Chapter 15
chapter fifteen
── ⋆⋅☆⋅⋆ ──
Akala ko hanggang sa panaginip ko lang makakamtan ang taong minamahal ko. Kung saan saan na ako umabot para lang tumibay pa lalo ang pagmamahal ko sa lalaking akala ko ay talagang binalewala lang ako.
Sunod sunod akong napabuntong hininga habang nakatanaw sa bulto ni Troy na nag-aayos ng sapin namin dito sa sikat na park sa Manila. Ito ang ika-pitong date namin mula nang payagan ko siyang ligawan ako. Noong gabing sinabi kong binabawi ko na siya ay mas lalong tumibay ang pagkalalapit niya sa'kin.
Kung noon ay halos bilhin ko na ang buong flower shop at ubusin ang baon ko kakabili ng mga chocolate para sa kaniya ay mas masahol pa ang ginagawa niya ngayon.
Simula nang ligawan niya ako ay hindi pumalya ang bulaklak, chocolates at kung ano ano pang typical na regalo para sa isang babae. Nakuha ko lahat 'yon sa loob ng ilang araw, maging ang oras, atensyon at siya mismo ay tila sa akin lamang umiikot.
Natatawa na nga lang ako sa naging pag-uusap namin nila Tita Anne kanina sa hapag dahil kakauwi lang rin ni Tito Armando at nakita ang sandamakmak na bulaklak sa sala.
"Kailangan kong makausap 'yang Troy Monreal na 'yan, Abigail. Baka mamaya ay hindi pala 'yan maaasahan at baka dinadaan ka lang sa mabubulaklak niyang salita."
Napatikom ang bibig ko dahil kay Tito Armando. Nagsalubong pa ang tingin namin ni Tita Anne.
"Mabait po si Troy, Tito." Pangunguna ko.
Nagtaas siya ng tingin sa'kin habang ngumunguya. Pakiramdam ko tuloy ay may tatay akong labis na iniingatan ang kaniyang anak. Bahagyang may humaplos sa puso ko.
"Babait talaga 'yon sa harap mo, nililigawan ka ba naman eh. Nagpapakitang gilas, sabi nga nila."
"Armando naman, hinuhusgahan mo na agad 'yong bata." Mahinang hampas ni Tita sa braso ni Tito.
"Nagsasabi lang naman ako ng mga possibilities, Anne. Babae ang pamangkin mo, nag-iingat lang ako." Pagtatanggol ni Tito sa sarili niya na ikinangiti ko.
"Don't worry, Tito. Ipapakilala ko naman po siya, pero hindi po muna ngayon. Masyadong busy ang isang 'yon lalo na't may defense pa kaming iintindihin bago ang graduation."
Mabigat na napabuntong hininga si Tito Armando. "Kapag sinaktan ka ng lalaking 'yan, Abigail. Sabihin mo lang sa'kin at sinisiguro ko sa 'yong hindi aabutan ng liwanag ang manliligaw mo."
"Armando talaga. H'wag mong tinatakot ang pamangkin ko. Kumain ka na lang nga diyan at aalis ka pa hindi ba?"
Nabaling ang atensyon ni Tito sa sinabi ni Tita Anne. Nawala na rin ang usapan tungkol sa'min ni Troy na ikinahinga ko ng maluwag. In-open ko na kay nila Tita ang tungkol sa estado namin ni Troy. Wala naman na akong rason para maglihim sa kanila dahil mas magandang alam nila ang lahat kaysa sa magugulat na lang silang sinagot ko na pala si Troy.
Hindi rin imposibleng mangyari 'yon dahil tumatalab ang effort niyang maging kasintahan ako!
Ilang araw na rin ang lumipas simula nang masabi ko sa kaniya ang tunay kong nararamdaman. Malaki rin ang nagbago sa estado ng relasyon namin ngayon dahil parehas na kaming open sa isa't isa. Mas dumalas na rin ang paglabas namin t'wing may free time kami at gaya ng huli niyang sinabi, gusto akong makita ng nanay niya.
