Chapter 19

chapter nineteen
── ⋆⋅☆⋅⋆ ──

"Ladies and gentlemen, settle yourself as we move to the most exciting part of this event tonight, half an hour after this . . . Eat and enjoy your food, and don't forget to take a picture in our photo booth while our team manages the second venue for our most-awaited foam party!"

Naging maingay ang crowd dahil sa announcement na inakyat sa entablado. Ang mga mahihinhing kumakain kanina ay kaagad na nabuhayan, ang iba nga ay dali daling isinara ang mga pagkain nila at nagsi-ayusan na.

"Hahatakin ko talaga crush ko mamaya, tingnan niyo, uuwi akong may pabaon." Malanding saad ng isa sa mga kilalang tao dito sa school. Si Alexandro, na mas kilala bilang Alexei.

Umeksena naman ang baklang si Jonathan na kaibigan nito. "Baka ibang pa-baon 'yan ah."

Nagtawanan ang mga nasa lamesa dahil sa panlalaki ng mata ni Jonathan.

"Ang dumi ng utak ni accla oh, palibhasa 'yan ang balak niya mamaya." Siring ni Alexei.

"Ay oo naman, grab the chance ang motto ko ngayong gabi, kaya pasensyahan tayo sa masungkit ko mamaya, kahit may jowa, keber lang!"

"Ay ang impakta, akala mo walang lawit." Pahapyaw ni Alexei sabay bato ng gamit na tissue sa kaibigan.

Nagtawanan kaming muli dahil sa ingay na nagagawa ng biruan nila. Hindi pa nakontento ang dalawa at naghilaan pa ng kanilang off-shoulder na suot. Mas lalo tuloy umingay sa mesa namin.

"Basta ako, ang kukunin ko si Papa Brando." Kumikinang ang matang proklama ni Alexei. "Tinarayan ako no'n last week, humanda siya sa'kin ngayon."

Nanlaki ang mata namin kay Alexei, at awtomatikong lahat kami ay napabaling ng tingin sa katabi kong busy uminom sa bottled juice niya. Natigilan naman siya nang mapansin kami.

"Ano'ng tingin 'yan?" Simpleng tanong niya sa aming lahat.

"Payag ka sa sinabi ni Alexei, Jel? Ha-hunting-in niya raw si Brando mo." Sagot ng isa sa mesa.

Jel raised her brows at Alexei, who's been giggling until now. He's definitely imagining what move he will make to catch Brando later on.

"Hindi sasama sa 'yo 'yon." Nguso kalaunan ni Jel.

"Ay! Walang bakuran, Ma'am ah." Eskandalosang hirit ni Alexei.

"Oh, trust me, Alexandro," Jel winked and leaned forward to make a face to Alexei, who's now snorting at Jel because of the way she pronounces his real name. Jel smirked at him. "You couldn't lay even your finger on him . . . I know better."

Wala sa oras na napainom ng tubig si Alexei at nagpaypay sa mukha niya gamit ang paper bag mula sa kaniyang pagkain.

"Oo na, 'te! Eto naman, hindi mabiro. Sa 'yo na, sa 'yo na nga eh!" Nakangusong balahaw ni Alexei.

"Sa'kin ka na lang kasi Lex! Kahit saan mo 'ko dalhin, ayos lang!" Sigaw ng kabilang mesa na sinundan nang masigabong tawanan na pinantayan din namin, even Jel.

Nilingon 'yon ni Alexei at inirapan. "Wala pa kong balak maging kriminal, manahimik ka diyan." Aniya nito't kinalabit si Jonathan na halos hindi na makahinga sa katatawa sa tabi niya. "Ay, oa na 'yan accla. Winner ka na."

"Kasi naman, bakit kasi Brando pa naisip mong lapangin mamaya, nakita mong nandito ang bebe no'n." Komento ng isa sa amin.

"Hindi naman sila!" Segunda ni Alexei. "Mukha bang papatulan ni Brando 'yan, eh kipay 'yan oh." Turo pa niya kay Jel.

