Start
|Announcement|
This story will be under major revision for now. Expect that there's a possibility that the plot of this story will change for the better.
Kung napansin niyo, same date lang kung kailan ko 'to sinulat at tinapos, well dati kasi itong short story that's why 'yon ang nakalagay. Sana mag-enjoy kayo sa pagbabasa, salamat! :)
── ⋆⋅☆⋅⋆ ──
𝓐𝓫𝓲𝓰𝓪𝓲𝓵 𝓒𝓸𝓵𝓮𝓮𝓷 𝓜𝓮𝓷𝓭𝓮𝔃
"Sure ka na ba sa balak mong 'yan, Aby? Hindi ba't parang ang sagwa naman tingnan?"
Lumukot ang mukha kong napatingin kay Candy na nasa tabi ko't nakabusangot ang mukha habang ang mga mata ay nakatitig sa bungkos na rosas na dala-dala ko.
Umayos ako ng tayo at napairap sa kawalan. Kahit kailan ay basag trip ang babaeng 'to. Walang araw na hindi niya mapigilang h'wag akong kontrahin.
"Alam mo Candy, napakadaldal mo, h'wag mo na lang kaya tingnan 'no?" Sarkastikong salungat ko sa kaniya na ikina-ngiwi niya. "Hindi ba puwedeng suportahan mo na lang ako dito kaysa sa pumutak ka sa tabi ko?" Inis kong dagdag na mas lalo niyang ikinanguso.
"Eh kasi naman Aby! Sure akong mapapagalitan ka ni Tita Anne kapag nalaman niya 'yang ginagawa mo. Ewan ko ba naman kasi sa 'yong babae ka, masyado kang patay na patay sa taong 'yon. Eh, halata namang walang pakialam sa 'yo 'yong tao."
Napalabi ako sa narinig. Minsan gusto ko na lang i-unfriend ang babaeng 'to. Masyado siyang honest sa mga panahong ang kailangan ko lang naman ay suporta mula sa kaniya dahil matalik ko siyang kaibigan.
"Masyado kang harsh ah. Masyado na akong kawawa sa 'yo." Pag-iinarte ko na ikinairap niya lang.
"Totoo naman kasi lahat ng sinasabi ko sa 'yo, Abigail. Binubuksan ko lang ng husto ang sirado mong brain, dahil katulad nga ng sinabi ko, sure akong malalagot ka kay Tita Anne."
"Alam mo Candy, hindi naman malalaman 'to ni tita kung hindi mo sasabihin." Siring ko at gumanti naman ito sa paghila sa buhok ko. "Aray ah!" Angal ko sabay tapik sa kamay niyang hindi pa rin bumibitaw. May balak pa ata siyang hilain muli ang buhok ko.
"Ikaw ang tanga tanga mo—"
"Grabe ka makatanga ah." Putol ko sa kaniya.
"Eh tanga ka kasi!" Asik niya na akmang hihilain pa ang buhok ko nang iamba ko naman sa kaniya ang hawak hawak kong bulaklak. Napakamot ito sa ulo niya at inis akong pinakatitigan. "Bahala ka nga sa buhay mo, basta sinasabi ko sa 'yo, hindi naman ako lang ang may bunganga at mata dito. Maraming ibang tao dito na kilala si Tita Anne." Aniya sabay pamaywang niya.
Ngumuso ako at hindi na siya pinansin. Ganito naman lagi ang set up namin ni Candy sa tuwing makikita niya akong may dalang bungkos ng mga rosas o kung ano pa na para sa taong kumukumpleto ng buong araw ko sa paaralan. Sanay na ako sa kaibigan ko. Sa inaraw araw ba namang ginawa ng diyos, nasanay na lang ako sa kaniya.
Awtomatikong bumalik ang sigla ng pakiramdam ko nang mahagip ng mata ko ang papalapit na bulto ng isang taong kanina ko pa hinihintay. Agad kong hinarap si Candy.
"Anong itsura ko? Maayos ba? Hah?" Sunod sunod kong tanong sa kaniya na nakatingin lang sa akin ng masama.
