Chapter 1

Ngumiti ako sa bawat taong nadadaanan ko. I'm the SSG President of Ferrer International School kailangan respectful ang bawat galaw at respond ko sa bawat isa.

"Hi Ellaine." Malaki ang ngiti bati sa'kin ni Marga, si Marga ang captain ball ng volleyball girls sa school namin. Well isa rin siya sa kinaseselosan ko before, simula kasi nang dumating siya dati ay naging sobrang close nila ni Lance.

Yes, I know na si Marga ang gusto ni Lance, pero si Marga naman ay si Kobi ang gusto niya. Matagal ko na gusto ang bestfriend ko si Lance since bata pa kami, gusto ko man umamin pero... Ayoko sirain ang maganda namin pag-sasama ng dahil sa love na 'yan.

Friendship is more important kaysa sa love na 'yan, kahit mahal ko siya hindi ko kailanman inisip na umamin sa kan'ya dahil mas mahalaga para sa'kin ang friendship namin. Maging single na habang buhay huwag lang masira pagkakaibigan namim.

"Hinahanap ka ni Lance kanina pa, nasa volleyball court siya." Sabi niya tumungo naman ako agad naman siyang nagpaalam dahil hahanapin pa raw niya si Dwin, si Marga at Dwin ang nakakaalam na si Lance ang gusto ko kaya comfortable ako sa kanilang dalawa.

Mabilis ang hakbang ko papunta sa volleyball court, well yayain ko na rin kasi siya papasok gawa mamaya maya lang ay magsisimula na ang first subject namin.

"Hoy!" Sigaw kong tawag nang maka-apak ako sa court natigilan naman siya sa pag dig-pass ng bola. Ngumiti siya sa'kin saka kumaway, ngumiti naman din ako pabalik.

"Kulet tagal mo kanina pa kita hinahanap." Ginulo niya ang buhok kaya bagya ko tinapik ang kamay niya saka sumimangot.

"Tambay tayo sa inyo mamaya, umalis na naman sila Mommy wala ako kasama sa bahay." Yaya niya saka ako inakbayan at nagsimula kami maglakad palabas.

Tuloy lang kami sa daldalan hanggang sa makarating kami sa classroom namin, magkaklase kami parehas section-A2 kami habang sila Marga naman ay A1.

"Nag-breakfast kana?" Tanong niya sunod-sunod naman ako tumungo.

"Ako hindi pa."

"Tinatanong ko?"

"Maldita kahit kailan." Bulong niya natawa naman ako saka iiling-iling na nagpatuloy kami sa paglalakad. Kala mo naman hindi natiis ang pagiging maldita ko ng ilang taon.

Pakarating sa classroom ay wala pa ang teacher namin kaya na kakain pa ang luko, well lagi naman kasi ako nagbabaon ng cake minsan naman tinapay lang na may palaman gawa alam ko nga hindi ugali nang lalaking 'to ang kumain sa kanila.

Naiinis lang daw kasi siya sa magulang niya, alam kasi ni Lance sa sarili niya na wala ng pag-asa ang pamilya niya magkaayos ulit at bumalik sa masayang pamilya katulad noon, hindi naman daw magsasama pa rin ang mga magulang niya sa isang bahay kundi dahil sa bunso niyang kapatid na bata pa talaga.

"Oh tubig." Abot ko sa kan'ya ng tubigan ko pagkatapos niya kumain agad naman niya inom 'yun, napairap naman ako ng mapansin ko ang tingin sa'kin ni Frans, masama kasi ang tingin niya sa'kin well hindi na ako magtataka simula 'ata nung grade seven ay ganan na kasama ang tingin niya sa'kin, dahil may gusto siya kay Lance at hindi siya pinapansin nito.

Kasalanan ko ba 'yun? 'Di ba hindi naman. Hindi ko naman hawak ang katawan ng lukong 'yun para pansinin siya.

