Chapter 7
Neon's POV
"Hi Mister, alone?" biglang may lumapit sa aking chicks. See? Hahaha! Si Nickel kasi hindi pa sumama... Masyadong loyal sa girlfriend. HAHAHA! *GWAPO LAUGH*, hindi ko kasi pedeng gamitin ang *HANDSOME LAUGH*, kay kuya Tungsten yun e.
"Yea, maybe. Haha! Common, let's dance..." by the way, nandito ako sa isa sa mga club ng resort. Ang aga-aga magbukas, parang yung club lang nina Kuya Tungsten. Yung The Chemical Element Club. Yes, kanila yun.
"O sure... Common baby..." see? So Hot in here. Whatchasay about the endearment?
After that club ek,ek. Lumabas na ako. Grabe, ang daming chicks dito sa resort nina Tyrone. Buti pala at isinama ako ni Camella.
Pumunta na lang ako sa may seashore/seaside/shoreline basta sa tabing dagat.
"Hmm... Hmm... Hmm..." teka ano yun? May naghahum? Baka chicks ulit. Ano ba yan, kalat ang mga chicks sa lugar na ito..
Pumunta na lang ako dun sa lugar kung saan nanggagaling yung HUM. Nasa may likod siya ng bato at teka... Girlfriend 'to ni Nickel ah... Yung si Ayako? Ayari? Ayana? Aya ano nga? Basta may Aya sa pangalan nito.
Nagpakita ako sa kanya, hindi ko naman talaga siya gustong gusto, siguro type kasi maganda. Hahaha! Niloloko ko lang si Nickel.
"Hi, Miss..." bati ko agad. Tumingin naman siya sa akin, ang cold ng tingin niya. Eeh? Tapos umiwas na lang ulit. Whaaat? DEADMA?
"Miss pedeng makiupo sa tabi mo?" iniintay ko siyang sumagot pero hindi naimik. Siguro paos? O kaya naman sadiyang deadma lang noh?
Umupo na lang ako sa tabi niya, di naman pinagbabawal e.
"Miss, I'm Neon... Nickel's cousin." sabi ko sa kanya with matching kindat sabay abot ng hands. Hahaha! For sure maaattract 'to sakin.
Again, hindi niya ako pinansin, napapaisip na tuloy ako, ANO BANG NAGUSTUHAN ni NICKEL dito?!
Magsasampung minuto na akong nandito pero hindi talaga ako pinapansin nung gf ni Nickel, grabe naman yun, panis na ang laway ko dito...
Iniintay ko siyang umimik.
Asa namang iimik 'to...
Nakaupo lang kami sa seashore ng biglang...
F@#! Napasinghot ako ng wala sa oras! Nakakahiya naman, bawas pogi points!
Nagulat na lang ako, bigla siyang tumawa! Eeh?! Napatawa ko siya?
Nakitawa na din ako kahit alam kong nakakahiya... Yuck lang ako e. Sa harapan pa ako ng isang chicks suminghot.
"Beb, nandito ka lang pala... Hinanap kita sa loob wala ka... Tara na?" bigla na lang umimik si Nickel... Tapos hinila yung BEB niya... HAHA! Selos yan for sure. Ako pa, lalo pa't ang alam niyan, type ko GF niya. Neh, kanya na. Turn off na sa akin ang GF niya. Singhutan ko ba naman daw?!
"Beb ano ba, masakit... Sasama naman ako sa'yo e... Sige, bye Neon! " sabi ni Ayame with matching kindat? WHAAAT?! What the hell is happening on earth?!
Napasmile naman ako dun, siguro type ako ng gf niya. HAHAHA! JOKE. Asa naman e noh?!
Ayame's POV
Napatawa ako kanina.
Ikaw ba, singhutan ng gwapong nilalang sa harap mo... TURN OFF!
Tapos bigla pang dadating itong BF mo na halatang selos na selos, ang sarap nilang pagtripan... Alam niyo yun?!
Lumantad tuloy ang malanding side ko ng di inaasahan. Nakindatan ko pa si Neon? Ang landi ko kanina. PATAWAD.
At eep. Nakitawag pa ko ng 'beb' dito sa BF ko raw siya.
"Bakit mo kasama yun?" pakealam mo?
