Chapter 16

chapter sixteen
── ⋆⋅☆⋅⋆ ──

"I suggest the foam party, guys. Since this is our last year being senior high, why not take it to another level? I'm sure, Principal Amaro will approve this." Pauline suggested, and everyone on the side agreed. And I'm one of them too.
 
The foam party is the best. I saw it once on TikTok, and it seems so cool. Everyone thinks they are in their childhood dimension since the bubbles throw in the air, making them jump in joy, together with the loud music that the students pick up per strand.

"How about the theme of that foam party, Vice?" Bryan asked.
 
"Bohemian," she casually answered. "A beach vibe in other ways."

My mouth turns a circle as my mind goes to my shopping app. I should scroll through that later and find the best pieces of clothing so I can be prepared as early as possible.

"Papayagan kaya tayo ni Principal Amaro?" Nakangusong tanong ni Julian. Maging ang ilan ay biglang nawala ang ngiti sa kanilang mga labi dahil sa narinig.

"Well, hundred percent sure na papayag naman si Principal Amaro lalo na't si Troy naman ang makikipag-usap together with the president of each room." Paninigurado ni Pauline. "But, we can't forget the head administrator." Napapalabing dagdag niya at napuno nang malakas na boo ang buong room.

The head administrator. Si Mrs. Palumita. Gusto kong mapairap kapag siya ang nasasali sa usapan. Kung naghahanap ka ng isang realistic definition ng isang kill joy other than words, siya na 'yon. Kill joy symbolizes her, period.

Ewan ko ba sa isang 'yon. Kahit aprubahan pa 'yan ni Principal Amaro, ano namang laban namin kapag nagbigay na ng side comment si Mrs. Palumita? At the end, siya ang mag-s-suggest kung ano ang magiging ganap sa party.

"Let's go for the foam party, everyone. Are we all in with Pauline's suggestion?" Tanong ni Troy bago ang kaniyang pananahimik ng matagal.

Sunod sunod kaming napatango. Nang bumaling ang tingin niya sa'kin ay ngumiti pa ako ang nag-thumbs up para lang ipakita na sang-ayong sang-ayon talaga ako. Kitang kita ko ang matalim na pagbuntong hininga ni Troy bago tumango sa lahat.

"If that's the case, pag-uusapan namin 'to ng mga president ng bawat classroom kasama ang student councils."

"How about our foods?" Hindi ko mapigilang tanong.

I should ask that because last year, as I could remember, we had shakeys. And I don't like it at all; the pizza was like heated yesterday before our event, just like the chicken. It's a waste of money.

"We will order again, guys. And don't worry, you can choose what fast food chains you want to have at your meal. Magpapasulat kami mamaya each room, para maiayos namin ang pag-inquire." Isa sa mga student councils ang sumagot sa'kin.

Lumawak ang pagkakangiti ko. Well, that's better.

Inilipat ko ang tingin sa laptop ko at mabilis na tinipa ang mga napag-usapan. Yes, kasama ako sa meeting. Why? Oh, it's because of my handsome boyfriend. Nagtalo pa kami kagabi dahil ayaw kong maki-alam sa kanila, ngunit talagang ipinagpilitan niya. At ang naging hudyat para pumayag ako, ay ang salitang . . .

"Lunch tayo together after meeting, miss na kita."

At dahil marupok ang lola niyo, ayan. Nandito ako ngayon at para may magawa ay inagaw ko na ang trabaho ng secretary dito sa council. Pabor na pabor din naman dahil si Bryan 'yon!

"Paano naman ang gifts? May exchange-gifts pa ba?" Tanong ng isa.

Kung ako ang tatanungin ay h'wag na lang sana. Gano'n din, worth three hundred to five hundred tapos ipe-pera rin naman ng iba. So what's the essence of exchanging gifts kung gano'n lang rin naman ang sistema? Isa pa, praktikal na mga tao ngayon, kahit ako ay mas gusto kong i-pera na lang 'e.

"By classroom na lang tayo, katulad last year para hindi masyadong magulo. Bawat presidente ng classroom ang magde-decide about diyan." Wika ni Pauline.

Naging mahaba pa ang kaganapan sa meeting. Pinag-usapan na agad namin kung papaano ma-e-execute ang kakailanganin naming mga gamit kung sakaling papayag ang mga nasa taas na foam party na lang ang ganapin.

