Chapter 14
chapter fourteen
── ⋆⋅☆⋅⋆ ──
Sasabog na ata ang utak ko sa sunod sunod na mga kaganapang ibinibigay sa'kin sa loob lang ng isang buwan. Ang hirap i-absorb. Hindi ko na rin alam kung sino ang uunahin ko, ang sarili ko ba o ang mga taong nakapaligid sa'kin. Kung ano ang problema nila ay pakiramdam ko damay din ako doon.
Napabuntong hininga ako at pinasadahan ng tingin si Jel na tahimik lang na nagsusulat, si Candy naman ay nowhere to be found at si Brando . . . nasa tabi lang ni Jel ngunit wala ring kibo. Kung dati ay ay halos magpakalong na siya kay Jel, ngayon naman ay kitang kita ang distansya nila sa isa't isa. Para ring takot silang magdikit.
Alam ko namam na ang dahilan. Ngunit hanggang ngayon ay tikom lamang ako at gano'n din sila. Ayaw ko silang pangunahan kaya naman tumayo na ako na ikinabaling nila sa'kin.
"Mauna na muna ako, guys. Papasa ko lang 'to." Aniya ko sa papers na ipapasa ko sa marketing.
"Sama na ako sa 'yo, Aby. Tapos na ako sa business proposal ko eh." Kaagad namang tayo ni Jel at mabilis na inayos ang gamit niya.
Gumawi ang paningin ko kay Brando na natigilan. Lumubo ang kaniyang pisngi at nagyuko.
"Tara," yaya ni Jel bago nagpatiuna.
Napailing naman ako bago sinundan si Jel palabas. Tumakbo pa ako ng bahagya para lang makahabol sa kaniya. Napansin niya naman ang ginawa ko kaya huminto siya ang naghintay sa'kin. Ngumiti ako nang nasa gilid niya na ako at ikinawit ko pa ang kamay ko sa braso niya.
"Break time na na'tin. May isang oras pa tayo para makapaglabas ka nang sama ng loob." Ngiting wika ko.
"Wala akong sama ng loob, Aby. Ano ba 'yang sinasabi mo." Sagot niya.
Kumatok muna ako sa pinto ng faculty bago pumasok. Bumati kaming dalawa sa mga teacher na naabutan namin sa loob at ini-abot ang sadya namin sa aming guro.
"May balita na ba para sa party na gaganapin, Ms. Mendez?" Tanong ng guro namin sa marketing.
Napalabi ako. Wala naman akong alam patungkol sa bagay na 'yon. Kung ano ang na-announced no'ng monday ay 'yon lang din ang alam ko.
"Hindi po ako kasali sa nagpla-plano, Ma'am. Pasensya na po pero hindi ko masasagot ang tanong niyo." Magalang kong wika na ikinangiti niya lang.
"Gano'n ba. Akala ko ay kasama ka sa mga mag-o-organize lalo na't nakausap ko ang President ng student's council. Ang sabi niya ay kukunin ka daw niya, his Vice President also agreed." Aniya niya. "But anyway, thank you sa pagpasa nito."
Isang malawak na ngiti at nagpaalam na kami ni Jel. Napanguso ako sa sinabi ng guro kanina. Hindi ko alam na gusto niya akong kunin at talagang pati si Pauline ay sumang-ayon pa. Ngunit sana lang ay hindi matuloy, gusto kong magpahinga sa bahay bago ang celebration na 'yon para naman hindi ako lantang gulay kapag pumunta ako.
Dumiretso kami ni Jel sa lagi naming tambayan, malapit sa may hardin ng school. Masarap kasi ang hangin dito, kung sa rooftop ay malakas ang hangin dito naman ay sinasalag 'yon ng mga puno kung kaya't mas presko rin sa pakiramdam. Talagang mare-relax ka at puwede ka pang makatulog.
"Hindi kita pipilitin kung ayaw mong magsabi, Jel. Basta ang lagi mo lang tandaan nandito lang kaming mga kaibigan mo. Kung ano man 'yang pinagdadaanan mo ngayon, alam kong malalampasan mo 'yan." Tapik ko sa balikat ng kaibigan ko.
Saglit siyang natahimik bago ipinatanong ang ulo niya sa kaniyang bag. Nilaro laro niya pa ang kaniyang daliri bago mabigat na bumuntong hininga.
"Bakit may mga taong sinasayang ang tiwala na ibinigay sa kanila, Aby?"
Napalabi ako sa tanong niya.
"Hindi ba, kapag binigyan ka ng tiwala dapat ingatan mo 'yon at dapat mong pahalagahan? Kailangan din magpakatotoo ka sa taong nagtiwala sa 'yo kasi anong silbi ng tiwala kung nagsisinungaling ka sa taong 'yon, right?"
