Chapter 07

chapter seven
── ⋆⋅☆⋅⋆ ──

"No. Better not answer it. Parehas na'ting alam na mas comfortable at maganda ang sasakyan ko. Now, ako na ang maghahatid sa 'yo mamaya."

Napalabi ako at napailing. Gusto ko siyang kontrahin at barahin ngunit mismong dila ko ang naurong sa hindi ko malamang dahilan.

"I'll see you around after my last class, nasa gym naman kayo mamaya kaya didiretso na lang ako doon." Pahabol pa niya at tinalikuran na ako.

Hindi ko lubos maintindihan ko ano ba ang nangyari. Bakit biglang nagkagano'n siya?

Ang gulo. Ang gulo niya.

Biglang nag-flashback sa utak ko na pinapalayo niya nga pala ako sa kaniya. And I'm doing it for his peace. Wala na siyang natanggap na kahit ano sa'kin. Last na interaction namin ay 'yong tinakbuhan ko siya palabas ng classroom nang magmura ako. Naging mahina ako sa mga oras na 'yon, but it doesn't mean na kinalimutan ko ang lahat nang mga lumabas na salita sa bibig niya.

He's acting weird. Super weird.

"Until saturday na lang ang practice na'tin. Kabisadong kabisado niyo pa rin naman ang steps na'tin at napaka-smooth pa rin. Overall, ang taas ng energy na ibinibigay niyo sa'kin upon watching in front. Kaya ang hiling ko lang, ma-maintain ang energy na 'yan sa opening ng program." Nakangiti na bati ni Bianca sa'min, leader ng cheer dance club.

Nagpalakpakan kami at sinuklian siya ng malawak na pagkakangiti.

Kahit napakahirap ng routine namin parang bigla na lang nawala sa pakiramdam ko ang lahat, dahil sa sinabi niya. After all, ito lang naman talaga ang gusto naming marinig. Sino ba naman ang ayaw ng papuri?

"Mabuti na lang at opening lang tayo. Ibig lang sabihin niyan ay makakapag-enjoy tayo during intrams. Excited na ako sa booths!" Ani ng isa sa mga kasamahan ko na sinamahan pa ng palakpak.

"We should be thankful to our president, guys. No'ng una talaga ay dapat pati closing ay tayo rin, but then he changed his mind. Mabuti na lang talaga dahil gusto ko rin namang mag-enjoy!" Si Bianca.

Napangisi na lang ako. Inayos ko ang gamit ko. Sandali pang nagka-kwentuhan bago muling bumalik ang mga kasamahan ko sa gitna ng gym para sa huling practice ngayong gabi.

Iilan lang ang pumunta sa gitna. Tanging mga kasali lang sa sunod na intermission ang sasayaw muli sa gitna.

Habang inaayos ang gamit ko ay pinapanood ko sila. Kakaibang galak ang nararamdaman ko sa bawat indak ng mga kasamahan ko.

By partner ang isang 'to. Medyo may pagka-sekswal din dahil dramatize ang tema na itinutugma sa background music na napili nila. Gusto ko rin nga sanang sumali sa ganyan, kaso hindi ko pa gamay ang genre. Baka kung anong steps lang ang bigla kong magawa kapag nagkamali ako o nakalimutan ko ang iilan sa steps.

Isa pa, hindi rin parte ng cheer dancing ang isang ito. Kay Bianca lang talaga ipinaako dahil kasali din naman siya sa performing arts club ng school namin, may ilan ding kasali sa team kaya pinagsabay na.

Nasa gano'n akong posisyon; nanood sa kanila nang mahagip ng mata ko ang lalaking kasa-kasama ko lang kanina sa student's office.

Magkakasunod na paglunok ang ginawa ko na may kasama pang panlalaki ng mga mata.

"Hindi pa ba kayo uuwi, Ms. Montes? It's already 7 pm," boses niya ang pumuno sa buong gymnasium sabay tunghay sa relong pambisig niya.

Hindi ko maiwasang hindi mapanguso ng magreflect ang ilaw sa relo niya, animo'y kumikinang 'yon, halatang mamahalin.

Typical, Troy Monreal. Walang tapon.