"Mukha ka pa rin namang tao." Walang gana niyang sagot na hindi ko na lang inintindi. Masyado akong masaya para patulan pa siya. Babawi na lang ako next time.
Parang binomba ang puso ko habang papalapit nang papalapit ang taong kanina ko pa hinihintay sa puwesto ko. Gusto kong tumili o 'di kaya ay takbuhin siya't yakapin ng mahigpit. Kakakita ko lang sa kaniya kaninang umaga, pero agad ko na siyang hinahanap hanap.
Gano'n kalakas ang tama ko sa kaniya.
"Oh, Abigail!" Tili ng kasama niyang bakla, dahilan para mapatingin din siya sa 'kin.
Walang kiming lumapit ako at kagat labing kumuway sa kaniya. Agad na nagsalubong ang may kakapalan nitong mga kilay.
"H-hello, Troy." Nauutal ko pang bati sa kaniya.
Sumama ang timpla ng mukha nito sa 'kin at akmang lalagpasan ako nang higitin siya ni Brando at ngumiti ng malawak sa akin.
"Hello daw Troy oh." Siko niya sa kaibigan. Nagtinginan sila't natatawang bumaling naman muli si Brando sa akin. "Taray, para sa 'kin ba 'yang flowers mo girl?" Lapit nito sabay kuha sa bulaklak ko.
Agad akong napamaang nang amoy amoyin ni Brando ang mga bulaklak. Mabilis akong kumilos para hablutin 'yon sa kaniya na ikinabigla niya. Nag-peace sign ako at agad na ipinasa kay Troy ang bungkos.
"Para sa 'yo, Troy." Saad ko sabay yuko. Hindi ko matagalan ang titig niya sa akin. Parang natagos 'yon sa buo kong pagkatao.
Hindi rin naman nagtagal ay inabot niya rin ang hawak ko, ngunit hindi man lang nagbago ang ekspresyon ng mukha niya kaya yumuko na lang ako ng tuluyan.
"Ay ang taray naman talaga ni ate mo Abigail. Iba ka rin manligaw 'no. Dinadaig mo kaming mga—este, silang mga lalaki." Napapalabing ngiwi ni Brando nang matapos siyang sikuhin ni Troy.
Napataas ang kilay ko ngunit mabilis din akong napanguso. Minsan gusto ko 'tong busalan. Dinadagdagan niya lang ang hiyang nararamdaman ko dahil sa sinasabi niya.
Ngumiti ako ng hilaw sa kaniya.
"Hindi halatang patay na patay ka kay Troy, bebe. Hindi talaga, promise." Habol pa nito.
"Hindi naman talaga ako patay na patay." Saad ko na pabulong.
Nanlaki ang mata nito habang si Troy ay nakamasid lang sa akin. Dahil sa mga mata niya ay hindi ko alam kung dapat ko ba siyang pakatitigan o kay Brando na lang tumingin. Napanguso ako. Masakit sa mata ang mukha ni Brando, mas iba pa rin tingnan ang kay Troy.
"Hindi ka pa patay na patay sa lagay na 'yan ah. Kahapon ay tsokolate ang binigay mo sa kaibigan ko, ngayon naman may pabulaklak ka, baka mamaya ang sunod mong ibigay sa kaibigan ko ay singing!"
Agad na lumiwanag ang mukha ko sa narinig. Rinig ko ring tumikhim si Troy kinalaunan.
"Siraulo ka talaga, Brando. Binibigyan mo lang nang ideya 'yang babaeng 'yan." Asik nito na narinig ko naman.
Hindi naman nawala ang ngiti sa aking labi. What if nga singsing naman ang ibigay ko sa kaniya? Tatanggapin niya kaya? For sure naman siguro oo, kasi kung hindi, ang kapal niya naman.
Napailing ako ng bahagya.
"Maaga uwian mo mamaya 'di ba?" Mahinang tanong ko.
As usual, nakatitig lang siya sa'kin. Titig na may nakaantabay na mga sagot na para bang inaasahan niya na ang sunod sunod na mamumutawing salita sa bibig ko. Ramdam na ramdam ko rin ang pagkadigusto sa walang emosyon niyang pagkakatitig sa akin.
