Chapter 8
Nickel's POV
Hindi ko alam kung saan kami pupunta...
Basta ang alam ko lang, gusto kong masolo 'tong babaeng 'to.
Kasi naman... Solohin ba naman daw ni Neon.
At nakipagtawanan pa...
Nakakaasar tuloy.
Oo na. Kung ano man ang nararamdaman ko sa babaeng 'to. Be it.
'Yan na nga ba e. Kung bakit ang mga trip trip nagiging seryoso.
Oo na, mahal ko na. Ata?
Tss.
Nasa BATANGAS kami, hindi ko din alam ang pasikot-sikot dito...
We are in the middle of nowhere.
BAHALA na...
Maya-maya pa, biglang tumigil yung motor...
Hindi ko alam kung anong nangyari...
"Nickel, anong nangyari?" bigla niyang natanong, hindi ko din alam.
"Hindi ko alam, saglit... Baba ka muna, check ko lang..."
"K"
Palaging ganun yung sagot niya, 'K'.
Yung totoo? Nagtetext lang ba 'tong babaeng 'to?
Ichineck ko na agad yung motor.
Wala na palang gasoline.
Nasa gitna kami ng kawalan.
Anong gagawin namin?
PATAY.
"Ano na? Anong nangyari?"
"Ano kasi... Wala na palang gasolina..."
"WHAAAT?! Pa'no tayo uuwi?!"
"Di ko dala ang cellphone ko at kung dala ko man yun, walang load!" medyo nagpapanic na ang boses ng BEB ko. We're stranded.
Kasalanan 'to ni NEON! HAHAHA. Joke.
Kasalanan ko pala. Kung di ko lang pinagselosan yung bonding ng GIRLFRIEND ko at ng pinsan ko kanina!
"Beb, sorry." hindi ko alam ang sasabihin ko. Nakakahiya sa girlfriend ko.
Tumingin siya saken. Kita ko sa mata niya, teary eye na siya.
Bigla siyang umupo at saka umubob.
Halaaa.
Umupo din ako, katapat niya.
"Beb." pinipindot ko yung braso niya. Hindi siya umiimik.
"Uy, beb.." nakaubob pa din siya. Halaaa.
Lumapit pa ako ng konti, hinagip ko yung kamay niya.
"Uy, beb, sorry na.." hawak ko na yung kamay niya, hindi siya natingin.
Bigla siyang tumunghay. Umiiyak siya. Hala, ang BEB ko.
"Eh kasi naman *huk* nasan ba kasi tayo? *huk* paano tayo uuwi? *huk* mamaya magdidilim na *huk* BEB naman! *huk* mamaya may mga cannibal dito, kaninin tayo!" bigla akong napatawa.
What the fck. CANNIBAL?!
"Bakit ka natawa?! Umiiyak na nga ako dito. BEB gaaaaaa!" natatawa ako at the same time napapangiti.
'BEB' daw, kanina pa niya akong tinatawag na BEB.
"Dito ka nga" saka ko siya hinila at hinug.
"Wag ka ng umiyak, nandito naman ako. Makakauwi tayo" makakauwi din kami.
"Paano na tayo ngayon???" medyo kumalma na siya.
Saka kami tumayo, hawak ko pa din kamay niya.
Hindi ako nanananching, GIRLFRIEND ko siya noh.
"Tara" sabi ko sa kanya, di ko na naman alam kung saan kami pupunta.
Sumunod na lang siya, hawak ko pa din kamay niya.
Di ko siya bibitawan.
NEVER.
Ayame's POV
Kanina pa kaming naglalakad ni Nickel BEB. Ang aking "BOYFRIEND" na niyaya ako sa kung saan sakay ng isang sasakyang may dalawang gulong na nawalan ng GASOLINA! Hindi ako nagPAPANIC!!! Don't worry!!! Jeeez.
Back to normal. Kalmado na naman ako kanina pa.
Medyo naiilang ako, kanina pa kasi niyang hawak yung kamay ko. Eeeeh.
Hindi ko alam kung nasaan kami.
Di na lang ako umiimik, nakikilakad na lang ako.
LAKAD siya. LAKAD ako.
Hawak kamay kami.
Di ko alam kung bakit pero natutuwa ako.
Natutuwa talaga ako, ewan ko kung anong feeling 'to.
Yung napapangiti ka ng di mo alam kung bakit.
Yung masaya ka na may humahawak sa kamay mo.
Yung alam mo sa sarili mo na safe ka.
Yung yung..
Yung tipong parang lumulundag sa tuwa yung heart mo.
Ay leche, kinikilig ba ako?!
NOOOOO. No. No. No.
Hindi pwede, tintrip lang ako nito e.