Bata pa lang kami nang huli kong makita si Tita Rebecca. Hindi ko na nga halos matandaan ang mukha niya dahil ilang taon din naman na ang lumipas. Kinakabahan ako, ngunit nasasabik din sa aming muling pagkikita. Mabait si Tita Rebecca, 'yon ang tumatak sa isipan ko hanggang ngayon.
"Are comfortable enough?"
"Oo naman, kasama kita eh." Palubong wika ko at sumilay naman ang hindi niya mapigilang ngiti. "Siya nga pala, last date na na'tin 'to." Medyo malungkot kong sabi.
Binalingan niya ako sandali bago nag-slice ng cake na dala namin. Nang mahiwa niya ay humarap siya sa'kin at ipinaghiwa muli ako para maisubo niya sa'kin.
"So?" Nakataas ang kilay niyang tanong. "Eat this first," nilapit niya ang kutsara sa bibig ko na ikinanganga ko naman.
"Ano'ng so? Hindi mo ba na-gets? Last date, ibig sabihin magiging busy na kasi ulit tayo dahil final defense na at kuhaan ng clearance, wala na tayong oras para sa isa't isa."
Iniisip ko pa lang na mababawasan ang oras namin na magkasama ay parang pinipiga na ang puso ko sa lungkot.
I know, I should play hard to get—pero para sa'n pa? Ika nga nila, time is gold. At palay na ang lumalapit sa manok, sino ako para umarte pa 'di ba?
"Sino'ng nagsabing mawawalan tayo ng oras sa isa't isa?" Naghahamon niyang balik sa'kin. Hindi ako kumibo, muli niya akong sinubuan bago ang sarili niya.
"Alam mo, Abigail. Nang sabihin ko sa 'yong I'll chase you back, ibig sabihin no'n ay hindi ako mawawalan ng oras kakaparamdam sa 'yo na sigurado ako sa 'yo. Isa pa, desidido akong ligawan ka hanggang mapasagot kita, kaya marami na akong paraan na binubuo sa isip ko bago pa tayo bumalik sa regular class."
"Talaga?" Pakiramdam ko ay nagningning ang mga mata ko habang nakatingin kami sa isa't isa.
Tumango siyang may ngiti sa kaniya labi bago kunin ang kamay ko at dampian 'yon ng halik.
"Namumuro ka na kakahalik sa kamay ko. Masyado kang takam sa'kin ah." Biro ko.
"Your word's." Napapalabi niyang wika at walang pasabing nahiga sa hita ko. "Hindi pa rin ako makapaniwala na ganito tayo kalapit sa isa't isa, Abigail. Ilang taon kong pinigilan ang sarili ko, sapat na siguro 'yon para hayaan ko na ang sarili ko sa piling mo ngayon."
Iniangat ko ang kamay ko at marahang sinuklay ang bagong gupit niyang buhok. Talagang nagpa-gwapo pa siya para lang sa araw na ito.
Kahit hindi naman na niya gawin ay baliw na baliw na ako sa kagwapuhan niya, tsk. Kung bakit ba naman kasi paborito siya ni Lord.
"Magsisinungaling ako kung itataboy kita at sasabihin kong humanap ka na lang ng iba dahil wala na akong pagmamahal sa 'yo. Lolokohin ko lang ang sarili ko kapag pinakawalan kita gayong ikaw na mismo ang lumalapit sa'kin." Aniya ko.
"Matagal ko nang pinangarap 'to, Troy. Matagal na matagal na kung alam mo lang. Gusto kong ganito tayo kadikit, 'yong hindi mo na ako kailangang itaboy dahil may nararamdaman ka na rin sa'kin."
"I'm sorry for those days, Abigail. We were too young back then, and I don't want to be like those other couples that break each other's hearts after their high school years. I know I shouldn't mirror them in having a relationship dahil magkakaiba naman tayo, but I didn't see myself going through that phase."
"Then how about now? Why did you suddenly change your mind? We're still not yet in college, but look at you; you look whipped over my beauty," I said, full of audacity.
