Chapter 17
chapter seventeen
── ⋆⋅☆⋅⋆ ──
Vice President: Pau_Padillo: Hello everyone! This telegram group chat was supposed to be for our school announcement, and I'll take this opportunity to tackle the issues that are currently hot on the topic right now. Troy and I never became one thing; let's have that period. We are friends, and that's all. You may question me or us about why we have been so close to each other these past few weeks, especially during the event held here at our school, and all I can say is that we are nothing. I have shared problems with him, who comforts me in a platonic way. There's no malice, everyone. PLEASE STOP SPREADING THE RUMORS about our co-student and labeling her by any name because we will not let this pass. Verbal bullying, or any kind of bullying, will never be tolerated inside or outside of our school. Those students who bring up the issue on social media will be facing our president and our head adviser. And please retrain yourself, thinking that our president was only taking action immediately because they have a "thing." That's not it; we all know how our dear President, @TroyMonreal, is at his work. Again, stop spreading rumors. Stop labeling someone when you can't even answer the question, "What really happened?" As much as I want to disclose all the reasons behind our actions, I can't. This is our personal space. And for @AbigailMendez, we should apologize to her. She's nothing but good to all of us, guys. Accept it or not, what you saw from them is real. Thank you, everyone. Have a great day ahead; see you later.
Nics_a: So totoong sila?!!!
Aramina: Sabi ko inyo e! Ogag kayo. Lagot kay pres.!
Matmat05: DALDAL NIYO KASI. HINDI NIYO NAMAN ALAM STORY! LAGOT KAYO KAY PRES.!
Cara_mel: Sila pala magkakatuluyan, eh diba binusted ni Pres. si Abigail? Talk of the town din naman sila noon ah. Ang gulo. May quiz pa kami mamaya!
Cindykkk: Pero aminin, bagay sila. Confirm na talaga, guys. Hinard lunch na ni Pres. sa ig! Confirm pa sa fb na in a relationship! Magluksa na kayo, balik crush ako kay @Brandot!
Pam_kyutt: Tama! Kay Brando na lang tayo! Handa akong maging bff niya katulad ni Jenniferlyn!
Kaagad kong pinatay ang phone ko sa daming chat na pumapasok sa notification ko. Ang huli ko lang na tiningnan ay 'yong sa telegram. Nakahinga ako ng maluwang sa clarification na ginawa ni Pauline. Aaminin ko, kahit ayaw kong gawin nila 'yon dahil mananahimik din naman silang lahat ay natutuwa pa rin ako, dahil malinis na ang pangalan ko. Hindi masusukat ng kahit anong galak ang kagalakan na nararamdaman ko ngayon. Ngayon pang, legal na akong ipinagsigawan ni Troy sa social media niya.
Bumangon na ako para mag-ayos ng sarili. Sabado ngayon at may lakad kami ni Troy. Date baga. Dapat nga ay hindi kami tuloy ngayon, dahil marami siyang ginagawa. Hindi naman na rin kami nakapag-usap kagabi dahil busy siyang ipangalandakan na kami na. Wala rin akong lakas na kausapin siya dahil nanghihina talaga ako sa kilig kagabi.
Sino ba kasing hindi? Those simple acts to clarify things between him and me with no other intention rather than make everyone quiet and let us be, ay isang malaking green flag! Kung noon ay watermelon siya, ngayon avocado na siya. Super green!
"May lakad ka, anak?" Bungad sa'kin ni Tito Armando nang makababa ako ng hagdan.
Ngumiti ako sa kaniya at tumango. "Magkikita po kami ni Troy, Tito."
Naningkit ang mata nito bago ako talikuran at tumungo ng kusina. Sumunod naman ako para mag-almusal na muna.
"Kailan ba 'yan haharap sa'kin? Nasagot mo na't lahat lahat, wala pang balak harapin kami? Bahag ba ang buntot niyan?"
Napanguso ako sa sinabi ni Tito Armando. "Busy pa 'To, pero sasabihan ko siya mamaya kapag uwi namin. Dito ko na lang po kami magdi-dinner." Lumawak ang pagkakangiti ko sa sinabi.
Humigop si Tito ng kape bago tumango sa'kin. "May extra money ka pa? May inilagay ako sa taas ng aparador sa sala, kumuha ka doon kung magkano ang gusto mo."