Seryoso ang lahat at ako ay panay lang jot down sa mga inaprubahan ni Troy at Pauline.

"Kung wala na kayong idadagdag pa, you can leave now and take your lunch. After niyo, mag-ikot na kayo at magpalista ng mga meal branch na gusto nila around fast food chains only." Saad ni Troy bago tumungo sa pwesto ko.

Dali dali ko naman siyang sinalubong at inabot sa kaniya ang laptop. Tumungo kami sa lamesa niya at mabilis niyang kinuha ang notes ko.

"Kanina ka pa nakangiti, kinakabahan na ako sa 'yo." Pukaw niya sa'kin. Napakapa tuloy ako sa labi ko.

Kanina pa ba?

"Eh ano naman? Big deal, big deal?" Irap ko sa kaniya na mahina niyang ikinatawa.

"If ever na sang-ayunan nila ang foam party, please, babe. Don't wear too much revealing piece of clothes."

"Bohemian, Troy. Ano'ng gusto mo mag-tee-shirt ako?" Sarkastikong tanong ko at naupo sa upuan niya.

Tiningnan niya ako ng masama tsaka bumuntong hininga. "Babe, makakatusok ako ng mata kapag may tumingin sa 'yo na may pagnanasa maliban sa'kin."

Hindi ko napigilang hindi mapangisi at pinagtaasan siya ng kilay. "So pinagnanasaan mo ako? Ang manyak mo naman pala kung gano'n."

He chuckled. "I won't deny it. You're mine after all." He sounded so proud with his words.

I snorted when I remembered something. "Mine ka diyan. Parang hindi mo sinabihan si Pauline na gusto mo siya." Out of nowhere, bigla na naman akong nag-bring up.

Natigil siya sa ginagawa at nakakunot ang noong binalingan ako. Ako naman ay nagpatay malisya. Kinuha ko ang phone ko at pumunta sa online shop.

"When did I?"

Mas lalo akong napanguso. Harap harapang dine-deny, akala niya makakaligtas siya sa'kin ah.

"Hindi mo maalala?" Hamong tanong ko. Umayos siya ng tayo, humarap sa'kin na punong puno ng pagtataka. Sasabihin ko na sana sa kaniya ngunit bigla siyang tumikhim at nag-wika.

"The thing sa clinic?" Pigil ang ngisi niya.

"Pagtatawanan mo ba ako?" Imbes na sagutin ay pinuna ko siya. Umiling siya at lumapit sa'kin. Itinukod niya ang magkabilang kamay sa arm chair at inilapit ang mukha sa'kin.

Trinaydor na naman ako ng puso ko! Ang lintik na tibok t'wing ganito siya kalapit sa'kin ay mas lalong bumibilis. Mas lalo pang nadagdagan ang pintig ng puso ko nang bumaba ang tingin ko sa labi niya. Nakaikagat ko ang pang-ibabang labi ko't napanguso.

"Kaya mo bang magkaroon ng pda record ngayon, Troy?" Walangyang tanong ko.

Bigla siyang lumayo sa'kin kaya napanguso ako. Damot!

Tinawanan niya ang reaksyon ko at mahinang pinitik ang noo ko. "Nagtatanong ka about clinic thing a while ago, ngayon naman having a pda record huh?"

"Ang dami mong sinasabi, pwede mo namang sagutin 'yong dalawa!" Angal ko at muling tumingin sa phone ko.

May isa na akong na-add to cart. Head piece pa lang para naman pak na pak ang outfit ko.

"Ano ba kasing narinig mo sa clinic, at para namang 'yan din ang gusto mong itanong sa'kin kahapon." Taas baba ang kilay niyang saad.

Gusto ko lang naman malinawan. Hindi naman siguro masama kung itanong ko na 'to sa kaniya ngayon, tutal ay pansin niya na rin naman.

"Tinanong ka niya kung gusto mo pa rin siya, and you answered her I still like you, Pau." Panggagaya ko sa malambing niyang boses na tandang tanda ko pa rin hanggang ngayon.

Kahit maayos na kami ni Pauline ay kung minsan, hindi ko pa rin maiwasan na mainis kapag naalala ko ang lahat. Nakakapanggigil pa rin. At dahil ayaw ko naman siyang sabunutan, ito na lang boyfriend ko ang pauulanan ko ng tanong.

