Chapter 21

chapter twenty-one
── ⋆⋅☆⋅⋆ ──

I let out a deep breath upon hearing Troy's sentiments about a thousand times now. I can't help but feel annoyed with him every time he brings up what we did the last four weeks at Samuel's place. Halos malapit na mag-isang buwan kung tutuusin pero ayaw niya pa rin akong tigilan tungkol doon.
 
I rolled my eyes in the air and kept myself busy reading my lectures, even though it's not necessary since we don't have quizzes or exams today.
 
"Stop blurting it out, Troy. You don't need to worry; I'm safe that night, okay?" I keep my temper as low as possible.
 
Seryoso siyang nakatingin sa'kin. Halatang may gusto pang sabihin ngunit napailing na lang. Tumayo siya at padabog na umalis sa kaniyang kinauupuan. Dahil nasa ground kami, may ilang nagbulungan, mukhang nakita nila ang naging aksyon ni Troy.

Napailing na lang din ako at napapikit.

Ilang araw na kaming ganito. Sa totoo niyan ay hindi ko rin maintindihan ang sarili ko. Nagagalit ako dahil galit siya, kung tutuusin naman, karapatan niya iyon dahil bigla na lamang akong hindi nagparamdam sa kaniya at ngayon naman na nagkita kami, ako pa rin ang galit.

Naiintindihan ko naman si Troy. Gusto niyang makasigurado na maayos lang ba ako. Kung anong kinahinatnan ng kapusukan namin ng gabing iyon. Gusto niyang malaman ang nasa isip ko, lalo na't bigla na lang akong umalis sa lugar namin at pinili na tumira pansamantala sa condo ni Tito Armando sa Bulacan. Nagbakasyon din kasi sila ni Tita Anne, kaya humingi na lang ako ng pabor na doon na lang muna ako. May dalawang linggo kaming bakasyon at talagang sinulit ko iyon. Hindi ako gumamit ng social media, ni hindi ko minessage si Troy.

Ang dahilan ko, gusto kong maka-iwas muna talaga kay Troy. Nahihiya ako. Hindi ko alam kung anong mukha ang ihaharap ko sa kaniya. Normal lang naman siguro ang naging reaksyon ko hindi ba?

Napa-isip din ko na baka wala na akong nobyong babalikan. I know—alam kong katangahan ang ginawa ko, dahil tila ba nakalimutan ko kung gaano ako kamahal, at malayo si Troy sa gano'ng pag-iisip. Pero hindi ko masisisi ang sarili kong matakot.

Pansamantala kong nakalimutan kung anong klaseng tao si Troy. Bagay na mali ko naman.

"Pinag-uusapan ang problema, Abigail. Hindi niyo maiintindihan ang isa't isa kung magsasabayan kayo ng galit." Aniya ni Jel.

"True ka d'yan. Dadating at dadating talaga kayo sa ganiyang sitwasyon, Abigail. Normal stage lang iyan, kaya habang hindi pa malalim, mag-usap na kayo. Mahirap kapag pinatagal niyo iyan." Dagdag ni Candy.

"Misunderstanding lang ang mayro'n kami. Maaayos din naman namin 'to. Hindi lang nga sa ngayon dahil naiinis talaga ako sa kaniya." Hindi maiwasang usal ko.

Nagkatinginan si Jel at Candy, sabay pa silang tumikhim at ngumisi.

"Bago ata 'yan ah. Naiinis ka kay Troy?" Hindi makapaniwalang ulit ni Candy.

Hindi ako kumibo.

"Baka naman may nakakainis talagang nangyari, Candy. H'wag mo na nga usisain si Abigail, ikaw ang pag-usapan na'tin." Segunda ni Jel at mas lumawak ang pagkakangisi nito.

Napatingin ako kay Candy na biglang nanahimik, namula rin ang mukha niya kahit wala pa namang sinasabi na iba si Jel.

Pinaningkitan ko siya ng tingin kaya mabilis siyang nag-iwas ng tingin sa'kin at binata si Jel ng na-crumpled niyang papel.

"Oh, wala pa nga e!" Natatawang wika ni Jel.

"Ano bang mayro'n?" Takang tanong ko.

"Ito kasing kaibigan na'tin—"

"Lasing ako, Jel, okay?! Isa pa, it's not new to me! Parehas niyo alam na sexually active kami ni Keliano when we're together." Pahina nang pahina niyang sambit.

