DAY 2: Chips to life.
1 month later
Maagang natapos ang shoot niya para sa ginagawang bagong commercial. A fifth year engineering student like her needs to work to support her studies. 1 buwan na lang naman at hindi niya na kailangan pang gawin ang pagmomodelo.
Her Tita Luis was the one pushed her to enter the modeling industry. After what happened to her 3 years ago, she knew that she needs to support herself. Sayang naman ang ganda niya kung hindi niya na lang gagamitin sa pagmomodelo.
Luckily, maraming kumuha sa kaniyang advertisement company. Dati mga shampoo and conditioners, hanggang sa naging shoes, bags and then clothes. She thought that everything will be normal after what happened, but fate loves her so much.
"Tita, can I go now? Kailangan ko pa po kasing pumunta ng school, my blockmates are already there for our thesis defense." Paalam niya rito. Kanina pa nasa university sila Gabriela, pustahan magpapalibre na naman ang mga ito kapag siya na naman ang nahuli.
"Nakapag paalam ka na ba sa Tito Louie mo about sa trip niyo ng mga kaibigan niyo after graduation?"
Ngayon niya lang naalala na kailangan niya nga pala humingi ng medical certificate kay Dr. Martinez bago sila umalis ng mga kaibigan.
Tinext niya muna ang mga ito na mahuhuli siya dahil dadaanan niya pa si Dr. Martinez para kausapin tungkol sa medical certificate. Malapit lang naman ang university nila sa PGH at hindi rin naman rush hour.
Mabilis siyang pumasok ng silid. Dahan dahang umupo siya sa harap ng table ni Dr. Martinez.
"Does anything happen to you?" Tanong agad nito nang makaupo siya.
"Chill Doc, okay pa ko." Tumawa siya nang mahina upang pagaanin ang usapan.
"Bukas pa yung schedule mo, bakit maaga ang punta mo?"
"Hmm, we're going to Cebu the week after next week Tito. You know, to celebrate our graduation. I am with Arianne and Gab naman po."
Malakas ang kaba na nararamdaman niya sa mga oras na iyon, nakatalikod ang tito niya sa kaniya kaya hindi niya nakikita ang reaksyon nito.
"You know that we are scheduling your first chemotherapy, right? You should be staying here in the hospital after your graduation. Are you supposed to take the board exam pa ba?"
Shoot. Nakalimutan niya rin ang isang iyon. Six months after graduation ay ang board exam na. Hindi niya alam kung paano niya pa iyon masisingit sa kaniyang medication.
"Tito, hindi niyo pa rin po ba tanggap? I'm dying, okay na po ako sa ilang years na sinabi niyo. As you said po 'di ba, hindi pa naman malignant ang symptoms so I can still work for at least a year, ma-practice ko man lang ang pinag-aralan ko." Mahabang paliwanag niya rito.
Ayaw niya naman ubusin ang mga natitira niyang araw sa loob na naman ng hospital. She's been there before, ngayon mas gusto niyang i-cherish ang mga natitirang oras niya sa labas.
"Enough with that topic Celestine. You will undergo medication, you can take that career once you surpass this battle. Just please, cooperate with us."
"Pero tito, I don't have time for that medication. Kailangan ko rin pong magreview for board exam. Wala na po akong oras para mag-antay pa ng susunod na taon."
"Hindi ka ba nag-iisip? Celestine naman, we already talk about this last month at paulit ulit din namang pinapaalala ng tita Luis mo. Hindi mo kailangan magtake ng board exam na iyan, nabibigay naman namin ng Tita mo lahat ng pangangailangan mo diba? And you also have your ipon 'di ba? Please naman Celestine, makinig ka naman once and for all. Mamatay ka if you will not undergo a medication, bakit hindi pa rin nagsisink in 'yun sa'yo?" Lumalakas na ang boses ng Tito Louie niya, senyales na ito na hindi na nito nagugustuhan ang kaniyang sinasabi.
"Dahil nakakabaliw. Nakakabaliw pong isipin na ito na naman ako, nandito na naman ako. Alam niyo po ba kung gaano kasakit sa akin na bumalik sa impyernong lugar na ito? Be considerate naman Tito, opo doktor ko kayo at malaki ang utang na loob ko sa inyo, pero hayaan niyo naman po akong magdesiyon ng para sa sarili ko."
"Ikaw lang ba ang nasaktan at nahihirapan sa nangyayari ngayon? Walang may gusto na maulit ito muli Celestine, wala kahit sino."
Hindi niya kayang tignan ang mga mata ng kaniyang tumatayong ama. Masakit para sa kaniya na makita itong nahihirapan.