Mabilis akong umiling. "May natira pa po sa allowance ko 'To, salamat na lang po."
Matapos ang maikling interaksyon namin ni Tito Armando ay nauna na siyang lumabas ng kusina. Bigla na rin kasing tumunong ang phone niya, malamang ay sa trabaho. Si Tita Anne ay maagang pumasok, hindi ko na nga naabutan dahil tinanghali ako ng gising kakaisip kay Troy.
Nag-asikaso na ako paalis at nag-iwan ng mensahe kay Troy na magkita na lang kami sa may food court ng Mall. Nasa condo niya siya tumuloy kahapon, kaya hassle lang kung dadayuhin niya pa ako dito.
Suot ang maxi dress kong lampas ng ilang pulgada sa tuhod ay nagbaon na rin ako ng jacket para kahit papaano ay hindi ako mailang kapag sumakay ako ng jeep. Hindi rin naman nagtagal ang byahe ko at katulad ng inaasahan ko, Troy was already here.
He's wearing a casual white loose tee shirt paired with pants na may butas sa may hita niya. Bahagya pa akong napasimangot dahil kahit anong isuot niya ay hindi siya nagmumukhang maasim. Kahit siguro garbage bag ay kaya niyang bigyan ng justice!
Lumakad ako palapit sa kaniya at ang kaninang seryoso niyang mukha ay biglang naging maaliwalas. Mabilis siyang tumayo sa kaniyang kinauupuan at hinaklit ang likod ko palapit sa kaniya. Binigyan niya ako ng halik sa noo.
"You're so lovely, babe." Bati niya sa'kin. "I'm sorry kung hindi kita nasundo, hindi ko na uulitin."
"Ano ka ba, I told you not to pick me up, right? It wasn't a big deal, mapapalayo ka lang." I said, intertwining our hands.
"Naka-dress ka, hindi ko mapigilang hindi makonsensya." Pagsisimangot niya't kinuha ang shoulder bag ko't isinabit sa kaniyang balikat.
"Ihahatid mo naman ako. Let's just forget about that, and let's eat na. Hindi na ako kumain sa bahay para ganahan ako ngayon, tara." Aya ko't nagsimula kaming naglakad.
Hindi ko alam kung dapat ko bang ikatuwa na maraming tumitinging babae at lalaki sa kaniya sa paglalakad namin inside of this mall to find where we should eat, o magselos dahil bukod sa'kin ay may iba pang mga matang halatang pinagnanasaan ang boyfriend ko.
I couldn't blame them; I know that. Troy, for our age, was built more maturely. If I hadn't known him, I would think he's already in his 20s! Someone who is in college and will graduate anytime soon. While I, on the other hand, look like a still-high school student, I'm not going to lie; I even find myself that way. Kung hindi nga lang ako marunong mag-ayos ng sarili ko, for sure they would think of me as his baby sister. Salamat na lang talaga at hindi ako masyadong pandak for him.
"Why do you keep on pouting, Abigail? Do you want my kiss?"
Pinanlisikan ko siya ng mata sa ka-simplehan ng boses niya habang itinatanong 'yon sa'kin. Samantalang ang puso ko ay gustong kumawala sa dibdib ko!
He smirked at my reaction and gave me my plate, where he sliced my meat. Sweet.
"I want you to kiss me, but that's not the reason why I am pouting. Get your brain washed sometimes." I fired up.
Mahinang siyang tumawa. "Then, can you tell me why? Kanina ka pa nakanguso, kung wala lang tayo sa public place, kanina pa kita hinalikan." He vocally said, and then ate his meat.
Malawak akong napangiti sa kaniya." Ay gusto ko 'yan. Dapat talaga sa condo mo na lang tayo kumain eh, I suggested that to you!"
"Silly," he uttered in response.
"Let's plan that next time, Troy. Para kapag tapos na'ting kumain, tayo naman ang magkainan."
With my words, Troy suddenly choked up by his food, and me, being a caring girlfriend, stood up and handed him a glass of water. I even caress his back.
"Abigail, your mouth needs to be washed." He stared at me intently after he recovered. I sat down and nodded. I also think I need that one, though.
