Chapter 13
chapter thirteen
── ⋆⋅☆⋅⋆ ──
"Seryoso ba talaga 'yan, Aby? Hindi ka ba talaga nagbibiro? Baka naman, nasobrahan na ang pagiging delusional mo't hindi mo na alam ang realidad sa imahinasyon lang."
Makailang ulit na akong napa-irap kada kontra ni Candy sa mga sinasabi ko. Ako na nga itong nagkwe-kwento sa kaniya sa mga bagay bagay, ako pa ang delusional—well, I can't blame her though. Nakita niya na akong malagay sa gano'ng stage kung saan masyado akong dinala ng pagiging delulu ko sa pinakamasakit na realidad. Pero sino ako para gumawa ng kuwento ngayon?
Alam ko sa sarili kong totoo ang nangyari, si Troy mismo ang naglahad ng nararamdaman niya sa'kin.
"Impossible 'yang sinasabi mo eh—"
"Hindi ako nagsisinungaling, Candy. Tingnan mo nga ang mukha ko ngayon," aniya ko't ginawa niya naman. "Tingin mo ba may panahon akong biruin ka?"
She snorted. "Well, it's hard to believe! Si Troy? Nag-confessed sa 'yo? Kahit sino ay magdududa." Mas humaba pa lalo ang nguso niya bago ako siniringan.
"Well, as your best friend, kung ako ang tatanungin, possible talagang mahuhulog at mahuhulog ang taong una mong nagustuhan. Walang duda dahil malakas ang karisma mo. Pero," saglit siyang natigilan at napailing. "It's Troy Hanzou Velarde Monreal we're talking about."
Hindi ko alam kung matutuwa ba ako sa papuri niya sa'kin na bigla rin niyang binawi sa pagkakabanggit ng buong buong pangalan ni Troy. Pakiramdam ko tuloy ay talagang napaka-imposible ng lahat. Parang unti unti kong kinukwestiyon ang sarili ko ngayon kung talaga bang nag-confessed siya sa'kin o talagang gaga lang ako sa pagiging delusional ko.
"Baka nga nagkakamali lang ako." Wika ko.
I sighed and quickly arranged my things. I quickly put my books in my bag. I stood up, ready to go out ahead of Candy since I also need to go to the library first to return the books that I borrowed for our lesson in marketing, when Candy suddenly spoke, and the shock was obvious on her face.
"Ako nga ata ang nagkamali, Abigail." She said it, almost whispering.
I raised my brows and was ready to ask her a question when suddenly a couple of roses blocked my vision from Candy.
"Roses for you, Miss." A sweet, deep baritone voice lingered around my ears. My heart almost fell where it was placed because of a sudden voice behind my back.
Nang matauhan ako ay mabilis akong umiwas sa kaniya at kaagad siyang hinarap. Sukbit ang malawak niyang pagkakangiti na talagang abot mata niya ay siyang ikinangiwi ko.
"Break time niyo 'di ba, h'wag ka nang bumaba. I already have your food here. Mom cooks for us."
Napaawang ang labi ko sa huli niyang sinabi. Hindi ko inaasahan 'yon. Bigla akong nag-iwas ng tingin at muling hinarap si Candy na nakaawang lang ang bibig at salit salitan kaming binigyan ng tingin.
Nang tumigil ang paningin niya sa'kin ay pinanlakihan ko siya ng mata na siyang ibinalik niya rin sa'kin.
"I thought you're joking." Pabulong niyang wika. Muli niyang binalingan si Troy na ngayon ay nakaharap na sa kaniya. "Para kay Abigail 'yang roses mo?"
Hindi nag-alangan na tumango si Troy. "I'm courting her." He informed.
Candy shook his head. "No you're not." Wala sa huwisyo niyang saad.
Troy chucked. "I'm really courting your best friend, Candy, and I hope I'll have your blessing, even though I know I have a straight bad record."
