Chapter 26
chapter twenty-six
── ⋆⋅☆⋅⋆ ──
In decision-making, there's no one choice; there's always two options that can be negative or positive. Choices are made for vice versa and to look for the outcome of what you choose.
Nasa huli ang pagsisisi. And that's true.
When I opt for the alternative that benefits Troy, it brings me a mix of pain and fulfillment. Although it's a sacrifice, I'm left emotionally drained by the change in circumstances. Yet, I harbor no regrets; my love for him runs deep enough that I'm willing to make such sacrifices, even if it means putting my own well-being at stake.
Inaasahan kong wala akong dadatnan nang bumalik ako dito kasama ang anak ko. Inaasahan kong wala na akong babalikan, dahil hindi rin biro ang limang taong pagtatago ko sa kaniya. Inaasahan kong magagalit siya kapag nagkita kami, inaasahan ko lahat ng negative na pwede kong maisip, ngunit lahat ng nasa aking isipan ay naging isang kabaliktaran.
As I gaze upon him, delicately arranging our plates with the meal he prepared, waves of emotion crash over me. What was once a mere fantasy, conjured in the days before we became a couple, now unfolds before my eyes. I used to daydream endlessly about the life we could share, imagining every detail, down to the laughter of our children. And now, here we are, living out the very dream that once felt so distant yet has become our reality.
Three days have passed since we settled into Troy's home, and each morning echoes with his unwavering care. He always checks on us, true to his words that he'll make it up like he was the one who committed a wrong move in our relationship. Sinusubukan ko rin namang bumawi, pero tila talagang kinalimutan niya na ang nagawa ko dahil napakalambing niya sa akin.
Sa ilang araw namin dito, guilt ang nararamdaman ko. And despite his gentle demeanor, his words linger in my mind like a sharp rebuke, piercing through any defenses I may have put up, leaving me with an unspoken guilt that weighs heavily upon me, despite his intentions being nothing but pure.
"Babe?"
Napukaw ako sa pag-iisip nang makaramdam ako ng marahang pagtapik sa akin. Kaagad na nagtama ang paningin namin ni Troy. Taka siyang nakatingin sa akin, kaya naman napatikhim ako.
"Don't you like the food? I'll cook you something—"
"Hindi, ano ka ba. Umupo ka nga." kaagad kong pigil sa kaniya dahil mukhang desidido siyang magluto talaga. "Pinapalamig ko lang 'yong kanin ko."
Matagal niya akong pinakatitigan. Para bang binabasa niya ako gamit ang matalim niyang tingin at alam kong kilala niya ako. Hindi naman nagbago ang ugali ko, at kung hindi niya ako nakalimutan, talagang malalaman niya.
Nagbaba ako ng tingin sa plato ko. Siya naman ay nagpatuloy sa pagkain. Bahagya ko siyang sinilip, binalingan niya rin ang anak namin na nasa tabi niya, tahimik na kumain.
"There's something bothering you, Gail. At hindi ako papayag na hindi na'tin 'yan mapag-usapan. Kumain ka na muna, baka ma-late ka sa klase mo."
Hindi na lang ako umimik. Kumain na ako para hindi na siya mag-usisa pa sa akin.
"Siya nga pala, can you do online class by next week?"
Napaangat ako ng tingin sa kaniya.
"Itatanong ko, bakit?"
"Let's go to Tagaytay. May rest house kami doon, I'll take another leave to have quality time with both of you."
"E, papayagan ka ba?" takang tanong ko. Naka-leave rin kasi siya ngayon katulad ng sinabi niya no'ng nasa hospital pa kami.
"I'll use connection; for sure, Samuel would help me process it with his father. I badly want to focus my attention on both of you before I go back to work."
"Hindi ba malaking abala ang gusto mong mangyari, Troy?"
Kaagad siyang napailing. "Hindi magiging abala ang gusto ko, dahil kayo naman ang rason ko, Abigail. Matagal tayong hindi nagkita, gusto kong bumawi sa anak na'tin at lalo na sa 'yo. I wasn't there when your tummy was getting bigger or when you delivered our daughter. You sacrifice a lot, Abigail. And I want to make up for my absences in your life as your partner."
Inihatid ako ni Troy kasama ang anak namin patungo sa paaralang pinapasukan ko. Kilala na pala siya dito dahil nagkaroon sila ng medical mission para sa mga estudyante na narito bago pa ako makarating. Naging supervisor din si Troy sa medical department, kaya minsan ay talagang dinadaanan niya ang lugar na 'to. Kaya pala dito rin kami unang nagkita. That explains everything.