Pasimple kong tiningnan si Jel, nakatingin lang ito kay Alexei ngunit panay naman ang tipa sa phone niya sa ibaba. Napakunot ang noo ko nang bumaba ang tingin niya do'n at maya'y gumuhit ang isang simpleng pag-ngiti.

"Pero ano ba talagang score niyo, Jel? Kaibigan lang talaga?" Usisa nila.

Pinatay ni Jel ang phone niya at tumango, nilingon niya pa ako bago nginitian na siyang ginawa ko rin sa kaniya.

"Imposible, ang lagkit tumingin ni Brando sa 'yo. Diba guys!" Hikayat pa nila.

"Oo nga! Akala ko ako lang nakakapansin."

"May something 'yan. Hindi nga ako naniniwalang bakla si Brando eh, baka way niya lang 'yon para walang lumapit sa kaniyang babae kasi nandiyan na si Jel."

"Ang taray ng homo sapiens sapiens na 'to," palakpak ni Alexei sa nagsalita. Napangisi naman ako. "Bakit kapag tinatanong kita sa conclusion mo about sa experiment na'tin last time wala kang ma-conclude?"

"Gago, namersonal." Singit ni Jonathan bago tawanan ang kausap ni Alexei na nagpe-peace sign.

Aarangkada pa sana si Alexei nang bigla namang matigilan ito at napanganga na lang habang nakatingin sa 'di kalayuan.

Sinundan naman namin 'yon ng tingin at gano'n na lang ang pagbilog ng bibig ko sa nakita.

It's them.

"Tangina ni Samuel, ang hot! Kapag tumakbo ng Mayor 'yan, pakitaan niya lang ng six pack abs niya, landslide 'yan."

"Eh si Brando, gago. Iyan ba 'yong bakla?! Kalaloka ah, sakto, wala na akong ulam, pwedeng papakin ang yummy abs?"

"Mawalang galang na Abigail, pero pwedeng ako na muna papa-headlock kay Pres.? One night lang!" Tili ni Jonathan.

Ngunit imbes na pansinin sila ay napako na lamang ang tingin ko sa tatlo.

Samuel was wearing a dark blue polo shirt that was designed for the beach, paired with black shorts and sliders. So simple, yet tons of voices were screaming for his jaw-dropped six-pack abs. It's not intentional to show from my point of view since I saw that he was fixing his buttons, but it's too late since he was walking nearly.

On the other side, Brando donned black shorts and cork slippers with a white sando that fit his physique. Once more, it was so basic, but his figure expanded even more with his fitting sando, flaunting his muscles and molding his abs to the point that the gays and women around us were drooling for it.

Lastly, it's Troy . . .

For him, khaki shorts and sandals with a form-fitting white t-shirt. His biceps were flexing more due to his fitting shirts, displaying his extreme simplicity! . . . Thanks to his simplicity, he even provided an additional reason for his admirer to admire him even more. Since he is in charge of making the final statement on stage before moving on to the main event, naturally, he will be the center of attention, much like other hot campus crushes at this school.

"Mine na si Pres.!"

"Hoy, kay Abigail na 'yan! Ano'ng mine ha?!" Balahaw ng isang boses. "Kailan pa ibenenta ni Abigail si Pres.?!"

"Tangina, pamatay ang katawan. Ang ganda ng top mo, Abigail."

Sandali kong tiningnan si Candy na bigla na lang sumulpot at naghila ng upuan sa tabi ko.

"Ano'ng pinagsasabi mo diyan?" Tanong ko at muling tiningnan ang gawi ni Troy habang kausap si Pauline.

Si Pauline kasi ang nag-asikaso kanina, at para sa isang salita. Oo, silang tatlo na lang ang wala dito. Kanina kasi bago mag-start ay may attendance, kaya ayan, grand entrance silang tatlo.