"Last na 'to Pres., pauwi na rin kami. But anyway, puwede naman na silang mauna," baling sa'min ni Bianca. "Sila Eunice na lang naman ang kailangan mag-practice ng late tonight."

Halos magwala ang puso ko nang magtama ang paningin namin ni Troy. Tumaas ang sulok ng labi niya sabay patango-tango kay Bianca.

Nagbaba ako ng tingin at zinipper na ang bag ko. Isinukbit ko ang strap sa balikat ko at tumayo na.

"Una na ko, Bianca . . . P-Pres.," paalam ko na hindi man lang siya tiningnan.

Tinotoo niya talaga ang sinabi niya kanina.

"May maghahatid ba sa 'yo, Abi? Wala pa si Samuel."

"Ano'ng meron kay Sameul?" Singit ni Troy. Napatingin ako sa kaniya, gano'n din sa Bianca. Walang bakas ng emosyon sa mukha ni Troy, na para bang wala siyang alam.

"Ah, nag-text kasi sa'kin 'yon kanina Pres., itinatanong si Abigail. Alam mo naman 'yon. Updated dito sa isa 'kong bata." Wiki ni Bianca na tila ba kinikilig.

Awkward ko siyang ngitian. Kailangan niya pa bang sabihin 'yon kay Troy? Sana hindi niya na lang sinagot.

Naningkit ang mata ni Troy, nagpamulsa at pinagtaasan ako ng kilay.

"Is that so?" Makahulugan niyang tanong. "Did you text him that Abigail will be going home right now?" Sunod niyang tanong, ni hindi man lang inalis ang tingin sa'kin.

"Yes, Pres—"

Bumuntong hininga si Troy at walang kagatol gatol na nag-wika. "Bawiin mo."

"H'wag!"

"P-president?"

Halos sabay naming wika ni Bianca.

"Text him again not to come, Ms. Montes. Ako na ang bahala kay Abigail."

Kung nawindang ako sa tanong niya kanina, mas nakakawindang ang isang 'to ngayon! Lahat ata ng dugo na dumadaloy sa katawan ko ay umakyat na sa mukha ko!

"Ayon naman pala Pres.!"

Napalingon ako sa mga kasamahan ko. Para silang mga binudburan ng asin dahil may pangisay ngisay effect pa ang mga lalaki sabay finger heart. Just wtf.

T-this is embarrassing!

"Iba ka Mr. President! Malulugi anak ni Mayor n'yan!"

Napailing na lang ako sa sigawan nila. Halatang walang pakialam do'n si Troy dahil hindi man lang siya nag-alis ng tingin sa'kin.

"Are you sure about that Mr. President? Papunta naman na si Valderrama. Hindi naman abala sa kaniya si Abigail kung 'yon ang nasa isip mo."

Napatango ako sa sinabi ni Bianca. Sumasang-ayon. Mas ayos pa kung si Samuel ang kasama ko kaysa sa lalaking 'to. Yes, pabor na pabor sa'kin na magkakasama kami—noon. No'ng hindi niya pa ako pinagsabihan ng masasakita na salita gamit ang walang preno niyang bibig.

"P-papunta naman na pala, ayos na 'yon Pres., same route lang naman kami ni Samuel." Pahina ng pahina kong sambit dahil mas tumatalim ang tingin niya sa'kin.

Problema ba nito?

"We're same route too. Iilang blocks lang ang pagitan ng bahay na'tin, incase you forgot." Sarkastikong wika niya.

"Eh?"

Sa pagkakaalam ko ay hindi naman na siya umuuwi do'n, may condo siyang malapit dito sa school.

"Kay President ka na sumakay, Abigail! Chance mo na 'yan oh! Nagmamagandang loob na nga si Pres—"

"Shut up ka nga, Gino. Baka may makarinig sa 'yo at isumbong ka kay Pauline." Rinig kong sita ng isa na nakapag-pabalik sa'kin sa realidad.

Right!

There's Pauline in the picture.

Hindi ako pwedeng sumama sa kaniya dahil ayaw ko ng gulo. Hindi sa ini-l-let go ko na si Troy, but for some reason, hindi ko kayang durugin si Pauline. She's been up to good, nakakahiya kung tatapakan ko siya.

