Chapter 18
chapter eighteen
── ⋆⋅☆⋅⋆ ──
Days have passed quickly and smoothly. As a graduating student, there's a lot of work I need to do, especially our defense and the final examination. I admit that it affects the quality of I and Troy's relationship. But we understand that we both cram to study and be ready most of the time.
Busy din siya kaka-asikaso sa gagawing party kaya madalas ay on-phone na lang kami nag-uusap. Bihira na rin kasi siyang makapunta sa building ko. Kung dadaan man siya ay hindi para sabayan akong kumain, kun'di para kumustahin lang ako. Aside from that, naiihatid niya naman ako pauwi, walang palya kaso wala nga lang kaming quality time dahil parehas kaming pagod.
Our defense went well. As always, we mocked our groupmates and gave them notes to make them familiar with our study. Amber, who's not in a good situation with us, didn't take our notes; instead, she did herself one. We don't mind that, as long as she can answer when the panelist points at her. We have individual grading and group grading. If someone can't answer the panelist question pointed at each one of us, we're doomed as a group. And Jenniferlyn was aiming for our study to be part of a research colloquium and presented it to a research congress.
"Ay shet, bakit biglang may ganitong tanong? Wala sa ppt ni Sir. 'to ah."
Napangisi ako sa narinig mula sa katabi ko. Kanina pa siya nagrereklamo sa bawat flip niya ng page ng questionare niya. Gusto ko man siyang lingunin para makita ang itsura niya ay hindi ko puwedeng gawin dahil baka mawalan ako ng shading paper. That's one of the rules, from our adviser.
"Paano nagkaroon ng vice-vice dito? Hindi ko 'to nabasa!" Hirit pa niya na ikinailing ko.
Today's our last day of exam. Major namin ang last ngayong araw at ngayong oras kami nag-take. Sa isa't kalahating oras na ibinigay sa'min, nasa number ten pa lang ako out of fifty. Kalahating oras na lang ang mayro'n ako, at hindi ko na kaya. Bakit? Sino naman ba kasing madadalian sa Finance and Marketing, kung ang utak ko ay para lang sa guidance counseling . . .
Nag-review ako kagabi. Iyon ang alam ko. Uminom pa nga ako ng memory plus para lang dito, pero bakit gano'n? Ni-isa ay wala man lang akong matandaan! Familiar—yes na yes! Pero hindi ko matandaan 'yong tamang sagot! It's either kukutuban ako sa isang letra, bigla naman akong makaka-isip na baka 'yong isa ang tamang sagot.
"Bawal ba talaga kami mag-kopyahan, Sir.?! Pamatay 'tong exam. Parang walang karapatang huminga kahit one minute." Wika ng isa na tinawanan lang ng guro namin.
"Kung wala na kayong maisagot, hulaan niyo na lang mga bi. H'wag na tayong maglokohan dito." Sagot naman ni Sir. na inulan namin nang tawanan at sang-ayunan.
Tama siya. May solution pa ngang gagawin sa Finance 'e. Kumuha ako ng papel kanina before mag-start, pang-scratch paper, may scientific calculator din akong pink and black— dalawa para sure na tama ang magiging computations ko. Pero ang ending, naging display lang sila! Oo, kahit anong solve kasi ang gawin ko ay hindi ko makuha! Sabagay, paano ko rin naman ma-so-solve, gawa gawa ko lang naman 'yong formula.
Matakaw ako sa grades, pero sa ganitong pagkakataon, kailangan kong maawa sa utak ko. Katulad ng sabi ni Sir., hinulaan ko na lang 'yong iba.
"Out of fifty, thirty ang hinulaan ko sa finance." Nanlulumong sabi ni Candy, ngunit agad ding umaliwalas ang kaniyang mukha nang balingan kami. "Pero I trust my guts!"
"Wala sa reviewer 'yong iba, normal na manghula. Ang hirap nga no'ng iba, iilan lang din 'yong nasagutan kong alam kong tatama." Si Jel.