Napanguso ako nang magtama ang paningin namin ni Troy. Tinapik niya pa kaagad ang kausap tsaka nagmamadaling lumapit sa puwesto ko. At ayon, kaniya kaniyang bulungan ang mga nasa paligid namin nang yumuko si Troy at dampian ako ng halik sa noo.

"Tangina, wala na! Hindi na pwedeng harbatin mamaya, sinampal na ako ng katotohanan." Si Jonathan na tumayo pa bitbit ang mga pagkain niya.

Nagtawanan ang nasa mesa kabilang na ako na na-gets kaagad akong gusto niyang ipahiwatig.

"Backstage ka na, babe." Bulong pa sa'kin ni Troy bago kunin ang maliit kong shoulder bag.

"Ay grabe, kukunin na ang reyna niya. Oh, everyone! Sabay sabay tayong mamatay sa inggit!" Sigaw ni Alexei na inilingan ko na lang.

"Kumain na ba kayong lahat?" Simpleng tanong ni Troy na halos ikamatay ng dalawang bakla na nasa harapan ko.

"Ako, hindi pa Pres." May kahinhinang taas pa ng kamay ni Jonathan. "Pwedeng pa-subo?"

Napaubo kaming nasa mesa sa lumabas sa malanding bibig ni Jonathan.

Troy chuckled a bit before glancing at me. Hindi man lang niya sinagot si Jonathan na naglalaway na sa kaniya.

"Rabies mo, bakla, natulo." Si Alexei at tinakpan ng tissue ang bunganga ni Jonathan. Napailing na lang ako.

Bumaling ako kay Candy at Jel na parehas nang nakangiti sa'kin. Sumenyas pa sila na umalis na kami dahil masakit daw sa mata.

"Kumain ka ba ng maayos? May inorder ako, eat with me." Pukaw ni Troy sa'kin habang ginigiya ako papuntang backstage.

Sumakto rin na muling umakyat ang host ng event na 'to at muling binigyang buhay ang event. Kami ni Troy ay nagdire-diretso. Ipinaghila niya ako ng upuan nang makarating kami sa likod ng stage, nandoon ang lahat ng student council na bumati sa'min, at sabit kami ni Samuel na todo ang asikaso kay Pauline na may matalim na tingin sa kaharap.

Nang magtama ang tingin namin ay ngumiti ito at tumayo, lumakad papunta sa lamesa namin at bumati, at gano'n din ang ginawa ko.

"Mahahalata kami sa ginagawa nitong si Samuel, hindi naman ako magpapabaya sa sarili ko." Inis na sumbong ni Pauline.

Sabay naming pinagbalingan ng tingin si Samuel na kasama si Troy kumuha ng pagkain.

"Todo ang buntot sa'kin. Naiintindihan ko naman na nag-aalala siya sa anak niya, pero hindi niya kailangang maging madikit sa'kin. Nagtataka na nga lahat ng nakakakita sa'min, dahil sa kilos niya." Bulong na dagdag niya.

"Wala ba kayong balak na magkatuluyan?" Hapyaw kong tanong.

Napataas ang kilay niya. "Siya at ako, together?" Sa sariling tanong ay mabilis siyang umiling at ngumiwi.

"Not gonna happen." Sagot niya rin.

Natawa ako. "Bakit naman? Lahat nang hiling mo sa isang lalaki ay nasa kaniya na. Hindi ka na lugi."

"Ayaw ko sa may pangarap magpo-politiko." Simpleng sagot niya.

"Iyon lang." Tanging naidugtong ko dahil hindi ko na alam ang sasabihin sa kaniya.

Ayaw niya, ano bang magagawa ko, 'e may rason siya.

"Pinaayos ko na ang venue na'tin mamaya. May mobile bar na rin para hindi hassle kung tayo tayo pa ang magdadala ng mga alak . . . handa na rin ang ilang kwarto para sa mga babae kung hindi na nila kayang umuwi." Wika ni Samuel nang maupo sila ni Troy sa kaniya kaniya tabi namin ni Pauline.

"Parang-risky naman kung may alak pa, Samuel?" Si Pauline.

