Pain 7

Painful Goodbye

After that incident nakulong ang lalaking nambastos saakin. Nagkaroon ako ng trauma kaya ilang araw akong nagkulong sa kwarto ko. Mas lalo akong naawa sa sarili ko, ni hindi alam ni mommy at daddy ang nangyare saakin. Hindi na ako nag abala na sabihin pa sa kanila. Pinagdaanan at kinaya ko iyon ng mag isa.

*Shello Dwight Villamor calling* hindi ko din iyon sinabi kay Shello. Alam kong may problema siya kaya mas minabuti ko na huwag na lang iyong dagdagan.

"Why?"

"apaka sungit naman. Hey let's meet. Let's go out for dinner"

"Why?"

"I need to tell you something" binaba ko na agad ang cellphone ko para makapagbihis. Nagsuot lang ako mg croptop jacket, high waist pants and pair of white sneakers. Malapit lang ang resto na iyon sa bahay namin kaya madali akong nakadating nauna pa ako kay Shello dahil bukod sa mabagal iyon kumilos ay aabutan din siya ng traffic.

"Hey, sorry I'm late, alam mo na traffic" he kissed the top of my head before sitting down in front of me. Sobrang bango niya. He is just wearing plain white shirt and maong shorts. Damn he is hot. My best friend is hot. Nagorder na ako kanina ng pagkain kaya dumating na ito.

"Hey!" pinalo ko ang kamay niya ng kainin niya ang paties niya. "Akina yann!!!" napabagsak ang balikat ko nang makitang sinubo na niya ito. Mas naasar lang ako ng ipakita niya na sarap na sarap siya sa pagkain, may pag pikit pa mg mata. Lalo ko lamang nakita ang mahaba at makapal niyang pilik mata. Sana all na lang.

"Nakakapikon ka naman!" inirap ko siya.

"Alam mo Rafa palagi mo na lang inaagaw ang paties ko kapag nauubos mo ang sayo. Napaka takaw mo. Alam ba iyan ng fans mo?!"

"Whatever" totoo naman siya palagi ko inaagaw ang paties niya sa tuwing nauubos ko ang akin. Pero ngayon hindi ko alam kung bakit magdadamot ang mokong na to.

"Btw. Listen. I will tell you something" nakita ko ang seryoso ng muka niya kaya napainom ako sa juice ko.

"What?"

"Rafa. Someone offered me a job abroad. Sa Canada and" tumigil siya sa pagsasalita. What? Hindi ko alam ang nararamdaman ko. Naiiyak na ako pero pilit kong pinipigilan ito. College pa lang kami nasabi na niya saakin na pangarap niya mag trabaho sa ibang bansa, maging Psychologist. Ayaw ko ipakita sa kaniya na malulungkot ako kailangan kong suportahan ang pangarap niya.

"Really?! Oh my god Dwightttttt!!!" excited na sabi ko. Ibinigay ko din sa kaniya ang pinaka masaya kong ngiti. Pinilit ko.

"Yes! This is my dream alam mo yan" nakita kung paano nagpalit ang expression niya nang makita niyang masaya ako. Sobrang saya ni Shello nakikita ko iyon sa mata niya. Shet Im so selfish. Kailangan ko maging masaya para sa bestfriend ko.

"I know. Fuck Im so proud of you!"

"Thankyou. And of course Im proud of you too. Look. Naaabot na natin mga pangarap natin" ng magkahiwalay Shello. "Next week na ang flight ko. At sobrang excited ako. Iniisip ko nga e baka nandoon ang para sakin di ba. Hindi naman imposible lalo na at matagal ang kontrata ko doon" patuloy lang nagsasalita si Shello at nakatitig lang ako sa kaniya. Kitang kita ko na sobrang saya niya. Habang nagsasalita siya hindi ko maintindihan ang sinasabi niya tapos parang nagsslow mo ang lahat.

"Dwight! Uwian moko dito ng maple leaf ha pag balik mo! Gusto ko tatlo para I love you! Tapos alam mo ba yung favorite kong Kdrama na Goblin nanggaling doon! Hanapin mo si Goblin ha tapos iuwi mo sakin!" pilit kong pinasasaya ang tono at mukha ko.

"Dadalhan kita ng maple leaf pero tangina naman Rafa Xhane saan ko hahanapin si Goblin doon? Baliw ka na talaga"

Pagkatapos namin kumain ay naglakad lakad kami sa labas gabi na kaya wala na masyadong tao.

"Shello magiingat ka don ha"

"Oo naman at ikaw din magiingat ka dito, alam ko mamimiss moko kaso wag mo naman ipahalata na patay na patay ka sakin nakakahiya. Tapos wag ka maano masyado baka hindi ako makporma sa Canada-"

"Hoy ang O. A mo!" hinampas ko ang braso niya kaya natawa siya.

"Alam mo Rafa nung una kong malaman na pupunta akong Canada, hindi ko magawang maging masaya. Naisip agad kita. Kasi noon sabi ko sa sarili ko hindi ko na ipaparamdam sayo ang naramdaman mo noon kay Luis. Sabi ko kahit anong mangyare mananatili ako sa tabi mo kahit pisikal na mapanakit ka, bully, mapang asar, maldita tapos sobrang arte" napangiti ako sa sinabi niya.

"Takot na takot ako. Hindi ko alam kung pano ko sasabihin sayo. Ngayon lang gumaan ang loob ko. Nakalimutan ko na sobrang supportive nga pala ng bestfriend ko. Nakita ko na masaya ka para sakin,doon ko lang naramdaman na masaya ako para sa sarili ko." nang makarating kami sa harap ng kotse ko tumigil na kami sa paglalakad. Humarap siya saakin. Mas matangkad saakin ni Shello kaya nakatingala ako sa kaniya. Amoy na amoy ko pa din ang pabango niya kaya mas lalo akong nalulungkot. Mamimiss ko ang amoy na to.

"Halika nga dito payakap. Ang arte mo e meron namang Face Time" nilapitan ko siya para yakapin. Hindi agad ako bumitaw dahil ito na ang huling mayayakap ko siya.

"Hoy hindi kita ihahatid sa airport ha baka makasama ako kapag nakita kong gwapo yung piloto" tumawa ako kaya napatawa din siya.

"Pero Dwight alam ko strong ka kaya kayang kaya mo yan. Don't overthink and dont doubt yourself. Psychologist ka tapos ganon. Ang panget" tumawa ako.

"Proud na proud ako sayo Dwight. Ang taas ng narating mo. Masaya ako na naging bestfriend kita. You will be forever in my heart. Hihintayin kitang bumalik ha? Palagi mo tatandaan na hindi ka nagiisa kasi andito ako, kapag may problema tawagan mo lang ako, kahit gaano ako kabusy, I will make time for you"

"Be strong Rafa. Huwag maldita para may makipag kaibagan naman sayo. Hindi naman ako mawawala, magkakalayo lang tayo" niyakap niya ulit ako. Fuck I will miss him. Malapit na ako mag break down. Ramdam ko na hindi ko na mapipigil ang luha ko.

"Sige na gabi na magddrive ka pa. Ingat!!! Loveu!"

"Keep safe. I love you always." aniya ng nakangiti. Sobrang saya niya at masaya na din ako para sa pangarap na naabot ni Shello

Sumakay na ako sa loob ng kotse ko nasa labas pa din siya iniintay na makaalis ako. I opened the window of my car.

"Dwight.Take hold of every opportunity given to you. I may not always be there with you, but I will always be there for you."

_______________________________________________________

🍑

_angelblues

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top