Chapter 06

chapter six
── ⋆⋅☆⋅⋆ ──

"Aksidente ang nangyari, Abigail. H'wag mo namang ipagdiinan ang boyfriend ko kasi aksidente nga lang ang nangyari, okay. Nag-sorry naman siya sa'kin at babawi daw siya."

Napapikit ako sa sinabi ni Candy. Hindi ko alam kung may level ba ang ka-martyran at sa palagay ko ay sagad na sagad na si Candy. Kumbaga, siya na ang nakaabot sa finish line!

"I'm not stupid, Candy. Aksidente?" Sarkastikong tanong ko. "Ganiyan ba ang aksidente? Eh, halos mamaga 'yang braso at gilid ng labi mo eh!"

Sino ba naman ang tangang maniniwala na aksidente lang ang mga pasa niya sa katawan? Eh, halos hindi ko na mabilang kung ilang lapat ba ng pananakit ang ginawa ni Keliano sa kaibigan ko.

"You can't just lie to me, Candy. I know you very well. Stop denying the fact that he did that to you! C'mon, kailan ka ba magigising?! This is enough, Candy!"

Hindi siya nakasagot. Hinila niya ang braso niya sa'kin at nagbaba siya ng tingin. Kinalikot ang mga daliri niya at sumabay ang pagtulo ng kaniyang luha. Napakagat labi ako at pinipigilang hindi mapaluha. This is too much. Hindi ko kaya na ganito ang madadatnan ko dito.

"L-leave me alone, Abigail. Hayaan mo muna akong mapag-isa." Ngarag ang boses niyang wika.

"I can't believe you—"

"Please, Abigail. Gusto kong mapag-isa. Pabayaan niyo na muna ako. Hindi ko kailangan ng sermon niyo, at lalong hindi ko kailangan ang mga salitang ibanabato niyo kay Kel. Hindi niyo ako naiintindihan, kaya umalis ka na! Alis!"

Hindi ako makapaniwala. Halos mapatalon ako sa biglaan niyang pagsigaw. Sandali akong natigilan.

"Anong nangyari sa kaibigan ko?" Tanong ko na may panlulumo. "B-bakit kailangang umabot sa ganito, ha? H-hindi ikaw 'yan eh."

Mabilis kong pinawi ang luha sa aking pisngi at nag-iwas ng tingin sa kaniya.

"Bakit kailangan mong humantong sa ganitong sitwasyon? Ikaw lagi ang nagsasabi sa'kin na napakatanga ko. Nagpapakatanga ako sa isang taong hindi makita ang halaga ko. Well in fact, ikaw din pala ay gano'n din." Diretsahan kong wika.

"Y-you don't understand me. Kayong lahat ay hindi ako naiintindihan, Abigail."

"Then, make me understand." Mabilis kong tugon. "Make us understand, Candy. Kilala mo kami, makikinig kami sa 'yo, tutulungan ka namin—"

"Lumabas ka na. Please."

Ayaw ko mang iwanan siya ngayon, ay baka mas makakabuti na hayaan ko na muna siya. Wala na rin akong magagawa dahil mukhang desidido siyang h'wag magsalita tungkol sa relasyon nila.

Umatras ako patungo sa pintuan niya at inisang tingin na muna siya, akmang magsasalita sana siya ngunit mabilis siyang napailing at tumalikod. Mabigat ang dibdib na pinihit ko ang siradura at nanlulumong hinarap ang mommy niya.

Bakas na bakas sa mukha niya ang matinding pag-aalala para sa anak.

Umiling ako sa kaniya na siyang ikinabagsak ng kaniyang balikat.

"Pasensya na, Tita. Pero hindi ko rin po makausap si Candy."

Nanlumo ang mukha ni Tita Celine na iginaya ako pababa ng hagdan. Nang makarating kami sa sala ay biglang nagsitayuan sila Brando at Jel. Puno rin ng pag-aalala ang kanilang mga mukha.

"A-anong balita, Abi? Kumusta si Candy?" Si Jel ang nagtanong.

"Gusto niyang mapag-isa." Nagtatagis ang bagang kong wika. Naikuyom ko ang kamao ko sa panggigil na nararamdaman ko ngayon. Nangangati ang paa at kamay ko na sumugod at sumampal ngayon.

"Apat na araw na siyang wala sa school. Yes, wala tayong klase, pero nakakabahala ang hindi niya pagpasok. Karamihan sa'tin ay kilala ang ugali ni Candy. Kahit may sakit siya, nasa school pa rin ang babaeng 'yan." Si Jel.