"Eh, request nila 'yon. Basta h'wag lang sosobra. Magbabantay naman ako, at may uutusan din akong magbantay para walang aksidenteng mangyari. Ang may checking tayo bago pumasok sa bahay, baka mamaya may dalang hindi kaaya aya ang ilan sa dadalo."

"Nakuha mo na ba ang listahan ng mga sasama after this event?" Si Troy.

Tumango tango si Samuel habang kumakain. "M-May copy na-"

"Lunukin mo nga muna 'yang kinakain mo, sinabi ko sa 'yong masama 'yang nagsasalita habang puno ang bibig." Suway ni Pauline sa kaniya. Napatigil sa pagnguya si Samuel at ngumuso sa katabi.

"Lunukin mo na." Sabi pa ni Pauline na sinunod naman ni Samuel. Pagkatapos no'n ay inabutan niya ng tubig si Samuel na ikinapula ng tainga nito.

"Whipped," rinig kong komento ni Troy at mahinang.pinisil ang tagiliran ko kung saan nakapulupot ang braso niya sa'kin habang ang isang kamay niya ay patuloy sa pagsubo sa sarili.

"Send ko na lang 'yong copy sa 'yo, Troy. Kapag minor pa, exis muna tayo. Nagpa-send nga rin ako ng birth certificate, tsaka papadala ako ID, para walang kawala."

"That's good. By the way," baling ni Troy kay Pauline. "Pupunta ka?"

Tumango si Pauline. "Oo, pero makiki-party lang ng slight, doon na rin kami matutulog ni Samuel."

Matapos ang maikling pag-uusap namin ay nagkanya kanya na rin kami kinalaunan. Si Pauline todo ang explain kay Troy dahil nga huli na itong dumating, at ang dahilan niya, pumunta daw kasi si Tita Rebecca sa condo niya't gusto pa daw ata siyang bihisan.

Kung hindi pa nga daw niya ipinakita ang mga text message nila Pauline ay hindi pa siya paalisin ni Tita.

"Gather your things, everyone. Our next venue was already waiting for its guests to arrive. You can proceed directly to the next gate and settle yourself with your friends or lovers in the center because in less than thirty seconds, the party will begin. Enjoy everybody!" Troy announced while he was holding a glass and his other hand was holding a microphone.

I immediately stared back at my best friend Candy when she bumped into me jokely when she arrived here backstage. She smirked at me and pointed her finger at Troy, and in a second, she looked like Cupid, who had an arrow and bow, gesturing how it would work for Troy and me. I shook my head at her silliness.

"Hubarin mo na 'yang patong mong mini jacket, Abigail. Magbabasaan mamaya 'te, ano ka ba." Tapik ni Candy.

Sinuyod ko naman ng tingin ang suot niya.

Parehas kami ng top, pero magkaiba lang nga ang kulay at ang design. Kung sa akin butterfly crochet, sa kaniya naman ay strawberry. Terno ang hanggang
binti niyang palda na puti na bagay na bagay sa kaniya. Mas lalo siyang pumuti. Habang ako naman ay nakapalda din, pero lampas tuhod naman.

"Tara, thirty seconds na lang, gusto kong makita kung papaano sisimulan ang foam party." Hila sa'kin ni Candy papasok sa pinaka backstage at itinulak pa ako sa madilim na pasilyo. "Hubarin mo na, wala namang tao." Aniya tsaka tumalikod.

Wala na akong magawa kundi ang sundin si Candy.

"Tara na," yaya niya nang makalabas ako. Ngiting ngiti pa siya habang sinusuyod ako ng tingin. "Ang sexy mo, baka 'di ka tantanan ni Troy mamaya." Gigil na aniya niya sabay hila sa'kin.

Ngumuso naman ako bago nagpadala na rin sa kaniya kinalaunan. Nakasalubong pa namin ang ilan sa mga student council at kaagad na itinuro ang papalapit na bulto ni Troy sa'min.