"Wala, nagdedate." Asarin ko kaya 'to? Matingnan kung seryoso talaga sa mga pinagsasabi niya nung isang araw... He's serious daw at he's gonna make me fall for him... Weh?Sige nga, HOW?~
"Date pala ha, bakit hindi mo naman sinabi? Dapat pala, nagpaset ako ng date, yung TAYO lang dalawa... hindi yung kung kani-kanino ka sumasama!" ayan na nga, galit na...Meaning ba nun, seryoso talaga siya? WEH?
Hindi ko na lang siya inimikan, bahala siyang mag-isip ng kung anu-ano. Ganti ko na sa pagbablockmail niya sakin.
Nakarating kami sa isang parang party venue pero maliit lang. Ang daming seafoods.
"Ew. Why the smell in this place so fishy?!" bigla-bigla na lang may naimik, si Camella pala... Ang arte! Grabe. Siyempre... SEAFOODS ang handa e, magtaka ka kung amoy PORK!
"FISHY?! Arte mo! Ang bango nga dito e!" sigaw pa nung isa. Yung GF ni crush, si ate Khas.
"HEH! Palibhasa malansa din ang amoy mo!!!" -Camella.
"Aba't!!!" - Ate Khas.
"Oh, tama na! mag-aaway pa!!!" awat nung si Tyrone ata?
Maya-maya, kumalma naman ang dalawang panig.
Eh, bahala sila...
Basta ako, kakain na lang! YUMMY!
Tatayo na sana ako para lantakan ang mga pagkaing nakahain kaso bumida na naman si boypren kunoh.
"Oh, diyan ka na lang... Ikukuha na kitang pagkain..." sabi sakin ni boyfriend ko, (kinareer?)
Tumango na lang ako, haha. May instant utusan ako.
Sige, pagsilbihan mo ako.
"Ayan, kain..." after niyang makakuha ng food, yan agad yung bungad niya sakin... kung mautusan ako. Kutusan ko kaya tong NICKEL IRON na 'to?
"K" at bumalik na ulit ako sa pigging deadma... Uunahin ko na muna yung pagkain ko kesa sa pakikipag-away sa isang 'to.
"Sa susunod wag kang nagsasasama kay Neon..." siya yan, ewan ko kung anong facial expression niya. Feeling ko lang may inis sa pagkasabi niya. SELOS naman kasi si 'beb' ko.
Ayame, landi.
"Bakit naman? Pinsan mo naman yun diba?"
"Basta wag kang nagsasasama dun..."
"K"
Ganyan lang kami mag-usap... Natatapos sa isang 'K'.
Kasi naman...
Ah, wala.
Pagkatapos naming kumain, pumasok na sila sa loob.
Kami ni Nickel, nandito lang sa labas. Wag daw muna akong pumasok e. May pupuntahan daw kami.
Bigla na lang niya akong hinila...
San kaya kami pupunta?
"Oist. San ba tayo?"
Hindi siya sumasagot, maya-maya pa, naramdaman ko na lang...
Nakasakay na pala kami sa isang motor...
WHAAAT?!
"Kapit kang mabuti..." siya yan... Teka, san ba kami pupunta?!
"Teka, Nickel, san ba tayo pupunta?"
"Basta... Kumapit ka..."
"San nga?!" natatakot ako... Hindi dahil sa kung saan kami pupunta.
Kundi dahil...
First time ko kayang sumakay ng motor...
Ang alam ko kasi delikadong sumakay sa ganitong kaklase ng sasakyan.
Yun ang sabi ni Papa sa amin ni ate kaya nga hindi niya kami pinapasakay sa motor.
Nanginginig yung kamay ko, kinakabahan ako.
Inistart na ni Nickel yung engine... Kinakabahan talaga ako...
Napakapit na lang ako sa kanya...
Hindi yung HUG. Wala, nakakapit lang talaga... Baka naman kasi isipin nito nanananching ako...
"Ano ba 'BEB', higpitan mo, malalaglag ka niyan e..." saka niya hinila yung kamay ko payapos sa katawan niya...
May nahawakan ako, hindi ko alam kung ano... ABS?!
"WAG NA WAG MONG TATANGGALIN." Hindi ko alam kung warning yan o pinagtitripan ako kasi naman...
Nagbigay pa ng seductive smile pagkatapos bitawan yung line!
Namumula tuloy ako...
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top