-double tapos hindi napansin!" Reklamo ni Dwin, ano naman 'yung double? Wala talaga akong alam sa mga sports.
"Tapos kanina step-in 'yung isang nag-serve hindi napansin, atin na dapat 'yung bola kung gano'n." Reklamo ulit nila. "Sampo ang lamang ng kalaban at lima nalang ay panalo na sila, hindi pwedeng first game ay talo na agad tayo." Sabi ni Dwin sabagay tama siya, hindi pa natatalo ang team ng school namin sa mga ganto.
"Hoy Lance!" Sigaw na tawag ni Marga, agad naman itong humarap sa gawi namin at nagpaalam kay Coach, time-out sila kaya may 3 minutes para mag-meeting.
"Bakit?"
"Gago ganito, pag-set-tin mo si John, tapos kapag si Xanthos ang nasa pwesto sa gitna, sa likod ka niya. Kapag nag-serve ang kalaban saka ka tumakbo sa position mo, agawin muna kung maaari, angkinin muna ang bola para maipalipad sa kabila uso sumigaw ng mine! Gago matatalo kayo kapag hindi niyo inayos, basta kahit iba ang setter position mag-set si John tapos paluin mo, 'yung tiknik natin, pakaliwa o kanan pero control ang mahalaga. Ipakita mo na lalabas ng line pero hindi para hindi na nila habulin." Turo ni Marga sa kan'ya pero wala ako masyadong naintindihan, tumungo naman si Lance sa lahat ng sinabi niya at muling bumalik sa mga kasama.
"Kaya ni Lance 'yan, sabog lang talaga siya." Umiiling na sabi ni Dwin nag-agree naman si Marga sa sinabi niya. "Kiss mo kaya Ellaine."
"Gago kayo."
"Grabe, bakit ang yaman tignan kapag si ellaine ang nagmura?!" Natawa nalang ako sa sinabi ni Marga saka binalik ang tingin sa court.
Maingay na ang buong court at nasa kabilang team ang bola.
Pagka pito ay agad serve ng kabila 'yung bola gano'n nalang ang tuwa ko na naging alerto ang team namin, lalo na si Lance mukhang sinunod niya ang gusto ni Marga.
"John set!"
"Mine!"
"Palo ken!"
"Mine!"
"Set!"
"Wait ang baba, tira!"
Ilan lang 'yan sa naririnig ko. And sa huli kami pa rin ang nanalo.
"Gago sabi sa'yo!" Natawa nalang ako sa kinikilos ni Marga kung alugin kasi niya si Kobi sa sobrang gigil.
"Stop it, Babe." Suway ni Kobi sa girlfriend niya, agad naman sumimangot si Marga at nagpatuloy sa pagkain, akmang kukunin nito ang coke ng kunin bigla ni Kobi 'yun.
"Kaunti lang. Please..." Pagmamakaawa niya parang bata, tumawa naman ako pati sila Dwin and Arnold, nasa counter pa kasi si Lance bumibili ng pagkain namin dalawa.
"Bawal."
"Please na Kobi, kaunti lang..." Pagmamakaawa pa rin niya at ngumuso pa mas lalo kaming natawang tatlo lalo na si Arnold dahil alam niya kung gaano karupok ang kaibigan pagdating kay Marga.
"No, may next game kapa alam mo bawal ang coke kapag may laro." Sabi ni Kobi, hindi nalang umimik si Marga at kumain nalang, alam ko na bawal 'yun kasi hihina ang pulso nila, hindi sila makakapag-serve nang maayos.
Maya-maya lang ay dumating na rin si Lance dala ang isang strawberry milkshake, chocolate milkshake, strawberry cake, and chocolate cupcake.
Inilapag niya 'yun sa harap ko bago naupo sa tabi ko. "Kain na." Utos niya, agad naman ako tumungo at agad sumubo sa cake.
"Kailan ulit laro niyo?" Tanong ni Lance habang ang paningin ay nakala Kobi. Sinubo muna ni Kobi ang pagkain na binibigay sa kan'ya ni Marga bago nagsalita.
"After lunch, kayo?" Balik niyang tanong, hindi naman ako umiimik at patuloy lang sa pagkain.
"Pagkatapos ng game nila Marga." Sagot ni Lance, tumungo tungo naman si Kobi at sinubo muli ang pagkain na binibigay ni Marga.
Hope all nalang.
Pagkatapos namin kumain ay bumalik sila sa kanila kanilang pwesto habang ako ay lumabas muna ng school dahil biglang tumawag sa'kin si Estrella.
"Hi!" Agad kong bati nang makita ko agad siyang nakatayo roon. Nasa first year or second college na siya, hindi ko nga lang tanda kung kailan siya umuwi at saan ang school niya.
"Oh." Abot niya sa'kin ng plastic bag, mukhang may sama pa ng loob.
"Strawberry?" Taka kong tanong. "Ay hindi, blueberry tol." Natawa nalang ako sa sinagot niya para talaga may sama nang loob.
"Thank you."
"Hindi sa'kin galing 'yan, bwisit na Lance 'yan hindi raw siya makakaalis ng school kaya pinabili ako ng strawberry para sa'yo! Kulet hope all! Dumayo pa ako ng baguio para d'yan tinakasan ko pa boyfriend ko!"
"Sorry na pero, kay Lance talaga 'to galing?" Kinikilig kong tanong para akong sira na sobrang laki ng ngiti sa labi. "Oo."
"So... Rumupok ka?" Pang-aasar ko, inirapan niya naman ako kaya mas natawa ako sa kanya.
"Mahal ko eh..." Sagot niya. "Sus... Marupok ka kasi, remember nagwawala ka pero wala pa 'ata isang buwan binalikan muna."
"Oo na, marupok na okay? Eh mahal ko eh, tsaka mahal naman niya ako. Alam ko rin naman ako talaga ang unang may sala, tsaka hello ba't hindi ko babalikan eh naghabol ako." Sabi niya, tumungo nalang ako, ayoko makisali sa issue nila. Basta okay na akong masaya silang dalawa.
"Oh siya sige alis na ako, baka nag-aalboroto na si Mr. President." Humalakhak siya.
"Sana all Mr. President."
"Mahiya naman sa'yo. Ms. President."
Umiling nalang ako saka pumasok na rin pagbalik ko ay nakaupo lang si Lance doon, malungkot ang mukha hindi ko alam kung ano'ng dahilan.
"Uy!" Tawag ko agad sa kanya at naupp sa tabi niya, agad nanlaki ang mata ko ng bigla niya ako niyakap.
"Hala... Bakit?"
"I'm sorry..."
"Huh?" Bakit ba siya nagso-sorry.
"I'm sorry dahil late ko na realized." Sabi niya.
"Ang alin?"
"Na ikaw ang gusto ko at hindi si Marga, na mahal kita hindi bilang kaibigan lang..."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top