Sa sinabi ni Troy ay kaagad na sumama ang timpla ng mukha ni Candy. "Yeah, lahat ng record mo sa listahan ko ay talagang ubod ng sama. Gusto mo isa-isahin ko—"
"Candy," pagtawag ko sa kaniya para tumigil siya.
"What?" She looked at me with disbelief. "After he hurt you, now he's courting you? Is this a game or what, Monreal, huh?" She asked as she turned her gaze to Troy, who's breathing heavily. "We both know you tell her that you'll never like her back; why suddenly change? Are you challenged because she distances herself from you?"
"Candy stop it." Sinubukan kong pakalmahin siya ngunit bigla niya na lang kinuha ang bag niya at dinuro si Troy.
"Bibigyan ko kayo ng time ngayon, mag-uusap tayo after class." Pagkabitaw niya no'n ay nagmamadali siyang lumabas at hindi man lang ako inaya! Great! Talagang iniwan niya ako kasama 'tong taong 'to!
Last Friday, when he confessed his feelings to me, after the situation we're in, I immediately ran away from him. I tried to compose myself, trying to be unbothered by the last word he said. Until Saturday and Sunday came, there weren't any words I received from him, and this is our first time meeting each other again after the confession.
"You really need to do this. Sinabi ko na sa 'yo ayoko." Matigas kong litanya nang lingunin ko siya.
"Narinig ko. Loud and clear. Pero seryoso ako sa sinabi ko. Kahit ipagtabuyan mo ako, alam kong 'yon ang nararapat sa'kin. Tatanggapin ko 'yon, Abigail. Tatanggapin ko hangga't kusa mo akong pabayaang suyuin ka." Wika niya na sobrang tumagos sa puso ko.
"Flowery words . . . "
They know me as a cold person who is strict and only focuses on his studies, but I'm different when I am with you. I'm willing to show you who I really am, because it's you."
Matalim ko siyang pinakatitigan sa kaniyang mga mata hanggang sa huli ay ako rin ang nag-iwas.
"Ano ba 'yang dala mo? Ihanda mo na 'yan, nagugutom na ako." Simpleng wika ko at umupo muli sa upuan ko. Good thing at walang katao-tao sa classroom kundi kaming dalawa lang.
Mula sa gilid ng aking mata ay kitang kita ko kung papaano nanumbalik ang ngiti sa kaniya labi. Gusto kong mailing dahil tama nga siya. Ni kahit minsan ay hindi ko pa naman siya nakita na naging ganito sa iba. Yes, he's smiling to them sometimes, pero lamang ang pagiging masungit at blangko niyang reaksyon.
Umikot siya papunta sa upuan ni Candy at kaagad nilabas ang baunan sa dala niyang bag. Umalingasaw ang amoy ng ulam niyang nanunuot sa kalamnan ko dahilan upang biglang tumunog ang aking tiyan.
Napahinto siya sa pag-aasikaso ng pagkain at nagsalubong ang paningin namin. Bumalatay ang kahihiyan sa buong mukha ko at ramdam ko ang pag-iinit ng pisngi ko.
"My baby's hungry."
Gusto ko siyang batukan sa kaniyang sinabi. Biglang uminit ang paligid ko at ramdam ko na pinagpapawisan ako kahit todo naman na ang aircon dahil ako ang nag-turbo no'n kanina!
"Where are you going?" Takang tanong niya sa bigla kong pagkakatayo.
"L-lalakasan ko lang 'yong aircon." Sabi ko at hindi ko na hinintay pa ang sunod niyang sasabihin. Mabilis akong dumiretso sa dulo ng classroom at tama nga ako, lahat ng aircon ay naka-turbo ngunit bakit ang init?!
Dismayado akong bumalik sa upuan ko. Baka sira ang aircon?
"Hinimay ko na para sa 'yo para hindi ka mahirapan. And be careful sa sabaw, pinainit ko 'yan sa canteen kaya baka mapaso ka."