"B-baka puwede kitang ayain—"
"Busy ako." Putol niya sa 'kin.
"How about tomorrow—"
"I don't have time."
Tumikhim ako at mas lalong nilawakan ang pagkakangisi ko sa kaniya.
"Then, sa friday? Next week? Next month? Next year? Next life—"
"Look, Abigail. I'm a busy person. Wala akong panahon para makisakay sa kung ano na namang plano na binuo mo sa utak mo."
Napairap na lang ako sa kawalan sa sinabi niya. Sanay naman ako sa mga patutsada niyang ganito. Sa araw araw ba naman na nirarason niya sa akin 'yon ay baka sa susunod ako pa ang kusang sumagot tuwing gusto ko siyang yayain.
Nagpaskil ako ng malapad na ngiti sa kaniya. Hindi ko nakakalimutan kung hanggang saan lang dapat ako lumugar sa buhay niya.
Baka kapag lalo ko lang siyang kinulit ay baka lalo akong hindi makalapit sa kaniya. Kung masakit siyang magsalita—mas masakit ang pu-pwedeng mangyari.
"Gano'n ba. Sige, sa susunod na lang. B-Bye!" Agad kong paalam.
Akmang magsasalita pa si Brando at Troy nang matulin akong tumakbo pabalik sa puwesto namin ni Candy kanina. Kagat kagat ko ang labi ko para pigilan ang luhang gustong kumawala sa akin.
Wala talagang preno sa bunganga ang taong 'yon, pero dahil ako ang may gusto ng sitwasyon na 'to ay dapat matibay ako. Tsaka, hindi ito ang kauna-unahang beses na tinanggihan niya ako . . . so would I be hurt pa rin 'di ba?
"Mukha kang binusted. Ano'ng nangyari aber?" Salubong ni Candy sa 'kin.
"Wala. H'wag mo na lang akong intindihin, Candy. Ang mahalga naibigay ko 'yong flowers."
Bumuntong hininga si Candy sabay lahad ng panyo niya sa 'kin. Dali dali ko 'yong inabot at itinapal sa mukha ko.
"Sinaksaktan mo lang ang sarili mo, Abigail. Marami namang nagkakagusto sa 'yo. Take note, nandiyan naman si Sameul. Anak ni Mayor! Bakit hindi ka na lang sa kaniya nang hindi ka na masaktan." Aniya sabay akbay sa 'kin at nagsimula na kaming maglakad.
Bigla akong bumalik sa katinuan dahil sa sinabi niya. Mahina kong binato sa kaniya ang panyo niya at ngumuso.
"Ayaw ko sa kaniya, Candy. Alam mo namang si Troy lang ang gusto ko mula noon. Tsaka isa pa, alam ko rin namang gusto niya ako—"
"Umamin ka nga Abigail, naka-singhot ka ba?"
"Candy!" Ngiwi ko.
Umismid siya sabay hila sa 'kin. "Ang lakas mo magdelulu 'te. Dinaig mo pa naka-banat ng isang pakete."
Inirapan ko siya.
Hindi ko na lang pinansin ang sinabi niya dahil baka mapikon lang ako at kung ano pa ang masabi ko.
"Speaking of anak ni Mayor nga pala, ayon punong puno na naman ang locker mo ng kung ano anong bulaklak. I'm sure, galing kay Samuel ang mga 'yon, mukhang mamahalin 'e."
Napanguso ako. "Kakausapin ko na lang siya kapag handa na ako. Sa ngayon, hahayaan ko na muna siya,
wala akong panahon sa kaniya." Nanghihina kong saad.
"Kawawang anak ni Mayor Valderrama." Pasipol na saad ni Candy bago natatawang hinila ako.
Wala ako sa huwisyo nang makapasok kami sa classroom. Ang diwa ko ay naglalakbay habang ang mga kaklase ko naman ay busy sa kadadaldal. Nangalumbaba ako at itinuon ang tingin ko sa labas ng pinto kung saan kitang kita ko ang mga senior high na umiikot. Ito siguro 'yong room to room na sinabi ng teacher namin kahapon.