Nagkatinginan kami ni Tita Celine. Sang-ayon ang kaniyang anyo sa sinabi ni Jel.

Apat na araw. Sa loob ng apat na araw na 'yon ay hindi ko man lang naisip na may ibang nangyayari na pala sa kaibigan ko. Naniwala ako sa sinabi ni Keliano na may sakit si Candy kaya absent ang kaibigan ko ng mga araw na 'yon.

May sakit? May sakit kasi sinaktan niya! Hayop na Santos 'to, ang kapal talaga ng pagmumukha niya!

Si Tita Celine, kaninang madaling araw ako tinawagan. Kakauwi lang daw ni Candy at hindi niya ito makausap. Punong puno ako ng pagtataka dahil akala ko ay nasa bahay nila siya. Nang minsan ko rin siyang i-text ay 'yon ang sinabi niya.

All this time, she's with Keliano. Her satanic boyfriend of all time.

Hindi ko na alam kung ano pa ang ipapangalan ko sa hinayupak na lalaking 'yon. Masyado niyang inaabuso ang pagmamahal at kabaitan ng kaibigan ko, bagay na kahit kailan ay hindi ko matatanggap. Kung puwede lang ako ang makipaghiwalay sa kaniya for Candy's sake, matagal ko na sanang ginawa.

"Kakauwi ko lang galing kompanya kaninang madaling araw when I called you, hija. Bumaba siya sa isang sasakyan sa tapat mismo ng gate namin.  Mabilis din siyang pumasok na kaagad ko ring sinundan. I tried calling her attention pero parang wala sa sarili ang anak ko. Wala namang nakasalpak sa tainga niya, dahil parehas na'ting alam na iritado siya." Pagpapaliwanag ni Tita.

"Nag-aalala na rin ang ama niya sa kaniya, hija. Hindi ko alam kung papaano ko pa makakausap ang anak ko." Dugtong pa niya.

Hinilot ko ang sintido ko sa sobrang sakit na ng ulo ko.

"Babalik na lang po kami dito mamaya, Tita. Ako na rin po ang bahala na mag-explain sa school kung bakit ilang araw na simula nang pumasok si Candy. Tawagan niyo na lang po ako kapag kailangan niyo po ako." Hayo ko na ikinatango ni Tita.

Lumapit ako sa kaniya at yinakap siya. Ngumiti ako pagkatapos ay isa isa na kaming nagpaalam. Nang makalabas kami ay samo't saring palitan ng salita ang ginawa nila Brando at Jel.

"Wala namang may ibang kasalana nito kundi ang hayop na Keliano na 'yon. Ano, Abigail, tama ako 'di ba?" Kalabit ni Brando sa'kin.

Nakahinto kami sa may terminal ng jeep at kasalukuyang naghihintay ng masasakyan. Nasa gitna nila akong dalawa.

Bumuntong hininga ako. "M-may mga pasa si Candy. Bagong bago pa. Sariwang sariwa." Mahina kong sambit.

Napasinghap ang dalawa sa gilid ko. Napatili pa sa pagmumura si Jel na agad na tinapalan ni Brando ang bibig nito ng palad niya.

"H-holy fuck! S-so it means, wala siyang s-sakit." Nanginginig na sabi ni Jel matapos maalis ang palad ni Brando. "That man, napaka-walanghiya niya talaga!"

"Calm down, Jel. Nasa public place tayo." Suway ni Brando.

Hindi na lang ako kumibo. Sakto rin ang pagdating ng jeep kaya sumakay na kami. Buong byahe ay tahimik ako. Halos wala na nga akong marinig sa paligid ko dahil ang isipan ko ay naiwan sa bahay nila Candy.

This is too much. Keliano Santos was too much to mistreat my bestfriend like that. Nobody deserves that kind of pain. Kahit sino ka pa. Kahit kailan ay hindi katanggap tanggap ang pananakit.

"You need to calm down, Abigail. Magkakagulo lang kapag sumugod ka do'n na nasa ganiyang ayos." Pigil sa'kin ni Brando.

Akma ko na sana kasing susugurin si Keliano nang mahagip siya ng mata ko mula dito sa ground. Nasa may waiting shed siya with his friends. He's smiling. Ang lawak lawak ng pagkakangiti niya na para bang wala siyang ginawang kademonyohan.