"'Wag mo nalang pansinin." Bulong ni Lance sa'kin napansin niya siguro nakikipagtitigan na naman ako kay frans, well masarap naman pag-tripan ang babaeng 'yon. Kapag pikon na kasi iyon ay parang batang nagwawala iyon.

Hindi nalang ako umimik saka inalis ang tingin kay frans at kinuha ang libro sa bag ko, mag-advance reading nalang ako baka mamaya mang bigla 'yung teacher namin, magaling nalang handa ako.

***

Pagkatapos ng klase ay iniwan na naman ako ni Lance, kasama niya si Marga at Dwin ngayon sa court may meeting ang mga players, dahil si Marga at Lance ang captain ball sa volleyball ay dapat lagi silang present sa meeting.

Papunta na ako ngayon sa guidance counselor dahil ibibigay ko ang lista ng mga nahuli ko nag-cutting, masyado ko bantay sarado ang buong school ayaw na ayaw ko na may nagcu-cutting kaya once na may nahuli ako ay deretsyo agad sa guidance.

"Miss ito na po ang list namg mga nagcutting and miss pwede po ba ako mag-request?" Tanong ko, kinuha naman ni miss 'yung notebook sa'kin kung saan ko nilista lahat ng mga nahuli ko. "Ano 'yun miss andrade?"

"'Yung mga nahuli ko po, pwede ko po ba sila makausap para sa punishment nila?"

"Yeah sure, bukas na bukas pag-pumasok sila ipapatawag ko sila para makausap mo sila."

Tumungo naman ako saka nagpasalamat at lumabas na, dahil break time naman at alam ko sa sarili kong wala akong gagawin ay tatambay nalang ako sa court at manonood, mamaya pang-eleven am ang next subject ko kaya okay lang pagala-gala ako rito.

Dumaan muna ako sa cafeteria para bumili ng energy drink ibibigay ko sa tatlo tutal kailangan din nila 'yon, balak ko sana coke ang bilhin kaso bigla ko naalala bawal sa kanila 'yun gawa hihina ang pulso nila baka hindi sila makatira nang maayos ng bola.

Wala akong alam sa sports, maliban sa pagkanta sa mga okasyon sa school ay wala na akong ibang sinasalihan.

"Pst!" Tawag kong pansin nang makapasok ako sa loob ng court agad naman lumingon sa'kin si Marga pati na rin si Lance. Ibinaba nila ang mga hawak na bola saka tatakbo lumapit sa'kin si Dwin naman ay hindi 'ata ako napansin dahil tuloy siya sa pag-palo ng mga bola papunta sa ibang player mukha naghahanap sila ng bagong player. Marami rin bumati sa akin lahat ng makasalubong ko ay ngumingiti sa akin.

"Thank you." Pasalamat sa'kin ni Marga ngumiti naman ako saka ko naman inabot yung kay Lance.

"Yaman ah."

"Libre mo 'ko mamaya ice cream, strawberry flavor."

"Sige, basta sa inyo tayo tatambay mamaya." Tumungo naman ako saka sila niyaya umupo. "Bakit ayaw tumigil ni Dwin?" Tanong ko sa dalawa, bali nasa gitna nila ako.

"Ewan ko mainit ata ang ulo pati mga bagong manlalaro pinagbabalingan nang init niya ng ulo, malakas humapas si Dwin ng bola tapos kaliliit pa ng mga trainer eh." Tumawa naman si Lance sa sinabi ni Marga bago uminom ng inumin.

"Oh ikaw Benedict bakit parang pinagtripan mo lang 'yung mga trainer." Sabi ko saka siya masamang tinignan tumawa naman siya saka ako tinignan din.

"Hoy! Hindi ko sila kinakawawa 'no."

"Bumalik ka roon." Utos ko.

"Mamaya na." Sagot niya.

"Aba bakit?"

"Nandito ka pa eh, mas mahalaga ka sa mga iyon."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top