Napatango na lang ako at kinuha ang kutsara. Hindi ko siya pinasadahan ng tingin dahil parang anytime na titingin ako sa kaniya ay baka biglang manghina ang tuhod ko.
Alam ko. Kinausap ko na ang sarili ko na hindi na dapat ako maging affected sa kaniya, pero hello? Ilang araw pa lang simula nang magkasagutan kami. At niloloko ko lang ang sarili ko kung sasabihin kong wala na akong nararamdaman para sa kaniya!
But I'm not naive anymore.
"How was it?" Tanong niya ng halos makalahati ko na ang kanin ko.
"Masarap." Ngiti ko sabay turo sa isang tupperware na may lamang adobo. "Akin na lang 'to." Nangungusap kong wika habang direktang nakatingin sa mata niya.
Ngumiti siya sa'kin. "You don't need to use your puppy eyes on me, Abigail. I'm more than willing to give this all to you. After all, I'm already full just by staring at you."
Napaubo ako bigla sa sinabi niya. Naalerto naman siya at kaagad akong binigyan ng tubig.
"Careful, Abigail. You know you can die because of choking. God, I don't know what to do if that ever happens." Punong puno nang pag-aalala ang boses niya habang hinahagod ang likod ko.
Ngunit kahit alam kong nag-aalala lang siya ay hindi ko maiwasang isiping napaka-oa niya.
Inis ko siyang tiningnan nang matapos akong uminom.
"You're so oa, nabilaukan lang ako." Aniya ko at muling sumubo.
Tanaw na tanaw ko ang pagkakanguso niya habang nakamasid lang sa'kin, kaya naman binalingan ko siya.
"Kumain ka na, matatapos na ang break time at papasok na ang mga kaklase—"
"Ayaw kong maging biyudo agad."
Napanganga ako sa kaniya. "Ano bang sinasabi mo diyan?"
"Gusto pa kitang maging asawa."
Napalabi ako. "Troy, I don't know that you're like this. Cringed."
Naging vocal din naman ako sa nararamdaman ko sa kaniya noon. Pero hindi naman ako kasing baduy niya ngayon! Jusko, where's my cool crush? Nawawala ang angas niya!
"Thank you for the food. Pasabi kay Tita Rebecca masarap pa rin siyang magluto." Wika ko nang matapos kami.
Malawak siyang ngumiti at gano' na lang ang gulat ko nang pabigla bigla siyang lumapit sa'kin. Halos maduling ako sa lapit ng mukha namin sa isa't isa.
"T-Troy."
"Hmm . . . " he softly groaned. "I still can't believe I'll be able to express my feelings for you. I know I gave you heartbreaks, but I tell you one thing." As he said that, he drew himself away from me and reached for my hand.
"I like you so much that I promise to replace the pain I've caused with good memories. Please accept me again and let me prove myself for your love and affection."
Sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Parang gusto na nitong kumawala sa dibdib ko at tumambling mismo sa harapan ko para lang maipakita sa'kin ng harapan kung gaano siya kaapektado sa mga iniwang litanya ni Troy sa'kin.
Two weeks. Dalawang linggo na simula nang sabihin niya 'yon sa'kin at hindi nga siya pumalya sa gusto niyang iparamdam sa'kin. Walang breaktime na pinalagpas si Troy. Laging sa classroom ang diretso niya na minsan ay napapaaga pa na siyang naging bulong bulungan sa buong campus. May ilan na ring nakakakita sa'min sa room at samo't saring reaksyon ang naririnig ko.
May mga kinikilig at may mga nagagalit. They calling me names na maging ako sa sarili ko ay iniisip ko na ring baka nga gano'n ako.
Malandi.
But Troy is always reminding me that I am not. He's single, and he likes me so much.
"I'll talk to Pauline about this mess. You shouldn't be called by those names. We both know you're not like that. Damn those tongues of them, I'll surely put them into a punishment."