Napataas ang kilay ko. We're aware of that. Paano'y lagi niyang ishi-ni-share sa amin. Kung minsan ay nagsesend pa siya ng picture niya habang nasa kumot sa group chat naming tatlo.

Wild ang isang ito. Paano'y lumaki siya sa ibang bansa at dinala ang pagka-liberated niya dito sa Pinas. At hindi ko siya mai-ju-judge, magkaiba kaming tao, magkaiba kami ng paniniwala kaya wala akong masasabi sa mga kilos niya. Alam niya naman ang gagawin, unlike me.

Napatikom ang bibig ko nang sumagi na naman sa isip ko ang tagpo namin ni Troy.

"Ano'ng balita mo doon sa dj na 'yon? After that night, mukhang hindi na kayo nagka-usap about sa nangyari, right?"

Dj? Iyong Casper?!

"Holyshit, iyan ba iyong kaibigan ni Troy?!" Gulantang kong tanong. Sabay silang tumango sa akin bilang sagot.

Bumilog ang bibig ko at napasapo ako sa aking noo.

"We're drunk, okay. At casual sex lang ang naganap sa amin. There's no need to worry. Safe naman ako, at uminom ako ng pills. Regular din ang check up ko sa obgyn ko kaya negative ang resulta."

Obgyn?

Hindi ako nagpunta doon. Ni pills ay hindi ako uminom. Ang tanging ginawa ko lang ay bumili ng pregnancy test at laging negative ang lumalabas.

Sapat na iyon, hindi ba?

As long as the results are negative, I'm safe.

Napatayo ako sa kinauupuan ko. Parehas na nabigla ang dalawa. Napaawang pa ang labi ni Candy dahil patuloy pa siyang nagkwe-kwento.

"Oh, saan ang punta mo? Break time pa, babalik ka na agad sa room?"

Napailing ako.

"Biglang sumama ang pakiramdam ko. Uuwi na ako." Wala sa sariling sambit ko.

"Hatid ka na namin," kaagad na tumayo si Candy at umalalay sa tabi ko. Binalinyan niya naman si Jel na nakasunod. "Tawagan mo si Troy—"

"Kaya ko pang umuwi, Candy. Ako na lang din ang magsasabi sa kaniya mamaya. Hindi naman makakalabas 'yon dahil may groupings sila ngayon."

Hinatid ako nila Candy sa labas ng gate. May nakasalubong pa nga kaming subject teacher namin kaya napabilis ang paglabas ko ng school. Gusto pa sana nilang samahan ako hanggang sa makasakay ako ng maayos pero tinanggihan ko na.

Hindi nila ako pwedeng samahan. Hindi pwede dahil hindi naman ako didiretso sa bahay.

"Saan tayo, Miss?"

"Sa kabilang kantong pharmacy po, Manong."

Ipinikit ko sandali ang aking mata habang binabagtas namin ang daan. Unti unting sumisikip ang dibdib ko dahil sa kabang nararamdaman.

One week na akong gumagamit ng pregnancy kit. At pare-parehas lang ang resulta. Puro negative ang inilalabas no'n.

Hindi ako pwedeng magkamali dahil maigi kong tinitingnan ang bawat test kit ko. Isang pulang linya lamang ang nalabas. Different models na rin ang binibili ko para lalong makasigurado.

Hindi ko na sana susubukan muli, dahil apat na araw na rin simula nang itigil ko iyon. Ngayon lang ulit, dahil nababahala ako.

Ang sabi rin sa google ay two to three weeks bago ma-develop ang pregnancy kung tama ang pagkakaintindi ko.

Napukaw ang hunahuna ko nang prumeno si Manong at singilin ako ng bayad.

"Salamat po," aniya ko bago dumiretso sa loob ng pharmacy.

Kaagad akong nagtungo sa counter at sinabi ang aking bibilhin. Nakangiti sa akin ang nag-a-assist, medyo nahiya ako dahil laging siya ang umaasikaso sa akin.

"Pang-ilan mo na ito. Dapat box na ang bilhin mo sa susunod." May pagbibiro sa kaniyang tinig.