Isang pagkaway ang nakapag-pakunot sa noo ko. Agad akong napaayos ng upo nang makita si Brando na kasunod si Troy at nasa tabi nito si Pauline.
Agad na bumalatay ang kirot sa dibdib ko. Iwinaksi ko na lamang ang tingin ko sa kanila at ibinagsak ang ulo ko sa lamesa. Bahagya pa akong napadaing dahil napalakas ang bagsak ko. Naiinis akong nagsalpak ng earphone sa tainga ko at ipinikit ang aking mga mata.
Hindi pa naman ako binubusted ulit ni Troy. Kaya dapat hindi ako mapanghinaan ng loob. Kaya ko 'to. Hanggat may pag-asa, may malaking chances of winning!
Napangiti ako ng bahagya. Tama, may bukas pa. Bukas na ako ulit babawi nang pangmalakasan, 'yong tipong pag-inaya ko siya ay mahihiya siyang tanggihan ako.
Hindi ko alam kung ilang minuto na ba akong nandito sa kinatatayuan ko. Ilang sandali na lang ay mag-uumpisa na ang first subject ko, kaya mas lalong nadagdagan ang kaba ko.
Muli akong sumilip sa estante at gayon na lang ang daglian kong pangingiwi. Malinaw sa paningin ko ang bulto ng anak ni Mayor Valderrama na si Samuel. Nakatayo siya sa mismong tapat ng locker ko, may dalang bungkos ng rosas.
"Talagang ayaw akong patahimikin ng taong 'to." Bulong ko at napasandal na lang.
Anong gagawin ko? Wala namang ibang daan kung 'di 'yong sa pwesto niya lang para makapunta ako sa classroom. Partida, kailangan ko ring kuhain ang p.e uniform ko sa locker.
Napabuntong hininga ako at napa-sign of the cross. Bahala na si batman.
Lumakad ako ng tahimik pagawi sa direksyon ni Samuel. Busy 'to kakatingin sa bungkos ng rosas na hawak hawak niya. Napadako rin ang paningin ko sa maliit na paper bag habang palapit ako nang palapit sa kaniya.
"Start na ng klase niyo ah, nandito ka pa rin?" Taas kilay kong agaw sa kaniyang atensyon.
Sandali siyang natigilan nang magawi ang paningin niya sa 'kin. Ngunit katulad nang lagi kong inaasahan, kaagad ding sumilay ang pamatay niyang ngiti.
Inaamin ko naman. Kung maglalaban ng kagwapuhan si Troy at Samuel, baka mag-tie lang sila. At kung ako ang huling boboto—syempre si Troy ang ipapanalo ko. Palalabs ko 'yon eh.
"Hinihintay kita, ibibigay ko lang 'to sana sa 'yo." Abot niya sa rosas at paper bag na kaagad kong tinanggap.
Wala rin naman akong choice dahil hindi niya ako titigilan kapag tinanggihan ko ang regalo niya.
Inamoy amoy ko 'yon at pasimpleng ngumiti. Paniguradong magugustuhan na naman 'to ni Tita. Sa aming dalawa, hilig niya ang rosas, samantalang ako, tulips ang gusto ko.
"Sana huli na 'to, Samuel." Pagbaling ko sa kaniya.
Napalabi siya at nagpamulsa.
"Abigail naman. Hayaan mo naman akong ligawan ka. Hindi naman ako humihingi ng kapalit, gusto ko lang iparamdam sa 'yo ang nararamdaman ko."
"Nakaka-konsensya kasi," gagad ko.
Isa 'yan sa dahilan kung bakit lagi ko siyang dini-diretso at pilit na pinapahinto.
Mahina siyang natawa at tinawid ang pagitan namin. Sinalubong ko ng tingin ang malamlam niyang mga mata.
"Alisin mo sa sistema mo 'yan, Abigail. Ako naman ang nag-insist. Wala kang ibang ibibigay na kapalit sa 'kin. Ikaw pa rin ang magdedesisyon, hmm."
Napatango ako. "Pero last na 'to please lang, ang hassle umuwi na may dala dala akong ganito." Aniya ko na mahina niyang tinawanan.
"Okay, then I'll give you gifts na lang. Something that you can easily carry on."