"Brando texted me after you informed him that you'd just be in the restroom—"

"Nagrestroom nga ako!" Bigla kong putol. Medyo kinabahan pa dahil sa tingin niyang nanunudyo.

"Talaga? Restroom pero umikot ka sa kabilang building para lang hindi ka sundan ni Brando? You're too worried for me, babe. Kahit naman pagbawalan kita, masusunod pa rin ang gusto mo."

Hindi ako nakapagsalita.

"Eh bakit mo nga sinabi 'yon?! Tsaka, saktong sakto talaga sa pagdating ko?" May inis sa boses ko.

Humaklit ng upuan si Troy mula sa kabilang lamesa at itinabi ito sa'kin. Kaming dalawa lang ang nasa office dahil lahat ng mga tao dito kanina ay nagsilabasan na.

"Nag-uusap na kami bago ka pa man dumating. Nagplano na kaming magparinig dahil nandoon din sa kabilang station ang ex ni Pauline. It's just an act all the way, at alam kong tagumpay kami dahil naamoy ko na ang pabango mo." Aniya.

"Ang sama mo ah." Tanging naisantinig ko.

Hinawakan niya ang kamay ko at hinalikan. "I'm sorry, babe. Mahal kita, at hindi ako magsasawang sabihin 'yan sa 'yo at iparamdam para lang hindi mo na maisip ang nakaraan. Mahal na mahal kita." Sensero niyang wika.

Ang kaninang inis ko ay bigla na lang nawala. Malawak akong ngumiti sa kaniya.

"Sorry sa pag-bri-bring up, wala naman na 'yon sa'kin. Pero naiinis pa rin ako," bigla kong bawi.

Napangiwi siya. "Ano'ng gusto mong gawin ko para mawala 'yang inis mo huh, babe? Date tayo?" Nagningning ang mga mata niya sa sariling sinabi.

Umiling ako. At matamis muling ngumiti sa kaniya. "Payagan mo kong magsuot ng butterfly crochet." Taas baba ang kilay kong saad at ipinakita sa kaniya ang picture."

And of course, this is the typical reaction of every protective boyfriend out there. "You can wear that under my tee-shirt,"

"Troy naman!" Hampas ko sa balikat niya na ikinangisi ng loko. Sumimangot ako.

"I'm serious, Abigail." He said. Handa na akong paulanan siya ng explanation nang senyasan niya akong manahimik. "Pero ayaw kong nasasakal kita."

"So it means . . . "

He nodded. "But you need to be fully aware. Ayaw kong makasapak, Abigail. Kung kailangang sundan kita sa araw na 'yon ay gagawin ko. Kaya ngayon pa lang, sinasabi ko na sa 'yo. Babantayan talaga kita."

Sumaludo ako sa kaniya. "Ikaw lang rin naman ang balak kong samahan. I'm sure may kaniya kaniya ring mundo ang mga kaibigan ko." Aniya ko't hinawakan ang kamay niya. Pinagsiklop ko ang kamay naming pareho at natawa siya.

"This is pda." He said.

"I know, level up na'tin?"

Muli siyang natawa. "Tukso ka, Abigail."

Tinusok ko ang tagiliran niya kaya bahagya siyang napaigtad. "Patulan mo na, tukso na oh."

"Shut up. I should be a good example here, babe. Stop provoking me." Halata nga sa boses niya ang pagpipigil.

Natawa na lang ako. "Okay, pero kapag nagbago isip mo. Doon tayo sa bakanteng room. Kwentuhan hanggang sa manginig."

"Abigail!"

Things with me and Troy in our relationship become so smooth in a span of a couple of days. We both expressed our love and gratitude to each other, and I'm beyond thankful for him trying his best to prove to me that it's all worth it. And in exchange, I also did my best to make it worth it for him.

But our story is truly a reality. A lot of people on campus know that Troy and Pauline are in a relationship, so they assumed that I wrecked it and seduced Troy or even blackmailed him!
 
"Kung ako si Pauline, hindi ko na kakausapin 'yan. Kasama pa nila sa meeting last week, ang kapal talaga."

"Makapal talaga ang mukha, binusted ba naman ang anak ni Mayor. Gandang ganda sa sarili."

"Matatapos na lang ang taon na'tin dito, wala man lang character development. Jusko, for sure, iiwanan din 'yan ni Troy. Pauline is the standard!"