Hindi ako kumibo, kaagad kong binayaran ang binili ko at nagpasalamat na. Hindi pa man ako tuluyang nakaka-alis ng pharmacy ay nag-vibrate na ang phone ko sa aking bulsa. Kinuha ko iyon at nakitang si Troy ang caller.

Napabuntong hininga ako at lumabas na. Naghintay ako ng masasakyan, wala akong balak na sagutin ang tawag niya pero magagalit na talaga ang taong 'to sa'kin kapag pinatayan ko siya ng tawag, kaya sa huli ay sinagot ko ang taway niya.

"Asan ka? Bakit hindi mo man lang ako tinawagan o binigyan ng mensahe na masama pala ang pakiramdam mo? Hihintayin mo pa talagang malaman ko sa iba?"

Himig na himig ko ang inis sa boses niya. Naiintindihan ko siya, kahit ako ay maiinis sa sarili ko. Pero hindi sa ngayon, kailangan kong maging maingat. Kailangang hindi niya malaman kung anong pinaggagawa ko, dahil parehas kaming matataranta.

"Sasabihin ko naman sa 'yo. Hindi lang ngayong oras dahil alam kong busy ka pa." Mahinahon kong wika.

"Girlfriend kita, Abigail. Importante ka sa akin, isa pa, emergency 'to. Uunahin kita . . . Asan ka ba? Wala na akong class after this, pupuntahan kita."

Napangiti ako sa bilis ng pagbabago ng boses niya. Sakto rin na may dumating na tricycle kaya sumakay na ako.

"Dumiretso ka na lang sa bahay mamaya. Umorder ka ng pizza sa tapat ng school, iyong may pineapple ah." Bilin ko.

"Pineapple? Hindi ka naman nakain ng pizza na may gano'n, babe. You don't like it, right?"

Natigilan ako.

Tama siya. Kahit kailan ay hindi ko ginusto ang pineapple sa pizza ko. Kahit nga iyong ham ay ayaw ko.

"Just relax while waiting for me kapag nakarating ka na sa bahay niyo. I'll buy you pizza, wait for me, okay?"

Napangiti ako. "Thank you, babe. I love you."

"Mahal na mahal din kita, babe. Take care, I'll hang this up."

Pagkababa ng tawag ni Troy ay mahina akong napabuntong hininga. Mas lalong dumoble ang kaba ko gayong dadating siya sa bahay. Kailangan kong makapag-pt habang wala pa siya. May isang oras pa naman.

Sabi nila kapag may dumating daw sa buhay mo na unexpected, treat it like a blessing dahil blessing daw talaga iyon. Kahit hindi pa dapat, o wala pa sa tamang oras ay blessing daw iyon. Hindi mo kailangang kabahan dahil galing ito sa may Itaas.

Pero paano kung ang blessing na sinasabi nila ay may kakayahang pahintuin ka ng pansamantala sa pagkamit ng iyong pangarap? Iyong dapat matayog mong kinakamtan ang gusto mong propesyon, nakikipag-puyatan ka para maabot ang lahat—pero lahat ng iyon ay mauudlot dahil may kailangan kang unahin bukod sa sarili mo . . . Blessing pa bang matatawag iyon?

Unti unting tumulo ang luha ko nang mapagtantong hindi na isang linya ang lumalabas sa pregnancy kit ko. Sa bawat pagpatak ng segundo ay unti unti lumilinaw ang isa pang pulang linya sa aking paningin, sa ilang pregnancy test na binili ko.

Kung nitong nakaraan ay puro ito negative, ngayon ay halos ang apat kong binili ay sunod sunod na nagkaroon ng dalawang linya.

"P-positive, . . . " Naibulong ko sa sarili.

Nasapo ko ang noo ko at animo'y pinagbagsakan ako ng lupa habang nililinis ang sink ko. Ibinalot ko ang mga pregnancy kit ko at lumabas ng banyo. Lumapit ako sa aking tokador at doon isiniksik ang mga gamit na nagpapatunay na nagdadalang tao ako.

Gusto kong maiyak. Bakit hindi nga ba hindi ko napansin?

Dapat ay nagkaroon ako last week pa lang. Hindi ako irregular, kaya dapat ay naisip ko na iyon. One week na akong delayed. That's the sign, right?

"Abigail?! Babe?!"

