Chapter 29

Ayame's POV

Malakas ang hiyawan ng mga tao nang makita nila kaming rumampa sa stage. By partners kaming nagpakilala kanina. Sampu ang candidates at pang walo kami. Casual attire na.

Kanina noong mag-umpisa ay wala pa sina ate doon sa reserve seat na para sa kanila. Siguro late kasi sina kuya Tungsten lang ang nando'n. Di ko na sila makita ngayon kasi mas dumami yung tao. Pero kanina, kita ko katabi nilang nakaupo si Nickel na may hawak na banner, "Go beb" yung nakalagay sa banner. Nakaramdam naman ako ng konting kilig. Siyempre konti lang. Iba nga kasi talaga ang pakiramdam ko ngayon. Yung mga tipong, "Don't fuck with me, I've had enough." Siguro kasi mula bata ako, nasanay na akong mag-isa. Yung walang kakampi. Although I know na nandyan si ate. Ewan ko ba sa sarili ko, bakit ang hirap kong iplease.

Nakangiti lang kaming nakaharap sa judges habang tinatarahan nila yung papel.

"Thank you candidates!" sabi nung host ng pageant matapos makarampa ang lahat.

Isa-isa na kaming bumalik sa backstage, long gown na ang sunod. Rarampa lang and after that pipili na ng top 3 tapos Q&A na.

Nagbihis na ako. I saw Trizia at the backstage at nginitian niya ako. Ang weird niya. Kung dati ay sobrang maldita niya sa akin, ngayon ay iba iba na.

Nang makapagbihis ako ay lumabas na rin ako. I'm wearing a long black gown. It's a tube type mermaid gown.
I saw Kenzo waiting for me, "Seatmate."

He is dressed nicely. We both look like as if aattend kami ng prom.

"Nice suit." pagpuri ko sa kanya.
"Ikaw nga diyan e. You look completely different." puna niya sa akin.

Alam kong double meaning yung sinabi niya. I just smiled at him and tried to ignore what he said, "I'm still the same."

"Sabi mo e."

I just nod at him. Bumulong pa siya bago kami tuluyang lumabas ng stage, "Basta kahit anong mangyari, win or lose, ikaw pa rin dapat yung nakilala kong Seatmate ha. Yung malditang Ayame."

I pinched his cheeks, kulit e, "Oo na."
Matapos naming rumampa ay pumili na ang judges ng Top 3. Masayang masaya kami lalo na si Margeux nang tawagin nila ang pangalan namin, we made it to Top 3.

Q&A. Isa lang ang tanong para sa lahat, both girls and boys. Nagbunutan kami kung sino ang muuna at mahuhuli and I'm the last one to answer.

The thing is habang hindi pa nakakasagot ang iba ay magsusuot muna ng headset na may malakas na music para hindi marinig ang sagot ng mga mauuna.

Naunang tanungin ang boys. Since I'm the last one to answer, I was wearing the headset the whole time at hindi ko narinig ang sagot nila.

Medyo kinakabahan ako. Knowing na ako ang huli, maaaring ang sagot ko ay naisagot na ng mga nauna.

After few moments, lumapit sa akin ang isang production staff. He took of the headset I was wearing at narinig ko na ang hiyawan ng crowd. Mas lalo akong kinabahan.

"Contestant #8, how are you feeling today?" tanong sa akin ng host nang makalapit ito sa akin. Sobrang kinakabahan ako.

"I-I'm doing good." mautal utal kong sabi.

Napatingin ako kay Kenzo, he mouthed na ngumiti ako so I did. I need to calm down.

"Alright, good to hear that! So here's your question.." natahimik ang crown na para bang iyon ang una nilang beses na maririnig yung tanong.

Napalunok ako at nagpatuloy naman siya, "If you will be given a chance to go back to a specific timeline in your life, when would it be and why?"

Natigilan ako sa kanyang tanong. Bumalik sa akin ang lahat ng nangyari. That day was both a dream and a nightmare. A dream for someone gave life and a nightmare for someone had given her own life. Hindi ko na napigilan ang pagpatak ng aking luha.

"C-contestant #8, a-are you alright? W-water please." I smiled at him and nod. Binigyan nila ako ng tubig at uminom naman ako. Sa tuwing maaalala ko talaga ang bagay na 'yon, I'm getting too emotional and I hate it.

"Ok na?" pabulong na tanong sa akin ng host.

"Yes, I'm sorry."

He smiled at umiling siya, "No don't be. Whenever you're ready.."

I composed myself and faced the crowd, "A child is God's gift to the parents so as the parents to their own child..and they say that you're very lucky if you have both of your parents to take care of you."

I paused and look for my ate, nakita ko naman siya and her eyes were teary. Nagpatuloy lang ako, "I have a different case. Yes, I'm so lucky I have a great dad, I know you all know him but..that can't change the fact that I still have never met my Mom and.. I never will..so if I will be given a chance to go back to a specific timeline in my life, I'll choose to go back to the time where my Mom is still alive."

Di ko na napigilan, muli akong napaluha. Ibinigay ko na sa host yung mic. Bakit ba kasi ganun yung tanong e.

Narinig ko naman ang palakpakan ng crowd.