"Kahit dati ay hindi ko gusto ang babaeng 'yan. Remember, Melanie? Hindi ba't nag-break sila ng boyfriend niya dahil sa babaeng 'yan? My god, kaya ang hirap magkaroon ng karelasyon dito, may ahas."

Napailing ako sa narinig. Hindi ko alam kung matatawa ba ako, papatulan, o mananahimik na lang sa tabi. I'm not that kind of student na gustong magpa-bully na lang, but when it comes to this matter, pakiramdam ko ay tama sila.

I even don't understand myself anymore. Alam ko kung ano ang totoo pero kinakain pa rin ako ng sinasabi nila.

"Ano'ng mahirap magkaroon ng karelasyon, ang sabihin mo, wala lang talagang nagkakagusto sa 'yo! Nandamay ka pa!"

Kaagad kong pinigilan si Candy nang makarating siya sa table namin. Pabalang niyang inilapag ang tray at masamang ang tingin na nakabaling sa gawi ng huling estudyanteng nagsalita.

"C'mon, Candy! Stop defending your bestfriend! H'wag kang sulsul!" Sigaw pa ng isa.

Akmang magsasalita na sana si Candy nang hatakin ko na siya pa-upo.

"H'wag na, ayaw ko ng gulo." Wika ko na ikinailing niya.

Padabog niyang inayos ang pagkain niya't umirap pa sa kawalan.

"Hindi na ako natutuwa sa mga naririnig ko, Abigail. Wala man lang bang balak si Troy na patahimikin ang mga 'yan?" Irita niyang tanong.

"We already talked about this, Candy. Gusto niyang patulan, pero pinipigilan ko lang." Pag-aamin ko.

"Siraulo ka ba? Nagpapakalat sila ng fake news about you! You shouldn't tolerate that!" Aniya't bumaling na naman sa kabilang lamesa. "Oh, anong binubulong bulong niyo diyan? Marinig ko lang 'yan tatabasan ko kayo ng dila!"

Napayuko na lang ako sa nangyayari. Kahit naman pigilan ko si Candy, alam kong wala ring mangyayari. Beast mode siya. Minsan ko lang siyang makitang ganito, kaya't pinili kong manahimik na lang.

Nasa gano'n kaming senaryo nang mahagip ng mata ko si Jel at Brando na papagawi sa amin. Imbes na intindihin ang sarili ay mas nanaig sa'kin na magtanong tungkol sa kanila.

"Maayos na sila?"

"Iyan talaga ang pumasok sa isipan mo kaysa sa issue na kumakalat sa 'yo ah." Sarkastikong wika ni Candy. "Hindi pa rin sila ayos, sinusuyo ni Brando kaya magkasama sila ngayon." Imporma niya rin kinalaunan.

Hindi na rin ako nagtanong pa dahil nasa tapat na rin namin sila.

"Ang ingay ng pangalan mo, Abigail. Sanay naman ako, pero iba ngayon." Kaagad na buka ng bibig ni Jel.

Nginiwian ko lang siya.

"Alam ba 'to ni Troy?" Si Jel muli.

"Oo—"

"Alam nga, ayaw namang aksyunan." Patutsada ni Candy.

"Ako nga kasi ang nagsabi na h'wag na patulan. Graduating tayo, ayaw ko madawit sa kahit na anong gulo." Saad ko.

"Hindi naman gulo ang papasukin mo, Aby. Lilinisin mo lang ang pangalan mo." Paliwanag ni Jel. "Ano'ng sabi ni Pauline?"

"She's stopping the rumors. Kapag may naririnig siya sa building namin, kaagad niyang pinagsasabihan." Si Brando.

"Kumain na tayo, guys. May klase pa mamaya." Aniya ko na lang para matigil na ang diskusyunan tungkol sa issue.

Sa hallway pa lang patungo sa classroom namin ay bumungad na agad sa'kin ang samo't saring bulungan ng mga kapwa ko estudyante. Akala mo ay mga hindi busy at mas pinagtutuunan pa ng pansin ang issue na hindi naman sila kasali.

I opened my laptop and scanned our research papers. Nagsalpak na rin ako ng earphone para wala akong marinig na kahit na ano. Ayaw kong maistorbo, lalo na't hinahabol ko ang mga dapat kong ilagay sa papers namin na dapat ay last month pa tapos kung nagpasa lang ng maaga ang isa sa ka-grupo ko.

"Puro tsismis ang Amber na 'yan, wala pa ngang naipapasa na draft ng part niya sa research." Sumakto ang boses ni Candy sa paghinto ng music ko.