Kaagad kong pinunasan ang mukha ko at dumiretso ako ng banyo. Papalapit nang papalapit ang boses ni Troy, alam kong didiretso iyon dito sa kwarto lalo na't hindi niya ako makikita sa ibaba, wala rin sila Tita doon.

Naghimalos ako tiniyak na hindi niya mahahalata ang pag-iyak ko. Hindi niya ako titigilan kapag nahalata niya ako. Gano'n pa naman ang taong ito.

"Babe—"

"Hintayin mo na ako diyan, lalabas na ako." Putol ko sa kaniya, at pinihit ko na ang pinto ng banyo ko pabukas.

Sumalubong sa akin ang mukha ng nobyo ko. Nakasimangot ito habang sinusuyod ako ng tingin. Nag-iwas naman ako, at tinungo ang study table ko kung nasaan ang pizza na dala niya.

Nanubig ang bibig ko nang mabuksan ko ang karton.

"Sure ka ba talagang kakainin mo iyan?"

Binalingan ko siya ng tingin.

Tumango ako at kaagad na kumagat sa pizza. Halos mapamura ako sa sarap nang manguya ko na ito. Hindi ko na lang inintindi si Troy na takang taka sa akin.

"Mukhang maayos ka na. Uminom ka na ba ng gamot? May dala akong bioflu dito." Aniya at hinalukay ang bag niya.

Nanlaki ang mata ko.

"Hindi na!"

Natigilan siya sa biglaan kong pagsigaw, maski ako ay natigilan din.

Gusto kong batukan ang sarili ko, maging si Troy na rin. Hindi ako pwedeng uminom ng kung ano anong gamot, lalo na ngayong may dinadala ako, kung totoo nga ito. Natatakot ako. Natatakot ako baka maka-apekto sa bata . . . sa anak ko.

"Hindi na kailangan. Uminom na ako kanina. Maayos na rin ang pakiramdam ko kaya hindi ko na iyan kailangan," kagat labing wika ko.

Nawala ang taka niyang reaksyon. Lumapit siya sa akin at hinapit niya ako papalapit sa kaniya. Sa huli ay naupo kami sa kama ko, at ako ay kandong kandong niya habang patuloy pa rin ako sa pangata ng pizza ko.

"Parang kaya mong ubusin ang isang box, mukha ring ayaw mo akong bigyan."

Napangiti ako. "Pwede bang akin lang 'to? Bumili ka na lang ng iyo,"

Natatawang hinalikan niya ako sa braso ko at yinakap ako ng mahigpit, naalarma naman ako. Tinulak ko siya ng bahagya.

"H'wag mong higpitan ang yakap sa akin, Troy. Hindi makakabuti, okay?"

Sinimangutan naman ako ni Troy. "You're acting weird, babe. Ano bang nangyayari sa 'yo? Dati dati naman ay gusto mo ang mahigpit kong yakap." May pagtatampo sa boses niya.

Napairap lang ako. Ayaw ko siyang lambingin kahit gusto ko.

"Dati iyon, Troy." Hindi na ngayon dahil may anak na tayo! Baka mapirat mo sa loob ko, kawawa naman!

Muli lang akong napairap. Tumayo ako sa kandungan niya at kumuha ulit ng isang sliced. May ilan pa namang natitira, pwede ko pa para mamaya.

"May balak ka na bang ipagpalit ako, Abigail? Bakit ang cold cold mo sa akin? Alalahanin mo, may kasalanan ka pa sa akin. Ni hindi ka man lang nagsabi na magbabakasyon ka pala. Tsaka ko lang nalaman ng nakauwi ka na at malapit na ang pasukan. Sinasabayan mo rin ako, kaya hindi tayo magkaintindihan this past few weeks. Care to explain what's happening between us? Kasi hindi ko na alam kung saan kita kakapain."

Hinarap ko si Troy. Halatang halata ang inis sa mukha niya, ngunit bigla din iyong nanlambot.

"Dahil ba sa nangyari sa atin? Dahil ba doon kaya ka umiiwas sa akin?"

Natigilan ako. Natumpok niya kasi ang gusto kong sabihin, pero hindi naman totally dahil doon. Hindi ko rin kasi alam e. Sa totoo niyan ay kahit ngayon, ayaw ko siyang makita, pero kapag umalis siya ngayon din ay ma-mi-miss ko siya.