He brought my hand to his lips, and again he planted soft kisses all over it and turned his gaze on me while still in my lap. Our eyes locked to each other like there's no other person around us.
"We're turning to college in less than two months. I want to start college with you by my side because, I know, the moment we step on our different paths, too many boys will hit on you."
Napatawa ako sa narinig. "So that's the reason why you wanted to court me so bad, huh?"
His eyes rolled up. "Of course not! It's just one of the reasons, Coleen. But the main one is that I love you so bad."
My heart beats so fast. Still, It was beating for him louder than I thought.
"I want you to be part of my life for real. I don't want to hide anymore because I'll just drive you away from me. I hate seeing you cry because of my selfish actions. There's many reasons I can name more for you, Abigail Coleen, but always keep in mind my main reason and for your information," he smiled at me and hugged my hand. "I'm seeing you as the mother of my child when the right time comes."
I was out of words. Does this mean he also saw himself being with me in the future? Having our little ones and building our home?
"Ang layo naman ng pangarap mo." Komento ko, tinatago ang kilig na aking nararamdaman.
"It should be that far, Abigail. Dahil kapag nakuha ko ang matamis mong oo, ikaw na rin ang pakakasalan ko. Ikaw ang una at huli, pangako 'yan."
Seryosong seryoso siya sa sinabi niya. Sa bawat salitang lumalabas sa bibig niya ay tila gusto niyang ibaon 'yon sa kadulo-duluhan ng utak ko.
"Eh paano naman kung hindi mo makuha ang matamis kong oo, edi hindi ako ang magiging una at huli mo." Ginaya ko pa ang tono niya.
"Saan mo ba nakukuha 'yan, Abigail? Bakit parang pakiramdam ko ay binabara mo naman ata ako."
Hindi ko mapigilang matawa dahil may bahid ng pagka-inis ang boses niya. Typical attitude of him. Mabilis mawalan ng pasensya kapag sinasalungat ang sinasabi niya.
Pinitik ko ang noo niya na siyang ikinasama ng kaniyang tingin sa'kin. "Nagsasabi lang ako ng isa sa mga circumstances, Troy. Tinatanong lang naman kita, nagagalit ka agad." Nguso ko sabay sipsip sa juice ko.
"Kapag hindi mo ako sinagot, edi susubok ulit ako." Mahina ngunit sapat lang para marinig ko. Napangiti ako sa naging sagot niya.
Hindi na ako nagbigay ng tingin sa kaniya bagkus ay nakatingin ako sa rebultong nakatayo sa harapan ng iilang taong nandito ngayon.
"I'm a warrior right now, Abigail. Kung hindi ko oras para maging akin ka ngayon, susubukan ko ulit sa susunod. Hindi man ako sumasailalim sa pisikal na laban, ang nararamdaman ko naman para sa 'yo at ang damdamin mo ang kalaban ko. I'm fully aware na may naibigay akong trauma sa 'yo, kaya hindi kita susukuan."
Wala sa huwisyo akong napatigil sa pagsipsip nang maramdaman kong tumagilid siya at umurong pa lalo sa may tiyan ko at mahigpit akong niyakap. Para akong binarahan sa lalamunan nang maramdaman ko ang pamamasa ng damit ko ng bahagya. Maya maya pa ang gumalaw galaw na ang balikat ng lalaking nakapulupot sa'kin na siyang ikinasinghap ko.
"T-Troy, h'wag kang umiyak—"
"H-hindi kita susukuan, Abigail Coleen." Tila ba musika sa aking pandinig ang sarili kong pangalan dahil sa kaniyang pagkakabanggit.
"Hindi ako susuko kahit paulit ulit akong mag-umpisa, kasi mahal kita." Ang mga salitang 'yon ang nakapagpangiti sa'kin. Gusto ko na siyang sabihan na ayos na, ngunit tila bata siyang pinapaulit ulit sa'kin ang lahat.
"Mahal kita 'e, bakit ako susuko?"