Walang bago sa klase ko. Sa ilang oras na pagkaka-upo ko sa ilang subjects ko, ay siyang dagdag din ng kaalaman sa aking utak. Kaagad na rin kaming pinapili ng thesis partner. Hindi naman ako nahirapan dahil ilan din ang lumapit sa akin, ang pinili ko lang nga ay iyong sigurado akong hindi mahirap ka-partner.
I'm not invalidating my other classmates, but this is the reality of life. I shouldn't pick someone because she or he looks like an angel who can follow my command or whatever. I should pick someone who is capable of handling my ideas, can instruct me with her ideas, and so on. On the positive side, that can both help us defend and finish our thesis smoothly.
"Brainstorming na lang tayo sa Saturday. Third week pa naman tayo magpapasa, kaya may oras pa tayong mag-isip. You can chat me anytime kapag may napili ka na and I'll do the same."
Malawak akong ngumiti sa ka-partner ko at iniabot sa kaniya ang phone ko para ma-add ko siya sa fb.
"Enrico Miller, . . . "
"That's me," he casually laughs. "Paano, mauna na ako. Hindi na kita maihahatid sa sakayan dahil may lakad din ako ngayon."
Napailing ako ng mabilis. "Naku, ayos lang. Mag susundo rin naman sa akin. Baka na-traffic lang. Sige, you can go na."
"Ingat ka," kaswal niyang sabi at tumalikod na.
Sakto naman ang pag-alis ni Enrico nang may bumusina sa 'di kalayuan sa kinapu-pwestuhan ko. Kaagad kong namukhaan ang sasakyan at tama akong kay Troy iyon lalo na't bumaba ito at lukot ang mukhang lumapit sa akin.
"Who's that?" may iritasyon sa kaniyang boses.
Hindi ko na kailangang itanong pa sa kaniya kung bakit ganyan ang kaniyang tono. Siguro ako dinalaw siya ng selos.
"Iyong kaka-alis lang? Naabutan mo ba kaming nag-uusap?"
"Nasa dulo pa lang ako ng likuan ay tanaw ko na kayo,"
"Ah, si Enrico. Classmate ko, partner ko rin sa thesis." aniya ko.
Hindi man lang naalis ang lukot sa mukha niya habang nakatingin sa akin. Gusto kong matawa sa reaksyon niya, mas napapatunayan ko na malalim talaga ang nararamdaman niya sa akin after all. How sweet.
"Bakit lalaki—"
"Capable siya na maging ka-partner ko sa thesis namin, Troy. Matalino ang isang 'yan kaya siya ang pinili kong maging ka-partner. Mas maasahan ko siyang matutulungan ako dito dahil maingay ang pangalan niya sa academic." pagpapaliwanag ko pero mukhang hindi pa rin kumbinsido ang lalaking ito.
"I can help you with that, Gail." he sounded so hurt.
Natalima naman ako doon pero kailangang niyang maintindihan ang pinupunto ko.
"I know, pero hindi naman ikaw ang kasama ko mag-defend niyan. Kahit tulungan mo ako, iba pa rin kapag may alam talaga ang ka-partner ko. Tsaka, you've been into this, Troy."
Nag-iwas ng tingin si Troy bago kinuha ang bag ko at inalalayan akong maglakad patungo sa sasakyan niya. Nang makasakay din siya ay hindi niya na ako binalingan.
Napakagat labi ako. Selos na selos ba talaga siya? Wala naman kaming ginagawang masama. Hindi ko rin naman ini-invalidate ang nararamdaman niya. Sadyang nasa katauhan lang talaga ni Enrico ang kailangan kong ka-partner.
"Wala kang dapat na ikabahala, Troy."
Ramdam ko ang sandali niyang pagbaling sa akin.
"Kahit naman magkalayo tayo ay hindi nabaling sa iba ang atensyon at nararamdaman ko. Alam kong hindi ko mararamdaman sa iba ang nararamdaman ko para sa 'yo. Walang papantay sa relasyong iniwan ko, kaya kahit kailan sa loob ng limang taon na'ting hindi nagkita, hindi ka napalitan." pag-aamin ko.
"A-Abigail, I'm sorry. N-nagseselos lang ako."
Hinarap ko siya. Patuloy pa rin siya sa pagmamaneho. Pinanood kong maigi ang reaksyon ng mukha niya. Kung kanina ay lukot iyon ay unti unti namang umaaliwalas ngayon. Namumula rin ang tainga niya, halatang hindi inaasahan ang lumabas sa bibig ko ngayon.
"May karapatan ka namang magselos. Ang sabi mo ay girlfriend mo pa rin ako, at gano'n din ang tingin ko sa 'yo, Troy. May relasyon pa rin tayo kaya wala kang dapat na ipag-alala dahil sa 'yo ako."
Inabot ko ang kamay niya na libre. Marahan kong pinisil pisil iyon na siyang ikinangiti niya.