Nilingon ko ang entrance ng backstage, at lumawak ang aking pagkakangiti nang makita si Troy na papunta sa gawi namin. Nang huminto siya sa tapat ko ay bumusangot ang kaniyang mukha. Alam ko na kaagad ang nasa isip niya.

"Ngayon lang, pagbigyan mo na ako." Sabi ko't pabirong tinutusok pa ang tagiliran niya.

"Pumayag na ako, kung hindi ako pumayag hindi mo masusuot 'yan ngayon." Pagmamaldito niya. Hindi ko na lang 'yon pinansin, bagkus ay naagaw ng kasama niya ang atensyon ko.

Kung matangkad na si Troy para sa'kin, mas matangkad ng isang inch ang isang 'to. Dahil na rin siguro sa halatang may lahi siya. Namumula ang pisngi dahil sa kaputian.

He has this aura that every girl that passes by his side will surely have a second look, not even just a second -baka nga iiwan na nila ang mga ulo nila sa lalaki.

He was manly. A totally manly one who can make every girl cry and leave their hearts shattered into pieces.

Habang nakatingin ako sa kaniya ay kay Candy naman siya nakatingin-at si Candy ay nanunukso lang na nakatingin sa'kin, para bang hindi niya pansin na may pares ng matang nakamasid sa kaniya hindi pa kalayuan sa kaniyang kinatatayuan.

"Pakilala mo na ako, brad." Tikhim ng lalaki nang mapansing nakatingin ako sa kaniya.

Tila naman doon lang naalala ni Troy na may kasama siya. Tumawa siya ng mahina at gano'n din ang kasama niya.

"Abigail, Candy. This is Casper." Lahad niya sa'min.

"Casper Nathaniel Gray, at siya ang kinuhang dj nila Pauline for our party . . . dito at mamaya sa bahay nila Samuel." Impormang dagdag ni Troy, ngunit hindi ko 'yon pinaglaanan ng pansin.

"Sino si Abigail d'yan, brad?" Takang tanong nito.

Mahinang tumawa si Troy at inakbayan ako. "This is Abigail, and that's Candy." Turo ni Troy sa bultong nasa harap ng lalaki.

"Oh," namilog ang bibig nito't tinapik tapik ang braso ni Troy. "Gets ko na kung bakit nagmamadali kang i-explain ang lahat kanina." Makahulugang wika nito't napukaw din 'yon kinalaunan.

"Casper Nathaniel Gray..." Mahinang banggit ni Candy sa pangalan ng lalaki ngunit rinig na rinig ko 'yon, maging sila rin nga ata!

Casper sexily chuckled. "That's too long for you, Miss. Just call me, love-"

"Oh, don't start Mr. Gray." Pagpuputol ni Candy sa kaniya.

"Para nga hindi ka na mahirapan sa haba ng pangalan ko." Pamimilit pa ng lalaki.

Umirap si Candy. "Sa dami nang magpapakilala sa 'yo mamaya, I'm sure 'yan din ang ibibigay mo. And hold on, I don't care kung mahaba ang pangalan mo, hindi naman kita balak kausapin."

Mas lumawak ang ngisi ng lalaki at ipinasok ang kamay sa magkabilang bulsa ng shorts na suot.

"Hindi ko naman hahayaan na may maki-love na iba sa'kin . . . as so you know Miss . . . I'm sincerely yours."

Unti unting nawala ang maamong itsura ni Candy. Napalitan 'yon nang isang reaksyon na lagi niyang ginagawa kapag may katangahan siyang nakita sa akin.

Umiling si Candy bago kami muling hinarap. "Mauna na ako sa labas, may maligno na nagawi sa backstage niyo." Aniya at nagsimulang maglakad papalayo. "Kitakits na lang, Abigail!" Pahabol pa nito bago lamunin ng dagat na estudyanteng papuntang kabilang venue.

"Hindi man lang nagpakilala..." Munting wika nitong si Casper at kamot ulong humarap sa amin. "Ano ulit pangalan no'n brad?" Tanong niyo kay Troy.