Troy was a bit more emotional than me during these past few days. I don't want to disregard his feelings because I can feel how guilty he was for his past actions. I understand it all now, and I'm giving him a chance to prove the love he confessed to me. And he did it—unstoppable. Nevertheless, even though I'm vocal to him about my feelings, it didn't even budge his guilt to lessen even a bit, that's what I observed.
"Ang dami mong in-order, mauubos ba na'tin 'yan?" Napapalabing tanong ko kay Troy nang dumating ang sandamakmak niyang order.
Nasa restaurant kami ngayon. Restaurant na isa sa mga pag-aari ng pamilya nila Samuel. And speaking of that guy, bago pa man ako nasagot nila Troy ay kaagad na umalingaw-ngaw sa paligid ang boses ni Samuel kasama ang babaeng pinanagutan niya.
"Sorry for keep you waiting guys, ang bagal kasi kumilos ng misis ko." Ngiti ngiting wika ni Samuel at pinaghila ang kasama niya ng upuan sa tabi ko.
Ang ngiti sa aking labi ay lalong mas lumawak. Kaya pala ang daming pagkain ay dahil nandito rin sila.
"Stop calling me your misis, just call me by my name. Hindi tayo kasal." Pabulong ngunit rinig ko ang diin sa boses ni Pauline.
"Doon naman tayo papunta, after college." Simpleng anas ni Samuel na inirapan ni Pauline.
Hindi ko na lang 'yon inintindi. Baka dala lang ng mood swings niya lalo na't nabasa ko na normal na sa buntis ang gano'n.
"Ang blooming mo ngayon, Pauline. Ganyan ba kapag magiging nanay na." Hindi tanong ang iginawad ko kundi isang papuri na ikinapula ng pisngi ni Pauline.
Natawa ako nang bigla siyang bumusangot. Si Samuel naman ay napakunot ang noo dahil sa reaksyon ng kasintahan niya.
"H'wag mo na lang ipaalala, Abigail." Mahina niyang turan. Bahagya akong napangiwi. "Kumain na tayo, mukhang kanina pa kayo naghihintay sa'min. Pasensya na kayo ah, inatake kasi ako ng morning sickness. Naiinis na nga ako dahil walang palya ako sa umaga." Wika ni Pauline.
"There's nothing to worry about, Pau. Hindi naman kami nagmamadali, right, Abigail?" Himas ni Troy sa kamay kong nakapatong sa lamesa.
Tumango ako. "Kumain na tayo, baka lumamig ang pagkain." Paanyaya ko.
Nag-umpisang asikasuhin ni Samuel si Pauline habang ako naman ay inaasikaso ni Troy. Hindi ko alam kung bakit ang sayang nararamdaman ko kanina ay biglang napawi. Naging tahimik ang hapag habang kumakain kami bagay na hindi ko inaasahan dahil nitong nakaraan lang ay naging maayos naman na sila Samuel at Troy sa isa't isa. Maging kami ni Pauline ay gano'n din.
Gusto kong magtanong ngunit mas pinili kong itikom na lang ang bibig ko. Sa loob lang rin ng ilang araw ay mas nagbago rin si Pauline. Pansin ko ang pagiging mainitin ng ulo niya, kahit sa school lalo na't may inaasikaso silang year end party.
Nagka-usap kami ni Troy na baka puwedeng sila Bryan na muna ang hatakin niya kaysa kay Pauline, ngunit si Pauline mismo ang ayaw pumayag na hindi siya kasama sa paghahanda.
"Out of town ang balak ni Daddy pagkatapos ng graduation na'tin. Baka doon ko na rin ipagpatuloy ang college kung makakausap ko ng maayos ang parents ni Pauline." May pag-iingat na turan ni Samuel.
Lumingon pa ito sa dinaanan ni Pauline patungong restroom na tila nakahinga rin nang makitang dire-diretso lang itong naglakad palayo sa amin.
"May balak kang iwanan siya dito?" Tanong ni Troy na ikinabaling kaagad ni Samuel sa gawi namin.