"B-babe, mamaya mo na ako landiin, nagmamaneho ako."
Natawa ako sa sinabi niya kaya naman akmang bibitiwan ko na sana ang kamay niya nang pagsaklupin niya naman ang daliri namin.
"Thank you, Abigail. Thank you for telling me those words. I love you so much, babe."
Isang malawak na ngiti na lamang ang iginawad ko kay Troy. Aminin ko man o hindi, mahal na mahal ko pa rin siya. Walang nagbago sa nararamdaman ko, actually mas lumala pa nga.
Gusto ko mang suklian ang tatlong salitang hindi niya ipinagkait sa akin, ay hindi ko man lang nagawa. Para sa akin ay masyado pang maaga. Dadating din kami doon kapag talagang maayos na ang relasyon namin. After all, hindi ko pa nakaka-usap ang nanay niya.
Pagkadating naman sa bahay ay sinalubong kami ni Stacey kasama ang kasambahay na kakakuha lang ni Troy. Nagbalita ito na kakatapos lang kumain ng anak namin at patulog na rin nang marinig ang doorbell.
"Sige, ako na ang maghahatid sa kaniya sa kwarto, Ate Nelly. Magpahinga ka na po." aniya ko at kinarga ang anak.
Pinupog ko siya ng halik na siyang ikinahagikhik niya.
"Mommy, how's school po?"
"Okay naman, anak. Medyo pagod lang si 'Mmy kasi maraming lessons." nguso ko sa kaniya nang maibaba ko siya. Sa sala muna kami namahinga kasama si Troy na nasa tabi lang namin at pinanonood kami.
"Oh, 'Mmy, I think you need massage po like no'ng nasa old house po tayo. 'Di ba po, I always massage your back and head kasi you're so drained by works and school works, tapos inaalagaan mo pa po ako."
Napalabi ako sa biglaang pag-bri-bring up ni Stacey. Hindi ko na nilingon si Troy na naalarma sa anak.
"You work?"
Tumango ako.
"Elaborate, Abigail."
"A-ah, oo. No'ng nag-tatlong taon si Stacey. May ipon kasi sila mama at papa sa bangko. Pang college ko sana 'yon, pero nagastos ko sa panganganak at sa pangangailangan namin. Tinutulungan din naman ako nila Tita Anne, ang kaso, kailangan ko talaga ng trabaho para sa pang-araw araw namin."
"And 'Dddy, you know my 'Mmy was the best mother! She's my superwoman. Even though she's tired, she's always had time for me. Mama Anne tells me that I'm so lucky to have her."
Natawa ako sa pagbubuhat sa akin ni Stacey. Ako ang pinaka-lucky dahil siya ang naging anak ko. Hindi matigas ang ulo niya, marunong siyang umintindi at higit sa lahat mahal na mahal niya ako.
Lumapit sa amin si Troy, yumakap siya sa amin ng anak niya at ginawaran ako ng halik sa sintido, sunod ay ang anak namin sa kaniyang pisngi.
"And I'm so lucky to have you both in my life. Daddy promise both of you that I'll fulfill my absences in your life. I'll give everything I can for you, because I love you both so much."
"And I'm so lucky to have you both in my life. Daddy promises both of you that I'll fulfill my absences in your life. I'll give everything I can for you because I love you both so much."
Ang sandaling pagpapalipas namin ng oras ay tumagal pa. Naging madaldal ang anak ko tungkol sa buhay namin sa Siargao at tuwang tuwa naman ang ama niya sa kaniya.
Kinalaunan ay napagpasyahan din naming patulugin na si Stacey dahil panay na ang hikab nito. Ako na ang sumama sa kwarto niya at maya lang rin ay pumasok si Troy para silipin ang anak.
Sabay na kaming lumabas pagkatapos niyang halikan ang anak sa pisngi. Hinatid niya pa ako sa kwartong tinutuluyan ko. Oo, magkahiwalay kami ng kwarto at ako ang nag-presinta na gano'n na muna. Hindi naman namin kailangang magmadali, aayusin lang naming ang pag-aadjust, isa pa, hindi pa kami nakakpag-usap ng maayos. Iyong tipong may buong araw kami para balikan ang nakaraan.
"You're so brave, Gail."
Napalingon ako sa kaniya bago ako makapasok sa kwarto ko.
"Working while studying and at the same time, inaalagaan mo pa ang anak na'tin, hindi ko lubos maisip na kaya mong magsakripisyo."
"It's for the best," tipid kong wika.
Umiling naman siya. "Not in your part."