"Hayaan niyo na, i-tirik na lang na'tin ng kandila sa Baclaran 'yan para makapasok tayo sa running ng honors sa graduation." Aniya ko't kinuha ang phone ko para i-message si Troy para sabihing sa labas na kami magkita.
From: Bebe kong clingy❤️
Tapos na kayo? How was it?
Napanguso ako sa reply niya.
To: Bebe kong clingy❤️
Para akong sumabak sa digmaan na walang armas. Ikaw, kumusta 'yong iyo? Basic basic sa 'yo, 'no?
Alam ko naman na matalino siya. Baka nga hindi niya na binasa 'yong buong question kasi may sagot na siya agad.
From: Bebe kong clingy❤️
Nanghula ako 20 items. Btw, pababa na ako. H'wag ka nang pumunta sa parking, sabay na tayo. Miss na kita.
Hindi ko na nareplyan si Troy dahil sa sobrang kilig. Napawi rin naman kinalaunan ang nararamdaman ko, nang makita namin ang mukha ni Keliano. May bangas.
"H-hon . . . "
Kaagad na umiwas si Candy sa akmang paglapit ni Keliano. Nangunot ang noo ko sa kilos niya, at agad na may namuong idea sa isip ko ngunit gusto kong makasigurado.
"Mag-usap naman tayo." Wika pa nito.
"T-tara na, Jel, Aby. Nasa parking na sila Samuel, sasabay ako sa kanila." Mahina na sambit ni Candy.
Napatingin muli ako kay Keliano. Wala akong balita sa relasyon nila nitong nagdaan dahil tahimik naman si Candy at masyado akong busy sa sarili kong buhay. Bahagya akong nakaramdam ng guilt, dahil nakalimutan ko ang kaibigan ko.
Dali dali kaming tumalikod kay Keliano na hahabol pa sana nang dumating naman si Brando. Masama kaagad ang tingin nito sa naabutan, at ang nagpataas sa kilay ko ay nang magbawi ng tingin si Keliano at mabilis na nag-iba ng daan.
What was that?
"Ginugulo ka ba ulit no'n?" Tanong ni Brando kay Candy.
Imbes na sumagot kay Brando bumaling sa'kin si Candy.
"You should be proud of me, Aby." Aniya't inangkala ang kamay sa braso ko at nahila niya ako sa paglakad.
Si Jel naman na nasa tabi ko ay ngumiti na lang sa'kin at tumango na para bang sa pagtango na 'yon ay may ibinibigay na siya sa'king sagot.
"Should we celebrate?" Tanong ko nang matauhan. Nawala ang barang matagal ng nasa dibdib ko para sa kaibigan.
"We should, pero hintayin na lang na'tin 'yong year end party. After kasi sa school, may party ulit na gaganapin sa bahay nila Samuel. Sagot niya." Tuwang tuwang wika ni Candy.
Napangiti na lang ako habang pinagmamasdan siya. Wala kang mababakasan na pasa sa katawan ni Candy. Hindi na rin namumugto ang mata niya na para bang naka-recover na kaagad siya, at wala akong nakikitang problema doon, dahil pabor na pabor sa'kin ang magandang kalagayan niya ngayon.
"Ang gagong 'yon, sabing h'wag nang lumapit sa 'yo. Siraulo talaga." May bahid ng pagkainis sa boses ni Samuel nang makasalubong namin sila ni Pauline hindi pa kalayuan sa gate na nilabasan namin.
"Nabugbog niyo na, tama na 'yon." Wika ni Candy na ikinabuka ng bibig ko.
"Seryoso ba 'yan?!" Gulat ang remihistro sa'kin.
Sabay sabay silang napatango.
Magtatanong pa sana ako kung papaano umabot sa gano'n nang maramdaman ko na lang ang brasong pumulupot sa baywang ko. Kaagad akong napanguso dahil wrong timing ang entrance niya.
"Tsaka na tayo mag-story telling, bebe time na muna kayo, Aby. Kanina pa 'yan ngumangawa sa room, parang matagal kayong hindi nagkita." Si Brando na nauna na ring naglakad sa'min. Kinaway pa nito ang kamay niya ere. "Una na 'ko, mag-ingat kayo."