"C'mon, Troy. Hindi ko sinalo ang suntok ni Tito Patrick para lang iwanan siya ng mag-isa." Naiiling na sagot niya. "At 'yon din ang problema ko ngayon."
"Spill it, Sameul. Baka may maitulong kami ni Troy." Wika ko sa kaniya.
Bumuntong hininga siya bago tinungga ang tubig sa kanilang harapan.
"Ilang beses na kaming nag-usap about going to abroad. Hindi ko siya kayang iwanan dito lalo na't dinadala niya ang anak ko. Kinausap ko na siya about migrating, ang kaso ayaw niya. Hindi ko daw siya mapipilit at kung gusto kong mangibam-bansa ay umalis akong mag-isa. After that little fight with her, mas naging cold na siya sa'kin."
"Nag-e-effort ka naman ba?" Taas kilay kong tanong.
"Of course, yes! Gusto kong maging maayos kami bago niya maisilang ang anak namin. Kahit naman aksidente ang nangyari sa'min, alam niyong buong puso ko siyang pananagutan. Walang kaso sa'kin kahit ako ang mag-adjust sa'ming dalawa, dahil alam kong gusto ko ang ginawa ko. But sometimes, napupuno rin ako. Hindi ko rin masisisi ang sarili ko dahil napapagod na rin akong manuyo, but at the end, laging pumapasok sa isip ko ang kadahilanang buntis siya kaya madalas kaming mag-away."
Nagkatinginan kami ni Troy at sabay na napailing. Bago pa man kami makapagsalita ay natanaw na namin si Pauline na paparating kaya nanahimik na kami.
Kaagad na tumayo si Samuel at inalalayan si Pauline na makaupo sa tabi niya. Namumutla nang bahagya si Pauline kaya bumalatay ang pag-aalala sa mukha ni Samuel.
"Are you okay?" Puno ng pag-aalala niyang tanong.
"G-gusto ko na sanang umuwi. Nahihilo ako." Pilit na wika ni Pauline at kumapit sa braso ni Samuel.
Mabilis na tumayo si Troy sa tabi ko at inalalayan ang dalawa. Ako naman ay kinuha ang bag ni Pauline at sumunod sa kanila papalabas.
"Get in the car first, Samuel. Suportahan mo ang ulo ni Pauline." Aniya ni Troy at dahan dahan nilang ipinasok si Pauline na anytime ay parang pwedeng mawalan ng malay.
"Diretso tayo sa hospital, Troy." Wika ko nang mamaniobra niya ang sasakyan.
"Pau, we're going to hospital okay? Hold on, hon. Please." Hysterical na sambit ni Samuel habang yakap yakap si Pauline.
"S-stop being paranoid, Valderrama. Nahihilo lang ako, hindi ako mamamatay. Ang oa mo, alam mo ba 'yon?" Basag ni Pauline.
Hindi naman 'yon pinansin ni Samuel bagkus ay binalingan niya si Troy.
"Bilisan mo pagmamaneho, brad. But make sure na safe." Aniya at humalukipkip kay Pauline.
Napasandal na lang ako at napangiti.
Sa ganitong edad namin, hindi ko akalaing may ganitong pag-iisip na si Samuel. We're too young, pero dinaig niya pa ang matanda kung mag-isip at maging tunay na lalaki sa pagharap sa responsibilidad niya. Handa siyang pagsabayin lahat, h'wag lang niyang matalikuran ang ina ng magiging anak niya.
He's really true to his words. At normal na mapagod sa set-up nila, ngunit kitang kita nang dalawang mata ko na kahit pagod na siya, handa pa rin siyang tumayo at alalayan si Pauline.
He's a great man. A great and perfect man for Pauline at sa magiging anak nilang dalawa.
They're maybe both too young for these responsibilities, but they're willing to take this all seriously.
"Lumipat na lang kasi kayo sa bahay, anak. Sinabi ko na sa 'yong mas maalagaan ko ang mag-ina mo kapag nasa bahay kayo. Hindi ka kasi nakikinig sa'kin, maselan ang pagbubuntis niyan dahil bata pa siya at isa pa, una ito anak."
