Pain 4
Deal. Moon. Stars
"'Alright, just for the show. No serious relationship. Hindi kita gusto at hindi kita type" pumayag na lang ako dahil wala naman mawawala sakin. Magpapanggap lang kami. Yun lang yon. Tutulungan ko lang siya.
"Really? Okay. So prepare yourself pupunta tayo sa bahay" nanlaki ang mata ko sa narinig ko.
"WHAT? WHY?"
"What's the use Seraphina kung hindi kita ipapakilala? Use your mind" nakakainsulto ganito ba ang humihingi na pabor.
After non ay umakyat na ako sa kwarto para maligo. Ang sabi niya ay magiintay na lang siya sa baba. After 25 minutes namili na ako ng susuotin I decided to wear a simpe peach dress paired with classy high heels. Naglagay lang ako ng light make up since confident naman ako sa ganda ko. Tinali ko din ang buhok ko pataas at nagiwan ng ilang hibla sa gilid. Pagkababa ko nakaupo siya sa gilid habang nagbabasa ng magazine.
"Let's go"
"You took so long preparing yourself, panget pa din naman" sabay talikod at naglakad na palabas. Fuck him napanganga lang ako!! I hate him. Hindi niya ba alam na bago ang bag at dress ko?!!! Ang mahal mahal nito. Wala talaga siyang alam sa fashion.
Tahimik lang kami sa byahe since wala naman ako sasabihin. Inabot din kami ng traffic kaya naguumpisa na ako mairita. I hate traffic.
"Seraphina listen. You have to act sweet. Let's do our very best para maipakita na mahal natin ang isat isa."
"Sobrang hirap ng pinapagawa mo"
"Don't be so stupid. Hindi ka na lugi"
"Hah! Ang kapal mo din. Bakit ba ang yabang yabang mo? Ano tingin mo sa sarili mo santo?!! Tangina. Bakit ba ako pumayag sa deal na ito?! Wala naman ako mapapala. Hindi mo deserve ang isang Rafa Galvez! Duh. Im too precious. Ah kairita!!!! I hate you! Tapos kanina sinabihan mo lang ako ng panget? Hey Mr. Samson! Alam mo ba na humingi ka saakin ng pabor. Pwede ba kahit fake lang magpakabait ka naman!? Ang kapal kapal ng muk-"
"FUCK! can you please lower your voice? Ganyan ka ba talaga kadaldal ang dami mo na agad nasabi nakarindi!" He cut me off.
"At ikaw pa ang may ganang magalit ngayon? Gg sayo! Ang kapal mo talaga. Okay fine itigil mo ang kotse bababa ako. Magpapakaon na lang ako kay Kuya Ace or kay Shello! I hate you! Hindi ko na kinakaya na makasama ka!" napahawak ako sa seatbelt ng mas lalo lang niya binilisan ang pagpapatakbo ng sasakyan.
"FUCK YOU LOUIE! HOW DARE YOU. MY GOD. AYAW KO PA MAMATAY. HOW ABOUT MY CAREER?!!! FUCK HINDI KO PA NAGAGAMIT MGA BAGO KONG BAGS AND SHOES AND DAMN MY DRESS. NOOO?! STOP THE CAR. RIGHT. NOW." lumingon ako sa kanya para tingnan siya ng masama. Nakafocus ang mata niya sa kalsada at kalmado lamang ang mukha niya.
" Panget na nga, O.A pa. " I just laugh sarcastically. Malapit ko na siyang saktan kung hindi ko lang naisip na hawak niya ang buhay ko dahil siya ang nagmamaneho.
Pagkapasok namin ng gate nila tinigil na niya ang sasakyan at nauna nang bumaba hinintay niya lang talaga ako sa labas at hindi pinagbuksan ng pinto. Thank god nakadating kami ng safe. Pagkapasok namin sa mansyon na namamangha pa din ako dito.
"Louie? Ow Rafa! Hi" yumakap saakin ang mommy ni Louie.
"Perfect! Tara sa kitchen the dinner is ready. Nandoon na ang daddy mo at si Kleo" nauna maglakad ng mommy niya sumunod si Louie kaya sumunod na lang din ako. Hindi niya ba ako tatanungin kung anong ginagawa ko dito? Kung bakit magkasama kami ni Louie? Habang naglalakad papunta sa kitchen nililibot ko ang mata ko sa paligid.
Malawak din ang kusina nila. Pagkapasok ko ay nakaupo na ang daddy ni Louie sa pinakaunahan. naupo na din ang mommy niya sa tabi ni Kleo. Umupo ako sa harap niya at si Louie sa tabi ko. Agad ngumiti saakin si Kleo.
"Hi Love. Its nice seeing you!" Louie fake cough nilingon ko siya saglit. Tumingin ako sa mommy niya na abala sa pagkuha ngpagkain at ang daddy niya na seryoso lamang ang mukha.
