Chapter 28


Ayame's POV

Dalawang linggo na ang nakakalipas mula noong maghiwalay kami ni Nickel. Kahit pa nakipagbreak ako sa kanya, palagi pa rin niya akong pinupuntahan sa bahay, sa school at sa kung sa'n man ako magpunta. Halos araw araw nga kung tuusin. Sa panunuyo na ginagawa niya dapat lang na matuwa ako kasi nageeffort siya pero bakit gano'n, bakit wala akong maramdaman? Parang may kulang.

"Don't frown Ayame, masisira yung make up mo. We're aiming to win right?!"

Napatingin ako kay Margeux (Margo), make up artist ko sa pageant. Kakilala siya ni Kenzo na siya ring nagrefer dito.

"Look at you, you're damn pretty!" inihinarap niya sa akin ang isang salamin.

Hindi ako makapaniwala sa nakita ko, is this really me?

"Kenzo, come here, look at my creation!"

Dali dali namang lumapit si Kenzo sa amin.

Tiningnan niya ako, I mean tinitigan niya ako na para bang first time lang niya ako nakita.

"Anong masasabi mo?" tanong ni Margeux dito.

"Y-you look amazing without your eyeglasses." mautal utal niyang sabi.
Napangiti naman ako, is that even a compliment?

"T-thank you." I said smiling, "Ikaw din."

Margeux told me to remove my eyeglasses and wear contacts instead. Aside sa pagiging make up artist ay isa rin siyang stylist kaya siya na rin ang pumili ng mga susuotin ko para sa pageant.

Sabi ni Ate, manonood daw sila ng mga classmates niya. I wonder kung seryoso siya.

"5 mins to start!" sigaw nung production coordinator.

Sa totoo lang ay medyo kinakabahan ako. Ito ang unang beses na sasali ako sa ganitong contest.

"Relax ka lang Ayame ha. Smile lang palagi! We can win this!" sabi sa akin ni Margeux.

I nod at him. He's gay.

"Seatmate, kaya natin 'to basta ngiti lang ha." sabi sa akin ni Kenzo at hinawakan ang kamay ko.

After few minutes nagsimula na ang pageant.

-

Aika's POV

"Khas, Danna! Bitbitin na 'yan! Ilang minuto na lang maguumpisa na yung pageant!" sabi ko sa kanila. Dala dala ko ang dalawang bag na kanina'y dala nila.

"Girl, ang bigat naman nito e. Dapat sinama natin yung mga boys." sabi sa akin ni Khas.

"Nah, this is a girl thing." sabi ko sa kanya.

"Y-you f-freaks..W-where a--are y-you b--bri--nging me?!" mahilo hilo niyang sabi.

"I'm going to bring you to my sister and you will apologize for what you did!" pabulyaw kong sabi sa kanya.
Aangal pa sana siya pero masamang masama talaga yung tama niya.

"Yan, yan napapala ng mga hayok sa alak." tatawa tawang sabi ni Danna.
Isinakay na namin sa kotse si Kena. And yes, you read it right. Nandito kami sa tapat ng condo niya. Kakababa lang namin matapos niyang pahirapahan ang sarili niya. Yes, siya na yung nagpahirap sa sarili niya.

We just confronted her and she did the rest.

Ano nga ba ang nangyari?

Flashback

Hindi na ako mapakali. Hindi ko talaga kayang makitang nagkakaganoon ang kapatid ko. Okay na siya e. She's getting better. Kailangan kong ayusin ang kung ano mang problema nila ni Nickel.

I asked Tungsty to find out where this Kena girl is living. Hindi naman ako binigo ng Tungsty ko and he gave me the address few days after kong ipakiusap sa kanya. Ang galing nga e, nakuha niya agad. Tinatanong ko sa kanya paano niya nakuha, ang sabi lang niya sa akin, magic daw.

Sinakyan ko na lang yung trip ni Tungsten Iron.

