Chapter 4


Ayame's POV


BORING pa rin ang buhay ko kagaya ng dati, minsan nga naiisip ko na lang, ano kayang purpose ng pageexist ko sa mundo? At ano kaya ang purpose at ginawan ako ng istorya ng author na 'to? Wala namang espesyal sa akin, sa katunayan nga, isa lang ako sa mga napakadaming taong dahilan ng pagiging over populated ng Pilipinas.

Mula noong nakita ko si Crush sa likod ng chapel, hindi ko na siya nakita pang muli. Siguro mga 2 weeks na rin.

Hanggang ngayon nga nagtataka pa rin ako. Bakit siya umiiyak?

Ngayon lang ako nacurious sa isang tao. Wala naman talaga akong pakialam sa mga nasa paligid ko e pero bakit ganoon? Bakit pag dating kay crush? Nacucurious ako? Err. Naabnoy na ata ako.

Kakatapos lang ng klase, punuan ang mga sasakyan. Mapa jeep, tricycle at mga taxi. Kasi naman yung teacher namin sa PE, hindi agad nag papractical, ayan inabutan ako ng rush hour.

Halos mag kakalahating oras na akong naghihintay ng taxi para makauwi. Hindi naman sa hindi ko kayang lakarin pauwi, actually, walking distance lang naman yung bahay namin sa school. Yun nga lang, tramo yung dadaanan papunta sa subdivision namin kaya medyo delikado. Balita ko nga maraming holdaper do'n. Kaya ayun, sa halip na maglakad pauwi, nagtataxi ako.

Naghintay pa ako ng ilang minuto pero wala talaga. Punuan.

Sa halip na ugatin ako sa kinatatayuan ko, nagdecide na akong maglakad pauwi. First time ko 'tong gawin.

Oo, kinakabahan ako. Danger is everywhere.

Sa awa ng Diyos ay nakarating ako ng ligtas sa may gate ng subdivision namin, nagulat yung guard nang makita niya ako.

"Ah, Miss, saan po sila?" tanong niya sa akin. Di na ako nagtaka pa. Tuwing uuwi kasi ako nakataxi ako kaya hindi niya ako nakikita.

"Evangelista Residence." sabi ko sa kanya at ipinakita yung ID ko.

"Ay, sorry po Ma'am." binuksan niya yung gate at pinapasok ako.

Mula sa gate ng subdivision namin, medyo malapit na yung bahay namin.

Lumiko na ako sa unang kanto papunta sa may bahay namin nang may madatnan akong nag-aaway sa gitna ng daan. Napatigil ako, kasi naman yung mga babae sa unahan ko nagsitigilan rin.

Nakita ko sa di kalayuan ang isang lalaki at isang babae. Napakunot ang noo ko sa nakita ko.

"Camella, bakit? Bakit ka nagpapakatanga kay kuya?! Hindi ka no'n mahal! Ang mahal no'n si Tiffany! Wag kang tanga! Ako, mahal kita! Bakit hindi na lang ako?!" hawak hawak niya ang braso noong babae.

Bigla naman siyang sinampal nung babae. *PAK* Ang sakit nun.

"How could you tell me I'm stupid?! I know I'm stupid! But Nickel, mas stupid ka! Alam mong hindi kita gusto pero ipinagsisiksikan mo pa rin ang sarili mo sa'kin! You too are stupid! Pareho lang tayo!"

Mas lalo pang napakunot ang noo ko nang makita ko ang mukha noong lalaki.

Oo, 'yung lalaki. Kilala ko 'yung lalaki.

"I-I'm sorry..." Napatungo naman yung lalaki. Nakaramdam ako ng awa.

Iniwan na siya nung babae. Kitang kita ko sa mukha niya ang inis at galit.

Maya-maya pa, tiningnan niya yung mga taong nakikiisyoso sa paligid, maging sa akin ay lumingon din siya.

Napalunok ako at napaurong.

Nagkatama ang aming mga mata. Hindi ko alam pero bigla akong kinabahan. Yung mga titig niya. Hindi. Alam kong ,may mali.

Nang makita kong palapit siya, dali-dali akong tumakbo papalayo.

Hindi ko rin alam kung saan ako pupunta. Siguro sa kabilang kanto na lang ako dadaan papunta sa bahay? Iikutin ko na lang siguro para iwas sa lalaking 'yon.

Nakarating rin naman ako sa bahay. Hingal na hingal akong pumasok sa loob. Nakita ko pa si ate na nanonood ng TV.

"Ate." tawag ko sa kanya, lumingon naman siya.

"Bakit?" malapad na naman yung ngiti niya.

"May kaklase kang kambal?" tanong ko para safe. Kanina pa talaga akong naguguluhan. Gusto ko talagang malaman kung sino yung nakita ko.

"Oo."

"Anong pangalan?" tanong ko pa.

"Si Barium at Nickel." sagot niya ng mabilis

"Ah" sabi na nga ba. May mali.

"Bakit?" tanong pa niya.

"Wala." umakyat na ako at nagkulong sa kwarto ko.

Sino nga ba yung nakita ko kanina? Si Barium ba o si Nickel?!

--

HINDI ko akalaing ang araw na 'yon pala ang magiging mitsa ng pagsisimula ng masalimuot kong buhay. Gaaad, ang lalim.

So ayun nga, after kong malaman na kambal pala yung crush ko at yung si Nerd na naging gangster este monster e hindi ko na mapigilan ang hindi mapaisip. Kung kambal sila, sino yung nakita ko sa chapel dati? Si CRUSH ba o si MONSTER?

Parang kailan lang, napakaboring ng buhay ko at pag-aaral lang ang iniisip ko tapos ngayon, kung kani-kanino ng buhay ang pinoproblema ko.

Monday na ngayon at papunta na naman ako sa school.

Pasakay na ako ng taxi noon nang may biglang humawak sa braso ko.

"Wait..." mas nagulat pa ako nang makita ko siya. Bigla na naman akong kinabahan at the same time, may kakaiba akong naramdaman.

"Get off your hands..." Sabi ko sa kanya.

"Kapatid ka ni Aika diba?" tanong pa niya sa akin.

Nagtaka naman ako, kilala niya pala ako?

"Yes. I am my sister's sister. And so?" sabi ko sa kanya, napapa english tuloy ako. Nagulat na lang ako sa sinagot niya.


"I LIKE YOU!"


Natigilan ako pero nakabawi rin naman agad.

Ang galing magjoke. Agang aga.

Naramdaman ko namang umalis na yung taxi na pinara ko. Ayy. Malelate ako nito e.

Hinarap ko yung lalaki.

"Kuya ano ba? Hindi nga kita kilala e tapos sasabihin mo you like me like duh?" sabi ko sa kanya at umalis.

Sino naman kayang niloko niya? Gusto niya raw ako?

Umuna na ako. I guess, maglalakad na naman ako?

Yung lalaki naman, sunod lang ng sunod. Tinatawag niya rin ako pero hindi ko siya nililingunan.

Grabe? Bakit ba niya ako sinusundan?

Ano bang trip niya?

Hanggang sa makarating ako sa school. Dali-dali akong pumasok para hindi na siya makasunod at nakahinga naman ako ng maluwag nang maiswipe ko yung ID ko at mawala siya sa paningin ko.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top