"Yeah, using your lips?" I ask, painosente. "Go na go ako diyan, kahit magdamag pa." I joked.
His jaw clenched but then smiled at me. "Stop provoking me. Kung ano ano na ang lumalabas sa bibig. We're teens, Abigail." He emphasized the last words clearly.
I rolled my eyes. "Teens with wild thoughts," I said, making him lick his lips.
Patuloy lang akong kumakain. Kahit binibigyan niya ako ng matalim na tingin ay hinayaan ko lang 'yon. I don't know; I'm just enjoying him being like that rather than being sweet with me all the time. My god, I want that old Troy back, but at the same time, I want him to be sweet to me.
"I love you, babe. But sometimes I want to tape your mouth for our sake." He sounded serious, but I take it as a joke.
"Kahit itali mo pa ako—"
"Oh, no. Stop, stop." He immediately cut me off. "Finish your food, and we're going to the photo booth. I want to have another picture with you."
Natawa na lang ako sa reaksyon niya. Hindi ako tanga, alam kong may epekto sa kaniya ang mga pinagsasabi ko, pero hindi ko lang maiwasan na sabihin ang mga 'yon, para bang ang sarap makita ng namumula niyang tainga.
Nagpatuloy kami sa pagkain. Panay ang tanong sa'kin ni Troy kung ano pang gusto ko bukod sa nasa lamesa namin, gusto ko pa sanang magdagdag ngunit hindi na kaya ng tiyan ko. Blotted na blotted na nga ako at halata na 'yon sa dress mo!
He ordered grilled meat, toasted chicken, and barbecued meat. And I'm a heavy eater, so I told him to order a plate of rice, and not even half of that serving went to me. In the back of my mind, if Troy didn't put rice on his plate, I might dig into the whole plate of rice.
At hindi niya man lang ako pinigilan!
"How much is our bill?" I ask; he's holding it and checking on his wallet.
Kinuha ko ang bag ko at inilabas ang wallet ko doon. Kumuha ako ng dalawang libo at inilagay 'yon sa table namin, at katulad ng inaasahan ko, he didn't let me.
"I'll be in charge of this matter, babe. Put your money in your wallet; I won't make you pay for our lunch," he said, putting his card on the bill and also calling the waiter.
He immediately typed his pin code and signed the receipt. When the waiter went away, he stared at me.
"I'm the man here, babe. We talked about this," he stated.
I let out a deep breath and leaned into my chair. "How much is our bill?"
Troy snorted before saying, "Three thousand eight hundred something, but it's okay. . . "
"No, it's not okay, babe," I said, serious about what I said. That's freaking huge! "Please, accept even just half of this," I said, pointing to the money I put on our table. "We're still students, Troy. On this kind of date, we should pay half for each other."
"Babe, you're my responsibility." He almost whispered it. Halata sa boses niyang ayaw niyang pagtalunan namin ang bagay na 'to. Ayaw ko rin naman, pero ayaw kong tanggihan niya ang pera ko.
This is not about who's the man here and being responsible for his woman. I don't want that thing. Ang gusto ko fair kami. If he's providing, then I should be too, right? Splitting the bills won't make them men don't do their responsibilities to their women.
"Kung gusto mo akong pagkagastusan, alukin mo ako ng kasal kapag nasa tamang edad na tayo. At kapag nangyari 'yon, hahayaan kitang pagkagastusan ako, but right now, let me pay for ours also," I said, smiling.
Matagal bago niya ako pakatitigan. "Let this one first pass, babe. And of course, I'll take your hand when the right time comes. That would be our ending; you become my Mrs. Monreal. And next time, I'll let you have what you want. Okay?"
Ayaw kong magtalo pa kami, kaya tumango na lang ako. Kinuha ko ang pera at ibinalik sa pitaka ko. Sa susunod, hindi ko siya hahayaang magbayad. To make it fair enough, dahil malaki ang sobra pa sa tatlong libo niyang binayaran.
Nang makalabas kami ng restaurant ay tumungo na kami sa photo booth area, and we take shots for about six copies. Nang matapos ay napagpasyahan naming maglibot libot na muna. Kung saan saan kami dinala ng aming mga paa. At dahil isa akong babaeng may taglay na kaartehan sa katawan, tumambay kami sa Watson. Ang dapat ay tingin lang sana, ay hindi na nangyari dahil namalayan ko na lang ang sarili kong may dalang basket at naglalagay ng kung anong matipuhan kong produkto.
