Chapter 28

chapter twenty-eight
── ⋆⋅☆⋅⋆ ──

Maaga akong nagising para paghandaan ng umagahan ang mag-ama ko. Nakapaskil sa labi ko ang hindi matawarang matamis na ngiti dahil sa senaryong pinagsaluhan namin ni Troy kagabi. Hindi na ako teenager para sa ganitong pakiramdam ngunit tila ibinabalik ako sa mga panahong iyon.

Well, my justice naman na ang nararamdaman ko—so hindi ko na kailangang magpigil pa.

Napailing ako at nagsimulang asikasuhin ang pagluluto. Hindi ko sigurado kung ito pa rin ba ang gusto ni Troy, dahil hilig rin ng anak niya ang kaldereta. Ipinagpasa-diyos ko na lang ang magiging reaksyon niya mamaya.

Kasalukuyan akong nagluluto nang makarinig naman ako ng pag-doorbell. Tulog pa siguro sila manang kaya ako na ang dali-daling nagbukas noon. Ngunit bago pa ko makapunta nang tuluyan sa labas ng gate ay nakita ko na lang na papalapit sa gawi ko ang isa sa mga tauhan ni Troy, may dala itong bungkos ng rosas na agad na iniabot sa akin.

"Flowers for you, my lady." Ngisi niya sabay yuko.

Napalabi ako at napataas ng kilay. Magsasalita na ako upang tanungin kong bakit niya ako binigyan nito nang bigla ko na lamang nakita si Troy sa harapan namin at matalim na nakatitig sa lalaki.

Nawala ang pagkakangisi nito at wala pang isang segundo ay kumaripas na ito nang takbo.

Humarap ako kay Troy na masama pa rin ang timpla ng mukha. Dumako ang paningin nito sa bulaklak na hawak ko at maya'y ngumiti.

"Siraulo ka ba?" Walang prenong tanong ko dahil ang creepy no'n para sa akin.

Ngumuso ito at lumapit sa akin. "Nagustuhan mo?" Pagsasawalang bahala niya sabay nguso sa bulaklak.

"Sa 'yo 'to?" Tanong ko na ikinatango niya.

"Mamaya may darating pa, at sa akin galing 'yon, hindi sa hudyong 'yon."

Hindi ko alam kung matatawa ba ako o hindi sa itsura niya, talagang mararamdaman mo ang pagkainis habang binabanggit ang huling salita.

"Anong nakain mo at may pa-ganito ka?" Sabay amoy ko sa bulaklak at lumakad na papasok, bigla ko kasing naalala 'yong niluluto ko.

"Ikaw," kaswal na sagot niya. Na alam kong ikinapula ko.

Sumunod naman si Troy sa akin at nang nasa kusina na kami ay yumakap naman ito sa likod ko.

"Anong ako?" Gulo kunwaring tanong ko at pinilit na maging maayos ang tono ng aking pagsasalita.

"Ikaw ang nakain ko kagabi kaya may pa-flowers ako." Tawa niya sabay yakap muli. "Sa sobrang sarap at bango---"

"Troy!" Hampas ko sa kaniya.

"Totoo naman, kasing bango ng isang rosas ang sa 'yo kaya nga lunod na lunod ako kagabi. Tapos, dinidiin mo pa ang ulo ko sa ano---"

"Ang aga Troy, prumeno ka naman!" Asik ko sa kaniya at sinamaan siya ng tingin ngunit nginisihan lang ako. Halatang ayaw niya akong tigilan.

Napailing ako at hindi siya pinansin.

"Ang bango," Maya'y usal nito at hinalikan ako sa leeg, napanguso ako at hinarap siya. Bahagya ko siyang tinulak.

"Huwag kang malandi, nagluluto ako ng makakain na'tin."

Ngumiwi ito at sumandal sa may counter. "Eh kung ikaw na lang ang kainin ko at ako naman ang sa iyo? Makakalandi na ako, busog pa tayo." Then he winked like a maniac.

"Paano naman tayo mabubusog doon, aber?" Ningkit ang matang tanong ko sabay baling muli sa niluluto.

"Tamod, babe."

Isang hindi maitagong pagkaasiwa ang ibinigay ko kay Troy.

"Tapos pwede ka ring mabusog ng nine months, magandang idea, right?"

"Ewan ko sa 'yo, ang aga aga ang baboy mo. Gisingin mo na nga lang si Stacey sa taas, maluluto na ito, at ako naman ang kakatok kay nila manang." Aniya ko at itinulak pa siya para lang kumilos.