"Pero wala akong pinagsisisihan, Troy. Kung mangyayari man 'to ulit, gano'n pa rin ang gagawin ko, dahil iyon ang tama. Iyon ang makakabuti. Please, kahit sana nalaman mo ang mga bagay na iyon ay h'wag mong isisi sa sarili mo, dahil wala kang alam, Troy."
"Hindi magiging dahilan 'yan sa kapabayaan ko, Abigail."
Mabigat akong bumuntong hininga. Tinawid ko ang pagitan namin at nanginginig ang kamay na inilapat ko ang palad ko sa kaniyang magkabilang pisngi. Napapikit naman siya at napahawak sa akin.
"You did your best to remind me that you're always by my side during the old days, Troy. I know you will do everything if I tell you that I'm carrying our child. You're a good man and have a principle, and that's scared me. You have a bright future; you shouldn't waste that."
"You don't want me to waste my future, but you did to yourself, babe. And that pains me. I should control myself—"
"And if you did, there'd be no Stacey Nicole in the world, Troy," I interrupted, seeing his bloodshot eyes. "Please, let's forget everything. We're here now, together. We can start anew now that everything's settled. Stop dwelling on the past, because we're okay."
Naiintindihan ko ang nararamdaman ni Troy. Pero hindi niya kailangang mamuhay sa nakaraang nalagpasan naming mag-ina. Maayos kong nabigyan ng buhay si Stacey. Kahit papaano ay naitaguyod ko siya at nakakakain kami ng higit pa sa tatlong beses sa isang araw. Isa pa, hindi naman ako pinabayaan nila Tita Anne, kahit pa may sarili na siyang buhay sa mag-ama niya.
"Kanina habang kumakain tayo, what's bothering you?"
Napanguso ako. Akala ko ay makakalimutan niya.
Inialis ko ang kamay ko sa kaniyang pisngi, kaagad niya namang pinigilan ang kamay ko at ibinalik iyon sa pisngi niya. Bahagya akong natawa.
"May iniisip lang ako,"
"Can you tell me what is it?"
Nag-isip ako sandali, bago nagsalita. "Ikaw ang iniisip ko."
At katulad ng inaasahan ko, para na namang hinog na kamatis ang tainga niya.
"H'wag kang kiligin, halatang halata ka."
Napanguso siya sa sinabi ko.
"Iniisip ko kung bakit sa kabila nang pang-iiwan ko at pagpapamukha sa 'yong parang tanga ay buong buo mo pa rin akong tinanggap. Ni hindi ako nakarinig ng negative words. Although nailabas mo naman ang nararamdaman mo sa akin during those days. Sapat na nga na dahilan iyon para magalit ka sa akin, pero hindi mo pa rin ginawa," tumigil ako saglit. Inalis ko na ng tuluyan ang kamay ko sa kaniya at sa hinayaan ang sarili kong yakapin siya.
Ramdam ko ang gulat sa kaniya. Ipinikit ko ang aking mga mata at dinama ang tagpo namin ngayon. Mas lalo ko pang idiniin ang sarili ko sa kaniya nang yumapos sa akin ang braso niya.
"Pero malinaw sa akin ang lahat, Troy. Kaya nagpapasalamat ako dahil inintindi mo ako. Tinanggap muli, at lalong lalo na, hinintay. Akala ko kasi ay wala na akong babalikan, pero nagkamali ako. Thank you . . . Maraming salamat, Troy."
Para akong nabunutan ng isang napakalaking tinik nang mailabas ko sa kaniya ang gusto kong sabihin. Pakiramdam ko ay pwede na kaming magsimula ulit, iyong totoong simula kung saan uumpisahan na naming buohin ang pamilya namin.
Ilang araw matapos ang tagpong iyon ay ibinalita sa akin ni Troy na aalis kami papuntang Tagaytay. May reunion daw ang mga kamag-anak niya sa rest house nila at naibalita niya nang may surpresa siya sa kanila.
Nasabi niya na sa akin 'to pero akala ko ay normal na araw lang ang ipupunta namin doon. Réunion na pala.
Hindi ko maiwasang hindi mangamba. Lalo na ng sabihin niyang uuwi galing Singapore si Tita Rebecca. Para akong binarahan nang sarkaterbang bato sa dibdib. Pero hindi ko iyon ipinahalata kay Troy, ayaw kong mawala ang saya sa mukha niya. Hindi ko rin pwedeng tanggihan ang gusto niya dahil maging ang anak namin ay excited sa balita ng ama niya.
"Daddy, I can't wait po to meet my cousins! I know they are pretty and handsome like us po, and I love them already!"
Ngumiti si Troy sa anak bago isakay ito sa sasakyan.
"You'll be my surprise to them, anak. I can't wait to see you bond with them too."