Nag-iwas ako ng tingin.

"Una na ko, Bianca. Ako na ang magt-text kay Samuel, salamat." Wika ko at bumaling sa mga kasamahan. "Mauna na ako guys, thank you for tonight! Ingat kayo." Kaway ko at mabilis na naglakad palabas ng gymnasium.

Hindi ko alam kung ilang beses na ba akong napabuntong hininga habang naglalakad. Wala akong maramdaman. Para akong lumulutang. Siguro dala na rin sa pagod at pamamanhid ko. Nakaka-drained ba naman ang ginawa namin kanina. Ihagis hagis ka ba naman sa ere, sino bang hindi mapapagod at manghihina.

"S-shocks!"

Impit akong napahiyaw at napahinto nang maramdaman ang kuryente sa dalawang binti ko. Para akong pinarusahan ng magkasabay at halos hindi ko maigalaw dahil sa sobrang kuryente na nararamdaman ko.

Gusto kong bumalanghit ng tawa dahil sa kiliti na dulot nito. Kung hindi lang gabi ngayon at kung nasa bahay ako, baka kanina pa ako humahalakhak.

"L-lord, dalawang parusa agad? Iniwan ko na nga do'n oh." Tingin ko itaas.

Huminga ako ng malalim at napakapit sa posted na nasa tabi ko. Ayaw pa rin mawala ng kuryente. Parang nananadya, hindi ko naman ginagalaw ang binti ko pero kumikirot!

"Abigail. Ano'ng nangyari sa 'yo?"

Napalabi ako, kailangan ko talaga ng tulong ngayon. Kapag pina-iral ko pride ko, baka mamaya pa ako makauwi.

Unti unti ko siyang nilingon mula sa gilid ko. Takang taka ang reaksyon ng mukha niya habang sinusuyod ako ng tingin.

"W-wala. A-ano, huminga lang." Parang tanga kong saad.

Kumunot ang noo niya at napailing, sabay lapit sa'kin. Gustuhin ko mang lumayo sa kaniya ay ayaw namang makisama ng mga paa ko.

"Let me carry your belongings. Mukhang may iniinda ka." Aniya sabay kuha ng pack bag ko. Akala ko ay hanggang do'n lang ngunit bigla niya na lang akong inalalayan.

Inangkala niya ang isang braso ko sa batok niya at maya'y binuhat na.

Biglang nanuyo ang lalamunan ko. Para bang biglang bumalik ako sa nakaraan, kung saan madalas pa kaming naglalaro noon.

"Don't be stiff, Abigail. I used to carry you a lot before, remember?"

Nag-iwas ako ng tingin at ine-relax ang katawan ko sa bisig niya. Bakit ba naman kasi nangyari pa 'to.

"P-puwede mo na akong ibaba. Nawala na 'yong kuryente—"

"Uh-huh?" Dungaw niya at bahagyang tumigil. Maya pa'y bigla ko na lamang narinig ang boses ni Bryan kasama ang ka-partner niyang si Julian kaya naman bigla akong nag-panic.

"Putangina." Mahina, ngunit malutong na mura ni Troy sa biglaan kong paglikot na mabilis niyang ikinaalarma. Mas lalo tuloy humigpit ang kapit niya sa'kin kaya napahinto naman ako.

Kitang kita ko ang inis sa mukha ni Troy, ngunit hindi iyon para sa'kin.

"P-pres—"

"Lumayo nga kayo sa harapan ko. Kayong dalawa, bilis." Malamig na aniya niya sa dalawa. Nilipat ko ang tingin ko sa kanila, halata ang pagtataka sa kanilang mga mukha habang nililipat lipat ang tingin sa'ming dalawa.

"Eh, may naghihintay nga sa 'yo—tara na nga, Bryan." Hindi na itinuloy pa ni Julian ang sasabihin niya, para bang bigla siyang natauhan at kaagad na hinila ang kwelyo ng uniform ng kaibigan niya. "Kingina mo kasi eh, pag tayo tinambakan ng gawain bukas, lagot ka sa'kin." Banta niya pa.