Napipi ako sa tanong niya. Gusto ko siyang bigyan ng sagot ngunit alam kong hindi lahat ng tanong ay may magkakaparehong sagot. At minsan ang mga tanong na naitatanong sa'tin ng iba ay wala sa atin ang sagot kundi doon sa taong gumawa ng ibang kilos sa kanila.
"Si Brando . . . alam kong napapansin mo na naging mailap ako sa kaniya. Hindi lang dahil sa tampuhan namin noong event kundi may iba pang dahilan na hindi ko masabi dahil wala ako sa lugar." Pag-uumpisa niya.
"Sa totoo lang ay nahihirapan akong iwasan siya, dahil bukod sa inyo ay matalik ko siyang kaibigan kaya ganito na lang ang nararamdaman ko. Sinira niya ang tiwalang ibinigay ko sa kaniya. Pinaikot niya ako sa palad niya, gayong napakarami niyang nagdaang mga araw para aminin sa'kin ang totoo."
Tears escaped from Jenniferlyn's eyes.
Bahagya akong nabahala at kaagad na kinuha ang panyo sa bulsa ko at iniabot 'yon sa kaniya.
"Pero alam mo, kahit galit ako sa kaniya ngayon. Naiinis naman ako sa sarili ko." Bigla siyang natawa. "He's still the Bustamante I've been best friends with."
"And time will come that you and him will fix the damage of your friendship, Jel. There's nothing wrong with having a time to think; you need to breathe and also him. There's always a time for everything; if you can't face him right now, maybe tomorrow? Next week?" I said.
Tumango tango siya at nag-ayos ng sarili. "I'm sorry if I can't tell the reason why, Abigail. Gustuhin ko man ay wala ako sa lugar, maybe Brando will tell you soon."
Pagkatapos nang naging pag-uusap namin ni Jel ay nagpahupa muna kami ng ilang minuto bago bumalik sa classroom. Mas lalong tumahimik si Jel na hindi ko na lang pinansin dahil alam kong kahit papaano ay nailabas niya na ang bigat sa dibdib niya.
Sumapit ang uwian at takang taka ako kung bakit hindi man lang nagpakita si Candy sa'kin. Actually, first class ko lang siya nakita and then bigla na lang siyang nawala. She's absent from other subjects. Out of four subjects today, isa lang ang pinasukan niya.
"Mommy wants to invite you next week. She'll be coming home, and she wants to see you immediately."
Napanguso ako kay Troy. "Meet and greet agad?"
He chuckled. "Well, I'm always telling you to my mom. No wonder why she eagerly wants to go home and booked her ticket earlier than what I thought." Aniya at pinagbuksan ako ng pinto ng sasakyan niya.
Troy and I became casual with each other—or should I say that I am because he's not missing out on making me feel every time he wants to show how much he likes me.
Sa ilang araw niyang panliligaw sa'kin ay walang palya niyang naipaparamdam na talagang seryoso siya sa ginagawa niya. Ang totoo nga niyan ay gusto niya na ring i-broadcast sa lahat ang kalagayan namin, but I am the one who's stopping him.
Why? It's because of Pauline. Baka bigla siyang guluhin ni Kenzo. Her ex-boyfriend.
Pauline and I already talked after that day, when Samuel found out that she's the one he'd been looking for. Hanggang ngayon ay tandang tanda ko pa nga ang gulantang sa mukha ni Pauline.
"I'm here to talk to you, not because of Valderrama and me," she started. She breathed deeply and stared at me. "I want to say sorry."
"For what?" My forehead knitted.
Napanguso siya at tumikhim. "In case you forgot, let me remind you of all the things I've done to you—"
"Wala sa'kin 'yon, Pauline. Malinaw naman na sa'kin ang lahat, well hindi naman as in lahat. May hindi pa nasasabi sa'kin si Troy at ayaw ko rin naman siyang pilitin." Pigil ko sa kaniya.
"And I'm here now to clarify things." She smiled worthily. "Magkaibigan kami ni Troy. As in bestfriend gano'n. Hindi naman lingid sa kaalaman ko na pinagpa-pares kami ni Troy and believe me or not, parehas kaming nandidiri kapag napapagkwentuhan namin 'yon. To make the story short, walang kami ni Troy at hindi naging kami dahil parehas naming hindi gusto ang isa't isa, at kahit man magustuhan ko siya, alam kong dehado ako dahil may nagmamay-ari ng puso niya."
Napalunok ako sa sinabi niya. Alam kong gusto niya akong patamaan, maging ang tingin niya sa'kin ay animo'y nanunukso.
"Si Brando, kaibigan siya ni Troy. Lagi kong naririnig sa classroom na pinagsasabihan niya si Troy about appreciating your efforts. Brando doesn't know that Troy likes you, but I know he had a clue, dahil nahuli niya ang wallpaper ni Troy at selfie mo mula sa ig story ang nakalagay doon."