"Bakit mo binalik?"
Napaangat ang tingin ko kay Troy. He's standing by my side and patiently waiting for me.
"Hindi ko naman kailangan."
"Ano ba 'yan?"
"Foundation. It's used to cover some blemishes in my face," I explained lightly.
"Is that the foundation you're using?" He curiously asked.
I nodded in response.
"Get it," he said, and he was about to put the bottle again in my basket when I stopped him.
"Mayroon pa naman ako sa bahay. Isa pa, I feel like I don't want to have more makeup products that much," I said.
Totoo 'yon. I'm a big fan of makeup. I have tons of different products and uses in my room, and I'm enjoying applying them every day, even if they're prohibited in school. Nakakalusot lang ako dahil hindi naman ako makapal maglagay ng makeup, it's just a normal go to, kaya hindi na pinapansin sa'min. But during the past few days, I saw a post on the internet.
Karamihan daw sa lalaki ay mas gusto ang natural na ganda ng babae. Mas maganda rin daw ang babae kapag walang makeup. That somehow hit me. Hindi kasi ako lumalabas ng walang kahit na anong nilalagay sa mukha ko. Hindi ako sanay, but right now, susubukan ko.
"You love makeup, babe. I know we're new in a relationship, but I always heard you tell others that you invest in makeup. It's a girly thing, as you said."
So nakikinig talaga siya sa'kin. Agaw na agaw ko talaga ang atensyon niya ah.
"Yeah, but I have a reason why I want to change my perspective." I then proceed to explore more in the stoll. I grabbed some lip products; this would be good enough for me.
"Can you share it with me?"
"I read something that says boys don't want a layer of makeup; they more want girls to have a natural type of beauty. They love it, and I take that as advice," I shared.
I saw his forehead knot before moving next to me. He held my basket and pulled me closer to him. We walked again where I left the foundation, and when he saw it, he again grabbed it and put two boxes in my basket, which he was holding. He even gets the right shade of me.
"What you read is pure shit to me, babe. Don't get that opinion inside your head when I, your boyfriend, don't even say a word about that," he said. "Look, if you feel good when you're applying it and see the result, then that's good to me. And if you also feel you're good without makeup on, then it's good to me also. And for your information, you don't need to think about the other guys, because you have your man standing in front of you."
Napanguso ako sa haba ng sinabi niya.
"Kung saan ka masaya ay gawin mo, Abigail. Hindi ako mangingialam sa 'yo dahil sarili mo 'yan, at hindi kita pagbabawalan dahil wala akong nakikitang masama sa ginagawa mo. You're embracing your natural beauty by using those products, and I don't see anything wrong with it."
As he said those words, butterflies swirled in my stomach. I'm so blessed to have him, right? He's not biased about explaining that thing to me. Instead of directly saying it, he goes with an explanation that will make me agree with him.
"Tangina naman, kunin niyo na 'yang foundation at lumabas na kayo ng store na 'to! Bibili lang ng foundation, may ganyan pang nalalaman! Mga walang awa!"
Parehas kaming napasinghap ni Troy sa biglang pagdaan ng isang babaeng nakasimangot sa amin. Mabilis niya lang kaming nilagpasan kaya't nakabawi rin kami agad. Nang magsalubong ang tingin namin ni Troy ay parehas kaming bahagyang natawa bago tumungo sa counter.
Naabutan pa nga namin 'yong babae kanina na ngayon ay may kasama nang papalabas ng store.
"Ang tagal mo naman. Humanap ka lang ng foundation ah."
"Eh kasi, may nagdra-drama pang mag-jowa doon sa stoll. Nakakainis, talagang pinaparamdam ni Lord sa'king single ako."
"Ang hilig mo kasing makinig sa iba."
"Kasalanan ko bang marinig 'yon? Eh, hello. Public place 'to, tangina. Sana may magsabi rin sa'kin ng gano'n, aalukin ko talaga kaagad ng kasal."
"Bakit ano bang narinig mo?"
"As basta, tsismosa ka."