"Hindi ka ba isasabay no'n, Jel?" Si Candy.
Ngumiti lang ng tipid si Jel sa'min tsaka inayos ang pagkakasukbit ng bag niya.
"South ang daan ko ngayon . . . Pa'no, mauna na ako sa inyo, ingat ah." Aniya na hindi na kami hinintay man lang na makasagot.
Hinatid ko na lang nang tanaw si Jel. Mukhang hanggang ngayon ay hindi pa rin nila naaayos ang dapat nilang ayusin. At again, clueless pa rin kami—or should I say si Candy lang, dahil narinig ko naman ng hindi sinasadya ang usapan nila sa harap ng locker.
Nagpaalam na rin kami kay nila Samuel kinalaunan. Medyo hindi na rin kasi maganda ang itsura ni Pauline dahil na rin siguro sa pagbubuntis niya. Tuwang tuwa naman din si Candy dahil para daw siyang sinundo ng nanay at tatay niya.
"Sa condo ka na lang mag-ayos sa Friday. Susunduin kita around eight in the morning para mahaba ang preparation mo at kahit papaano ay magkasama tayong dalawa." Suhestiyon ni Troy.
Napaisip ako. Ayos lang naman sa'kin, may after party din kasing magaganap, hassle naman kung iuuwi niya pa ako tapos susunduin ulit, lalo na't midnight gaganapin ang kasiyahan.
"Ayos lang, papaalam lang muna ako kay nila Tita, tapos in-form kita agad." Wika ko't tumusok sa paper cup niyang may kikiam.
"Dalhin mo na lahat ng kailangan mo. After ng party sa school, uuwi kaagad tayo para makapag-palit ng damit. And please, babe. H'wag kang mag-swimsuit katulad nang sinend mo sa'kin last time." Nguso niya.
Natawa naman ako sa kaniya ng reaksyon. I remembered that one. Tutal ay bohemian naman na ang napaburan sa party namin sa school, gano'n na rin ang theme namin sa after party kay nila Samuel. And of course, need kong magpalit ng outfit. I can't wear two piece sa school, mamaya hindi ako pagmartsahin!
"May swimming pool doon, Troy. Ano'ng gusto mong suotin ko, pj's?" Tukoy ko sa ternong pantulog.
"Croptop would be better; with denim short, how about that?"
Umiling ako. "Ano ako bata?"
"Babe, . . . " Sukong tawag niya. "I don't want you to think that I want to control what you want to wear, but I'm just protecting you from those who have malice eyes who will attend the party. I can protect you physically, yes. That's given. But please, cover up the area that my eyes should only see." He sounded so . . . jealous, but at the same time, I get his point.
"Seamless crop top, and that denim short, how about that?" Taas baba ang kilay ko.
Sandali siyang natahimik bago tumango. "Babantayan kita," tanging nai-wika niya.
Sandali pa kaming namalagi sa side walk ni Troy bago namin napagpasyahan na umuwi na.
"Nga pala, wala sila Tita sa bahay. Gusto mo matulog muna dito ngayon? Wala naman tayong pasok bukas, ipagpapaalam ko na rin ora mismo, para aware sila."
Sandali akong nilingon ni Troy at nang ibalik niya ang tingin sa daan ay may pabuntong hininga pa siya.
"I like that idea, babe. Saan naman ako matutulog kung gano'n?"
Sumandal ako sa kinauupuan at pinagmasdan lamang ang side profile niya.
Ang linis linis niya talagang tingnan kahit kailan. Mula sa buhok niyang kakapagupit lang na nakatali pa sa taas na siyang kagagawan ko kanina. Medyo mahaba ang buhok ni Troy para sa isang natural haircut na pinagawa niya, 'yong kayang itali ang nasa taas na buhok dahil asset niya daw 'yon. Nang marinig ko 'yon sa kaniya ay napataas ang kilay ko. And then, he immediately explained that it was for me . . Wala pa nga akong sinasabi ay umarangkada na siya agad.