"Babe!" Ingit niya at akmang babalik sa akin nang bigyan ko siya ng poker face at dumuro gamit ang sandok.

"Subukan mong bumalik, Troy. Hindi ka makakaulit sa'kin." Banto ko ngunit humagalpak ito sa tawa.

"Oh, babe. Hindi mo ako matatakot sa ganiyan, sa oras na halikan kita sa leeg, I know kung hanggang saan tayo aabot." At kumindat pa ang siraulo.

Ngumisi ako at nagpamaywang. "Then Casper will do?" Hapyaw na tanong ko.

Nagkamot batok ito at nagdadabog na umakyat pataas, napangisi naman ako lalo at hindi napigilang balikan ang pangungulit niya sa akin kagabi.

"Ang kulit mo naman, Troy. Gusto ko nang matulog, patulugin mo na ako!" Andoon ang iritasyon sa boses ko dala ng antok.

Kung kanina ay napaka-sweet namin ay ngayon naman iritang irita na ako sa kaniya, as in, inaantok na ako 'e!

Pagod ako at mas lalo pang pinagod ng mokong na ito, ngayon naman ay ayaw niya akong patulugin dala ng pagtatanong niya tungkol kay Casper.

"Hindi talaga ako kampante na si Candy ang dahilan kaya siya andoon, pakiramdam ko ay gusto niya akong palitan sa buhay niyo at noong nakita ko siya doon at kinausap ka, agad akong nagselos, parang gusto ko nga siyang sabunutan---"

"Tumigil ka na, Troy. Kaibigan ko si Casper ok, at ninong siya ni Stacey, that's all." Lingon ko sa kaniya.

Humaba ang nguso ni Troy at nangalumbabang pinagmasdan ako.

"Sabi mo siya ang kasama mo manganak, I'm curious..." Bitin niyang ani.

"Curious saan?"

"If he saw your vagina during that time---Ouch! Jesus Christ! Bakit si junjun ang pinisil mo?!" Ubod ng lakas na sigaw ni Troy habang umarko arko dala nang pagkakapisil ko sa manoy niya.

Ayaw kasing tumigil 'e, kung ano ano na ang nalabas sa bibig niya.

"Matulog ka na, Troy. Nabubuang ka na." Sabay talikod ko, mahina akong tumawa at tuluyan nang ipinikit ang mata ko habang patuloy pa rin sa pagrereklamo si Troy.

"Ang sarap, mommy." Palakpak ni Stacey, nginitian ko siya at muling sinandukan.

"Mas masarap ang mommy mo, anak." Bigla namang sabat ni Troy na pinanglakihan ko ng mata.

Nilingon ko si Stacey na hindi naman ata narinig ang sinabi ng loko niyang ama kaya naman nakahinga ako ng malalim, nang pagmasdan ko naman ang mga kasama namin sa mesa ay pasimpleng napapailing ang mga ito. Mahina kong kinurot si Troy sa binti niya, masama itong tumingin sa akin at agad na nag-iwas. Bumuntong hininga ito at sasandok na sanang muli nang magkasabay sila sa paghawak no'ng tauhan niyang nag-abot sa akin kanina ng bulaklak.

"Ialis mo ang pagkakahawak mo nakulo ang dugo ko sa 'yo." Seryosong ani ni Troy na mabilis sinunod ng tauhan niya.

Napangiwi ako at tumayo, kusa kong sinandukan ang tauhan niya na mas lalong ikinasama ng tingin ni Troy, nang maka-upo ako ay kumain na lang ako nang kumain. Nagpresinta sila manang na sila na daw ang bahala kaya naman dumiretso ako sa kwarto ni Stacey at inayos ang mga damit niya.

Napalingon na lamang ako sa pinto nang bumukas iyon at iniluwa si Troy na nakabusangot. Hindi ko siyang pinansin.

Kahit nang yumakap pa siya sa likod ko at pilit isinisiksik ang mukha niya sa leeg ko.

"I'm sorry, babe. Nagseselos lang ako." Pag-aamin niya.

Bumuntong hininga ako. "Wala ka na sa lugar, umalis ka sa pagkakayakap sa'kin---"

"Ayaw. Dito lang ako." Putol niya, bahagya ko siyang nilingon at nang magtama ang tingin namin ay nakita ko ang luhang pumatak sa gilid ng kaniyang mata.

Naalarma ako doon at hinarap siya. Pinahiran ko iyon gamit ang daliri ko at kinintilan siya nang halik sa labi.

Ang emosyonal niya, grabe.