"Eh, mas malala pala 'yan. Kingina, ang tabil ng dila, pabigat pala." Gatol ni Jel at kinalabit ako. "Ibagsak ko sa evaluation 'yan, doon ka na lang bumawi." Kindat niya sa'kin.

"Sinabihan niyo na ba? Part niya na lang ang aayusin na'tin kapag nagpasa siya, tapos na ako sa isa eh." Imporma ko.

Anim lang kami per group. At sa lakas ko nga naman humiling ay napunta sa'kin si Jel at Candy. Si Jel ang leader namin, ako naman ang assistant leader niya at katulong din namin si Candy. Actually, basic topic ang kinuha namin, pero talagang makakahakot ng interest.

"Kung anong swerte na'tin sa isa't isa, malas naman na'tin sa ka-grupo." Pabulong na wika ni Candy.

Napanguso ako. "Kulitin niyo na lang. First semester ka pa nagrekreklamo."

Ayaw ko mang sabihing malas kami, ngunit minsan ay hindi mo talaga mapipigilan. We're groupmates, nagtutulungan dapat kami, ngunit sa grupo namin, laging kaming tatlo ang gumagawa ng paraan para maging malinis ang papel namin.

We're updating our groupmates, but they always seem uninterested. Kaya minsan ay nakakapagod na mangulit, kahit na obligasyon nilang tulungan kami.

We need cooperation, but they can't provide it to us. Simpleng pakiusap na magpasa on time, hindi pa magawa.

"Busy nga ako, mamaya magpapasa ako! Hindi man lang magkaroon ng consideration."

"Kami ba hindi busy?! Ano bang akala mo, madali mag-ayos ng papel sa research?! Haler, magpapasa ka na nga lang ng i-ilang part ang tamad mo pa, samantalang kung makapag-tsismis ka about kung kani-kanino, ang sipag-sipag mo!"

Napatayo ako sa upuan nang magdiskosyunan na ang dalawa. Ang sabi ko ay kulitin, hindi ko sinabing awayin, Candy!

"Ang yabang mo naman. Akala mo kung sino kang matalino! Hindi na ako nagtataka kung bakit ang boyfriend mo nasa request message ko. Malamang sawa na 'yon sa napakaingay mong bunganga!" Bawi ni Amber na sadyang nakapagpatigil sa kaibigan ko.

Mabilis akong pumagitna sa kanila at sinamaan ng tingin si Amber.

"You should stop, Amber. Wala ka na sa lugar." Mahinahon kong saad.

Umismid ang babae at itinaas ang kilay niya. "Ikaw ang tumigil, Abigail. Nakakahiya ang isang babaeng kagaya mo. Talagang ipinagsisiksikan mo ang sarili mo sa taong may gustong iba."

"Ano bang alam mo?" Harap ko sa kaniya. Iniinis ako ng pagmumukha ng babaeng 'to. Bukod sa makapal ang blush niya at foundation niyang hindi pantay sa kulay ng leeg niya, ang sarap masahin ng mukha niyang espasol!

I'm done with this!

Sumusobra na ang isang 'to sa'kin. Hinihingian lang ng part, masyadong tinake ng personal.

"Ang tapang." Komento niyang ubod ng sarkastiko. Ang ilan sa mga kaibigan niya ay nginisihan pa ako na para bang dapat ko silang katakutan. "Nagmamalaki ka pang ahas ka? Iba na nga talaga ang panahon ngayon, kung sino pang umagaw siya pang matapang—"

"And what do you think you're doing, Ms. Baldovino?"

Lahat kami ay napaharap bigla sa nagsalita. Nanlaki ang mata ko nang makita si Troy na halata ang galit sa ekspresyon habang nasa tabi niya naman si Jel.

Ang babaeng 'to, kaya pala wala akong katulong umawat kay Candy, may sinundo pala!

Napapikit ako sandali at nang magtama ang paningin namin ay inilingan ko siya ngunit hindi ako pinakinggan ni Troy. Tuluyan siyang pumasok sa loob ng classroom at hinarap si Amber na natahimik.

Lahat ng kaklase ko ay pinasadahan ng tingin ni Troy bago muling ibinalik ang tingin kay Amber na halata ang kaba sa mukha niya.

"Your words are offensive; aren't you aware of it?" Kalmadong tanong ni Troy.