"That's Candy . . . " Ako na ang sumagot.

Hinimas niya ang baba niya't itinaas ang kilay. "I mean her full name . . . please," he playfully said before winking at Troy.

"Don't be ridiculous, Casper. Pumunta ka na sa doon, tumulong kang mag-set up, bilis." Pagtataboy ni Troy sa lalaki.

Ngumuso naman ito tsaka nagkamot ng batok. "Buong pangalan muna-"

"No. Sige na, h'wag kang makulit." Aniya pa ni Troy bago ako lingunin. "Hindi ako magmo-monitor sa ngayon, teachers will be assigned to look for their students . . . Ibig sabihin, we can have this night freely." Kumikinang ang matang balita niya sa'kin.

Malawak akong napangiti. "Then, let's be there and enjoy or party together with them."

As the machine throws soap bubbles into the air in counts of 3 to 1, the entire crowd erupts in excitement as the exciting music by DJs drops on time. Bubbles in the air were quickly dispensed from the machine, covering the entire body of a person, especially those who were so close to the machine.

I smiled widely as I saw my friends having the moment of their lives, like they were back in childhood because of the bubbles. Others are jumping-trying to catch the bubbles in the air-while others are also sitting and trying to make a bigger bubble by combining the bubbles on the floor, and of course, mostly of all, others are dancing like this is a disco one and the floor is for themselves only. The disco lights were a big help in creating the most anticipated atmosphere.

"Here's the third music for the dancers out there! Let me see how you budots everybody!"

Everyone laughed and yelled as Casper, the DJ guy, shouted from his mic.

"Bumilog kayo! Pakitaan ng dance moves 'to!" Sigaw ng katabi namin at unti unting gumawa ng bilog ang mga tao sa gitna. At ang sumunod na mga nangyari ay nag-alon ng tawanan sa aming pagitan.

Halos lahat ay pababang sumasayaw at ipinapakita ang kalambutan ng katawan nila. Even Brando was there, giving a sexy dance to Alexandro, who was enjoying his view.

Napagawi ang tingin ko kay Jel na katabi lang ni Brando kanina. Nakanguso ito habang nakapako ang paningin sa kaibigan, at kapag babaling saglit kay Alexandro ay matalim na titig na ang ipinupukol.

"Alexandro! Hindi ka pa lasing h'wag mong sabitan sumi Brando!" Hindi man nangibabaw sa lakas ng tugtog, tama pa rin ang lakas ng boses para marinig namin ang sumigaw.

Nagtawanan ang lahat kasabay nang pagbaling ko nang atensyon kay Brando at Alexandro. Ang dalawang palad ni Brando ay inipit ang mukha ni Alexandro habang ang bakla naman ay nakasabit ang braso sa baywang ni Brando habang parehas silang nagsasayaw. Nagtatawanan ang lahat at halatang sinasabayan naman nila Brando.

"Miss, bakit ang ganda mo?"

Napabalik ang paningin ko kay Troy na biglang bumulong sa tainga ko.

Wala sa sariling nahampas ko ang dibdib niya, ramdam ko ang kapulahan ng aking magkabilang pisngi. Tumawa siya ng mahina at hinapit ang baywang ko palapit. Kasabay din no'n ang pagbabago ng tugtog.

"Do you want to go to your friends? Hahatakin ko na muna si Brando para makapag-enjoy kayo."

Tumango naman ako. Gusto ko sana kami muna ni Troy pero alam ko namang bantay sarado ako mamaya sa kaniya sa after party.

"Okay lang sa 'yo?"

Malawak na ngumiti si Troy. "Oo naman, may balak akong solohin ka mamaya kaya pakakawalan muna kita ngayon. Ingatan mo lang ang sarili mo, baka madulas ka." Aniya pa bago patakan ng halik ang noo ko.

Lumakad kami palapit kay nila Jel na nagbabaliwan sa pagsasayaw kasama si Candy at ilang mga estudyanteng hindi namin ka-strand.