"I told you, pag-usapan na'tin, pero ayaw mo naman. Hindi ko alam kung saan ako lulugar, pakiramdam ko ay pinagsisisihan mo ang nangyaring iyon."

"Wala kang dapat ikabahala, Troy. Hindi ako nagsisisi, dahil ikaw naman ang nakakuha sa akin—"

"Hindi kita tinitingnan as nakuha ko, Abigail. Tangina, hindi ko naisip ang salitang iyan. Ni kahit ang salitang sa akin mo ibinigay ay hindi ko naisip. We made love, that's all, babe." Galit ang tono nito.

"Pwede ba h'wag mo gawing big deal iyan."

"Bakit hindi, babe?" Inis niya tanong. Tumayo na siya at lumapit sa akin. "Bakit hindi ko gagawing big deal, e hindi ka naman kung sino sinong babae lang na nakuha ko. For God's sake, you're my girlfriend! Nobya kita, Abigail. Hindi babae." Pagdiin niya.

Tumikhim ako. "Oo na, oo na!" Inis ko ring sigaw.

Nanlaki ang mata niya. "Tingnan mo 'tong babaeng 'to. Bakit ba ang init ng ulo mo sa'kin, babe? Hindi na talaga kita maintindihan. You're acting weird and I hate it so much! You're making me worried for our relationship." Hapit niya sa akin.

Sumubsob pa ang mukha niya aking leeg at sininghot singhot ako.

Tingnan mo 'tong lalaking 'to. Kanina ay ang tapang tapang pa, ngayon gusto na magpa-baby. Kegaling!

"Babe, please. Balik na tayo sa dati. Hindi ko kaya itong cold treatment mo sa'kin. Bring back my, Abigail Coleen, please." Bulong niya sa aking tainga.

Unti unti akong napangiti. Inangkala ko ang braso ko sa leeg niya.

"I'm just having a bad day, Troy. Normal lang iyon kaya nadadamay ka. Trust me, hindi kita ipagpapalit at wala akong balak na gawin iyon sa 'yo."

"You sure?"

"Oo naman. You're my dream to begin with, Troy. Hindi ko sasayangin ang mayro'n tayo ngayon."

"And you're my future, Abigail. Nasa present na tayo. We're in a relationship at hanggang future rin ito, maliwanag? You meet me down the aisle; we will exchange vows, and we will kiss on the altar in front of God and those who will witness our love. We'll build our humble home with you as my boss, and if God will let us have our mini-ones, they will be my boss too."

"Naiisip mo na 'yan?" Natatawa kong tanong.

Bahagya siyang humilay sa akin dahilan upang magtama ang aming paningin.

"Ikaw ba hindi?" Balik niyang tanong.

"Syempre, naiisip na rin. Ikaw ang boyfriend ko, matik maiisip ko na iyon. Hindi naman tayo pabata."

Humilay ako ng tuluyan sa kaniya, sumampa ako sa kama at sumunod naman siya sa akin. Sa huli ang naging pwesto namin ay magkayakap habang nakahiga. I'm comfortable with this.

"Bago pa lang maging tayo ay iniisip ko na ang mga bagay na iyan." Pag-aamin ko. "Pero nainis ko sa 'yo ng sabihin mong ayaw mo akong maging asawa." Nguso ko ng maalala ang minsan niyang masabi ng mag-video call kami.

Tumawa ng malakas si Troy. "I'm sorry for that, babe. But what I've said in the past that hurt your feelings was all bullshit. I know, I already hurt your feelings with those words, but always remember that I'll make it up to you, hmm."

"Wala naman na sa akin iyon. Maliwanag naman na sa akin ang lahat kaya ibinaon ko na iyon sa limot. Isa pa, bawing bawi ka na, napaungol mo na nga ako e—"

"Damn it, babe! Stop with that attitude!"

"What?!" Natatawa kong bawi. "You want your Abigail Coleen back right? Tiisin mo!"

Nasapo niya ang kaniyang mukha.

"Inferness, masarap ah. Galing mong umibabaw."

"Babe, stop please." Pikit mata niyang turan.

Mas lalo akong natawa dahil namumula na ang kaniyang tainga. Nakatakip na rin ang isang palad niya sa kaniyang mukha.