Tinawagan ko rin si Khas. Sabi ko sa kanya, may plano ako and I need Danna's help as well..and our evil plan? Simple lang, one on one talk with Kena.

We set the date. Danna brought Tyrone's car.

Kinatok namin yung pintuan ng condo unit niya. Ilang sandali lang at nagbukas na yung pinto.

Nakataas yung kilay niya na parang nagtatanong kung sino kami at kung anong pakay namin sa kanya. Walang nagsasalita sa amin.

Kena looked at me na para bang may inaalala, after awhile, she finally talked, "You're Tungsten's girlfriend right?"

I nod proudly.

"What brought you here and how did you know my place?" mataray niyang tanong sa akin. May pagkamaldita nga pala itong coach nina Tungsty.

Nilabas ni Danna yung cassette tape at player sa bag niya. Maliit lang yun at nagkasya sa bag niya.

Pagkakuha niya ay plinay niya ito.
Gulat na gulat si Kena sa narinig niya. Yes, it's her call recording with Nickel.

"Y-you!" akmang hahagipin niya ang cassette tape kay Danna pero nailayo niya agad ito.

"Alam namin kung gaanong ito makakasira sa image mo, Kena Lara, heiress of Lara's Corp. One of the leading Pharmaceutical Companies in PH."

Mukhang nagulat siya sa sinabi ko.

"H-how--"

We did our research bago kami pumunta dito.

"Just so you know, we made several copies of this call recording.." sabi ko sa kanya, nilabas naman ni Khas mula sa bag niya ang iba pang tapes.

"Meron din akong mp3 file na back up na nakasave sa flashdrive na 'to." I said while showing her the flashdrive na nakasabit sa isang puting lanyard.
Mukhang inis na inis na siya. Well, that's our aim, ang inisin siya.

"Y-you!!! What do you want?!" pagalit na tanong niya sa akin.

I smirked, "Simple lang.." tiningnan ko siya, mata sa mata, "Magsorry ka sa kapatid ko."

"W-whaaaat?! NO WAY!" matigas niyang sabi.

"Ah okay. No way pala." I turned my back. Ganoon din sina Khas at Danna.

"T-teka..s-saan kayo pupunta?!" naghahabol na tanong niya sa amin.

"To the broadcasting and newspaper companies? Malaking scoop 'to. Mapagkakakitaan pa namin." sabi ko ng tatawatawa.

"N-no! Y-you can't do it! Mapapahamak si Nickel pag ginawa niyo yan!"

Nilingunan ko siya, "Are you really concerned about him or are you just concerned about yourself?"

Hindi siya nagsalita.

"May pride din." bulong ni Khas sa akin.

Muli namin siyang tinalikuran at saka naglakad nang habulin niya kami.
She grabbed my arms, "C-can we talk about this?" nagmamakaawa niyang tanong sa akin.

She's teary eyed. Aba't may konsensya rin?

Nagkatinginan kami nina Khas and Danna and we all agreed.

"T-tara, sa loob tayo." anyaya niya sa amin.

Sumunod kami sa kanya at pumasok sa loob ng condo niya. Makalat ang loob, nagkalat na chips at may pinaginuman pa sa salas. I think, she's really a drinker.

Naupo kami sa mini bar malapit sa kusina niya. Kumuha siya ng alak and she started to drink.

Ganito lang ang gawain niya?
Kung gaanon nga, nakakaawa siya.
She's starting to cry, nakakaawa yung hitsura niya. Ayoko ng tingnan.

Iniwas ko ang tingin ko sa kanya at tumingin na lang sa aking relo, "Limited lang yung oras namin." sabi ko sa kanya.

Rinig ko ang hikbi niya. Iiyak-iyak na siya.

"Girl, tunay ba yan o drama lang?" tanong ni Danna sa akin, mukhang naaawa na rin siya.

I shrugged. Hindi ko alam, basta ang alam ko ngayon, this girl needs to say sorry to my sister. She hurt her so she should be.

