DAY 1: Bad Luck
"I'm sorry, but you are diagnosed with Follicular Lymphoma, and you got the Non-Hodgkin lymphoma. Apparently, the type of NHL that attacked your body are the indolent NHL, meaning this is less likely to show symptom and is hard to cure. This is why you experience painless swelling of the lymph nodes that you currently feel in your neck, groin, and in your armpit."
"Doc, nagkape ka na po ba? Sabog po ata kayo, gusto niyo po magkape muna? Hindi kasi 'yan magandang biro. Hehehe, paano naman po ako magkakaroon ng Follicular chenes na iyan, healthy living po ata ako."
She knows that Dr. Martinez doesn't know how to throw jokes, sinabi niya lang iyon dahil hindi kinakaya ng utak niyang tanggapin ang sinabi into. She's trying to lighten up the mood, even though everything he mentioned makes sense on the back of her mind.
"I don't know what is a joke, Ms. Ramos, you know that. And I already had a coffee. And sad to say, I can't give you a proper answer how do you get this cancer. NHL are cancers that have unknown causes, some are caused by radiation and other cancer-causing chemicals or infections. We still need to conduct a test to know where did you get this one."
Hindi niya alam paano ia-absorb ang sinabi ng doktor. Nasa isip niya lang ang graduation, 2 month from now. Hindi siya pwedeng hindi maka-graduate. It's her mom dream.
"Sige Doc, kunwari naniniwala ako sa'yo. Is this curable?"
Huminga muna nang malalim si Dr. Martinez, ang doktor na tumingin sa kaniya. Sa reaksyon pa lang nito, alam niya na ang sagot sa mga tanong niya.
"Yes Ms. Ramos, you know that I never lied to you since before. And to give you a heads up, it will be a long journey for both of us, again. As of now, I will advise you to admit here to the hospital, we need to do a thorough observation of your case. The lymphoma that attack your body is a silent killer, hindi ito masyadong nagbibigay ng sintomas kaya kinakailangan natin ng masusing obserbasyon."
"Pero Doc, graduating po ako. 2 months na lang road to engineering na ako. Paano naman po iyon?"
Unti-unti nang bumabagsak ang luha na kanina pa niya pinipigil sa harap ni Dr. Martinez. Pilitin man niyang hindi maniwala, unti-unti pa rin itong naiintindihan ng kaniyang utak.
"I know, we will still attend your graduation, right? That's why in the meantime, we will schedule a weekly check-up. You need to tell me everything that is happening to you. We will meet twice a week. But if the symptoms went severe, we will admit you. Will that be fine with you?"
Bumuntong hininga siya nang malalim bago dahan dahang tumango sa doktor.
"Yes, Doc. I'll update you with everything. Maraming salamat po."
"Okay, that's all for today. See you on Monday."
Pasado ala-siyete na ng gabi ng lumabas siya ng opisina ng doktor. Wala namang maghahanap sa kaniya kaya mas pinili niya munang bisitahin muli ang lugar na minsan na niyang parang tahanan.
Full packed ang Philippine General Hospital kahit ala-siyete na ng gabi. Labas masok pa rin ang mga tao na akala mo tirik pa ang araw. Hindi niya lubos maisip na, sa pangatlong pagkakataon, aapak siya muli sa lugar na iyon na parang walang nagbago, na parang walang nawala.
Naalala niya ang rooftop sa left wing ng hospital, kilala niya ang guard na nagbabantay doon. Sariwa ang hangin sa lugar na iyon ng hospital, kaya minabuti niyang doon tumungo.
Dire-diretso niyang binuksan ang pintuan ng rooftop, medyo rusty na. Marahil hindi na talaga ito puntahan ng tao.
Malakas na hangin ang tumambad sa kaniya pagkabukas niya ng pinto. The feeling is familiar, gan'tong ganito rin yung naramdaman niya nung araw na 'yon. But the only difference, hindi na siya nagiisa.
"Mas masarap 'yan pag may pulutan."
The guy looked at her na parang ito ang guard na tinakasan niya. After realizing that she's completely different, the guy throws a frown at her.
"Bawal dito ang bisita."
"Alam ko, bawal din dito ang pasyente."
He looked at her not expecting na sasagot ito sa kaniyang sinabi. The guy looked like a patient to her because of the hospital gown.
"Just get out."
"Ang sungit. Wala ka bang baso? Pa-shot."
"Wala. And I'm not sharing it with you."
Ang englishero ng lolo niyo, sa isip isip niya. Ngunit, nagtataka siya kung paano nito napasok ang bote ng alak sa loob ng hospital.
"Eh 'di next time ako na magdadala. Easy."
Tinignan siya nito na mapanuri, hindi naniniwala sa sinabi nito. Nagbibiro lang naman siya, kung gagawin niya iyon paniguradong may misa siya na makukuha mula kay Dr. Martinez.
"Stage 3, brain tumor."
She was taken aback after hearing what he said. News flash, hindi lang pala siya ang dying patient.
"SML? chost. Since when?" Sumimangot muna ang lalaki bago siya nito nilingon.
"When I was 8 years old? Di ko na maalala. But I've been here for ages."
She never seen him here. Or maybe, she didn't pay attention to people before. Hindi niya alam kung bakit imbis na lumabas ng rooftop ay mas pinili niya pang sumilip sa railings nito. Something pushing her to be with the guy.
"Our strength comes out when we feel vulnerable."
She said that looking at the busy light of the city. That's one famous quote from her favorite psychologist. For her, when we feel so weak, that's also the time we will see our strength.
Malakas na tawa ang ibinalik sa kaniya ng lalaki. Tumatawa ito na parang ito ang pinaka magandang joke na narinig nito sa tanan ng buhay. She felt offended, not because she was serious but it was a quote from Sigmund Freud.
"Hoy mister, makatawa mamatay na bukas? That's from Sigmund Freud 'no, makatawa ka. Famous quote 'yon tapos ganyan reaksyon mo."
Pagsusungit niya sa lalaki, siya na nga itong nagbigay ng comforting line, siya pa ang tinawanan.
Tinignan lang siya ng lalaki, hindi niya maipaliwanag ang emosyon na nasa mukha nito. Nagdesisyon siyang aalis na lang, kailangan niya na rin umuwi dahil may photo shoot pa sila bukas.
Bago niya maisara ang pinto, napatigil siya sa binitawang salita ng lalaki.
"It's bad luck, right? Finding out your strength in your weakest point."
Matapos noon, dire-diretso na siyang lumabas. Totoo ang sinabi ng lalaki, masakit na makita mo ang iyong kalakasan sa panahon na pinakamahina ka. Ano pang silbi na malaman mo iyon kung mamatay ka rin naman.
-----------------//
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top