Troy's appearance was described as one word. Alluring. Especially when he had eyeglasses on when he was studying alone.
"Sa kwarto ko," simpleng sagot ko. "Wala ka namang ibang matutulugan kun'di sa kama ko. Dalawa lang ang kwarto sa bahay, hindi naman kita pwedeng patulugin kay nila Tita dahil sa kanila 'yon ni Tito Armando." Dugtong ko.
"So, m-magtatabi tayo? Sa iisang kama lang t-tayo?" Nauutal niyang tanong na ikinakunot ng aking noo. Ano bang nangyayari sa kaniya? Bigla naman atang bumuhol ang dila nito?
Itinagilid ko ang sarili ko paharap sa kaniya. Pinakatitigan ko siya ng mabuti habang nagmamaneho. Alam kong pansin niya ako, ngunit ayaw niya akong silipin kahit saglit.
"Oo, alangan namang patulugin kita sa sala? Malaki naman ang kama ko, kasya tayo do'n."
Sunod sunod siyang napalunok. Kumagat pa sa kaniyang labi at rinig ko ang mahina niyang pagmumura.
"Pwedeng pass muna?" May kahinaan niyang tanong.
Nanliit ang mata ko. "Ah, ayaw mo ako makasama? Ayaw mo akong makatabi?" Kaagad kong bira sa kaniya. Kanina kasi ay payag na payag siya, tapos ngayon pass daw?
"That's not it, babe. Baka lang magalit kasi ang Tito mo sa'kin. Hindi tayo pwedeng magtabi."
Ngumuso ako. "Kaya nga magpapaalam ako ngayon, ano payag ka ba o hindi?" May bahid ng pagkainis sa tono ko kaya dali dali niya akong nilingon.
Lumubo ang pingisi niya sandali at inabot ang kamay ko. "H'wag ka nang mainis, ako na ang magsasabi sa kanila. Daan muna tayo sa condo ko, kukuha ako ng damit for tonight." Aniya.
Gano'n nga ang nangyari, dumiretso kami sa condo niya at kumuha siya ng gamit para ngayong gabi. Dumaan na rin kami sa isang fast food chain para mag-drive thru na lang.
Nagpaalam na rin kami kay nila Tita Anne, at pumayag naman sila basta raw hindi dapat kami magtabi.
Napanguso ako dahil doon.
Maging si Troy ay sang-ayon din sa sinabi ni Tita at Tito, paano naman ako? Gusto ko siyang makatabi, kahit ngayon lang naman sana. Kapag nasa condo niya ako ay gano'n din ang sistema namin, ayaw niya ring magtabi kami. Medyo nakakainis.
"Sayang ang friendship nila 'no? I mean, kung hindi nila pag-uusapan ng maayos, nakakapanghinayang kung itatapon lang nila. Solid 'yong dalawang 'yon 'e." Wika ko nang mapunta ang usapan namin kay nila Brando at Jel.
Parehas na kaming nasa kwarto at katatapos lang kumain. Ako, nasa vanity mirror ko at ginagawa ang aking ritwal. Habang si Troy naman ay nasa likod ko at bino-blower ang buhok ko.
Ganito kami kapag magkasama, sa unang usapan ay sa'ming dalawa muna. Hanggang sa kung sino sino ang mapag-kwentuhan namin, at damay sila Brando, dahil kapansin pansin sila para sa'kin kanina.
Totoong sayang sila, pero hindi ko naman sila pwedeng pangunahan at unahing isipin ang nararamdaman ko o opinyon, dahil magkaka-iba naman kami ng iniisip tungo sa isang bagay.
"May mga bagay na talaga na mangyayari sa hindi mo inaasahang dahilan at pagkakataon, babe. Iyong sa kanila ngayon, malalagpasan din nila 'yan at the right time. Hindi na muna sa ngayon, dahil sariwa pa ang namagitan sa kanila." Aniya.