Sumakay na ako sa sasakyan, sumunod naman si Troy na kaagad pinaandar ang makina. Hindi na ako nagsalita. Kinakabahan kasi ako lalo na kay Tita Rebecca. Hindi naman masama ang ugali niya pero kahit na.
Ilang beses rin akong tinanong ni Troy kung ayos lang ba ako, at panay lang ako tango o ngiti sa kaniya. Ayaw kong mag-alala siya, masayang masaya silang dalawa at ayaw kong sirain ang moment.
Ilang oras ang naging byahe namin. At sa ilang kilometrong lapit namin sa rest house nila ay mas dumoble ang kaba sa dibdib ko, lalo na nang tuluyang huminto ang sasakyan sa isang tahimik na village na may naglalakihang mga bahay.
Pagkababa namin ay kaagad kaming sinalubong ng mga kalalakihan na sa tantsa ko ay may kabataan kaysa sa amin ni Troy. Puros binatilyo.
"Magandang gabi, Sir. Troy!" magiliw na bati ng mga ito.
Nang malingunan ako ng mga ito ay nagkakanya-kanyang tulakan ang mga kalalakihan. Napansin 'yon ni Troy kaya't nangunot noo ito.
"You damn morons! That's my wife!" inis na sigaw ni Troy sabay lapit sa kanila na unti unting umatras. Biglang nawala ang ngisi sa kanilang mga labi at nag-iwas kaagad sa akin ng tingin.
Napalabi naman ako sa sinabi ni Troy.
Wife? That sounds so good.
"A-asawa?! Asawa mo Sir?!" namimilog na tanong ng isa kay Troy.
"Parang ayaw mo?" kunot noong tanong sa kaniya ni Troy bago buksan ang backseat at kargang inilabas ang anak namin na inaantok pang yumakap sa ama niya.
Mas lalong nanlaki ang mata nila.
"S-sir, h'wag mo sabihing anak mo 'yan?!"
Hindi sila kinibo ni Troy, bagkus ay sa akin ito lumingon at sinenyasan akong papasok na kami.
"Ang ganda ng asawa mo Sir!"
"Oo at asawa ko 'di ba? H'wag mo na tingnan at baka mawala ka ng trabaho dito." may inis sa boses ni Troy.
"Boss naman, pinupuri lang e, aalisan mo agad ng trabaho." angal pa ng isa at biglang kumaripas ng takbo nang samaan siya ng tingin ni Troy.
"Tang'na, naangal pa."
Bumuntong hininga si Troy.
"Ang ganda ng asawa ko 'no?" pag-iiba naman ng tono ni Troy. Siniko ko siya dahil nahihiya na ako pero kumindat lang siya sa akin.
Mabilis namang nagsitanguan ang mga kaharap niya.
"Sang-ayon, boss!"
"Kahit hindi kayo sumang-ayon, maganda talaga ang asawa ko." napapailing na wika niya.
"Sana makahanap din kami ng katulad ni Ma'am!"
Napailing si Troy. "Nag-iisa 'to at para sa akin lang."
Kaagad na umalingawngaw ang tuksuhan sa amin.
Bago pa man kami makahakbang ay mabilis na nagtakbuhan ang mga kalalakihan at mula sa gate ng bahay ay rinig na rinig namin ang malakas nilang boses sa pagbabalita!
"Nandiyan na si Sir. Troy, Ma'am! Kasama 'yong asawa at anak niya! May asawa at anak na si Sir. Troy!"
"They're so loud." komento ni Troy na sinang-ayunan ko.
Tuluyan na kaming pumasok sa loob at gano'n na lang ang gulat ko nang makita naming nagtatakbuhan ang lahat papalapit sa amin. Lahat kami ay nagkagulatan sa isa't isa at halos magtatatalon sa tuwa ang ilan sa kamag-anak ni Troy. Hindi ko inaasahan na may karamihan ang haharapin ko ngayon.
"Jusko, Rebecca! Ang anak mo, may anak na!" sigaw ng isang may katandaang babae.
Lumapit na kami nila Troy sa kanila. Hindi magkandamayaw ang mga kamag-anak ni Troy lalo na't tuluyang nagising ang anak namin. Nang una ay kunot noong sinuyod ni Stacey ng tingin ang mga tao sa paligid niya at kapit na kapit sa ama, ayaw na ngang magpababa kung hindi lang nakakita ng mga bata na kasing edad niya. Sa isang iglap, nawala sa amin si Stacey dahil inaya siya ng mga bata sa loob. May ilan ding matatanda na sumunod.
"Sinorpresa mo kami, anak."
Halos iwasan ko ang tingin ni Tita Rebecca ng lumapit siya sa amin ni Troy at nginitian kaming pareho.