"Mom, nag-usap na tayo about dito. Doon na po kami sa condo, kaya kong alagaan si Pauline—"
"You're studying and helping your Dad, Samuel. Makinig ka sa'kin dahil kapakanan ng mag-ina mo ang inaalala ko. Stop being stubborn and let me handle her." Naging maawtoridad ang boses ng ina ni Samuel na hindi niya na nagawang makasagot pa.
"Ipapahanda ko na ang kwarto mo. Tell your brother to help you get her belongings para bago siya makauwi sa'tin ay hindi niya na aalalahanin pa ang mga gamit niya. Go on, leave." Pagtataboy ng nanay niya sa kaniya at umupo malapit sa may kama ni Pauline kung saan mahimbing na natutulog ang kaibigan namin.
Nakanguso si Samuel na bumaling sa'min. Sumunod kami palabas ng kwarto kinalaunan.
"Mauna na kami, brad. Balitaan mo na lang kami kapag nakalabas na si Pauline. Gusto pa sana naming samahan ka, kaso may lakad pa kami ni Abigail." Tapik ni Troy sa balikat ni Samuel.
Masuyong ngumiti sa'min si Samuel.
"Ayos lang, pasensya na kayo. Sana maulit ang pagkikita na'tin at salo salo." Aniya at sumenyas na mauna na kami pumasok sa elevator. "Sabay sabay na tayong bumaba, maghahakot pa ako ng gamit namin, katulad nang narinig niyo kanina, mukhang hindi ko makokontra si Mommy."
"It's better than leaving her alone in your unit, brad. Mukhang ayos lang din naman kay Tita Sarah, kaya kumalma ka na." Aniya ni Troy.
Panay sila sa pag-uusap na dalawa habang ako ay nakikinig lang. Ang sarap lang sa feeling na nakikita kong maayos na ang lahat sa paligid namin. Samuel having Pauline in his life, at ako na mayroong Troy sa buhay ko.
Am I ready to say yes?
"Pasabi na lang kay Tita Rebecca na dadaanan ko na lang siya kapag may free time ako. Ikaw na ang bahala na magpaliwanag, at mag-iingat kayo." Paalam ni Samuel bago pinaandar ang sasakyan niya.
"Masyado na kayong malapit sa isa't isa ah." Puna ko nang makasakay sa kotse niya.
Marahang tumawa si Troy bago inayos ang seat belt ko. "Panatag na kasi akong wala na siyang nararamdaman pa sa 'yo, kaya tinanggap ko na ang alok niya bilang anak naman siya ng ninong ko."
"Ewan ko sa 'yo, halika na nga. Pumunta na tayo ng Mall para makapamili na ako ng regalo ko sa Mommy mo."
"I told you, kahit h'wag ka nang mag-abala pa dahil hindi naman tumatanggap ng gifts si Mom. Presensya mo lang ay tatanggapin niya na." Aniya na kinindatan pa ako.
Ngumuso ako. "Ayaw ko. Ito ang una naming muling pagkikita. I want it to be good at gusto ko matanggap niya agad ako bilang girlfriend ng unico hijo niya."
"I'm sure Mommy will like you, Abigail. Kahit hindi ka pa niya nakikita ulit ay alam kong tanggap ka niya bilang girlfriend ko—shit!"
Natatawa akong bumaling kay Troy nang sumakto kami sa traffic light na nag-stop at maingat siyang naka-preno kahit bigla siyang natauhan sa sarili niyang sinabi.
"Y-you mean that?" Halos pabulong niyang tanong. Naninigurado pa sa narinig.
"Ang alin?" Patay malisya kong tanong sa kaniya. .
"C'mon, Abigail. Ang sabi mo ay gusto mong matanggap ka ni Mommy as my girlfriend, totoo ba? A-are you mine?"
Namula ang magkabila niyang pisngi. Who would ever wonder that Troy Monreal would be like this?