Bakit kasi hindi na lang sila sumuko tulad ko? Para matapos na. Salita ng dalaga sa kaniyang sarili. Senyales na naubusan na rin ito ng pag-asa.
"I'll go na po Tito, we'll talk this again na lang po after graduation. I just need a medical certificate for our trip to Cebu. One last time Tito, and I surrender myself."
Hindi niya na inantay makapagsalita si Dr. Martinez. Mabilis siyang tumayo at lumabas ng opisina nito. Hindi niya kailanman matatagalan ang lungkot sa mga mukha nito.
Isang text ang natanggap ni Celestine mula sa kaibigan habang naglalakad. Cancelled ang thesis defense nilang huling tatlong grupo dahil sa kalagitnaan daw ng defense ay nagkaroon ng emergency ang kanilang prof. Maganda na rin iyon dahil hindi niya pa kaya na bumalik at makita siya ng mga kaibigan.
Alam ng mga ito ang kaniyang lagay kaya tiyak na mag-aalala lang ang mga ito sa kaniya. Nilinaw niya sa mga ito ang plano niya, ngunit tulad ng kaniyang doktor, hindi rin sang-ayon ang mga ito sa kaniya.
Dala ng bigat na nararamdaman mas pinili na lang niya na muling bumalik sa rooftop sa left wing. Bumili muna siya ng chips and drinks sa ministop sa tapat ng hospital dahil madadaanan naman iyon bago makarating sa left wing.
Wala sa kaniyang isip na madadatnan niya muli ang lalaki sa rooftop ng hospital. Sa ayos nito, tila ba mas nagkalaman ito kumpara sa huli nilang pagkikita. Hindi na rin ganoon kalubog ang mga mata nito. Ngunit may isang bagay siyang hindi maipaliwanag, may kislap sa mga mata nito ng tumingin ito sa kaniya.
"You're back." Muling binalik ng lalaki ang tingin sa kawalan matapos tumingin sa kaniya nang matagal.
Kung noong unang beses silang nagkita, alak ang hawak nito, ngayon marami siyang nakita na flavored drinks. May tetra pack, yogurt, delight, yakult, at kung ano ano pa. Aakalain mong may batang naligaw sa rooftop.
"Himala at hindi alak ang hawak mo ngayon ah."
"It's from Adi, he changed the drinks in my ref."
"Ay ang bongga, nasa public hospital pero may ref. Stockholder papa mo dito beh? hahaha" Matalim siyang tinignan ng lalaki dahil sa sinabi niya.
Sabi ko nga hindi good joke :/
"Why are you here again?"
Nilapag niya ang biniling pagkain sa lapag at umupo. Sumunod naman ang lalaki sa kaniya.
"Well, I guess last trip na bago harapin ang realidad?"
Naguguluhan naman siyang tinignan nito. Ang cute ng reaksyon ng lalaki, nakakunot ang noo nito senyales na nalilito ito sa mga sinabi niya. Para itong bata na hindi naintindihan ang sinabi ng teacher.
"1 buwan na lang graduate na ko, I will finally achieve what my mom dreams. Pero swerte ko talaga kay fate, kung kailan naman maabot ko na yung pangarap namin ni mama tsaka pa tinamaan ng lintik. Follicular lymphoma, hindi alam ang cause at wala namang cure"
Binuksan niya ang isang chips bago tumingin sa lalaki. First time na hindi awa ang nakita niya mula sa isang taong sinabihan niya ng kaniyang kalagayan. Well, marahil pareho sila ng sitwasyon.
"Bad timing"
"Ha?"
"Ikaw ay biktima ng isang bad timing." Isang nakakalokong ngiti ang binato sa kaniya ng lalaki bago ito tumawa. Kung kanina, cute lang ito sa paningin niya, ngayon ang gwapo gwapo na nito.
Shet, mamatay ka na self bawal na humarot. Paalala niya sa kaniyang sarili.
"Ang cute ng reaction mo pre." Tumigil na ito sa pagtawa pero bakas pa rin sa labi nito ang nakakalokong ngiti.
Bagay ito sa lalaki. Bagay rito ang ngumiti.
"We are both victims of bad timing pre." Sagot ni Celestine sa lalaki bago inisang lagok ang bote ng yakult. Para silang lasing pero hindi naman alcohol ang iniinom. Nilalasing sila ng realidad ng kanilang buhay.