"Mom, girlfriend ko po." pakilala sa akin ni Troy, para bang first time ulit. Inangkala niya pa ang kamay niya sa baywang ko.
"Abigail, hija." baling sa akin ni Tita.
"T-Tita," kaswal kong bati pabalik.
"It's been a long time, malaki ang pinagbago mo."
Napalabi na lang ako. Hindi ko alam kung papaano ko siya kakausapin.
"May inihanda akong tea party sa hardin, pwede bang mahiram ko muna ang girlfriend mo, anak?"
Parang akong hihimatayin. Bakit kailangan niya akong hiramin? Matutulad ba na naman ito sa nakaraan? Para akong ibabala at ihahagis na lang sa ibang lugar.
Nagkatinginan kami ni Troy.
"Don't worry, hija, anak. Gusto ko lang kamustahin ang nobya mo. Matagal na rin simula ng magkita kami, at ipakilala mo siya sa akin."
"Mommy," nguso ni Troy.
Napailing si Tita Rebecca. "Anak, alam mong botong boto ako sa nobya mo. Ano bang ikinakatakot mo d'yan? Ikaw na bata ka, kahit noon ay ganyan ka rin nang ipakilala mo siya sa akin." aniya at bumaling sa akin. "I'm no harm, hija."
Sa huli ay ako na rin ang kusang sumama sa ina niya. Kinakabahan man ay sumunod ako kay Tita Rebecca patungo sa hardin kung saan kami lamang dalawa ang nandoon. Sinenyasan niya akong umupo na siyang inunlakan ko.
Katahimikan ang namutawi sa amin bago niya iyon basagin.
"Kumusta ka, hija?"
"M-maayos naman po, T-tita."
"H'wag kang kabahan sa akin. Wala akong balak na kausapin ka para magkahiwalay na naman kayo." bumuntong hininga siya. "Gusto kong humingi ng paumanhin sa nakaraan, anak."
Napalunok ako habang nakatingin sa kaniya.
"Alam kong mahirap ang walang katuwang. Nagdaan ako d'yan bago kami balikan ng asawa ko at hindi naging madali ang maging mag-isa, isa pa ay bata ka pa noon. Parehas kayo ng anak ko, ngunit ang lakas ng loob kong kausapin kang h'wag nang ipaalam sa anak ko ang kalagayan mo, dahil ayaw kong masayang ang kinabukasan niya."
Napayuko ako nang maglandas ang luha sa pisngi ni Tita Rebecca.
Hindi ko maiwasang hindi sariwain ang nakaraan namin. Noong araw na nagpa-check up ako sa ob ko ay siyang aksidente naming pagkikita ni Tita Rebecca. May kaibigan siya doon at nasaktuhan pang araw ko kaya nagkaalaman kami.
"Sana maintindihan mo ako, hija. Hindi ko gustong lumaki ng walang ama ang apo ko, pero hindi ko kayang makitang parehas kayong maghihirap dahil sa biglaang pagpa-pamilya. Kilala ko ang anak ko, tiyak akong titigil iyon sa pag-aaral niya kapag nalaman niyang magkaka-anak kayo." lumuluhang wika ni Tita.
"Sana maintindihan mo ako, Abigail. Gusto ko lang makapagtapos ang anak ko, pangarap 'yon ng bawat ina para sa kabilang anak. Alam kong kakapalan ng mukha ang hinihiling ko sa 'yo, pero ito lang ang paraan para makapagtapos ng maaga si Troy."
Napatingin ako sa labas ng bintana ng kotse niya. Umiiyak dahil alam ko na ang nais niyang iparating. Napabalik ang paningin ko sa kaniya nang hawakan niya ang aking kamay.
"Mag-aabot ako ng tulong, hija. Apo ko rin iyan kaya gagawin ko ang lahat—"
"Hindi na po kailangan, Tita."
"Hija,"
Ngumiti ako sa kaniya.
"Naiintindihan ko po kayo. Kung ako ang nasa kalagayan niyo ay parehas po tayo ng gagawin. Bago niyo rin po ako kausapin ngayon ay wala po talaga akong balak na sabihin kay Troy ang sitwasyon ko. Parehas po tayong ayaw na tumigil sa pag-aaral si Troy. Hindi maganda na sabay kaming titigil, dahil nasasayangan ako sa oras. Kaya ko pong magsakripisyo, h'wag na po kayong umiyak."
"Hija, tanggapin mo ang ibibigay ko sa bangko mo. Para hindi ka mahirapan. Kapag naubos ay tumawag ka sa akin. H'wag mong isiping bayad ito sa paglayo mo, dahil hindi iyon gano'n. Gusto kong tumulong sa 'yo at sa apo ako. Kaya tanggapin mo, hmm."
Tama lang naman lahat.
Tama lang ang naging desisyon namin.