"Umaandar na ang mga sasakyan, Troy. Magmaneho ka na para maaga tayong makarating sa Mall. Go." Tanging iwinika ko na kaagad niyang sinunod. Akala ko ay didiretso kami sa ruta, ngunit bigla siyang kumaliwa para maitabi ng sasakyan sa isang open parking.
"Just a minute, Abigail. Baka maaksidente tayo kapag nagpatuloy ako lalo na't wala ako sa huwisyo because of your sudden words." Napapikit pa siya na animo'y nanghihina.
"Nakakawala pala sa huwisyo kapag ako ang naging girlfriend?" Patay malisyang tanong ko. Mas lalo siyang napasinghap.
Ako naman ay nagpipigil ng tawa dahil sa nakukuha kong reaksyon niya.
"Pipikit ka na lang ba diyan? It's our first day today as a couple, hindi ba dapat ay mag-celebrate tayo? I'm longing for this time, you and me together." I said.
Bigla siyang napaayos at hinarap ako. Ngayon ay may malawak na siyang ngiti na halatang natauhan na. Hinawakan niya ang mga kamay ko at hinalik-halikan.
"This is real, you're my girlfriend now." Hindi magkamayaw niyang wika.
Tumango tango ako. "And you're my boyfriend now, babe," I teased.
His ears turned red, and without a thought, I inched our gap and kissed him on his lips without saying anything. I saw how his eyes grew bigger due to shock at my unexpected move.
Nang maghiwalay ang labi namin ay sumilay ang ngiti sa'king labi at pinakatitigan ang lalaking nagpatibok ng puso ko.
Pulang pula ang mukha niya kaya hindi ko maiwasang hindi matawa.
"Mag-drive ka na, Troy. Kikitain pa na'tin ang mommy mo. Hindi dapat tayo ma-late, kaya habang may oras pa tayo, sulitin na na'tin ang unang araw na'tin bilang magkasintahan." Wika ko sabay tulak sa mukha niya.
"Nanghihina ako, Abigail." Lantang gulay niyang turan at nagpasandal sa manibela niya habang nakatitig sa'kin.
Hindi ko mapigilang hindi matawa sa ekspresyon niya. Pinisil ko ng bahagya ang kamay niya.
"Ikaw pa nanghina ah."
"Alangan namang ikaw ang dapat na manghina?" Nguso niyang balik sa'kin. "Ako ang hinalikan mo, baka nakakalimutan mo?"
Ang kaninang panghihina niyang sinasabi ay tila ba nawala sa boses niya dahil mukha na siyang nagmamalaki ngayon. Umayos siya ng upo at ngumisi.
"Bukod sa pagiging adik ko sa pasa-saved ko ng mga pictures mo online para maging wallpaper ko, mukhang ang labi mo naman ang kaadikan ko ngayon, Abigail Coleen."
"Troy!"
Bumalanghit ng tawa si gago at binuhay ang makina niya.
"So this is how it feels, huh . . . " he uttered, intertwining our hands while he's driving. "This is how it feels to have your dream girl be yours officially."
Dozens of butterflies filled my stomach as he said those words. I saw how his eyes shimmered as he placed a kiss on the back of my hand while saying what he felt. And I feel so secure and safe with him.
Walang pagsisisi sa'kin na hindi ko man lang pinatagal ang panliligaw niya. Tila mas lalo akong nakahinga dahil sa wakas, after longing for this time to come . . . finally, it happened.
Nagdidiwang ngayon ang kalooban ko dahil ang matagal kong pinangarap na lalaki ay mapagpag-sigawan ko na sa lahat na akin siya.
"Dapat pinahirapan mo man lang ang anak ko, Abigail. Hindi ka dapat bumigay sa mukha niyang 'yan!"
"Mommy! H'wag mo naman akong ilaglag. Baka magbago ang isip niyan, bahala ka, wala kang magiging magandang manugang!"
Napairap si Tita Rebecca sa sinabi ni Troy. Hindi pa siya nakuntento ay hinagisan niya pa ng unan ang anak na biglang pumulupot ng yakap sa'kin.