"Wag kayo maawa diyan. Hindi nga naawa kay Ayame 'yan e." nagmamalditang sabi ni Khas. She has a point pero nakakaawa talagang tingnan si Kena.

"A-about the recording. W-wala nama kasing nangyari sa amin ni Nickel that night. We just kissed." iiyak iyak na siya habang umiinom ng alak. So now she's confessing.

"Eh di sabihin mo yan kay Ayame." mataray na sabi ni Khas.

Mas lalo pang umiyak si Kena, "Please, itapon niyo na 'yan. Burahin niyo na." nagmamakaawa niyang sabi sa amin.

"Hindi namin 'yon gagawin hangga't hindi ka nagsosorry kay Ayame." matigas na sabi ni Danna.

"You're being unfair to me." she mumbled, "Ano na lang sasabihin ng mga tao sa akin?! Kapag nilabas niyo yan, alam niyo ba ang mangyayari sa akin?" medyo nagagalit na naiiyak siya. Patuloy pa rin ang pag-inom niya.

"Bakit? Nung ginawa mo ba yun kay Ayame inisip mo yung mararamdaman niya? Diba hindi?" sabi pa ni Khas.

Sinimangutan niya kami. Kanina lang nagpapaawa siya and now she's mad again na para bang kami ang may atraso sa kanya.

Ano ba ang mahirap sa paghingi ng tawad?

"Urrrrrgh!" Hinawi niya yung display sa mini bar niya. She breaks almost all the goblets na nakadisplay doon. Yung ibang wine din nabasag, "Fine! Fine! Let's just put it this way." Kinuha niya ang isa pang alak, "One on one! Shot! Kapag natalo niyo ako sa inuman, magsosorry ako kay Ayame, pero kapag natalo ko kayo, you will burn all those tapes including that flashdrive!" hamon niya sa amin.

Napalunok ako, alam niyang hindi kami nag-iinom. Now she's being unfair to us!

"No---" natigilan ako nang magsalita si Danna.

"Alright, that's the deal? I will." sabi niya.

Nagulat ako sa kanya, "Seryoso ka Danna?" tanong ko pa.

She smiled at me, "Trust me."

Nilingunan ko si Khas and she's just smiling. Weird.

Hinayaan ko na lang sila. The deal is, one on one sina Kena and Danna. Uubusin nila ang isang bote ng 85% alcohol na alak.

Nagsimula na silang uminom. Tuloy lang ang tagay, si Danna muna then Kena. Walang chaser o pulutan. Purong alak lang.

Concerned ako kay Danna. Baka kasi mamaya saktan siya ng tiyan, ang aga pa naman.

Nanonood lang kami ni Khas. Namamangha ako sa tuloy tuloy nilang pag-inom.

Halos nakakakalahati na sila ng bote. I looked at them both mukhang okay naman sila pareho. Muli akong napalingon kay Khas, "How?" pabulong kong tanong sa kanya habang tuturo turo kay Danna.

"Mataas alcohol tolerance ni Danna. Hindi siya basta basta tinatamaan." she answered. I was so amazed. May tao palang ganun?

Hanggang sa paubos na nila ang isang bote. I saw Kena holding her head na para bang nananakit na ito. Does this mean victory for us?

Sa huling baso ng alak na si Kena ang iinom, bigla siyang natumba, "URGGGGH! You bitches!!! I give up." bulyaw niya sa amin.

Tumayo si Danna and held her hand towards Kena, "Paano ba 'yan, we won."

Hindi na nakasagot si Kena. Mukhang hilong hilo na talaga siya.

End of flashback

At 'yon ang buong nangyari.

Isinakay na namin si Kena sa kotse ni Tyrone. Danna will drive. Yan ang friend ko, ang tindi diba?

We're now on our way to Ayame's pageant. Tamang tama kasi nandoon din si Nickel ngayon. This is it. This is our chance para magkaayos na sila. I hope magkaayos na sila at sana magkaayos na talaga sila!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top