"Careful, girls." Bilin pa ni Troy sa'min at sabay sabay kaming binigyan siya ng thumbs up.

"Asan kaya si buntis?" Tanong ni Jel.

"Nandoon sa gilid, kasama si Samuel. Naku, nakasimangot nga dahil ayaw payagan ni insan." Balita pa ni Candy.

Napalabi naman ako.

"Mukhang mag-aaway sila mamaya kapag hindi pa rin pumayag si Samuel." Dugtong pa niya.

"Nag-iingat lang 'yong tao. Baka madulas siya't mapahamak pa ang anak nila." Mahina kong turan.

Sumang-ayon naman sila. Hindi naman na namin sila pinag-usapan bagkus ay nanatili kaming nagsasaya at nagsaasayawan.

Halos mawalan ako ng hininga kakasayaw at kakatawa dahil sa mga pabirong sayaw ng mga lalaki't nangunguna pa sila Alexandro at Jonathan.

Loud music. Full of noise from each other's voices. Screaming, laughing. Dancing with their moves-swaying their hips, and so on. That's how our foam party went.

Walang sumuway sa'min. Tila, amin ang gabing ito.

"Pagkikita na'tin napapadalas . . . Hinahatid-sundo mo pa 'ko sa tapat kahit hindi naman dapat . . . Halik pa'ng pagsasamat . . . "

The whole crowd went slow, swaying their bodies as the music by DEMI, Homebody started to play around.

Holding my phone to capture the moment, I recorded myself together with my friends and started to sing along like we were feeling it. And I noticed Jenniferlyn was feeling it more. As far as I know, she hates this kind of music; she's more on the Lana Del Rey playlist or Ariana Grande.

Mas lalong bumilis ang pagbuga ng machine para maglabas ng sandamakmak na bubbles. Pumunta na kami sa pinaka-gitna at doon binalutan kaagad kami ng mga bula. Talon kami nang talon habang panay din ang pagre-record ko sa napakagandang pangyayari.

Isinasayaw din namin ang sarili namin at walang pakialam sa bawat katabi.

"First, I was good with you being my homebody . . . When we're blacked out, my sofa is your body . . .
'Til I no longer wanna be just your shawty . . .
And I only want nobody but you . . . "

"Nobody but you!" Sigaw naming lahat sa pagtatapos ng kanta.

Tawanan at kantiyawan ang nangyari. Mas lalo ring napuno ang ingay nang saluhan kami ni Casper sa kasiyahan.

"Palong palo mag-homebody, may mga kinikita kayong walang label 'no?! Nyay!" Gatong nito.

"Parang ikaw wala!" Ganti ng isa.

Kitang kita namin ang pagsilip nang ngiti sa labi ng lalaki at para bang may hinahanap sa crowd. Natigil lamang ang pag-iikot ng mata niya nang may tumabi sa kaniya at bumilong at itinuro ang gawi namin kun'di ako nagkakamali.

Nang magawang mahanap ay umaliwalas ang mukha nito't kumindat pa. Mula sa gilid ng mata ko ay nakita ko ang pagkakayuko ni Candy. Napalabi ako't inalis kaagad ang namumuong duda sa aking isipan.

"Wala talaga, gagaya mo pa ko sa inyo . . . Torpe!" Pabalik na sigaw ni Casper at tumawa. "Settle down, guys. For our last music . . . school hymn."

Mabilis na nag-angalan ang mga estudyante. Hindi rin naman biro ang sinabi ni Casper dahil unti untibg lumilinaw sa pandinig ko ang hymn ng school namin. Tumawa pa ang lalaki at tumalikod para hindi masuway.

Naiiling na lang akong nadismaya dahil alam kong bitin pa ang halos dalawa't kalahating oras namin dito, pero hindi rin naman kami pwedeng magtagal pa dahil ayon ang nasa patakaran nila. Kaya nga gumawa ng after party.