"Letche kang bata ka, akala ko pa naman hindi ka gagaya sa ama mo! I told you not to hurt a woman. Naiinis ako sa 'yo, Hanzou."
Napalabi ako sa pagbabanggit ni Tita sa pangalan ni Troy. Ramdam ko ang paghaba ng nguso ni Troy at sumilay ang ngisi sa'kin. Dati pa man ay ganyan na ang tawag sa kaniya ni Tita, bagay nga sa kaniya. Nakikita ko ang batang Troy.
"Mommy, alam kong nagkamali ako. Inaamin ko naman 'yon, pero hindi ko pinagsisisihan na inuna ko muna ang pag-aaral ko." Bumuntong hininga siya at inabot ang kamay ko, pinisil pisil niya 'yon at maya'y pinagsaklop ang aming kamay.
Wala man lang hiya sa katawan kita nang kaharap namin ang nanay niya!
"Masyado pa kaming bata, hindi ko pa kayang hatiin ang oras ko sa responsibilities ko. And I know, siya rin. Hindi ko hahayaang lumugmok siya sa'kin, mas hindi ko kakayanin 'yon, Mom."
Binigyan ko ng isang siguradong ngiti si Tita. May ilang kaganapan akong nai-share sa kaniya habang abala kami kanina sa paggawa ng dessert. Masyado akong nag-enjoy na magsumbong sa kaniya kahit ito ang una naming muling pagkikita.
"Wala na rin po sa'kin 'yon, Tita Rebecca. It's all in our past na. Malaki rin naman po ang naitulong no'n sa'kin dahil nakatanggap din ako ng medal kahit papaano. Kung pinaunlakan niya kaagad ang damdamin ko, baka malunod na lang ako sa kaniya at kalimutan ang responsibilidad ko."
Sumilay ang ngiti sa labi ni Tita Rebecca.
"Dati pa talaga ay gusto na kita para sa anak ko, Abigail. Pero kapag may ginawang kabalastugan ang anak ko," naningkit ang mata niyang binalingan ang anak na nasa tabi ko.
"Ano na naman 'yan, Mommy?!" Parang batang takot si Troy sa tingin ng kaniyang ina.
Nang magbaling si Tita sa'kin ay muli siyang ngumiti. Tumayo kinalaunan at hinatak ako papalayo sa anak niyang biglang sumubsob sa sofa nila dahil sa biglaan kong pagkaka-alis.
Parehas kaming napahagikhik ni Tita at sabay na tinalikuran si Troy na nakabusangot.
"As I told you, hija. Kapag sinapian ang anak ko ng katangahan sa buhay. Iwanan mo na agad, walang second chance okay?" Kindat ni Tita. Bahagya pang may kalakasan ang boses niya kaya't muli na naman siyang tinawag ng anak.
"Anak mo ako, Mom! How could you!" Pag-aalburoto ni Troy na nakasunod na pala sa'min.
Hindi siya pinansin ni Tita, mas lalo pang pinulupot ni Tita Rebecca ang kamay sa braso ko. Nakalabas kami ng bahay at isinenyas kay Tito Tristan ang sasakyan nila.
"Uuwi ka na, hija?" Tanong ni Tito.
Umiling si Tita sa asawa. "Sa Café kami, Dy."
"Sa may labas ng village?" Tanong muli ni Tito.
Muling umiling si Tita at pinasadahan ng tingin ang anak niyang nasa harapan na namin.
"Doon mo kami ihatid sa kumare ko, Dy. Irereto ko na agad 'tong si Abigail para kapag sinaktan ng anak mo, edi may sasalo sa magandang 'to."
Nawindang ako sa sinabi ni Tita Rebecca. Kasunod din no'n ang pagpalahaw ni Troy sa pagtawag niya sa kaniyang ama't ina.
"Daddy si Mommy oh!"
──
𝓳𝓮𝓷𝓪𝓿𝓸𝓬𝓪𝓭𝓸✿
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top