Ngumuso ako. "Nakaka-usap mo ba si Brando, about d'yan?"
Mula sa salamin ko ay nagsalubong ang tingin namin.
"Brando and I're close, but not totally that he'll tell me everything, babe. I don't want to ask him either, because it's his privacy. I don't want to invade it." Saad niya't hinalikan ang tuktok ng buhok ko. "And if he said something to me, I don't have the right to tell anyone."
Nginitian ko siya. "I know, babe."
Tumayo na ako sa pagkaka-upo at kaagad na isinukbit ang braso ko sa leeg niya. He smiled at me and grabbed me by the waist to get closer to him.
"I love you." As he said that in almost a whispered tone, I smelled his fresh, minty breath.
"I love you too; now kiss me." I uttered, making him laugh for a while but immediately showered me with his kisses.
Mas hinigpitan ko ang pagkaka-kapit ko sa kaniya, sa bawat halik niya sa'kin kahit na pagdampi dampi lamang 'yon ay kinikilig na ako.
Nang matapos siya ay masama kong idinilat ang mata ko sa kaniya.
"We should sleep."
"Tulog agad? Alas-nuebe pa lang." Nguso ko.
Muli niya akong hinalikan sa labi bago kaladkarin sa kama, akala ko ay ipipilit niya akong humiga ngunit siya ang naunang umupo at hinapit ako pakandong sa kaniya.
"Ay wow," naikomento ko na ikinangisi niya.
"What do you want to do pa ba? Aren't you tired?" Tanong niya't ipinulupot ng husto ang braso sa baywang ko. Ako naman ay yinapos pa siya sobra kaya't ramdam na ramdam ko ang hininga niya sa leeg ko.
"Sabi ko bebe time tayo, kaya nga kita inaya na dito matulog."
"But you need to rest, babe. May bukas pa naman."
Mas lalo ko siyang sinamaan ng tingin ngunit agad ding naglaho 'yon nang bumagsak ang mata ko sa mapupula niyang labi.
Should I kiss him or ask him otherwise?
"One last kiss, how about that? Tapos matutulog na ako." Ngisi-ngising hawak ko sa mukha niya at marahang hinamas ng hinlalaki ko ang pang-ibaba niyang labi.
Kitang kita ko kung papaano mamula ang tainga ni Troy, at ang pagkakalunok niya habang titig na titig sa'kin.
Lumawak pa ang pagkakangisi ko nang makita kong dinilaan niya pa ang labi niya't bumuntong hininga ng malalim.
"Come here," sa pa-anyaya niyang 'yon hindi na ako nagdalawang isip pa.
Inilapat ko ang labi ko sa kaniya at idiniin ang sarili ko. I thought that was it, but he did otherwise. When I was about to pull out, Troy's hand immediately pushed my head back to him and deepened our kisses.
I can feel his lips moving in mine, and his tongue even wants to get inside my mouth. The sensation was building up; I could feel my heart beat like it was going to explode in no time. I clenched my fist in the back of him, making me feel my body again to not lose control.
I didn't give his tongue an invitation, and suddenly he paused. When I opened my eyes and met mine, I could tell how much he wanted to do it again. He didn't speak, but I can hear it. I even felt it when he started to rub his thumb against my jaw, where his hand was there to guide our kiss.
Instead of saying anything, I push myself toward him and kiss him passionately. He stiffed for a second. With his mouth open a bit, I take it as an invitation to let my tongue meet his.
Nakakapaso ang tagpo ng mga dila namin nang mag-umpisang suklian ni Troy ang halik na gawad ko. Ang kamay niyang nasa baywang ko at pumipisil sa aking tagiliran.
"H-hmm, . . . " Mahinang ungol ko sa pagitan ng aming halikan dala nang kakaibang sensasyon na dulot sa'kin ng paggalaw ng dila ni Troy at ng aming mga labi.
He's an expert at this. Nahihirapan akong makasabay.
"T-Troy," tanging naisambit ko sa paparaan nang paggapang ng kaniyang halik mula sa aking labi at napunta iyon sa aking panga.