"I know each one of you doesn't want to end this party yet, but we have no choice, and I hope everybody enjoys our party tonight. Seeing the smile in your faces, I know we did a great job for this party . . . Let's see each other again in the after party."

Kasabay nang huling pagsabog ng mga bubbles sa ere, nagpalakpakan kami't isa isang iniwan ang venue. Ako, at ang mga kaibigan ko ay nagpahuli para hindi kami makipagsiksikan.

"Sandals ko! Nakawan after party?!" Pangingibabaw ng isang boses.

Napailing na lang ako. Madami ngang nagtanggal kanina dahil baka madulas, ang kaso dinulas din ng ibang naunang bumalik sa kaninang venue.

"Sa akin na sasabay si Jel, didiretso kami kaagad kay nila Samuel pagkatapos naming magpalit." Ani ni Brando na hindi man lang pina-angal si Jel.

Patay malisya lang akong tumango.

"Ikaw Candy, kanino ka sasaba-"

"Sa akin."

Nilingon ko ang bagong dating. It's Casper with Troy.

Mabilis na lumapit sa akin ang nobyo ko at inangkala ang braso sa aking baywang.

"Nah, sino ka para sa 'yo ako sumabay?" Iritang sabi ni Candy at nagpatiuna.

Humabol naman si Casper at pilit na kinukulit ang kaibigan ko ngunit hindi naman siya pinansin ni Candy.

"Pa'no, mauna na kami, Aby. Kita kita na lang tayo mamaya," paalam ni Brando. "Ingatan mo 'yan, brad." May pagbabanta sa tinig ni Brando nang balingan nito si Casper. Mukhang magkakilala na rin sila.

"Oo, ako pa." Aniya tsaka inalalayan si Candy. Nakasimangot naman ang kaibigan ko.

"Ayaw ko maging third wheel kayo sa kaniya na ako sasabay." Wika nito.

"Hindi kami nagtatanong, defensive ka agad." Untag ni Jel na ikinalukot ng mukha ni Candy.

"Mauna na rin kami, mag-ingat kayong lahat." Wika ko't binuksan ang front seat ng sasakyan ni Troy.

"Ingatan mo 'yan, Troy! Lagot ka kay Tito Armando." Sigaw pa ni Brando na ikinailing ko.

Sumunod na din namang pumasok si Troy, may iniabot siya sa'king tuwalya na ipininulupot ko sa akin at tsaka niya pinaandar ang kaniyang makina.

"Mapapagkatiwalaan ba 'yong Casper na 'yon?" Naisantinig ko.

Tumikhim si Troy. "I know him since last year. Mabait naman 'yon, sigurado akong malaki ang respeto no'n kay Candy."

Napatango ako. "Do you think they will click?"

Ramdam ko ang sandaling paglingon sa'kin ni Troy.

"Iniisip mo na agad 'yan?"

Bumuntong hininga ako. "Well, wala naman sigurong masama kung gusto kong makitang maging masaya ulit ang kaibigan ko. Gusto kong makalimutan niya ang nakaraan niya kay Kel, at base sa tingin ni Casper kay Candy kanina, pakiramdam ko ay bagay sila."

Hinawakan ni Troy ang kamay ko at pinisil.

"Let's just see how they will accompany each other, babe. If you see them swack for each other, then let their fate decide for that. Let's just watch; we don't rush things when Candy is in her healing process."

Unti unti akong napangiti at tumango. Sang-ayon sa kaniyang sinabi.

"A happy and free relationship was meant for everyone if they didn't rush things . . . but in our case, we're not the same, do you agree?" he chuckled.

I snorted and later laughed at what he said. "You got us right there, babe."

To have a happy relationship, you don't need to rush things. You just need to go with the flow, where, in the end, your heartbeats both answer each other's questions. If they match, then it's good. If not, then it's also good. It needs to be pure so that it can be peaceful and free.

But in our situation, we are in a rush to want each other, and we have an exception . . .

──
𝓳𝓮𝓷𝓪𝓿𝓸𝓬𝓪𝓭𝓸✿

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top