"Hindi ako magiging kalmado, Brando. Hanggat nakikita ko ang pagmumukha ng gagong 'yan, mas lalo lang nadadagdagan ang sama ng loob ko sa kaniya. He's smiling out there na parang wala siyang minaltrato. He's with her friends while my best friend—her girlfriend . . . nagkukulong sa loob ng kwarto niya. Ayaw ng kausap, ayaw kumausap ng kahit na sino." Naiiyak kong wika.

"Wala namang ginawa si Candy kundi ang sundin siya. Gawin lahat ng gusto niya para maging maayos ang relasyon nila. P-pero bakit kailangan niyang saktan ang kaibigan ko? Bakit kailangan niyang bigyan ng mga pasa na parehas na'ting alam na hindi deserve ni Candy ang treatment na nakukuha niya kay Keliano!"

Hinarap ko sila ni Jel. Jenniferlyn's eyes were bloodshot like mine, while Brando was supporting the both of us, controlling the agony so we—I, rather not do a thing that might get me in trouble afterwards.

"I failed, . . . " Napasinghap ako ng tumulo na ng tulungan ang luha ko. "I-I failed protecting my bestfriend—"

"You protected her, Abigail. It's just that she protected her lover too. Candy has many choices, Gail. But she chooses the unexpected one, which is staying still to Keliano and to their relationship. You never failed, Abigail. You never will."

Brando's words make my emotions mix up. I don't know what to say. I don't know if I believe in that because I can't feel that I've protected my best friend even once. I can't feel it inside of me.

"Oo nga naman, Abi. Kami ang saksi kung papaano niyo pangaralan at protektahan ang isa't isa. Nagawa mong protektahan si Candy, Abi, at siya rin sa 'yo. Pero may mga pangayayari kasi na kahit anong proteksyon ang ibigay mo sa isang tao, may mga desisyon sila na naglalagay sa kanila sa hindi kaaya-ayang sitwasyon. At kung ano man ang nangyari kay Candy, Abi. It's not your fault; no one is, even Candy herself. Wala siyang kasalanan kasi nagmahal lang naman siya. May iniingatan siya, kaya 'yon ang landas na pinili niya." Si Jel.

Those different kinds of abuse can trigger our emotional responses. It can cause trauma and many other things to a person who's in that position. They will think the world is starting to face back at them. Memories of yesterday will flash back at any time, which can make them hate everything. Actually, any kind of abuse can pull the trigger on its victim.

Napabuntong hininga ako. Habang sinasariwa sa isipan ko ang nabubuong konklusyon sa utak ko habang nakikinig sa guro. Wala akong planong makinig ngayong araw, dahil alam kong lutang ako. Kung pipilitin ko, wala rin namang papasok sa utak ko. But then, when Mrs. Oliveros came in and started her seminar, I got interested.

"It's torture class. Any form of abuse towards its victims is torturous. Napakamapanganib nito sa bawat biktima dahil buhay nila ang masisira. Some of them can cope it—malay niyo nga may nakakaranas ng forms of abuse dito sa loob ng classroom niyo, pero wala ni isa man sa inyo ang nakakaalam because he or she is good in hiding emotions."

I agree.

Mrs. Oliveros is right about that. Some of the victims are good in hiding emotions. Si Candy. Siya ang isa sa mga patunay ko.

"And some of them also can't hide it."
 
"Why do they hide it, Ma'am? I mean, why do they act like they're okay when the reality is not?" Tanong ng isa sa mga kaklase ko.

Ngumiti si Mrs. Oliveros. "Bakit nga ba? Bakit nga ba ang ilan sa kanila ay umaakto na parang ayos lang sila? Bakit, bakit, bakit." Huminto ang guro at sinuyod kami ng tingin. "There's so many why's, pero iisa lang ang sagot."

Muling naglakad ang guro at pumagitna.

"They acted tough and okay for them to not remember what they experienced. Nagsusuot sila ng maskara to face other people dahil ayaw nilang maalala ang mga bagay na nagdulot sa pagkatao nila ng matinding impact. It's there defend mechanism to protect themselves, para mamuhay at makalimutan ang nakaraan. And some of them naman, hindi kaya dahil sa trauma. Ito ang tandaan niyong maigi, class. May kaniya kaniya tayong defend mechanism to hide what we really feel. May ibang malakas ang loob at may ibang hindi. But in any form, it doesn't change the fact that cruelty will never fade away in their system. Yes, it will heal, but the wound of cruelty made will later on leave a scar that will be forever intact with the victim."