"Nang lumayo ka ay pinagsisihan ko ang pagka-usap ko sa 'yo. Araw araw kong nakikita ang anak kong wala sa sarili niya. Laging umaalis ng bahay at kailangan pang sunduin sa tapat ng bahay niyo kasi naghihintay siya sa 'yo. Nasasaktan ako para sa anak ko na siyang kagagawan ko rin naman. Gusto na kitang ibalik sa kaniya, pero hindi ko alam kung saan mag-uumpisa sa totoo lang."
"Hindi umiinom ng husto ang anak ko. Kung may okasyon ay pili lang rin ang tanggap niya ng inumin, kaya mas lalo akong nahabag nang halos araw arawin niya iyon at papasok pa siya sa school kahit lango sa alak. Nagkamali ako, Abigail. Nagkamali ako, nagkamali ako."
Napalunok ako sa nalaman. Pinipiga ang puso ko sa bagong impormasyon.
Inabot ko ang kamay ni Tita at ngumiti sa kaniya.
"Tapos na po iyon, Tita. Maayos naman po ang buhay namin ni Stacey sa Siargao, at mas maayos pa po ngayon lalo na't tanggap kami ni Troy. Wala po akong pinagsisisihan, dahil maayos ang kinalagyan ng bawat isa sa amin."
Unti unting ngumiti si Tita sa akin.
"Masaya ako para sa inyo ng anak ko, hija. Noon pa man ay boto na ako sa 'yo para sa anak ko. Pasensya ka na talaga sa pagiging pakialamera ko sa inyo. Imbes na gabayan ko kayo ay ako pa ang sumulsol sa iyo na lumayo at h'wag ipaalam sa anak ko na magkakaroon na kayo ng anak—"
"You did that, Mom?"
Natigilan kami ni Tita Rebecca sa biglaang pagsingit sa amin ni Troy. Nagkatinginan kami at sabay na napatayo.
"A-anak,"
"Answer me, 'Mmy. Tama ba ang narinig ko?" hinanakit na tanong ni Troy.
Marahang tumango si Tita. Napapikit ako nang bumagsak ang balikat ni Troy.
"P-patawarin mo ako, anak. Nagkamali ako. Nagkamali ako, anak." lapit ni Tita kay Troy. Yumapos ito sa anak ngunit si Troy ay nasa akin ang tingin.
"Everything's okay now, Troy. Kalimutan na na'tin—"
"But my—but my own mother, . . . " hindi maituloy ni Troy ang sasabihin. Halatang nahihirapan siyang iproseso ang narinig.
Lumapit ako sa kanila at siyang layo naman ni Tita sa kaniya. Hinaplos ko ang mukha niya, pilit siyang pinapakalma.
"Magpahinga ka na muna, nagmaneho ka ng ilang oras." pag-iiba ko. Binalingan ko si Tita na nakatingin sa amin at umiiyak. "Ako na po ang bahala, Tita. Nasaan po ba ang kwarto ni Troy?"
"S-sumunod kayo sa akin."
Nauna si Tita Rebecca. Sumunod naman kami ni Troy. Sa likod na kami dumaan para walang makapansin sa amin. Nang matapat kami sa kwarto ay sinabihan ko si Tita na ako na ang bahala. Bigla na lang din kasing pumasok si Troy. Ni hindi man lang binigyang tingin ang ina niya.
Pagkapasok ko ay tinabihan ko kaagad si Troy sa dulo ng kama. Tahimik siya at nabibingi ako dahil doon.
"H'wag kang magalit kay Tita Rebecca, Troy. Dahil desisyon ko talagang hindi ipaalam sa 'yo. Parehas kaming ina kaya naiintindihan ko siya nang kausapin niya ako. Walang ibang hangad ang isang ina para sa kaniyang anak kun'di ang makamtam nito ang pangarap nito sa buhay."
"Pero ang kapalit no'n ay ang sa iyo."
"At kailangan na'ting tanggapin ang lahat ng nangyari na sa nakaraan, Troy. Kung magpapalamon ka sa nakaraan, hindi ka makakausad."
Nilingon niya ako.
"Mahal ka ni Tita. Mahal din kita, Troy. Ang pagmamahal na totoo ay kayang gawin ang lahat para sa minamahal nila. Kaya sana maintindihan mo na nakayanan ko naman, nasa present na tayo, may pagkakataon ka pang bumawi dahil hindi ko iyon ipagkakait sa 'yo."
"Hindi ka galit kay, 'Mmy?"
Umiling ako. "Tinulungan ako ng mommy mo, ang perang inihuhulog niya sa bangko ay siyang ginamit ko sa pandagdag sa pera ng magulang ko at ginamit ko ang natira sa mga gamit na kailangan ng anak na'tin, kahit papaano ay hindi ka nagkulang, Troy."
