Chapter 27

Tungsten's POV

Hindi ko mapigilan ang mapakamot sa aking ulo. Saang ulo? HUE HUE HUE *manyak laugh* Bahala ka ng mag-isip.

Sobrang nakakapangati naman kasi ng ulo ang ipinapagawa sa akin ng Tiffany ko. Sa totoo lang, nuunawaan ko siya. Sayang naman nga kasi ang pinagsamahan ni Sister-In-Law at ng kapatid ko.

Palabas ako ng library, ibinalik ko yung hiniram na libro ng Tiffany ko. May lalakarin daw siya kaya ako na lang magbalik. Tiwala naman ako sa girlfriend ko at syempre sa kagwapuhan ko kaya pinayagan ko siya. Isa pa, kasama niya si Khas, yung chix ni Barium. Si Barium nga pala ang nakaduty sa mental ngayon. M-W-F ang schedule. Tuwing Monday si Nickel, tuwing Wednesday si Barium at ako tuwing Friday.

Patuloy lang ako sa pagkamot sa ulo ko, may narinig pa nga ako, "Siguro may kuto siya. Kanina pa siyang kamot ng kamot."

"Baka naman dandruff."

"Ewwww"

Nilingunan ko sila at nagulat ako sa nakita ko.

Kaya pala big deal pati pagkakamot ko sa ulo ko, they are none other than...*drum rolls*

June 1, June 2 at June 3!

Sinaman ko sila ng tingin, "May problema kayo?!"

Grabe sila makapanghusga. Paano sila nakakasigurado na may kuto o dandruff ako?! Ha?! Sabihin mo nga!

Inirapan lang nila ako at saka nagwalk out. Mga babaeng 'to. Pati ulo ko pinagchichismisan!

Ngayon ko lang napagtanto, ang hirap pala pag sobrang gwapo mo. Kapag sobrang gwapo ka, akala nila matalino ka. Madaling ikubli sa panlabas na anyo ang mga bagay na sa tingin nila'y kaya mo pero hindi.

Oo, aminado ako. Gwapo ako pero naman! Hindi naman ako postal office na alam ang address ng isang random na tao.

Nakapagtanong na ako sa mga kakilala ko pero masyado raw private na tao si Coach Kena kaya hindi rin nila alam.

Madali lang naman kasi talaga itong ipinapagawa ng Tiffany ko. Alam ko kung saan ko pwedeng kuhanin ang address niya pero nagdadalawang isip ako.

Pwede kong makuha yung address sa counseling office ng school na ganun kadali kaso kasi ang nag-aasikaso doon ay walang iba kundi ang babaeng rapist na yun.

Nung narinig ko ang call recording ni Nickel at Coach, naalala ko ang lahat. Nadidiri ako, I feel so divirginized!

Malandi ako dati, oo pero virgin pa sana ako kung hindi lang ako naisahan ng rapist na babae na yun!

Hanggang ngayon wala pa ring alam ang Tiffany ko. Ni hindi ko nga alam kung may nangyari ba talaga sa amin ni rapist o ano basta mula noong araw na yun hindi ko na siya kinausap pa.

Kakasuhan ko sana siya sa salang rape pero ayoko ng palakihin pa. Magcocause lang yun ng malaking gulo.

Lumabas na ako ng library, sakto namang nakita ko si Neon na nakasandal doon sa may dulong pader. Para lang siyang ewan kasi lilingon lingon siya na parang may tinataguan. Nilapitan ko siya.

"Oy bro!" bati ko sa kanya. Mukha naman siyang nagulat at namutla.

"Hinaan mo boses mo." bulong niya sa akin.

"Huh? Bakit ba?" casual na sabi ko sa kanya.

"Human..human?" rinig ko ang isang boses sa di kalayuan.

"Shhhh.." nilagay pa niya yung hintuturo niya sa may bibig niya, "That crazy girl is following me."

Napalingon ako at saktong paglingon ko, nakakita ako ng isang babaeng nakaputi, may floral crown ito at walang sapin sa paa. Saan kaya ang photoshoot niya?

Biglang umihip ng malakas ang hangin, "HUMAN!" masayang masaya siyang tumungo sa kinaroroonan ko. Ako ba tinatawag niya?

Nilingunan ko si Neon, ang putla putla niya, parang hindi siya makagalaw, "Again"

Tumigil siya sa tapat namin, "Bakit mo ako iniwan! Diba sabi ko sa'yo, kailangan nating hanapin ang katawan ko!"

Galit na galit yung babae kay Neon. Naguguluhan na ako, magkakilala ba sila at anong katawan yung sinasabi niya?

Lalo akong napakamot sa ulo ko. Ugh!
Napatingin sa akin yung babae, "3F Fox Bldg. Bermuda Highway" natigilan ako sa pagiisip nang marinig ko siyang magsalita.

"A-ano?"

"Hi! Tungsten Iron Corpuz, anak ni Magnesium Iron Corpuz na anak ni Iron Corpuz. I'm Chi! Nice meeting you!" ngitian niya ako ng pagkalapad.

"P-paano--"

"I'm Chi, I'm a lost soul--" naputol yung sasabihin niya nang magsalita si Neon.

"Ahh--ano kuya Tungsten..oo! Soul, nagsosoul searching siya! Nagpapasama nga siya sa'kin e hahanapin raw niya yung sarili niya. Punta raw kaming Seoul!"