"You too." simpleng sagot ko.
"Good to see you iha. How's your parents." malamig na wika ng daddy ni Louie. Medyo kinakabahan ako.
"Good to see you too tito. They're fine. They're both busy right now" nakangiti kong sagot sa kanyang ama na ngayon ay naguumpisa ng kumain. Tumango lang siya ng hindi ako nililingon.
Nagumpisa na din akong kumain ng magsalita si Louie.
"Mom, Dad. Rafa is my girlfriend" nasamid si Kleo kaya agad uminom ng tubig. Tumingin ako sa daddy niya nagpapatuloy lang sa pagkain ang mommy naman niya ay nakatingin saamin. Hindi ko mabasa ang ekspresyon niya. Its awkward kaya tumingin ako kay Louie. Kinurot ko ang hita niya sa ilalim ng upuan ng halikan niya ang kamay ko.
"Is this serious Louie? Alam na ba niyan na ikakasal ka na? This can't be happening" tanong ng daddy niya. Bigla ako nakaramdam ng kaba sa mga titig niya saakin. Ang lamig.
"This is the reason kaya ayaw ko ituloy ang engagement dad" nakatingin lang ako sa plato ko. Sa tingin ko ay dapat ko silang hayaan magusap. Ramdam ko ang matatalim na titig sa akin ni Kleo.
"Galvez are our friend Louie ano ba naman"
"Dad me and Rafa are already together the first time he came here. Matagal na kami magkakilala hindi ba." makabuluhan ang tingin nila saakin. I dont know what to say. Liar.
"Im sorry Tita, Tito" yun lamang ang tangi kong nasabi.
"Honey just let them do what they want. Hindi na sila mga bata pa. Let them decide for their own sake. Louie will never disappoint us" nakangiting sambit ng kaniyang ina.
Nakahinga lamang ako ng maluwag ng makalabas ako sa mansyon. Humaba pa ang usapan namin. Si Louie ay naiwan sa loob at kinakausap pa ng kanyang Ama kaya nagintay lamang ako sa harap ng kotse niya. Gabi na kaya medyo malamig na. Nakasuot ako ng sleeveless dress kaya ramdam na ramdam ko ang lamig.
"Hey. Are you cold?"napalingon ako nang lumabas si Kleo ng mansyon. Hinubat nito ang suot niyang coat at inilagay sa balikat ko. Napangiti ako doon. a simple gesture like this made me feel so good. :)
"Thankyou"
"Rafa I know your plan. Kilala ko si Louie. He can lie to our parents but not to me." hindi ko alam ang sasabihin ko. Napayuko na lang ako.
"Tell me that the two of you are really not together. Gusto ko marinig iyon galing sayo." Nasa gilid ko siya na nakasandal din sa kotse ni Louie. Lumalalim na ang gabi. Hindi ko alam kung sasagutin ko ba siya.
"You're right" napatingin ako sa langit. Sobrang ganda ng buwan at ng mga bituin. Napangiti na lang ako. Naramdaman ko na tumingin din siya sa langit. Ilang minuto kaming natahimik. Pinapakiramdaman ko lamang siya. Kinakabahan ako sa presensya niya. Amoy na amoy ko din ang pabango niya. Damn that manly scent.
"You know what Rafa the first time I saw you? Akala ko maarte ka or spoiled brat. But you're not. Sorry for judging you." hindi ako nagsalita dahil hindi ko alam ang sasabihin ko. Medyo natawa ako dahil hindi naman niya ako kilala. Nanatili ang mga mata namin sa mga bituin. Awkward pa din kaya hindi ako makagalaw. Sobrang lapit niya saakin. Malapit ng magdikit ang braso namin.
"Balita ko nagshowbiz ka na? I am so proud of you. Sooner or later marami ng lalaki ang magkakadarapa sayo" tumawa siya ng mahina at lumingon saakin. Pakiramdam ko ay namula ang pisngi ko sa sinabi niya kaya iniwasan kong tumingin pabalik. Ramdam na ramdam ko ang mga titig niya saakin.
"Yes. I did. And Im also proud of my self. I am near to my dreams."
"The moon is as beautiful as you. You shine like that Rafa." napalingon ako sa kaniya sa gulat. Nakatingin lamang siya sa langit kaya tinuon ko na lang doon ang atensyon ko. Hindi ko alam kung ano sinasabi niya, kung seryoso sa ba siya. Pero may kakaiba akong naramdaman. Kinilig ba ako? No. Hindi naman ako nakakaramdam ng ganoon sa kahit na kanino. Wala isip ko.
"And I am always willing to be one of your stars. I will choose to be the brightest star, para ako ang mapansin mo. "
_______________________________________________________
🍑
_angelblues
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top