"Samuel—"
"Mauna na ako sa 'yo, Gail. I'll see you around!"
Sinundan ko lang ng tingin ang bulto ni Samuel. Tumatawa pa 'tong tumakbo palayo sa 'kin. Napabuntong hininga ako at binuksan ang locker ko.
Ipinasok ko nang may pag-iingat ang bungkos ng rosas, buti na lang at may kalakihan ang locker ko kaya swack na swack ang sukat ng bouquet. Kinuha ko na rin ang mga kailangan ko. Akmang isasara ko na sana ang pinto ng locker ko nang maisipan kong buksan ang paper bag na bigay ni Samuel.
Mabilis ang naging kilos ng kamay ko, at gayon na lang ang pagbilog ng labi ko.
Kinuha ko ang singsing mula sa kahon at isinukat 'yon sa palasingsingan ko.
"Naks, diamond ring yarn?" Natatawang saad ko sa sarili habang punong puno ako ng kamanghaan.
Grabe naman magbigay ng regalo si Samuel. Siguro kinurakot niya 'to sa bulsa ng tatay niya. Knowing him, wala naman siyang trabaho para makapagbigay ng ganitong regalo. Mukha pa namang tunay.
Isinira ko na ang locker ko at maglalakad na sana nang sumalubong naman ang mukha ni Troy pagawi sa daan ko. Nagkatinginan kami.
Ngumiti ako sa kaniya at mabilis na lumapit, ngunit bigla rin akong natigilan ng mahagip ng mata ko si Pauline.
"Kailangan pa na'ting isabit 'tong mga poster, Pres. Tayo na lang dalawa ang gumawa para mabilis ang trabaho." Busy na wika ni Pauline.
Hindi niya ata ramdam ang presensya ko dahil hindi man lang niya ako nilingon.
"Mauna ka na, Pau. Hintayin mo na lang ako library," saad ni Troy habang nakatingin pa rin sa 'kin.
Nag-angat ng tingin si Pauline. Nang makita niya ako ay ngumiti siya sa 'kin pero ako, ngumuso lang.
"Ikaw pala, Abigail. Ang pretty mo naman today, ganyan ba talaga kapag nakakatanggap ng bouquet from Mayor's unicorn hijo." Pabiro ngunit malaman niyang wika.
"Natural 'yan hehe," napapalabing sagot ko.
Payak siyang ngunit at kaagad din siyang bumaling kay Troy. "Sige, Pres. H'wag kang magtagal ah," mahinang dugtong niya sa huli na ikinatango lang ni Troy.
Mas lalo atang humaba ang nguso ko dahil doon. Daig niya pa ako na future girlfriend ni Troy! Ang lakas ng loob ng babaeng 'to. At itong si Troy naman, kapag ako gumanyan sa kaniya, matik na babarahin niya ako! Bastos na nilalang 'to, may favoritism!"
"Ikaw," baling ng magaling na lalaking 'to sa 'kin.
Inirapan ko siya. "Oh, anong ako?"
"Five minutes from now, start na ng first subject mo. Bakit wala ka pa sa room?" Istriktong tanong niya.
"Papunta na nga sana ako Pres. Humarang lang kayo."
Kumunot ang noo niya. "Ikaw ang bigla na lang huminto at ngumiti, Abigail."
Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa narinig. May malaki siyang check sa sinabi niya.
Napakamot ako sa daliri ko dahil sa pagkapahiya. Napatungo rin ako dahil talagang walang preno magsalita ang taong 'to, talagang mapapahiya ka pati sa sarili mo.
"Pumasok ka na. Imbes na pag-aaral ang atupagin, nakikipagligawan pa." Hapyaw niya bago ako lampasan.
"Hoy!" Tawag ko sa kaniya pero ang tukmol, lumakad lang na parang walang narinig!
Nakita niya ba?!
So what naman kung nakita niya? Nagseselos ba siya?
Napa-iling ako at napatikhim. Nasa delusional stage na naman ako ng buhay ko. Para akong humiling na umulan ng nyebe sa Pilipinas.
──
𝓳𝓮𝓷𝓪𝓿𝓸𝓬𝓪𝓭𝓸✿
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top