Napapikit siya, maya'y sumandal sa akin at yumakap.
"Babawi ako, babe. Babawi ako for the rest of my life . . . I love you."
Hinigpitan ko ang yapos ko sa kaniya.
Hindi ko na kailangang magpigil. Settled na lahat.
"Mahal na mahal din kita, Troy." pabulong kong sambit na ikinatigil niya.
"Y-you, . . . "
Imbes na sumagot ay bahagya ko siyang inilayo sa akin at sinalubong ang tingin niya. Unti unti kong nilapit ang sarili ko at dinampian siya ng halik sa labi. Ramdam ko ang pagkuyom ng kamao niya at maya'y nanlambot din.
"F-fuck! I love you so much, Abigail Coleen. Mahal na mahal kita, at lalo kitang minahal sa araw araw."
Malawak akong ngumiti at tumayo na.
"Tsk, magpahinga ka na. Magpapahinga na lang din muna ako at tutulong ako mamaya sa baba." aniya ko para patahimikin ang puso kong rumaragudo na sa tuwa.
Kaagad na napatayo si Troy.
"Saan ka naman pupunta kung magpapahinga ka na? H'wag mo sabihing hahanap ka ng ibang kwarto para doon magpahinga?"
Marahan naman akong tumango. "Ah, oo?"
Lumakad papalapit sa akin si Troy at hinila ako papalapit muli sa kama. Iniupo niya ako sa kama.
"Dito ka magpahinga. Dito ang kwarto na'tin, kaya humiga ka na." aniya.
"Hah? Bakit dito?!" hysterical kong tanong. Napatayo pa ako sa pagkaka-upo.
"At bakit hindi dito?"
Napakamot ako sa batok. "A-Ano, baka kasi may ibang isipin 'yong mga tao dito—"
"And so? Ano bang masama kung magsasalo tayo sa isang kwarto, babe?"
"It's just inappropriate."
"Inappropriate," taas kilay niyang panggagaya. "Sa tingin ko naman ay hindi, Abigail. Magpapahinga lang tayo, babe."
Napalabi ako at sasagot na sana ng bigla niya na lang akong buhatin na pa-bridal style. At nadama ko na lamang ang lambot ng kama sa aking likod nang ihiga niya ako at kumutan.
"You're my wife, normal sa mag-asawa ang magsalo sa isang kwarto, Abigail."
Napipilan ako at napanguso.
"Hindi mo naman ako asawa,"
Pinagtaasan ako ng kilay ni Troy at maya'y ngumisi. Napairap ako dahil totoo naman ang sinabi ko.
"We'll get there, Abigail."
"Saan?"
"Sa pagiging tunay na mag-asawa." aniya at kindat sa'kin.
Napalabi ako at biglang nakaisip ng kalokohan. Sumandal ako sa headboard ng kama habang siya ay sumampa na rin.
"We can be friends rather than be in that kind of relationship, Troy."
Troy gave me a startled expression as if I had just said the silliest thing he had ever heard, but it didn't stay long.
"Friends? Tingin mo papayag ako?" sabi na nga ba e. "May anak na tayo, tapos you want us to be just friends?" sunod sunod siyang umiling at isiniksik ang sarili sa akin.
"Balak pa kitang inakan ulit, Abigail. Gabi gabi rin kitang gagapangin kaya hindi tayo swack maging magkaibigan lang."
Parang may bumara sa lalamunan ko sa narinig. Wala sa sariling nahampas ko siya na ikinatawa niya lang.
"Mahal na mahal talaga kita, Abigail. Huling hampas mo sa akin ay no'ng binubuo na'tin si Stacey—"
"Troy, ano ba!"
"What? Totoo naman! Ang sarap mo no'n, mukhang mas masarap ka pa ngayon, tapos mas magaling na rin ako."
"Troy, isa!"
"I'm stating the fact, babe. Baka hindi lang kalmot ang mabigay mo sa'kin sa sobrang galing ko. Partida, wala pa akong practice!"
Napatakip ako ng tainga dahil sa lumalabas sa bibig niya. Hayop naman sa pagtawa ang katabi ko na hindi man lang na-e-eskandalo sa pinagsasabi niya. But in the end, I found myself laughing with him.
What truly felt like a blessing amidst all the trials was the chance to have him back once more, for the second time around. This time, we're committed to navigating our journey as parents, determined to give our daughter the best of ourselves until the very end.
While life's challenges may seem daunting, there's solace in knowing that fairness can prevail when the timing aligns just right.
──
𝓳𝓮𝓷𝓪𝓿𝓸𝓬𝓪𝓭𝓸✿
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top