Biglang may bombilyang umilaw sa utak ko. So that's why he always comments and replies to my posts or stories about "may bagong pang-wallpaper na naman si Idol" iyan ang laging nakalagay sa notif. ko!
"You're obsession with him—"
"I'm not obsessed!" Pagtatanggol ko sa sarili ko na ikinataas ng kilay niya.
"Really?" Mapang-asar niyang tanong na hindi ko maiwasang hindi irapan.
Well, sort of, okay?! But it doesn't mean that until now I was obsessed with him! The table turns, you know?
"And then Troy came up with an idea of officially cutting that obsession of yours. It's hard for him too since he's cool with you, but he knows that you reached the limit. You sacrificed your money that was supposed to be yours only. Giving him gifts that day by day were evolving is making his head crazy. Hurting you was the best and worst choice he ever came up with, and he's aware of the possibilities that you might hate him. And my problem also came to the scene when my so-long-time boyfriend—Kenzo finds out I want not virgin anymore." The tone of her voice changed. She was scared just by remembering something.
"He was acting a bit off at first. I always asked him what I had done until someone sent him a picture of me lying down with the unknown guy. He started hurting me. Physically."
Parang may bumara sa lalamunan ko.
"I'm good at make-up; that's why no one notices, but Troy does. He suggests that we both should act like we're in a relationship; at first, I was not in favor of it. But when Kenzo cheated on me with multiple women, I lost it. He emotionally and physically hurt me, causing me to distance myself and try to act cool every time we're seeing each other here in school."
I was dumbfounded.
"Y-you should report him." Wika ko nang makabawi.
"His dad will run for the next election. I don't want to be at stake, especially now that I'm pregnant."
Nanlaki ang mga mata ko. Parang sasabog ang utak ko.
"And Valderrama was the father of my child," she immediately added. "Akala no'ng una ay masama lang ang pakiramdam ko, pero napansin na ni mommy na may iba na sa'kin. Hindi halata ang pagbubuntis ko dahil maliit lang daw ako magbuntis, 'yon ang sabi ng ob ko. At nagpapasalamat ako doon dahil maipagpapatuloy ko pa rin ang pag-aaral ko, isa pa, isang buwan pa lang naman ang tiyan ko."
Sabay kaming napabuntong hininga. Inalalayan ko pa siyang makaupo at inabutan siya ng tubig na sa huli ay ako na lang ang pina-inom niya. Mukha rin ngang mas kailangan ko 'yon.
"It was all acting, Abigail . . . "
"And you kissed him in front of me." Hindi ko napigilang wika.
"Nadala lang ako dahil parehas mainit ang eksena niyo, isa pa, Kenzo was with my back at 'yon lang ang paraan na alam ko para maniwala siya sa'kin. Nagalit sa'kin si Troy no'n at gusto ko sanang mag-sorry sa 'yo but Troy stopped me. He said it's not a good idea."
Napabuga ako ng hangin. "Simpleng buhay lang naman ang gusto ko, bakit para akong nasa palabas ngayon at binibigyan ng kung ano anong isipin?" Parang tanga kong wika na ikinatawa niya.
"I'm really sorry, Abigail. Maniwala ka, walang kami ni Troy. And about my posting online, sinadya ko lang rin 'yon, 'yong kinumpronta kita ay dahil nandoon naman si Kenzo. Inunan ko pa ang sarili kong nararamdaman kaysa sa 'yo." Nahihiya niyang turan.
"Hindi. H'wag kang mag-isip ng ganyan. May dahilan ka at naiintindihan ko 'yon. Mas mabigat ang pinagdadaanan mo, pero hindi ko itatanggi na medyo nainis ako sa 'yo, pero ayos na. Maliwanag na sa'kin ang lahat, at nagpapasalamat ako na nilinaw mo ang bagay na 'to sa'kin." Buong pusong ngiti ko.
Aaminin ko sobrang laking tinik ang nawala sa dibdib ko nang malinawan ako ng tuluyan. Naiintindihan ko na kung bakit ayaw ni Troy na sabihin sa'kin ang dahilan kahit pa gusto niyang malaman ko na agad noong mga panahong magkaharap kami.
Pauline was pregnant. He can't say it because it's like invading his best friend's privacy and pushing her to the edge of a cliff just to save himself.
"Mahal mo ba ako, Abigail?"
"Oo, kailangan pa bang itanong—wait what?!" Nagulantang ako sa naging sagot ko. Tsaka lang ako natauhan nang bigla kaming napahinto!
Bumalanghit ng tawa si Troy kaya't matalim ko siyang tiningnan nang magpatuloy siya sa pagmamaneho.
"Mahal ma ako ah, walang bawian." Ngiti ngiti niyang wika na ikinangiwi ko.