Napailing na lang ako sa narinig. Kasunod lang kasi nila kami kaya hindi ko mapigilang hindi makinig sa kanilang usapan. Nawala na lang sila sa pandinig ko nang lumiko sila sa kabilang way.
"Gusto kang makausap ni Tito, he wants to know you better later at dinner." Umpisa ko nang makapasok kami sa sasakyan.
Nilingon niya ko bago buhayin ang makina.
"Should we go there na?"
"Aren't you scared?" Instead of answering him, I ask my thoughts.
He chuckled, looking at me. "Why would I be scared? I'm waiting for you to drop those words even before we're not together; this is one of my goals. Meeting up with your family."
"So you're prepared huh."
He smiled at me, showing that he's totally waiting for this time to come, and now it has happened.
Naging magaan pa lalo ang byahe namin. Excited sa meet and greet ang lalaking 'to kaya't sa shortcut na dumaan! Sandali pa kaming nag-stop over sa isang sikat na café para umorder para pasalubong. He even bought two dishes of food for our dinner.
It's already been six thirty in the evening when we arrived home. Tito Armando was already on our way inside, and to my surprise, Tita Anne was already there. Usually, she's home past eight or nine in the evening. Maybe Tito Armando informed her?
"Kaawaan kayo ng Diyos," aniya ni Tita nang magmano kasi ni Troy. "Sa sala na muna kayo, anak. Sandali na lang 'tong niluluto ko at maghahanda na rin ako ng hapunan."
"Tulungan na kita—"
"Dalhin mo ang nobyo mo sa sala. Kami na ni Tito Armando mo ang bahala dito, sige na." Pigil niya sa'kin na ikinatango ko.
Binalingan ko si Troy na tahimik lang. Kung kanina ay ang lakas ng loob niya, ngayon ay tila hindi siya makahinga! Nang silipin ko si Tito Armando ay gano'n na lang kabilis nasagot ang tanong na nasa utak ko.
He's holding a knife while looking directly at my boyfriend!
Kaagad kong hinila si Troy sa sala at dinaluhan siya sa pag-upo.
"Ayos ka lang? You look constipated."
"Your uncle was eyeing me badly. . . "
"I thought you weren't scared?" I mocked him. He looked at me and rolled his eyes. Damn this guy, rolling his eyes like that was so hot of him, it makes me want to sit on his lap. Hehe.
"I'm not scared for myself; I'm scared of the thoughts running through my mind while looking at him earlier. And don't you dare ask me about it; I don't want to share it with you. I don't want you to think about it." Pangunguna niya kaya hindi na ako nangulit.
Hindi rin naman nagtagal ang paghihintay namin, kaagad kaming tinawag ni Tita Anne sa hapag at nakahanda na rin ang niluto ni Tita at ang binili ni Troy kanina. Natawa pa ako ng bahagya dahil nahuli ko si Tito Armando na pumapapak ng dala ni Troy.
And one thing I can be assured of: He likes the food. One point na agad para sa bebe ko.
Pagkaupong pagka-upo namin ay pinaghain na ako ni Troy, pinanood pa nila kami lalo na si Troy. Napangisi na lang ako sa likod ng aking utak. Alam ko kasing hindi pakitang tao lang ang ginagawa ni Troy. He's always did that when we ate alone.
"Ni hindi kayo umabot ng isang buwan na nagligawan, kilalang kilala niyo na ba ang isa't isa ng husto para tumalon kayo agad sa isang relasyon?"
Napalabi ako sa tanong ni Tito Armando. Unang tanong pa lang niya matapos naming i-kwento ni Troy ang panliligaw niya sa'kin ay heto na siya.
"Kilala niyo nga ang isa't isa simula high school or even before that, pero hindi naman kayo dikit para makikilala ang isa't isa. Naging malapit lang kayo nang magka-aminan kayong dalawa. That doesn't make sense to me." Istriktong dagdag ni Tito.
Napanguso ako. Sasagot na sana ko nang hawakan ni Troy ang kamay ko sa ilalim ng mesa. Nilingon ko siya ngunit hindi niya man lang ako tinapunan ng pasimpleng tingin.