Julian on the other hand smack his friends shoulder. "Ikaw nagtawag, gago!"

Nasa gano'n silang senaryo habang papalayo sa'min, ni hindi na nila ako nabati pa dahil sa pagmamadali nila.

"Those assholes." Bulong ni Troy tsaka ako ibinaba. Doon ko lang namalayan na nasa parking na pala kami. "Can you stand without my support?"

Kagat labi akong napatango. Ipinasok niya na muna ang bag namin sa likod at kaagad akong binuhat muli para makasakay sa passenger seat. Wala na akong nagawa kundi ang hayaan na lang siya.

Nang makapasok siya at umpisahan na buhayin ang makina niya ay inilabas ko naman ang phone ko sa bulsa at nagtipa ng mensahe para kay Sameul. Simpleng mensahe lang 'yon para hindi na siya mag-abalang sunduin ako.

"Gusto mo bang kumain na muna? May fast food dyan sa malapit, maybe we could eat there for a while. It's already past 8pm."

Hindi ako nag-abalang ibaba ang phone ko at tingnan siya. Mabilis akong umiling.

"It's McDonald's, Abigail. I'll buy you fries—"

"Bff fries?" Wala sa sarili kong putol sa kaniya.

"Yeah, anything you want. It's on me." He said.

Nilingon ko siya na may nakataas na kilay. Bigla akong natauhan. "I want fried chicken, ice cream, mcfloat and my bff fries. How about that?" I said, challenging him.

He bite his lower lips and chuckled. "I'm willing to spend my money with that. Should we go inside or we take out?"

Napa-isip ako.

"Just take it out. Para makauwi na ako."

Ang ngisi sa labi niya ay unti unting nawala. Para bang may masama akong nasabi na biglang ikinasira ng mood niya.

"I shouldn't ask you." Bulong niya sa sarili bago nagmani-obra.

Mabilis lang naming nakuha ang order, pagkabigay na pagkabigay niya sa'kin ay kaagad kong kinuha ang fries ko habang siya naman ay nagkape lang.

Wala akong pakialam sa kaniya. 'Yon ang nasa isip ko. Kabayaran na rin 'to sa lahat ng effort ko sa kaniya.

Hindi na rin kami nagkibuan pa hanggang sa matapat na kami sa bahay. Nauna siyang bumaba at kinuha ang bag ko, ako naman ay hindi na siya hinintay pa. Bumaba na ako at binuksan ang gate.

"Thank you sa paghatid at sa pagkain. Hindi na kita babayaran tutal ikaw naman ang nag-aya." Tahasan kong wika na ikina-iling niya.

"Pumasok ka na, lalamukin ka na dito." Aniya at sumandal sa kotse niya. Mabilis akong tumalikod at isasara ko na sana ang gate nang mapairap ako.

Muli akong lumabas at halata ang gulat sa mukha ni Troy.

"You're so unfair, you know that?" Sa boses ko pa lang ay ramdam na ang hinanakit ko.

Troy just stared at me for a second before nodding his head. "It's really unfair, Abigail. But this is for the best." Mahina ang boses n'yang pagkakasabi.

Peke akong napangiti. Ngayon ko lang naramdaman ang pagod. Hindi pagod para sa buong maghapon kong nasa school kundi pagod para sa nararamdaman ko sa kaniya.

"We're still young. Makakahanap ka pa ng higit sa'kin. Makakahanap ka pa ng deserving sa pagmamahal mo. Someday, may taong . . . may taong magmamahal sa 'yo, higit sa kaya mo pang ibigay."

"Hindi ba pwedeng ikaw na lang 'yong taong 'yon, Troy?" Pasakalye ko.

Nangangapa ako. Nangangapa agad ako sa naging kilos niya ngayon. I need answers coming from him. Directly at him.

"Kakasabi ko lang ng masasakit na salita sa 'yo, Abigail. There's no reason to still like me. Isipin mo, wala tayong relasyon but look what I've done. Nasigawan kita, nasabihan ng masasakit na salita not even once. Tingin mo, paano pa kaya kapag tayo na?"

Hindi ako nakasagot.

"Don't make it hard for yourself, Abigail. Don't make it hard; it's for your own good." Aniya at tumalikod.