Kinakabahan man ay nagawa pa ring ngumisi ni Amber at umirap.

"You're being biased now, President?"

Troy chuckled. "I can be. Wanna watch what I can do to slash you from having your name on the honor roll?"

Napasinghap ang lahat maging ako.

"Pasok pa sa honor lists 'yan? Eh, pabigat sa grupo namin 'yan ah." Boses 'yon ni Candy.

"W-what?! Are you threatening me inside this classroom with a lot of witnesses, Mr. Monreal?"
 
"Troy, let's settle it in the office," I whispered to him, but he shook his head.
 
"You spread rumors about your classmate. You bullied the grade eleven students during the first semester, and you have a record of absentees and lates, and you can't be in line with those honorable lists of names when I pass it to the principal. Want to try it?" A long explanation by Troy.

Walang nakakibo maski isa sa amin nang pabalang na ilapag ni Troy ang may kanipisang folder sa lamesa ni Amber. Her eyes dropped at her desk.

"Attention, everyone." Pagtawag ni Troy sa atensyon naming lahat.

Sa ganitong sitwasyon, ang hot niyang tingnan. Malandi ka self!

"I know some of you already heard and are probably joining in to spread the rumors about the talk of the town right now, but may I remind all of you? We are graduating," he said with dominance. "We are graduating, everyone. Stop spreading the rumors; you didn't even know how it started at all. Just do your things and leave the others on their own. You are in this school to learn, for academics, not for street talks."

"Ang hot ng bebe mo kapag galit." Siko sa'kin ni Jel na hindi ko man lang namalayan na nasa tabi ko na pala.

Napanguso ako. Hindi ko siya kinibo.

"This is the one last warning; I hope we all understand. Once I hear about this again, I'll call you all to our office, and you explain yourself to our council's adviser, understand?"

"Maliwanag pa sa galit mo, Pres.!" Sigaw ng mga kaklase kong lalaki sa likod.

"Ang daldal kasi ng mga babae sa'min, nalagot tuloy kayo kay Pres.!"

"Manahimik na kasi kayo, inggit lang kayo kasi si Abigail pinansin ni Pres., kayo hindi eh."

Napailing na lang ako sa mga narinig. Nang bumaling ako kay Troy ay tinanguan niya lang ako bago lumabas.

"Shutangina, nakakatakot magalit si Pres.!"

"Oo nga, tangina naman kasi eh. Ang daldal niyong mga babae! Ang hilig niyo sa tsismis!"

"Raymond, gago ka ah. H'wag mong lahatin! Si Amber lang 'yon dito sa room."

"Shut up, guys! C'mon, go back to your place and finish your research. Magpapasa na tayong lahat after uwian." Imporma ni Jel at nagbalik na kami sa upuan namin kanina.

Inisang tingin ko pa si Amber na pahiyang pahiya sa kaniyang upuan.

Hindi ako mag-so-sorry, dapat lang 'yon sa kaniya dahil sumobra na siya. Napailing na lang ako sa drama na 'to. This will be the talk of the town for sure.

Hindi na ako nagpahatid kay Troy dahil may biglaan din silang lakad nila Tita Rebecca. Noong una ay ayaw pa sana niyang sumama ngunit kalaunan ay napapilit ko na lang.

Katatapos lang ng grupo naming magpa-check kaya pasado alas-otso na rin ako nakauwi. Nagpahinga muna ako saglit bago naglinis ng katawan. Para akong isang taong nawala sa bahay dahil sa mga nangyari. Nang matapos ako ay ibinagsak ko ang sarili ko sa kama at in-open ang phone ko.

Gano'n na lang ang muli kong pagbangon ng sandamakmak na notification ang natatanggap ko, ngunit isa lang ang pumukaw sa'kin.

Troy Monreal set his status

When I scrolled down, gano'n na lang ang pagbilis ng tibok ng puso ko.

Troy Monreal
is in a relationship with
Abigail Mendez

978 likes          501 comment         1k share

And I was even tagged in his instagram story, where he's kissing me on my temple, and I was smiling brightly, captioning:

With my pretty little baby💗 @abglcln_mndz

"Gago ka, Troy." Tanging naisantinig ko bago lumawak ang aking pagkakangiti na sinundan ko nang mahabang tili.

──
𝓳𝓮𝓷𝓪𝓿𝓸𝓬𝓪𝓭𝓸✿

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top