"Ikaw lang, ako since birth masama na ang tama. Matigas daw ang ulo ko sabi ni mama, palibhasa anak sa labas ng asawa niya kaya madali lang para sa kaniya ang sumuko. Kung wala si lola, dedo na ko matagal na. Its me and her now, and when she gone, I will only be the one left fighting alone with this battle"
Bakas sa mukha ng lalaki ang mabigat na dinadala, nahiya siya sa sarili. Siya, maraming tao ang sumasama sa kaniya para lumaban, ngunit ang tao sa harap niya, nag-iisa lang ang kakampi sa laban.
"I'm still here." Gulat siyang tinignan ng lalaki. Kahit siya ay nabigla sa kaniyang sinabi.
"We can fight together... If you want lang naman, hehe. Walang pilitan"
Nahihiya siyang binawi ang sinabi. Ano ba naman kasi ang pumasok sa isip ko at sinabi ko ang ganoong bagay?
Iniisip na siguro ng lalaki na may gusto siya rito.
Ngumiti ito sa kaniya muli. Yung ngiti na nagdadala ng kaba sa kaniyang dibdib, ngiting delikado.
"Wala, wala ng bawian nasabi mo na eh. No worries, I'll be with you too in your battle. Hindi ka rin mag-iisa."
Sa sinabi ng lalaki, parang gusto niya muling maniwala na posible pa ang kaniyang paggaling. Posible pa na makalabas muli sa mundong ito, at mamuhay na hindi natatakot na baka ito na ang huling araw sa mundo. Ang sarap maniwala muli sa simpleng mga salitang iyon.
"Celestine." Banggit niya sa kaniyang pangalana.
"Ha?"
"Celestine Louisse, pwede ring CL para kpop hahahaha."
"2ne1?"
"Kilala mo sila?" Natatawa siyang tumingin sa lalaki. Hindi niya akalaing may kilala itong KPOP group.
"Oo, hilig ipagtugtog yun ni Adi kapag nandito sila." Kunwari pa ito, hindi naman niya huhusgahan ang lalaki kung isa pala siyang dragons. Iyon ang tawag sa fans ng 2ne1, sa pagkakatanda niya.
"Huy, hindi ako bakla ah. I'm not saying that men who likes kpop are gays, but yung tingin mo kasi." Napakamot pa ang lalaki sa batok nito na parang nahihiya sa mga sinabi nito.
Nasabi na ba ni Celestine na gwapo ang lalaki? Kasi kung hindi, sasabihin niya ngayon na gwapo talaga ito.
Nagbukas muli siya ng isa pang chips at inalok ang lalaki, kanina pa siya kain nang kain, pero itong kasama niya drinks lang ang kinakana.
"You look like a baby."
"Baby ko." Napabuga ang lalaki matapos niyang sabihin ang banat na iyon, naririnig niya yung banat na iyon sa mga estudyante sa university, tsaka kay Gab at sa jowa nito.
"Look at your face men." Tumawa siya nang malakas dahil sa reaksyon nito.
Nawala ang tawa ni Celestine nang biglang ilapit ng lalaki ang mukha nito sa kaniya, 1 inch and she surely kiss the guy's lips.
"Now you look at your face." Ito naman ang gumanti ng tawa sa kaniya, sabay iniwas ang mukha sa harap nito.
Hinampas niya sa balikat ang lalaki dahil sa ginawa nito. Now she knew na marunong din ang lalaki sa mga ganoong moves. She really needs to protect herself.
Tumayo na ang lalaki, mukhang may balak na itong umalis. Mabilis naman siyang tumayo at pinigilan ito sa braso.
"Hoy teka, sandali." awat niya rito.
"Miss mo agad ako? Clingy ah." Mapang asar itong tumingin sa kaniya. May pagka saltik din pala ang isang 'to, akala niya mysterious ang peg ng lalaki.
"Luh, sasabihin ko lang yung kalat mo baka gusto mong isama. Kapal nito."
"Ah, I thought you also want to come."
"He, asa ka. Alis na nga ko."
Pwede ba? Maharot na bulong niya sa sarili. Celestine, get hold of yourself.
Kinuha na niya ang gamit at akmang bubuksan ang pinto nang magsalita ang lalaki.
"GD."
"G Dragon? Wow Bigbang. Kala ko ba hindi ka fan?" Pagbibiro niya sa pangalan nito. Tila naaasar ang lalaki sa naging sagot niya.
"It's George Demitri, ikaw na bahala kung ano gusto mo itawag. Si Adi lang nagbansag niyan kaya nakasanayan." Sagot nito sa kaniya while picking the sachet of the flavored drinks.
Nginitian niya ang lalaki bago tuluyang lumabas ng rooftop.
GD huh? Then let's fight a battle together, GD.
--------------------//
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top