"Kaya, before you commit something to someone, always think before you do that. Hindi niyo alam kung gaano kalaki ang maaaring kahantungan ng mga aksyon na basta basta lang ginagawa. Emotional abuse can cause trauma or kill its victim by committing suicide if it can't be tolerated anymore. Physical abuse is a kind of pain that can also kill its victim and damage the person emotionally. And also, some of that abuse can also lead to a serious matter when the victim can't stand it anymore, so please, everybody. Be observant and mindful enough to know what you're doing to others that you don't want done to you. Have a great day, everyone."

Kung malawak ang pag-iisip ng isang tao, maiintindihan niya ng malinaw ang sinabi ni Mrs. Oliveros. Pero kung ang taong nakarinig nito ay patagilid kong umintindi, kahit anong isalpak mong salita sa utak nila ay hindi nila maiintindihan. Sa huli, paniniwala at paniniwala pa rin nila ang maghahari sa kanilang mga sistema.

Keliano Santos . . . pagsisisihan mo talaga ang ginawa mo sa kaibigan ko.

Matapos ang maikling seminar ay tahimik pa rin ako. Alam kong napapansin na 'yon ni Jel, pero imbes na magtanong ay nanatili na lang siyang tikom.

"Forms of abuse ang itinuro room by room . . . sana makonsensya si Santos sa ginawa niya kay Candy." Rinig kong bulong ni Jel habang naggugupit ng mga colored paper para sa confetti.

Pasimple ko siyang nilingon, busy siya sa ginagawa na hindi ata napansin ang kaniyang sinabi. Bumuga ako ng hangin at nagpatuloy sa pagpasok ng alambre sa kurtina para sa mga booth.

Next week magsisimula na kami. Halos patapos na lahat ng booths sa ground. Ang main entrance namin to welcome our visitors ay nai-ayos na sa may tapat ng gate. Tarpoline's are everywhere outside the campus, at mayro'n din sa main stage na improvise stage namin dito sa ground at maging sa gymnasium. Maayos na lahat, kaunti na lang ang kulang at puwede na kaming maghanda.

Iyong nangyaring aksidente, maayos na. Nakausap na ng Principal ang mga parents na nagrereklamo. And so far, maayos ang daloy ng lahat.

Maayos na rin ang grupo namin nila Bianca. Cheerleaders already know what performance we will give to our audience. Walang masyadong oras kaya napagdesisyunan naming lahat na ulitin na lang 'yong performance na ginawa namin sa guesting sa isang show.

"May practice ka pa pala mamaya, Abi. Text mo na lang ako para maipahatid kita kay Brando pagtapos niyo. Gabi na rin 'yon, delikado sa daan."

"Pagod 'yang bff mo. Tsaka, kaya ko naman, Jel. Dadaanan ko pa si Candy mamaya kaya ako na lang." Tanggi ko.

Nilingon niya ko. "Edi ako na lang ang maghahatid sa 'yo, baka kung mapaano ka pa. Ginagawa ang kalsada sa inyo 'di ba, sa may tulay ka pa dadaan." Puno siya ng pag-aalala.

Malayo ang bahay ni Jel sa'kin. Magkaiba rin kami ng direksyon dahil pa-north ako at pa-south naman siya. Masyadong laking abala kung papayagan ko siyang ihatid ako. Isa pa, wala akong mauutusan na maihatid siya pabalik. Mas ayos na ako na lang mag-isa ang uuwi, tutal ay kaya ko naman.

"Naku, Abigail. 'Yan ka na naman. Delikado sa parteng 'yon. Madilim at kakaunti lang ang ilaw, madaming bali-balita doon 'di ba, lalo na 'yong sa white lady."

Hindi ko maiwasang mapangisi sa kaniya. Halata samukha ni Jel ang pamumutla.

Iyong tinutukoy niyang tulay ay kilala bilang panakot t'wing gabi sa sinumang dadaan doon. Parang sa balete drive, white lady din ang kwento nila. Masyadong na akong sanay sa horror para maniwala d'yan. Mas takot pa ako sa tao kaysa sa multo.

"Ah basta, magpapahatid ka. Hahanap ako kung sino mang maghahatid sa 'yo o sasabayan mo na taga-doon din sa inyo. Or maybe si Samuel na lang ang lalapitan ko, may kotse naman 'yon—"

"I also have a car too."