Napalabi ako nang bumuhos ang luha sa pisngi ko.

Give me one more reason to officially let you go, Troy. At kung mangyayari man, lalayo ako ng kusa. Walang ingay at walang bakas.

"P-pagbibigyan kita . . . Pagbibigyan kita dahil nakakatakot na ring sumagal pa."

Nakatulala ako sa kisame habang panay ang malalim kong pagbuntong hininga. Anong oras na at kahit anong subok ko na matulog ay hindi ko pa rin magawa. Nakailang beses na rin akong bumabale-balentong pero wala pa rin.

Muli akong napabuntong hininga. Tumayo at lumabas ng kwarto para uminom ng tubig para naman ma-refresh ako kahit papaano.

Matapos kong uminom ay tumambay muna ako sa sala. In-open ang phone ko para kumustahin si Candy na hindi pa rin nagrereply sa messages ko. Naka-open naman siya, ang kaso unlike before, hindi siya pala-post. Baka kausap si Kel.

Nag-scroll ako sa facebook. Nagpapaantok, kaso mali atang desisyon 'yon dahil may nakaagaw ng atensyon ko.

It's Pauline post.

It's a picture wherein she's hugging Troy from behind, captioning with my man.

Para akong tinarak ng ilang kutsilyo sa dibdib, lalo na nang mabasa ko ang mga positive comment towards them.

Lahat sila, sinasabing bagay silang dalawa. Powerful couple, dahil parehas na academic achiever.

Nanlumo ako. I'm also an achiever naman. Pero kung usaping ipantatapat kay Pauline, walang makakapantay sa kaniya. She's good at everything. In Leadership. In hospitality . . . the way na nakikibagay siya sa kahit na sino and so on. She have all those aspect na kulang na lang ay tawagin siyang perfect overall. No wonder why do men's want to please her every time.

Hindi na rin ako magtataka kung bakit bigla na lang naging sila ni Troy— well wala pa namang confirmation, pero sapat na siguro ang larawan na 'to para maging way ko to let him go from my system.

Ano pa nga bang hahanapin niya when Pauline can give him an assurance in everything. She can help him. Siya ang makakatulong sa kaniya sa kahit anong bagay.

Sumalampak ako sa sofa at hinilamos ang palad ko sa'king mukha. Blinock ko si Pauline and I also did to Troy.

Nakakalito.

Nakakapanlumo magmahal.

Hindi mo alam kung saan ka ba dapat lumagar.

"Alas tres pa lang problemadong problemado ka na. Libo ang skincare mo, Abigail aba!"

Napamulat ako ng mata at sumalubong sa'kin ang nagtatanong na tingin ni Tita Anne.

"Bakit gising ka pa? Bagabag na bagabag 'yang pagmumukha mo, may problema ka ba anak?" Tanong niya't umupo sa uluhan ko.

Umurong ako ng bahagya para makahiga ako sa hita ni Tita.

"Random thoughts lang Tita. Trip ko lang mag-isip isip." Aniya ko.

Nagtaas siya ng kilay sabay simsim sa tsaa niya.

"Random thoughts sa anak ni Rebecca?"

"Tita naman eh!"

Tumawa si Tita at hinaplos ang buhok ko.

"Alam mo, hija. Ang daming problema sa mundo pero mukhang mas mabigat ang sa 'yo ano."

Mas lalo akong napanguso. "Ina-underestimate mo ang problema ko Tita?" Hamon ko.

"Gaga, binibiro lang kita." Natatawa niyang wika. "Care to share, Abigail? I'm willing to listen, matagal na rin simula nang makapag-usap tayo ng masinsinan."

"Sus, gusto mo lang maki-chika sa buhay ko eh." Biro ko. Pinitik niya ang noo ko pero hindi naman 'yun kalakasan.

"Ayon nga. Spill the tea, hija. Para saan pa at ako ang tiyahin mo kung hindi man lang kita papakinggan gayong alam ko na may mabigat kang dinadala."

Ngumiti ako. Wala man ngayon si Candy sa tabi ko ay mabuti na lang at nandito si Tita para pakinggan ang sentimento ko.