Kitang kita ko ang galit sa mga mata ni Troy. Wala naman akong pakialam sa mga 'yon, nanatili lang rin akong tahimik. Siguro masyado na talaga kaming pinag-uusapan kaya maging sa kaniya ay nakarating na rin.
"Nasasaktan ako, hindi ko itatago sa 'yo 'yon, Abigail. Alam ko rin na kulang na kulang ang effort ko to make you mine lalo na't napaka-busy ko this past few weeks. But seriously, I'm so happy for you. Susuko ako kung ang kapalit naman ay ang tunay mong kaligayahan."
Kumirot ang dibdib ko habang kaharap si Samuel. Nakangiti siya sa'kin ngunit hindi sapat 'yon para mapanatag ako.
He's hurting. Sino nga ba naman ang hindi masasaktan kung siya na mismo ang susuko sa pagmamahal na gusto niyang ilaan para sa'kin. But I know na hindi niya dapat sayangin sa'kin ang pagmamahal na 'yon, dahil balang araw ay may taong masusuklian din siya nang higit sa kaya niyang ibigay.
He's been good to me. And I also consider him my friend, even for a little while.
Malawak akong ngumiti sa kaniya bago ginulo ang buhok niya.
"Thank you for letting me go. Makakahanap ka rin—"
"Ayaw ko niyan. Luma na 'yang kasabihan na 'yan. I'm contented being single right now. Magfo-focus muna ako sa pag-aaral ko at kapag successful na ako, baka sakaling tayo ang magkatuluyan sa future."
Bumalanghit kami pareho nang tawa. Napapailing pa ako dahil ang seryoso lang namin kanina. Umihip ang malakas na hangin sa pagitan namin.
"But I have something to confess." Muli siyang nagseryoso. Sa sobrang seryoso niya ay kaagad akong umayos.
Wala na kaming afternoon class, pero bawal pa kaming umuwi dahil ang STEM at ICT strand ay hindi pa tapos sa klase nila. May announcement din daw na ilalabas para sa school year party na magaganap next month bago ang preparation para sa graduation.
"Spill it, mukha kang problemado. Ano ba 'yon?" Curious kong tanong.
Ilang beses siyang tumikhim bago mabigat na bumuntong hininga. "Two months ago, may party akong pinuntahan. Celebration 'yon ng kaibigan ko, si Austin, upon winning international competition. As usual, kung sino sino ang invited. Alam ko, inimbitahan din kayong dalawa ni Candy?"
Napakunot ang noo ko at biglang napatango.
"Nakay Candy 'yong invitation, since wala siyang balak pumunta at hindi ko rin naman kilala ang tinutukoy mong kaibigan ay hindi na rin ako pumunta. Napaisip nga ako kung bakit pati ako ay kasama, hindi ko naman siya kilala."
Napatango siya. "You don't know him, but he knows you. Championship niyo nang makilala ka niya, you're so popular kaya h'wag ka nang magtaka." Ismid niya. "Good thing na rin na walang balak si Candy dahil that party was disaster."
Sa pagkakasabi niya ay para bang may mabigat siyang dinadala. Nanatili akong tahimik na nakikinig sa kaniya.
"I was drunk. Completely lost because of liquor, and I know it wasn't just a simple liquor because I know myself; I have a high tolerance for alcohol. Even if I reach my limit, I can still walk and think straight. As far as I can remember, my friends there put me in Austin's guest room. I can't barely open my eyes, but my ears are working. I heard them laughing, and the next thing I knew, I was not alone in that room."
Napakamot ako sa sintido ko. Para akong sumubok mag-solve ng crime scene.
"You're under drugs; is that what you want to say?"
He slowly nodded. "I tested positive."
Napipilan ako. Hindi ko akalain na may mga kaibigan na handang ipahamak ang mga kaibigan nila.
"And because of it, I did unimaginable things that night. I know to myself that they let me sleep with a woman who's already sleeping in that room, and they let me, knowing that I was drugged." Saying that, his hands started to shake. "I-I touched her."