Parehas kaming sabay na napalingon sa bultong bigla na lang lumapit sa lamesa namin at naglagay ng samo't saring folders sa mesa.

"T-Troy," mahinang tawag ko.

Nagtaas siya ng kilay sa'kin.

"Busy si Samuel. Bago mag-ala singko uuwi na 'yon. Kailangan niyang mag-report kay Mayor for some progress."

"Ano ba 'yan. Pero siguro naman, mababalikan niya si Abigail. Baliw na baliw siya kay Gail—"

"Jenniferlyn!" Suway ko sa kaniya. Pinanlakihan niya ako ng mata at umiling.

"Ah basta, sasabihan ko si Samuel. Malakas ka sa lalaking 'yon, imposibleng hindi siya makagawa ng paraan para maihatid ka sa inyo." Walang pakundangan niyang wika.

Nagbaling ako kay Troy. Alam ko naman na wala lang sa kaniya ang narinig pero gusto ko pa ring makita ang reaksyon niya.

When I did, napasinghap ako biglaan niyang pag-irap!

What the hell?

Nananaray na siya ngayon? Ganyan na siya kamaldito? Ayos ah.

Kumurap kurap ako habang siya ay seryosong nakatingin na sa'kin. Magsasalita na sana ako pero ako na rin ang huminto dahil hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong sabihin.

"Come with me, Abigail. May kukunin tayo sa office." Biglaang wika ni Troy.

Tumango na lang ako at tinapik lang si Jel bilang paalam. Masyado siyang busy sa ginagawa kaya hindi na niya ako tiningnan pa. Naunang maglakad si Troy sa'kin, napapanguso pa 'ko dahil bigla na namang nag-r-react ang puso ko.

He's wearing a simple oversized black t-shirt and cargo pants paired with a slipper with the popular brand on it, which is Louie Vitton.

Mas lalo akong napanguso. Ito na ata ang pinaka-casual na suot para sa kaniya. A casual one but it's a high maintenance.

Ako, tamang jeans lang paired with a fitted white shirt, as in huhubog sa baywang ko na pinaresan ko ng white rubber shoes na nabili ko lang sa Baclaran.

"May practice ka mamaya?" Napatingala ako sa kaniya ng makarating kami sa tapat ng office nila.

Tumango ako at hinintay na susian niya ang pinto para makapasok na kami, pero parang wala naman siyang balak na buksan dahil nakaharap siya sa'kin—patalikod sa pintuan.

"H-hindi mo ba bubuksan—"

"I'll also have a car, Abigail Coleen,"

Napakunot noo ako. Sa pagkakasabi niya no'n ay para siyang naghihinakit sa hindi ko malamang dahilan.

"Oo nga. Alam ko naman—"

"And it's better than that Valderrama's car." Putol niya sa'kin.

Napakamot ako sa batok ko at peke siyang nginisihan.

"Both of you have a nice car, Troy. Kaya pwede bang buksan mo na lang ang pinto para makuha na na'tin ang dapat kuhain sa loob." Wika ko.

"My car was ten times better than his car, Abigail. My car was better." Namumula niyang sambit. "Ayaw ko ng both."

"Ano bang nangyayari sa 'yo? Minamaligno ka ba?" Ang weird niya ngayon. Ano bang sininghot niya't nagkakaganito siya sa harapan ko?

"Tell it to my face, Abigail. I have a better car than that Sameul Valderrama. I have a better customized interior and the most comfortable seats. Now tell me, kaninong sasakyan ang nasa puso mo?"

Literal akong nawindang sa pinagsasabi ni Troy. Masyado na siyang namumula. Napaatras ako, pero mabilis niya akong pinigilan gamit ang pag-angkala niya sa likuran ko. Dahil doon ay nahila niya muli ako pabalik, but this time, it more closer. Halos maisubsob niya na ako sa dibdib niya kung hindi ko lang hinarang ang kamay ko sa pagitan namin.

He's intensely looking at me. Namumutil ang pawis sa kaniyang noo kaya naman kaagad kong itinaas ang kamay ko to wipe it, but he immediately held my hand in the air before it landed on his forehead.

"T-Troy."

"Answer my damn question, Coleen." Malalim at maawtoridad niyang saad. Halata rin sa boses niya ang inis.

"Sino ang mas gusto mong sakyan . . . me or that damn Samuel Valderrama?"

──
𝓳𝓮𝓷𝓪𝓿𝓸𝓬𝓪𝓭𝓸✿

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top