Inumpisahan ko sa pinakauna. Kung saan nag-ugat ang ganitong pakiramdam ko. Kung saan nakuha kong tumingin sa isang taong ilang beses na akong itinaboy palayo sa kaniya sa rason na hindi niya kayang suklian ang nararamdaman ko para sa kaniya. Hanggang sa ngayon, na naguumpisa ang nakakalito n'yang mga panutsada.

"Porket ba nandito pa lang ako sa edad na 'to ay hindi pa valid ang ganitong pakiramdam ko Tita? Ang totoong pagmamahal ba tungo sa isang taong napupusuan mo ay magiging makabuluhan lang kapag ang edad mo ay nasa kalahati na o lagpas na ng kalendaryo? Iyon ba ang basehan para masabi mo na totoo ang pagmamahal na 'yon?"

Nanlulumo kong tanong.

Sinuklay ni Tita ang buhok ko gamit ang kaniyang mga daliri. Nakangiti siya sa'kin at umiling.

"Ang pagmamahal ay hindi nasusukat kailanman sa edad, anak. Walang tamang panahon para d'yan dahil walang nakakaalam kung kailan mo 'yan mararamdaman."

Napangiti ako.

"May iba't ibang klase ang pagmamahal. Ang sa 'yo 'yan ang pinaka malakas mangwarak ng damdamin." Ngisi niya.

Matamam lamang akong nakikinig.

"Bata ka pa. Lagi ko 'yang sinasabi sa 'yo. But behind those lectures, ang lagi mong tandaan ay walang makapagsasabi kung tama o mali ba ang pagmamahal sa ganyang edad. Limitations ang ipinapaintindi ko sa 'yo kapag pinapangaralan kita, Abigail. Hindi pagbabawal o pagsasabi na mali ang magmahal sa ganyang edad."

"At 'yung sa inyo ng anak ni Rebecca. Hindi mo pwedeng ipilit ang kagustuhan mo kung ang isa ay ayaw makipag-collide sa nararamdaman mo. It's a risk, anak, kaya hindi mo dapat sisihin ang taong hindi mabigyang pansin ang nararamdaman mo para sa kaniya. Hindi ganyan ang pagmamahal anak, toxic kumbaga ang ganyang pag-iisip. Love is always taking a risk. Sumusugal kang masaktan at maging masaya."

"Sugal ang pag-ibig, Abigail. Hindi ka mananalo kung hindi ka susugal, at may posibilidad ka ring matalo kasi pinili mong sumugal dahil ang lahat ng bagay ay pinapakiramdaman, at ang pagmamahal ay nakadepende sa paniniwala mo kung mananalo ka ba o hindi."

Nanatili akong tahimik. Sumugal naman na ako. At ang outcome ay kitang kita ko na. Paulit ulit na isinasampal sa harapan ko pero nananatili akong nagbubulagbulagan.

Should I accept it now?

Natalo ako. Talo sa sugal ng pag-ibig.

"I-I lost to win, Tita. T-that means should I give up?"

"Does your heart want too, anak?" Balik n'yang tanong.

Hindi ako nakasagot. Hindi ko na rin kasi alam.

"If your heart wants to give up, then let him go. But always put this into your mind. Nasaktan ka, natalo. Pero hindi ibig sabihin no'n ay ayaw mo na. Hindi ba't ang iba kapag natatalo sa sugal ay muling susugal? Kahit ilang beses silang matalo, uulit ulitin pa rin nila kasi gusto nilang manalo. Pero sa huli, ang sagot ay nasa sa 'yo pa rin. Kung pipiliin mo bang magpatuloy na sumugal, o huminto na lang dahil ayaw mo nang masaktan ng higit sa sakit na dinadala mo ngayon."

Hindi ko alam. Hindi ko alam dahil masyadong masakit na ngayon pa nga lang iniisip kong pakawalan ang nararamdaman ko ay hindi ko na kaya. Ano pa kaya kapag tinototoo na?

"It's you who decide, Abigail. Not us. You still have plenty of time to think, don't push yourself harder."

──
𝓳𝓮𝓷𝓪𝓿𝓸𝓬𝓪𝓭𝓸✿

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top