"Ano bang ikinaseselos mo? Sa'yo naman ako, at si Casper, ay kaibigan ko lang at 'yong tauhan mo, nakikipaglokohan lang 'yon." Pagpapaintindi ko sa kaniya.

"Hindi ko maiwasang hindi magselos."

"Ganiyan din naman ang pinaramdam mo sa'kin noon, Troy." Malalim na sabi ko't natahimik siya. Maya'y ngumiti ako. "Pero mahal kita 'di ba? Nagka-ayos na tayo, malinaw na ang sa atin, kaya sana iwaksi mo sa isipan mo ang selos, nakakamatay 'yan sige ka." Pahapyaw ko pa at muli siyang hinalikan.

Nagyakap kaming dalawa nang marinig naman namin ang boses ni Stacey, nang tingnan ko ito ay may hawak siyang bungkos na naman ng rosas.

"It's for you, mommy." Abot ng anak ko.

Tiningnan ko si Troy, para saan ba talaga 'to?"

Ngunit bago sumagot si Troy ay tumayo muna ito at itinayo rin ako. Kinarga niya si Stacey at nagbulungan ang mag-ama.

Pumalakpak kinalaunan ang anak ko at humarap sa akin.

"Tell mommy why I'm giving her bouquets, baby." Ngiti ni Troy at lingon sa akin.

"Mommy, daddy wants to court you and you can't say no because he's my dad and he's your husband and we're a family so..." Ngisi ng anak ko sabay papikit-pikit ng mata. "...please answer dad's proposal immediately."

Hindi ko alam kung alam na ba ni Stacey ang ganitong eksena, pero hindi ko tangka pa na patagalin o payagan ang pagtatangkang panliligaw kuno ng daddy niya, lumapit ako sa kanilang mag-ama at yumakap.

"You don't need to court me now, Troy, once we get married, you can court me everyday as long as you want." Ngiti ko.

"Oh, so you want us to get married..." Andoon ang kinang sa paniningkit ng mata ni Troy. Hindi iyon isang tanong but answered him.

"Noon pa, bakit ikaw ayaw mo?" Hamong tanong ko, but instead of answering me, he pulled me closer to him and give me a french kiss, kasabay no'n ang boses ni Stacey na ikinatawa namin sa pagitan ng halik.

Bahagya namin siyang sinilip at mas lalo kaming natawa sa maliit na kamay na nakatakip na sa sarili niyang mga mata.

"Rated spg, mommy, daddy!"

Walang mapagsidlan ang kasiyahang nadarama ko sa mga oras na ito. Ang pamilyang pinapangarap ko lang noon ay unti unti na naming binubuo. Ang lalaking inaasam ko noon ay handang nang tumali sa akin. Ang anak na hindi ko inaasahan, naging isang lakas at kahinaan ko sa mga panahong akala ko nakatalikod na ang mundo sa akin.

Masaya ako, napakasaya ko. Wala nang tutumbas sa kasiyahang natatamo ko dahil ang bawat hiling ko noon ay unti unting natutupad ngayon.

"May panahon ka pa naman para umatras, Abigail. Kung napipilitan ka lang naman dahil may anak kayo, jusko 'wag be."

Napapanguso ako sa sinasabi ni Candy. Simula nang i-kuwento ko kanina ang tungkol sa amin ni Troy ay para bang bitter na bitter sa buhay ang babaeng ito. Palibhasa kasi ay wala si Casper ngayon. Sa pagkakaalam ko ay nasa England ito para sa bagong proyekto ng kompanya niya. Kung ako ang tatanungin, kung may option lang si Casper, alam kong hindi niya iiwan si Candy. Sa pagkakaalam ko nga rin ay gusto niyang isama itong si Candy, pero binawi niya rin dahil baka hindi daw siya makapag-focus sa trabaho niya.

Napailing ako. Hanggang ngayon ay hindi mawala sa isipan ko ang naging itsura ni Candy habang sinasabi niya 'yon sa akin. Mas hindi ko rin makakalimutan ang sinabi niya patungkol sa pagbabago sa desisyon ni Casper.

"Distraction ata ako sa kaniya, Gail. Siraulong 'yon, siya lang naman ang dumi-distract sa sarili niya kasi panay ang tingin niya sa akin. Ang landi niya pa, gago talaga."

Well, may point naman si Candy. Masyado ngang malandi si Casper sa kaniya. Ni kahit nga saang lugar o oras ay hindi mapakali ang taong iyon.

"Wala pa ba kayong balak?" Biglang tanong ko sa nang simsim sa aking kape. Napapikit pa ako sa sarap no'n. Ito talaga ang hinahanap hanap ko, buti na lang talaga at sumang-ayon si Troy na umuwi na kami.