"Tama po kayo, Sir. Hindi ako umabot ng buwan sa panliligaw, pero sinisiguro ko po sa inyo na hindi naman po mababaw ang nararamdaman ko kay Abigail. Mas kinikilala rin po namin ang isa't isa habang nasa relasyon kami."
"Iyon naman pala, Armando eh! Eto naman, akala mo naman ay inabot din siya ng buwan manligaw sa'kin. Eh, tatlong araw nga lang ay gusto mong sagutin na kita agad." Palatak ni Tita Anne na ikinasimangot ni Tito.
Ako, nanlaki ang mata ko dahil hindi ako aware na gano'n pala ang nangyari sa kanila. Pero, halata namang seryoso si Tito Armando, hindi naman sila magtatagal kung hindi.
"Iba naman 'yong sa'tin, Anne. Matanda na tayo, alam na na'tin ang totoong pagmamahal—"
"Wala sa edad 'yan, Armando, ikaw na ang nagsabi." Putol ni Tita. "Tingnan mo nga ang dalawang 'yan oh," turo sa'min ni Tita, ngumiti ako ng bahagya nang tapunan kami ng tingin ni Tito. "Mukha bang hindi nila alam ang tunay na pagmamahal?"
"Anne, naman. Magkakampi tayo dito." Ungot ni Tito Armando.
Tumawa ng bahagya si Tita, nilingon niya muli kami, lalo na si Troy.
"Ano bang plano mo sa pamangkin ko, hijo? Baka naman ay matulad lang kayo sa ilan d'yan na hindi naabutan ng ilang buwan o kahit kalahati man lang dahil may natipuhan biglang iba. Katulad ng sinabi mo kanina, hindi mababaw ang nararamdaman mo sa pamangkin ko, pero paano kung hindi mo mapatunayan 'yan?"
"Hindi po mangyayari 'yon, Ma'am. Masyadong maaga para sabihin kong hindi kong hindi kami aabot sa ganyan, dahil masyadong mapagbiro ang tadhana. Pero isa lang po ang masisigurado ko sa inyo, kung sakali man pong mapagod kami sa isa't isa, wala pong third party na mangyayari. Magpapahinga lang po ako tapos babalik din ako sa kaniya." Buong pusong wika niya.
Hindi ko alam ngunit bigla na lang akong natakot. Hindi dahil sa third party thing kundi sa kaisipang baka umabot kami sa paghihiwalay.
"Sinasabi mo bang mapapagod ka relasyon niyo?" Si Tito.
"Hindi naman po pare-parehas ang relasyon. Gusto ko rin pong maging totoo dahil alam kong dadating kami sa pagtatalo. Hindi naman po maiiwasan 'yon, dahil habang tumatanda kami ay may mga problema kaming haharapin. Nakakapagod naman po talaga ang magmahal, iyong maghabol ka nga lang po nang paulit ulit ay nakakapagod na . . . "
Napalabi ako sa narinig. Tinutukoy niya ba ang nangyari sa'min bago kami umabot sa ganito? Well, napagod naman talaga ako. Lalo na nang ma-realized kong may mga bagay na dapat hindi na ipinipilit.
"Possible na may isang mapagod sa'min, worst kung kami pang pareho. Pero sigurado po ako sa pamangkin niyo. Sigurado akong siya ang makakasama ko at ihaharap ko sa altar."
Sandaling katahimikan ang namutawi sa hapag. Kalaunan ay binasag din 'yon ni Tito Armando.
"Kumain na tayo, lumalamig ang pagkain." Tanging naisantinig niya't bigla akong nakahinga ng maluwag.
Pinisil ko ang kamay ni Troy at nginitian siya ng magtama ang paningin namin. He muttered sorry, and I don't know why. Maybe it's because of what he said, but I don't find any reason for him to apologize.
He said what was on his mind. And I respect that.
"Hatid ko lang po si Troy sa labas, Tita, Tito!" Paalam ko kinalaunan nang matapos kaming kumain.
"Mauna na po ako, maraming salamat po sa pagkain at pagpayag sa relasyon namin ni Abigail." Nakangiting paalam ni Troy sa kanila.
Iwinagayway lang ni Tito at kamay niya sa harapan namin at tinulungan si Tita na magligpit. Ang sabi ko ay kami na ang bahalang magligpit, kaso ayaw naman nilang dalawa.