"Bakit ka nahihiya, Troy? You should be proud. Para sa isang unexperienced na tulad na'tin, magaling ka na. What more kung maging—"

Natigil ako nang bigla niya akong kabigin upang halikan. Dampi lamang ang ginawa niya pero nagawa niya akong patahimikin.

"Don't bring it up to my face, babe. Isipin mo na lang, basta h'wag mong i-bri-bring up, nakakahiya kahit pa tayo lang namang dalawa ang nag-uusap."

Muli akong natawa.

"Eh ako ba? Ungol na ungol ka rin sa'kin. Goods na goods ba, babe?" Tukso ko pa.

Pinanlisikan ako ng mata ni Troy.

"Ewan ko sa 'yo, Abigail. Maiba nga tayo, ang sabi mo sa akin ay sure ka na walang laman ang tiyan mo. How did you know about that?"

Awtomatikong nawala ang pagkakangiti ko. Nahalata niya naman iyon kaya kumunot ang noo niya.

Nag-iwas ako ng tingin. "Bumili ako ng pregnancy test." Pag-aamin ko. Mula sa gilid ng aking mata ay kitang kita ko ang paghihintay niya. "One line lang ang lumabas sa ilang araw kong pag-ta-try, dinatnan din ako, kaya ko nasabi na safe." Pilit kong itinawid ang tono ng aking boses.

"You sure?"

"Oo naman, nasa drawer ng study table ko ang mga pt ko. You can . . . " Bago ko pa maituloy ang sasabihin ko ay mabilis na tumayo si Troy at kinalkal ang drawer ko.

"Negative right." Wika ko na lang nang makuha niya na.

Hindi ko alam kung anong reaksyon ng nakukuha ko kay Troy. Bigla siyang walang imik. Nabuhay tuloy ang kaba sa aking dibdib.

"One red line means negative . . . " Kagat labi niyang wika at nag-angat ng tingin sa akin. "So you're not really pregnant." Napapatango niyang turan.

"Oo, kaya wala tayong dapat na ikabahala."

Binitiwan ni Troy ang pt ko, muli siyang lumapit sa akin at hinagkan ako sa noo. Sandali kaming nasa gano'ng posisyon nang magtanong ako.

"Nakahinga ako ng maluwag dahil negative naman ang resulta. Pero paano kung positive ang kinalabasan, Troy? Ano'ng gagawin na'tin?"

Ramdam kong natigilan si Troy. Bumaba ang tingin niya sa akin.

"P-paano kung buntis talaga ako?" Garalgal ang aking boses.

"To be honest, hindi ko alam, Abigail." With his words my heart crumpled. Pinipiga ang puso ko.

"Wala pa sa utak ko ang magka-pamilya ng maaga, like Samuel and Pauline." That's another one.

Napalunok ako. Nanlalabo ang aking paningin.

Muli niyang sinapo ang aking mukha.

"Pero kung talagang buntis ka ngayon, pananagutan kita, hindi dahil nagdadalang tao ka kun'di dahil mahal kita. Anak ko iyan, Abigail. Parehas na'ting anak, kaya gagawin ko ang lahat, mapanagutan lang kita."

Tuluyang nahulog ang aking luha. Yumakap ako sa kaniya at gano'n din siya sa akin. Nakaramdam ako ng kaginhawaan. Kahit papaano ay kahit malaman niya pala ay wala akong dapat na ikabahala.

"Hindi problema sa akin kahit huminto ako, at humanap ng trabaho. We did it together, at hindi ko pinagsisisihan. Handa akong tumayo para sa atin, Abigail. Aaminin ko, natakot ako sa isipang baka nga nagdadalang tao ka, but damn it, you're my Abigail Coleen. Ikaw at ikaw pa rin naman hanggang sa huli."

Matamis akong napangiti sa kaniyang mga salita.

What did I do right to deserve someone—to deserve this kind of man?
 
My pregnancy kits was telling me that I was pregnant, I have small signs too that's telling me I am pregnant. I need to make sure of this . . . I need to have my check up to obgyne to confirm the result. After that, I'll tell it to Troy.

We'll be a happy family. My baby will have a complete family even when her parents are teens, if I'm right about it . . .     

Or so I thought?

──
𝓳𝓮𝓷𝓪𝓿𝓸𝓬𝓪𝓭𝓸✿

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top