Huminto ang pag-ikot ng mundo ko sa huli niyang sinabi. Kasabay nang paghinto ko sa pag-abot ng kamay niya ay ang pagpatak ng kaniyang luha.
"T-This is also the reason why I want to let you go. Nang makita kitang umiiyak, sinabi ko na ang nararamdaman ko sa 'yo. Totoo lahat ng sinabi, pero minumulto ako ng gabing 'yon. Kaya ginawa kong busy ang sarili ko. I don't know what to do anymore, Abigail."
Samuel has a pure heart. That's what I witnessed.
"What do you want to do then?" I asked.
He stared at me with bloodshot eyes. "I want to know her and make things up. I want to talk and know her condition. I can't withdraw that time, that's for sure. I'm under that damn drug. I know the lust in my body just wants to explode."
"Paano mo siya hahanapin kung gano'n?"
Sandali siyang natigilan at maya'y inilabas ang wallet niya. Mula sa zipper nito ay may kinuha siyang bracelet.
Simpleng gold bracelet may pendant na gold swan.
"Nakita ko 'yan sa higaan the next morning. Malakas ang kutob kong sa kaniya 'yan."
Napakunot ang noo ko at inilahad ang kamay ko para makita ko ito ng maayos. Pamilyar sa'kin ang isang 'to. Hindi ko lang alam kung saan o kanino ko nakita.
"Excuse me, but can I talk to you Abigail."
Napukaw ako sa pagtingin ng bracelet nang mabosesan ko ang nasa gilid ko.
It's Pauline.
Napalunok ako.
This is the first time she has seen me after Troy and I throw words at each other on the last day of our event.
"Kaunting oras lang, kung hindi ko sana kayo naababala?" Tipid siyang ngumiti. Nawala ang pagiging mataray niya kaya't napanguso ako.
Hindi ko alam kung ano ang magiging impression ko sa kaniya.
"Mauna na muna ako, Abigail. Mamaya na lang." Hayo ni Samuel at nilingon si Pauline na nakatingin din sa kaniya. "Dito na ko Pau." Paalam niya't tinanguan lang siya nito.
Ibinalik kong muli ang tingin ko sa kwintas. Napasinghap pa ako dahil nakalimutan kong ibalik kay Samuel, tatawagin ko na sana siya dahil ilang hakbang pa lang naman ang nagagawa niya nang biglang hawakan ni Pauline ang kamay ko kung nasaan ang bracelet.
"Oh my god!" she hysterically shouted and picked up the bracelet on my palm. Her eyes started to water while she stared at it. "Where do you find this, Abigail? I've been looking for this for almost a month!"
My forehead was knitted. On the other hand, Samuel stopped midway.
"You're looking for it for a month?" I asked.
She smiled at me. "You heard that right. I lost this one. I don't know where, but thanks to God, you found this. This is my mother's gift to me," she said and announced, "This is mine! Oh god!"
Kitang kita ko ang pagmamadaling paglapit ni Samuel sa'min na siyang ikinataas ng kilay ni Pauline. Si Samuel naman ay seryoso siyang tiningnan na may mga nagtatanong na mata.
"You own that one?" he asked.
Pauline nodded and faced the back of the pendant to Samuel's face.
"I have my name on it. It's very small, but it's visible; saw it?" Pagkasabi niya no'n ay isinuot niya rin ang bracelet sa palapulsuhan niya.
Bigla akong natauhan. Napasinghap ako at napatakip sa bibig ko. Bago pa man ako makapag-salita ay bigla na lang hinatak ni Samuel si Pauline patungong garden. Dala na rin sa gulat ay hindi man lang nakapag-protesta si Pauline.
Nanghihina akong napaupo.
Could she be that girl that night Samuel's referring to?
──
𝓳𝓮𝓷𝓪𝓿𝓸𝓬𝓪𝓭𝓸✿
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top