"Tara, baka lalo kang gabihin." Aniya ko't nagpatiuna na sa labas.
"Babe," tawag niya ng nasa gate na kami. Sinalubong ko ang tingin niya at ngumiti. Tinawid niya ang pagitan namin at kaagad akong niyakap. Nagsumiksik pa siya sa leeg ko at huminga ng malalim. "I'm sorry about earlier."
Alam ko na agad ang tinutukoy niya.
Hinimas ko ang likod niya't yinakap siya pabalik.
"Kanina ka pa nag-so-sorry. Hindi kailangan, Troy. Alam ko rin naman ang bagay na 'yon. Alam kong aabot tayo sa gano'n, pero hindi naman tayo tatalikod sa isa't isa 'di ba?"
Mabilis siyang kumalas sa pagkakayakap at tumango sa'kin. Mas lumawak ang pagkakangiti ko.
"Then don't worry about it because it's okay with me. You're open about it, and so am I. I respect what you said because that's the reality of entering a relationship."
That's the reality eh. Bakit ako magagalit? Katangahan kung palalakihin ko ang mga bagay na possible talagang mangyari.
"At salamat na rin sa ginawa mong pag-broadcast sa relasyon na'tin. It means a lot to me, kahit sabi ko dapat lowkey lang tayo." Dagdag ko pa.
He again kissed me, but on my forehead. "You don't need to thank me; I also did that for myself. I want to give you all the assurance I can, and I want them to know that you're mine and I'm yours."
He again made my heart flutter.
"I love you, Abigail," he said, giving me a peck on the lips. "No words can express how much I love you. Cupid didn't use his bow and arrow; he used armalite to assassinate both of us." He chuckled at the end.
I laugh softly and encircle my arms around his neck. "I'm so inlove with you too, Troy. At ikaw lang rin ang haharapin ko sa altar."
"Alangan namang iba, babe?" Bigla siyang sumimangot. "Ako lang naman ang boyfriend mo."
Natawa ako doon. "Siraulo," bulong ko at mas lalong pinaglapit ang mukha namin. "Sa kasal din pala tayo matatapos 'di ba? Sure na sure?" Paninigurado ko.
"Ikaw lang ang nakikita ko sa future ko, Abigail. Ngayon pa lang ay marami na akong pangarap para sa'ting dalawa." Aniya't ipinagdikit ang noo naming dalawa.
Nag-init ang pisngi ko. Kung sobrang puti ko lang siguro, mabilis niyang masasabing kinikilig ako! Mabuti na lang talaga at morena ako.
"Sa kasal ang tapos, so pwede na ako mag-request ngayon?" Pabironh tanong ko.
"What?"
Ngumuso ako, ngunit kalaunan ay ngumiti ng malawak dahil sa kapilyahan na naisip ko.
"Kung kasal ang bagsak na'tin, baka pwedeng i-advance ang honeymoon . . ."
And yes, Troy pulled out of our sweet, loving hugging moment and glared at me without mercy.
"You're such a teased. Uuwi na ako," aniya't ikinatawa ko sa huli.
"Pag-isipan mo ah! Good offer 'yon! Doon na'tin masusukat kung mag-e-enjoy ba tayo the whole marriage kung magaling tayo sa kam—"
"Abigail Coleen, go back inside!" Sigaw nito't tumakbo para buksan ang sasakyan niya.
I giggled at his reaction.
"I love you, babe!" I yelled when he lowered his window and saw me. "Honeymoon, ah, think about it." I winked.
He bit his lower lips and rolled his eyes.
"Stop with that, babe. Kapag hindi kita natansya, sigurado akong hindi ka makakalakad sa'kin. I love you too, goodnight!"
Literal na tumigil ang ikot ng mundo ko habang pinapanood kong umandar ang sasakyan ni Troy palayo sa bahay. Nag-iinit ang pisngi ko't bumalik lang sa katinuan nang makarinig ng sigaw mula sa 'di kalayuan.
"Kung mag-a-aylabyuhan kayo, h'wag niyo namang isigaw! Mga pabida!" And that's her! The girl who tantrumed in the Watson earlier!
──
𝓳𝓮𝓷𝓪𝓿𝓸𝓬𝓪𝓭𝓸✿
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top