I held his hand where he was supporting me. With my eyes closed, I bit my lip as I felt his soft lips sucking my jaw down to my neck. I almost lost my breath!
Nakakabaliw ang halik ni Troy. Lalo na't ang kamay niya ay unti unting tumataas mula sa labas ng aking damit. Ang kaninang nasa tagiliran ko ay ngayong nasa ilalim na ng aking dibdib.
Kaagad kong hinagilap ang labi ni Troy. I kissed him deeply and even made a little sound in our kisses. I lost. My body heated up more than I thought.
Mas lalo pang nadagdagan ang kakaibang pakiramdam ko nang tuluyang sakupin ng isang palad ni Troy ang isang dibdib ko. Para akong kinuryente sa libo libong elektrisidad na nararamdaman ko sa kaniyang palad kahit sa labas pa ito ng aking damit.
Ang malumanay niyang paglamas sa aking dibdib ay mas lalong nagpabuhay sa makamundong nasa isipan ko ngayon. I wanted to push him, but it was too late. I'm now a slave to the intimacy we are creating.
Malapit na. Malapit na akong madala ng sobra sa kagayan namin, kaunting galaw na lang ay alam kong aapoy na ang pagitan namin ngunit bigla na lang akong napamulat nang kumalas si Troy sa halikan namin at matigil ang kaniyang palad sa aking dibdib.
Before I could even see his face, he hugged me. His face was on my neck, and he muttered words that, one by one, I clearly recognized.
"I-I almost lost it, babe. I'm sorry. I-I'm sorry for touching you."
Hinimas ko ang kaniyang likod. Sorry? Hindi kailangan 'yon. Ako naman ang nag-insist.
Napangiti ako kinalaunan, ayaw kong maging awkward kami. I know him, baka hindi niya na ako halikan ulit kapag nakita niyang kinabahan din ako sa maaaring mangyari.
"Ang sarap no'n, Troy."
"Abigail!" Inis niyang kawala sa'kin. Namumula ng sobra ang kaniyang mukha nang magkatinginan kami.
Pinatakan ko ng isang halik ang kaniyang noo, ilong at labi. Ramdam ko pa ang paghipit niya ng kapit sa damit ko, kaya tinawanan ko siya.
"Takot na takot ka naman." Komento ko.
"We're young for this."
"I know, but we stopped. You stopped." I replied.
Imbes na sagutin pa ako ay bumuntong hininga na lang siya at tumayo. Karga karga niya ako at feel na feel ko naman. Nang ihiga niya ako sa kama ay pabiro niya pang pinitik ang noo ko dahil pinansin ko na naman ang labi niyang namumula.
"Sleep,"
"Saan ka? Mukhang ayaw mong tumabi sa'kin."
Tumikhim siya bago ituro ang kutson na kinuha namin kanina. Hindi pa nagagamit 'yon.
"Ilalatag ko. And it's safe for me."
Nanlaki ang mata ko. "Gusto mo bang iparating na gagapangin kita kapag magkatabi tayo?!" Hindi makapaniwala kong tanong.
Ang kapal.
Mahina siyang tumawa bago sapinan ang higaan niya.
"You're too aggressive, babe. Who knows, right? It's better to be ready than not."
"Ang kapal ng mukha mo. Ako pa aggressive ah, sino ba sa'tin ang nanghawak ng dede?" Irap ko sa kaniya at tumagilid palikod sa kaniya.
"Your mouth, Abigail!" Pilantik nito na hindi ko pinansin.
Naging tahimik naman din siya kinalaunan. Ako, ngusong nguso dahil unan pa rin ang katabi ko sa higaan.
Ipinikit ko na lang ang mata ko, ngunit bago ako dalawin ng antok ay naramdaman ko pa ang paghalik ni Troy sa pisngi ko bago ako bulungan.
"You'll be the death of my boundaries, Abigail. I hope you understand me. I love you."
──
𝓳𝓮𝓷𝓪𝓿𝓸𝓬𝓪𝓭𝓸✿
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top