I was just being real.

"Thank you so much Contestant #8 that was so meaningful and touching. I know your Mom, wherever she is.. she's proud of you."

Kenzo pat my shoulders and gave me his hanky, "That was so brave..so brave of you."

"Madaya ka e. Di ko narinig ang sagot mo." biro ko sa kanya at kinuha yung panyo niya. Parang nung isang araw lang ako ang nagbigay ng panyo sa kanya.

"Wala namang kwenta yung sagot ko. Walang wala sa sagot mo."

"Naman!"

"Oo nga."

Maya maya pa ay inannounce na rin nila ang winner. Sobrang kabado kaming lahat at hindi ko inaasahan ang mga sumunod na nangyari.
Umakyat yung adviser namin sa stage. She reached for my hands and shake it before giving me the flowers. Yung isa namang judge, sinabitan ako ng sash while the other is crowning me.

Ganun din si Kenzo.

Hindi ako makapaniwala. I mean. Sa lahat ng nandito, kami talaga yung nanalo?

"Congrats Seatmate!" masayang bati niya sa akin. Hindi pa rin mag sink in. Hanggang sa magpictorial, di pa rin ako makapaniwala.

"Congrats Ms. Evangelista, you deserve it." he again congratulated me before he went down the stage.

Margeux from behind appeared in front of us and congratulated us as well, "Sabi sa'yo! You can make it." He's so happy for me.

"Thank you."

Natapos ang program and I saw my sister na paakyat ng stage. She hugged me tightly, "Congrats Yame! I'm so proud of you." naiiyak niyang bati sa akin.

Hindi pa rin magprocess ng ayos ang utak ko. Medyo buffering pa rin but I hugged her back, "Salamat ate."
Kinongrats din ako nina ate Khas, kuya Tungsten at iba pang kaibigan ni ate.

Kinongrats din nila si Kenzo.

Nagsimula nang mag-alisan ang mga tao sa event. Hanggang sa kokonti na lang yung natira.

'Where is he?' tanong ko sa aking sarili. Kanina lang ay nandito siya at may hawak na banner pero nasa'n na siya? Ba't bigla siyang nawala?
I sighed. Bumaba na kami ng stage. Kasama namin si Kenzo. Sabi nina ate, may hinanda raw sila na party para sa akin. Manalo matalo, it was all set. I asked Kenzo to join us since utang ko rin naman sa kanya kung bakit ako nakasali. Nag-agree naman agad siya.

Dumiretso kami sa parking at nagulat ako sa nakita ko, it was Nickel and Kena. They are talking. Kumirot ng konti ang puso ko. Anong ginagawa ni Kena dito?

Mukha namang naramdaman nila ang presensya namin at tumingin sila sa aming direksyon. I stared at them with my cold eyes.

We were filled with so much silence hanggang sa magsalita si ate Aika, "Kena, may sasabihin ka sa kapatid ko diba?"

Napakunot ang aking noo. What are they talking about?

Lumapit si Kena sa akin and started to talk, "That night was all a lie." naguguluhan ako, anong sinasabi niya? "Walang nangyari sa amin ni Nickel, I just set it up." pagpapatuloy niya. "Call me childish, yes, I was and I'm sorry for being one. I'm sorry for being selfish and too insensitive." she said in serious tone. Mukha namang sincere siya.

Hindi ko alam ang sasabihin ko, I was left dumbfounded.

Maya maya pa ay lumapit sa akin si Nickel. This time, may dala na siyang isang bouquet ng bulaklak. Lumuhod siya sa harapan ko, "Beb. I'm sorry. Please give me another chance." he's now crying.

I'm speechless. Hindi ko alam ang sasabihin ko. Naguguluhan ako.
Nilingunan ko si Kenzo but to my surprise, tulala lang siya, putlang putla at hindi makaibo na para bang nakakita ito ng multo.

"K-kenzo?" tawag ko sa kanya pero hindi siya sumasagot. Sinundan ko ang tingin niya at nakatingin lang siya sa isang tao. Why is he looking at her?

"A--/You!" sabay pa sila ni Kena na magsalita. Hindi ko maintindihan ang nangyayari. Kenzo is stuck frozen habang si Kena naman ay galit na galit. Magkakilala sila?

Napayuko si Kenzo. Si Kena naman ay umiwas ng tingin. What's happening?
"I already said sorry, siguro naman makakaalis na ako?" pagmamataray na sabi ni Kena.

Naguguluhan pa rin ako. Anong meron sa kanila ni Kenzo?
I told Nickel to stand up, sabi ko sa kanya mag-uusap kami mamaya.
Maya maya pa ay umalis na si Kena. Nilingunan kong muli si Kenzo, ngilid ang luha niya.

It was an awkward moment hanggang sa nagsalita na si ate, "S-so, tara na?" yaya niya sa amin.
Hinarap ko si Kenzo, "Tara?" anyaya ko sa kanya.

Umiling lang siya at ngumiti, "Next time na lang." sabi niya bago siya tumalikod.

Gusto ko sana siyang kausapin ngunit parang ang lalim ng iniisip niya. Muli akong napaisio, ano bang meron sa kanila ni Kena?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top