"Balak na ano?" Gulong sagot niya naman.

"Magpakasal?" Taas baba ang kilay kong tanong.

Bumagsak ang balikat ni Candy at umiling.

"Sakal puwede pa. Pero 'yang kasal? Hindi na muna siguro. Ayaw kong magmadali lalo na't nag-uumpisa pa lang kami ni Casper. Tsaka, who knows kung anong mangyayari sa relasyon namin. Baka kapag binigla namin 'yan, baka magsisi lang kami pareho."

"Si Casper pa ba magsisisi? Eh mas baliw na baliw pa ang lagay no'n kaysa kay Troy eh."


"Grabe naman, pero sa-true lang. Gusto ko rin naman 'yon, hindi naman siya sumusobra dahil alam niya kung kailan dapat huminto. Unti unti na nga akong nasasanay at nakakatakot."

"Normal lang 'yan, Candy. Normal lang 'yan pero kilala naman na'tin si Casper. He will never let you down. Priority niya ang nararamdaman mo kaysa sa lahat."

Payak na ngiti ang iginawad ni Candy sa akin. Maging ako rin sa kaniya.

Hindi ko naman siya masisisi. Nakaka-trauma nga naman ang pinagdaanan niya. Matagal sila ni Kel, tapos sa isang iglap, naglaho lahat. Pero iba naman si Casper kay Kel. Malaki ang tiwala kong si Candy lang ang kaya niyang mahalin nang wagas.

Matagal pa kaming nagkuwentuhan ni Candy. Kung saan saan na napunta ang usapin namin hanggang sa parehas na kaming nagpaalam sa isa't isa.

Nasa tapat na ako ng bahay ni Troy. Pagkapasok na pagkapasok ko ay sinalubong ako ng ilan sa mga tauhan niya.

"Nasa taas po ma'am."

Agad akong umakyat nang sabihin sa akin iyon ng isa sa mga kasambahay niya. Maingat kong sinilip ang kuwarto ni Stacey at doon ko nadatnan ang dalawa.

Parehas silang tulog sa may carpet.

Ang sistema ay naka-tihaya si Troy habang nakapatong ang isang braso sa noo niya. Habang si Stacey naman ay naka-unan sa tiyan ni Troy. Para tuloy siyang naka-upo. Nakanganga pa habang hawak hawak sa isa niyang kamay ang manikang kakabili lang ng ama niya.

Inilabas ko ang phone ko at kinahanan silang dalawa. Ginawa ko 'yong wallpaper ko at lumapit sa kanila. Dumako ako kay Stacey ay maingat siyang inalsa patungo sa kaniyang higaan.

Siguro pagod sa paglalaro ang batang ito. Ni hindi na umuungot gayong gawain niya 'yon.

Pagkababa ko sa kaniya ay kinumutan ko na siya at hinalikan sa pisngi.

"Goodnight, anak." Malumanay kong saad at nilingon si Troy na naghahagok na.

Lumapit ako sa kaniya at marahan siyang inalog.

"Troy, gising. Lumipat ka na sa kabilang kuwarto." Paggigising ko na hindi ko naman ikinabigo.

Nagdilat siya agad at inihilamos ang palad sa kaniyang mukha.

"Nandito ka na pala. Kumain ka na ba, babe?" Tanong niya sabay hila sa akin dahilan para mapahiga ako sa kaniyang dibdib.

"Dessert lang. Pero busog na ako, gusto ko nang matulog."

Pagkasabi ko sa huling salita ay maingat niya akong ibinangon. Parang nawala ang antok niya at akmang bubuhatin pa ako pero pinigilan ko siya.

"Dito na tayo matulog sa tabi ni Stacey. Humiga ka na sa tabi niya at maglilinis lang ako." Aniya ko at tumayo.

"Dito tayo? Paano tayo makakapag-ano niyan kung nandito tayo?" Nanlalaki ang matang tanong niya.

Napa-irap naman ako at sinamaan siya ng tingin.

"Ikalma mo nga 'yang libog mo Monreal. Pagod ako at kailangan mo pang maagang magising bukas dahil tapos na ang bakasyon mo bukas." Siring ko at pumasok na sa banyo.

Nakarinig pa ako ng pagkatok na kalaunan ay nawala rin. Natawa na lang ako at minadali na ang paglilinis ko.


𝓳𝓮𝓷𝓪𝓿𝓸𝓬𝓪𝓭𝓸✿

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top