"Lokohin mo sarili mo. Kita mong malalim akong nag-iisip dito bigla bigla kang nagtatanong ng kung ano ano! Nabigal ako, okay?"
Mas lalong lumawak ang pagkakangisi niya. "Lokohin ko ang sarili ko?" Dinuro niya pa ang sarili niya bago tinapik tapik ang manibela niya. "Hindi ko na kailangang gawin 'yon dahil alam ko namang mahal mo ako, and you're too defensive, babe."
Humaba ang nguso ko at inilas ang tingin sa nakakainis niyang pagmumukha.
"Don't worry, Abigail. Feelings are mutual," he said, reaching for my hand to intertwine our hands. I gasped at his sudden action; I become stiff. "I love you too, babe."
Para sa'kin 'yon na yata ang pinakamatagal na naging byahe namin ni Troy. Sa inaraw araw niyang paghatid sundo sa'kin ay itong gabing ito ang pinaka-pinahirapan akong makahinga.
My heart was beating so fast that I could keep myself from ignoring it. I stuck my tongue in the side of my cheek and gathered my strength.
"I'm sorry for making you blush, Abigail. But that's cute, though."
Isang masamang tingin ang pinukol ko sa kaniya at padabog na inagaw ang kamay ko na ikinatawa niya na naman.
I shouldn't let my guard down, even though his laugh was music to my ears.
"H'wag mo nga akong inisin, Troy." Suway ko sa kaniya. Mas lalo lamang siyang natawa.
"Hindi naman kita gustong inisin. Sinasabi ko lang kung ano ang nararamdaman ko, so that you're aware of it." He said, and became serious.
Sakto lang rin ang paghinto ng makina niya sa tapat ng bahay namin. Before I could even move to unbuckle my seat belt, he faced me and reached for my hands. He lifted it until his lips touched the back of my hands. Ilang beses niyang idinampi ang labi niya sa kamay ko at nang magtama ang paningin namin ay punong puno siya ng emosyon.
"I hide my feelings while you're chasing me over and over, Abigail. Everyday, people who's around me know how much I want to tell you what I feel, but I'm afraid that I would be too fast. I waited for years; now that you're of legal age, I won't stop."
Nanubig ang mga mata ko sa narinig. So all this time, I'm chasing the right one huh.
"I won't stop making you feel how important you are to me. I won't stop showing how I appreciate you. I won't stop pushing myself to the limit because I know you deserve better, and I want to become that one who deserves you."
"T-Troy," I whispered his name.
He smiled at me. A smile that telling me that everything is okay.
"I love you, please . . . take me back."
Tuluyan nang bumigay ang pader na binuo ko sa pagitan naming dalawa. Seeing him at this stage makes my heart suffer more than he was.
Mabilis kong inalis ang kamay ko mula sa pagkakahawak niya at inilapat 'yon sa kaniyang magkabilang pisngi. Ang kaninang namumula niya lamang na mga mata na may nagbabadyang luha ay kumawala na.
Hinaplos ko ang kaniyang magkabilang pisngi gamit ang aking hinlalaki. His skin on his face was too soft.
"I still hate you for breaking my heart," I said.
He nodded nonstop and even cried like a toddler.
I saw it coming. I bite my lower lips to stay in my emotions. I don't want to laugh at him.
"Pero alam kong niloloko ko lang ang sarili ko kapag sinabi ko sa 'yo hindi na kita mahal. Hindi mawawala ang pagmamahal ko sa 'yo, Troy. Kahit kailan ay hindi nawala." Ngiti ko. "Well, maliban na lang kung mas makahanap ako ng mas higit sa 'yo—"
"Don't spoil this moment, Abigail." Biglang tumalim ang tingin niya sa'kin.
Ako naman ang natawa at binitiwan siya.
"I'm just joking to lighten up our atmosphere. But seriously, no one's better than you, Troy. Walang perpektong tao pero para sa'kin, perpekto ka. Handa akong kalimutan lahat, lahat ng sakit dahil alam kong may dahilan ka." Masuyo kong wika at inalis na ang seatbealt ko.
Ngumiti ako sa kaniya bago tuluyang bumaba ng kaniyang sasakyan. Nang maisara ko ang pinto ay akma sana siyang baba pa nang katukin ko ang bintana kung saan ako nakaupo kanina. Sumenyas ako na ibaba niya at sinunod niya naman.
"What were you saying again, kanina?" I said, chuckling.
His forehead was knitted. "I love you," he said instead.
Napailing ako. Mas lumawak ang aking pagkakangiti sa kaniya.
"Stop chasing me back,"
Halata ang pagkabahala sa kaniya. Bago pa man siya makapag-react ay inunahan ko na siya.
"Because I'll take you . . . again."
── ⋆⋅☆⋅⋆ ──
𝓳𝓮𝓷𝓪𝓿𝓸𝓬𝓪𝓭𝓸✿
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top