Chapter 9


Aika's POV


"Huy, nakita mo si Ayame?" tanong ko kay Khas, di ko kasi makita yung kapatid ko.

"Nako, di ko nakita, si Neon nga, hinahanap si Nickel." sagot niya sakin

Kanina ko pang hinahanap yung kapatid ko, hanggang ngayon di ko pa din makita.

Pati si Nickel nawawala.

Gabi na kasi, mamaya may party pa sina Tyrone kelangan buo kami.

"Tungsty!" tinawag ko agad si Tungsten Iron.

"Oh? Bakit Tiffany ko?"

"Nawawala si Ayame, ikaw? Nakita mo si Nickel???"

"Huh? Di ko nakita si Nickel. Baka naman magkasama sila?"

Baka nga naman magkasama yung dalawa.

Bigla naman nagvibrate yung phone ko.

0912******* calling

Unknown number. Sino naman kaya 'to?

"Tiffany ko, sino yan?!" bigla namang nanlaki ang mata nitong katabi ko.

"Kelan mo pa ako pinagtataksilan?!" Alahoy! Agad na!

"Magtigil ka nga Tungsten Iron, agad ng nakagawa ka ng kwento, di ko din kilala" saka ko sinagot yung tawag.

"Ate, Yame 'to, dito kami ni Nickel sa hindi ko din alam na lugar, umalis kasi kami kanina sakay nung motor sa resort nina kuya Tyrone eh nasiraan, safe naman kami, wag ka ng mag-alala. Baka bukas na kami makabalik ate, basta safe kami. Limited lang 'tong load ate, sige, bukas na lang! Babye!!!" then she hanged up.

Wala akong nasabi.

Binaba ko na din yung phone.

"Tiffany ko, sino daw yun?"

"Si Ayame daw"

"Oh? Tapos TIffany ko?"

"Kasama daw niya si Nickel, nasa lugar daw sila na di nila alam, bukas daw sila babalik kasi daw nasiraan daw yung motor na sinakyan nila. basta safe daw sila... BASTA SAFE DAW SILA. BASTA SAFE DAW SILA! HALA. ANG KAPATID KO?! NASAAN NGA DAW PALA?!"

"Nasa lugar na di daw nila alam basta safe daw sila?"

"SAN NGA YUN?!"


Nickel's POV


Nandito kami sa bahay nina Lola at Lolo.

Dito na daw kami magpalipas ng gabi kasi daw CREEPY nga daw dito sa lugar nila tuwing gabi, kasabay ng paghihip ng hangin, sa pagpapaalam ng liwanag ng haring araw at sa pagsayaw ng mga dahon sa puno, kasabay ng pagtalukbong ng buong kadiliman sa himpapawid.. WHAT A SCRIPT.

"Mga bata, halikayo, kain muna kayo" saka kami pumunta dun sa hapagkainan nina Lola, wala ng hiya-hiya. Matapos naming maglakad ng sobrang haba, nakakagutom kaya.

"Taga san ba kayong mga bata kayo? Pano kayo napadpad dito?" bigla naman akong napalunok.

Naalala ko, kasalanan ko nga pala.

Iimik na sana si Beb pero naunahan ko.

"Kasalanan ko po" admit ko naman, my fault.

Bigla namang umimik si Ayame.

"Kasalanan ko po"

Ha? Napatingin ako sa kanya.

"Beb?" napatanong ako, anong siya? Eh ako nga diba?

"Kayong mga bata kayo, ano ba talaga, sinong may kasalanan?" kumakain lang kami habang nagkwekwentuhan.

"Ako po ang may kasalanan" sabi ko kay lola.

"HIndi po, ako po" sabi naman ni Beb.

Nagkatinginan kami. Ano ba talaga?!

"Yung totoo mga bata? Sino talaga?!!! -_-" medyo poker face na si Lola.

"AKO PO!" sabay pa kami ni Beb.

"Hala, sige na, pareho na kayo! =O= Ano bang nangyari?" tanong ni lola.

"Ganto po kasi yun, ano po kasi, gawa po, bale" sabay pa kaming magsalita ni Beb.