Bale naglalakad nga lang kami.
Alangan naman LUMIPAD ako noh?
Pero kinikilig nga ata ako. Alaaaa!
Change topic.
Bale, kanina pa talaga kaming naglalakad. Walang katapusang paglakad, medyo nangangalay na ako.. Di ko lang sinasabi baka masira ang moment.
HASHTAG: #MEDYO #TALANDI
Teheee.
"Dito tayo" saka lumiko si Nickel dun sa kung saan man, teka, alam niya ba talaga kung saan kami papunta?
Sumunod na lang ako. I mean, kasunod niya talaga ako. HOLDING HANDS WHILE WALKING IN NOWHERE KAMI E.
Di ko mapigilan talaga, napapangiti talaga ako.
Yung tipong para kaming nasa bundok ng kawalan pero okay lang.
Oh my god. No, I can't fight this feeling anymore.
Naglalakad lang talaga kami.
Mayamaya pa, nakakita ako ng ilaw sa may di kalayuan.
"MAY BAHAY!" napasigaw ako bigla, ito naman boyfriend ko, tumingin lang sakin. Ok, kakahiya. As if, ngayon lang ako nakakita ng BAHAY! Like hello, may bahay sa bundok ng kawalan! OMFG.
Ngumiti lang sakin si BEB, after niya akong titigan.
Pinuntahan namin yung bahay.
May ilaw, meaning may tao.
Kumatok kami.
Mayamaya pa, may nagbukas na matanda.
Nickel's POV
"Magandang gabi ho lolo." bati ko dun sa matanda.
"Magandang gabi po" bati nitong girlfriend ko.
"Hello lolo???" nakatingin lang sa amin si Lolo, no response.
"Hi po.." sabi ni Beb.
Nakatingin lang talaga sa amin yung matanda, maya-maya pa, may lumabas na isa pang matanda.
"Good Evening mga hijo at hija" matandang babae.
"Good Evening po Lola" bati namin.
"Pasensya na kayo ha, bingi siya" sabay turo ni lola kay lolo.
Nge?
Kaya naman pala.
"Ah, lola, nawawala po kasi kami.." si Beb yan, dirediretso. Ganito pala 'to pagnawawala, madaldal.
"Ayy ganun ba mga hija at hijo? Magdidilim na, buti hindi kayo inabot ng dilim sa daan." medyo nakakatakot yung pagkakabitaw ni lola sa lines niya. Bakit naman kaya?
Si Beb, medyo napalapit pa sakin ng konti, hawak ko pa din yung kamay niya.
"Ano po bang meron dito pag gabi lola????" si Beb yan, parang takot yung tone ng pagtatanong niya.
"Tuwing gabi, kasabay ng paghihip ng hangin, sa pagpapaalam ng liwanag ng haring araw at sa pagsayaw ng mga dahon sa puno, kasabay ng pagtalukbong ng buong kadiliman sa himpapawid.." medyo nakakakilabot na yung mga sinasabi ni Lola.
Titig na titig lang kami ni Beb.
Yung totoo? Natatakot na din ako.
For sure, 'tong girlfriend ko, takot na takot din.
"LOLA ANO PO BANG MERON DITO?!" nagulat naman ako dito sa girlfriend ko, lakas makatanong.
Ngumiti si Lola.
Si Lolo naman, nakatingin lang sa amin, medyo napapangiti.
Ano daw yun?
Biglang humangin ng malakas.
"Beb.." dumikit na sakin si beb. Takot na talaga 'to. Lola naman, sabihin mo na kung anong meron dito.
"Tuwing gabi kasi..."
Titig na titig kami ni Beb kay lola.
"Kasabay ng paghihip ng hangin"
Napapalunok na ako..
"Sa pagpapaalam ng liwanag ng haring araw"
Medyo kinakabahan na ako, si Beb naman dikit na dikit na sakin.
"at sa pagsayaw ng mga dahon sa puno"
"ANO NGA PONG MERON LOLA?!!!!" bigla na lang napasigaw si Beb. Nagulat kaming lahat.
"Wala naman hijaaaa, medyo creepy lang dito kapag gabi. Dami kasing puno. Hehe, tara sa loob, tuloy muna kayo"
Kaunting katahimikan.
HIndi ko maabsorb.
ANO DAW YUN?!
Si Lolo, ngingiti ngiti sa amin.
'tong dalawang matandang 'to, pinagtritripan ata kami.
Si Beb naman, tuloy pasok sa loob, iniwan na ako sa may pinto. Masyado atang nadala dun sa sinabi ni lola. Natakot nga ata.
Pumasok na din ako sa loob, dumidilim na din kasi.
Halaaa, kelan pa kami makakabalik ng resort?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top