"Ahh" napatanga na lang ako sa kanila. Seoul Searching pala. Baka hahanap ng Oppa.

"Tara na human!" hinila ni Chi si Neon paalis. Nilingunan pa niya ako at kinindatan.

Nageecho sa akin yung sinabi niya, "3F Fox Bldg. Bermuda Highway" posible kaya?

-

Third Person's POV

Pilit niyang iniinda ang mabahong amoy sa kwarto na kanyang nililinis.

"Ano ba naman yan! Ang daming pagiinvestan ni Lolo sa mental pa. Pwede namang sa mga 5 star Hotel o Resto"

Ang buong akala niya ay magaan lang ang trabahong mapapasukan niya ngunit nagkamali siya.

"Sir Barium, pagkatapos niyo po maglinis diyan, doon naman po kayo sa kabilang cell sunod." Magalang na utos sa kanya ng isang trabahador.

"Sir, sir. Kung Sir ako dapat nasa opisina ako e. Ugh! Si Lolo talaga!!"

He brushed the floor at ang pagitan ng tiles nito. "This is so gross!" paghihimutok pa niya pero wala na rin siyang magagawa, nandoon na e.

Matapos niyang linisin ang sahig ng Cell 8, nagtungo na siya sa kabilang cell.

Nakakapagtaka lang at kakaiba ang cell na ito, may nakaguhit sa "spade" symbol sa pintuan nito at may nakalagay na "Restricted Area" sa baba nito, nakasulat ang initials na "A.T.E"

Pinasok niya ang silid. Hindi ito kagaya ng ibang cell. Kumpleto ito sa gamit at mukhang isang studio type na apartment. Bukod sa kama ay may ref ito, munting kusina at sariling banyo.

Wala masyadong kalat, para ngang bagong linis lamang ito.
Tinungo niya ang bintana sa may side table.

"Ahh, sarap ng hangin dito" sabi niya nang maramdaman niya ang paghampas sa kanya ng hangin.

Muli siyang napalingon, malinis naman ang buong silid "Lilinisin ko pa talaga 'to?"

Kahit pa sobrang linis ng silid ay nagsimula na siyang maglinis.
Inuna niya ang kama na naroon. Itinupi niya ng ayos ang kumot at inayos ang punda ng unan.

Isinunod niya ang side table. May nakapatong dito na picture frame. Hindi ang litrato ng isang masayang pamilya ang nakakuha ng kanyang atensyon kundi ang basag sa picture frame na 'yon.

Tinitigan niya ang parte na may basag at nakita niya ang isang babaeng may karga na sanggol.
Hindi mapakali si Barium, ang babae sa picture, alam niyang may kahawig ito.

Ibinaba niya ang picture frame at nagpatuloy sa paglilinis. Pinunasan niya ang cabinet hanggang sa may nalalaglag mula sa gilid nito.

Sa pagitan ng pader at haligi ng cabinet, may nakita pa siyang isang litrato. Nanlaki ang mata niya nang makita kung sino ang nasa litrato.

Ang babaeng masayang may karga na bata sa picture frame ay nakahandusay sa sahig, duguan ito at tila ba wala ng buhay. Kapansin pansin ang malaki nitong tiyan. Sa gilid niya ay isang matandang babaeng may hawak na baril. Nakayuko ito dahilan para hindi makita ang mukha.

"Sir Barium?" napabalikwas siya nang marinig ang tinig ng trabahador na kanina'y nagmamando sa kanya.
Dali dali niyang itinago ang litrato sa kanyang bulsa. Ipinagpatuloy niya ang paglilinis na para bang wala siyang nakita.

Bumukas ang pinto at nakita siya ng trabahador dito, "Naku Sir. Hindi po ito yung kwarto na sinasabi ko sa inyo. May private cleaner po dito. Pasensya na po di ko kayo naorient."

"Ah, ganun ba? Kaya pala ang linis linis na!" pabiro niyang sabi dito.

"Sige na Sir dun na tayo sa kabilang cell." sumunod siya dito at lumabas ng silid.

"S-sinong nakaadmit doon?"

"Naku Sir. Hindi ko rin po alam. Bago bago lang din po kasi ako dito at sabi po ng dating Head Nurse, confidential daw po."

Napalingon siya sa nakasalubong niyang lalaking naka-mask. Nakasakay ito sa wheelchair at tila ba tulala.

"Basta Sir ang alam namin, si Dr. Spade ang may hawak sa pasyente don."

"Dr. Spade?"

"Yung pinakamagaling po naming doctor dito."

Nakarating sila sa kabilang cell, naamoy na naman niya ang kakaibang baho ng silid.

"Sir, dito na po tayo. Kapag po may kailangan kayo, tawagin niyo po ako."

"S-sige."

Iniwan na siya nito.

Muli niyang kinuha ang itinago niyang litrato sa kanyang bulsa. Napapalunok siya habang tinititigtitigan ito.

Ibinalik niya ito sa kanyang bulsa. Inayos niya ang kanyang gloves. Piniga niya ang mop sa timba na kanyang dala at nagsimulang maglinis.

Hindi pa rin matahimik ang kanyang isipan, sino ang kayang gumawa ng karumaldumal na krimeng ito?

-

Lalishka's Note: *Kawaaaaaii* Marami pong salamat sa mga nagcomment sa previous chapter! Bigla akong sinipag magupdate. Wag lang mauusog! Labyu all :*

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top