"MGA BATA, ANG LABO NIYO, ISA-ISA MUNA." hala, patay, galit na si lola.

"Ako muna" sabi sakin ni Beb.

"Lola, ako po may kasalanan, 'to po kasing boyfriend ko pinagtripan ko kanina, ayun nagselos, dinala ako sa kung saan without knowing na may mangyayari palang hindi maganda" si Beb yan, ewan ko, pero napapangiti ako.

Napapangitii ako kasi.

She admitted I'm her boyfriend.

"Magnobyo pala kayo mga bata?" napatanong naman si Lola.

Nagkatinginan naman kami ni Beb.

"Ah-- Ano po kasi--" si Beb yan.

Di ko na mapigilan, napaimik na ako.

"Beb, sasabihin mo lang na Oo, OPO lola, kami po" proud ako, bakit ba? tunay naman!

"Mga kabataan talaga ngayon, eh nag-aaral ba naman kayo? Aral muna bago yang lab lab na yan ha. Lab can wait." sabi yan ni Lola.

WOW. LAB CAN WAIT.

"Opo. opo" sagot naman namin ni Beb.

"Lola, kayo po ni Lolo?" napatanong naman ako.

"Anong meron hijo?"

"Paano po kayo nagkakilala?"

"Actually, blinokmail niya ako nung kabataan namin" bigla naman akong napalunok. Napatingin ako kay BEB.

"Pano po yun LOLA?" bigla namang naging interesado si Beb sa lovestory nina lola.

"Nung araw kasi, may gusto yan sakin *point fingers kay lolo* eh ayaw ko sa kanya, ang ginawa niyan, kinuhaan ako ng kinuhaan ng madaming litrato, ang uso pa dati ay mga negatives diba? ayun, karamihan dun masasama yung kuha, ipagkakalat daw niya yun at ipapadebelop. Sabi ko wag, ayun, maging nobyo ko daw siya at tapos ang usapan. Napilitan na lang ako.." kwento ni Lola.

Nakakatuwa and at the same time, nakaguilty. Pareho kami ng lovestory.

Nakakapgsisi tuloy na nakapagopen pa ng ganung topic.

"Eh pano po yun? Nagwork po ba?" tanong ni Beb. Curious talaga siya.

"Siguro naman, tamo naman kami ngayon? Matanda na.. Magkasama pa din" sagot ni lola.

"Paano po lola?" tanong pa din ni Beb, interesado talaga siya.

Nakasmile lang sila, bigla siyang napatingin kay lolo, si lolo naman, nakain lang.

Nakatingin lang kami kay lola, nag-aantay ng mga sasabihin niya.

Paano nga ba?

"Alam mo hija, ang love, unpredictable yan. Hindi natin masasabi kung kelan dadating, kung paano at kung saan. Hindi mo alam kung nandiyan na yung tamang tao. Kung iyon na ba ang tamang oras. Para yang sinaunang litratong kuha sa kamera, parang yung mga negatives, pede mo yang itago at hindi ipadebelop kung hindi ka pa handa. Yun nga lang, mananatili itong walang buhay at malamya. Pero mas maganda pa din ang mga negatives kapag naipadebelop na, nagiging litrato, nagiging makulay. Ang love ay parang negatives. Kapag pilit mo yang itinago, walang mangyayari, either masisira o mananatiling nakapreserve pero pwede mo namang ipadevelop diba para maging makulay.For short, Love is like negatives, mas maganda kapag nadedevelop. Love is photographs, it is colorful."

Natigilan ako sa mga sinabi ni lola.

Si Beb din.

"Kaya kayong dalawa, panatilihin niyo yang love sa heart niyo. Panatilihin niyong colorful ang love sa buhay niyo. Remember na white is the presence of all colors and black is the absence. Mas maganda kung pantay diba? Okay?"

Napatingin ako kay Beb, napatingin din siya sakin.

"Siya tara na, tapusin na natin ang ating pagkain ng tayo ay makatulog na. Maaga pa ata kayo bukas. Sasamahan ko pa kayo sa labasan" saka nagsmile si Lola.

Itinuloy na lang namin yung pagkain namin.

Tama siya. Tama si Lola..

"Love is photographs, it is colorful."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top