Chapter 26
Aika's POV
"Tiffany ko. Tiffany ko, bili tayong ice cream." pacute na sabi sa akin ni Tungsten Iron habang nakapout yung lips niyang nakaturo sa isang ice cream parlor.
Hindi ko talaga maintindihan 'tong lalaking 'to. Sa aming dalawa, siya yung ubod ng pabebe. Minsan nga naiisip ko, sa aming dalawa siya yung babae.
Nagtungo kami doon sa bilihan ng ice cream. Maraming bata ang nakapila.
"Tiffany ko, ano sa'yo?" malaway laway na tanong niya sa akin. Nilalabas labas pa niya yung dila niya na parang takam na takam talaga.
"Hoy Tungsten Iron tigil tigilan mo nga yang pagdila dila mo, kailan ka pa naging ahas?" puna ko sa kanya. Nagmumukha na rin kasi siyang perv sa pagdila dila niya at tinitingnan na siya nung mga magulang nung mga batang bumibili ng ice cream.
Mas lalo pa niyang nilabas yung dila niya na parang naglilick na talaga siya ng ice cream, "Sarap kaya Tiffany ko." mas lalo tuloy akong kinilabutan sa kanya. Ang sarap tuloy hilahin nung dila niya.
Napabuntong hininga na lang ako.
Pagkabili namin ng ice cream, naupo kami sa isang bench sa park. Kakatapos lang ng practice nila.
Patuloy pa rin yung paglick niya sa ice cream habang ako naman ay nakatingin sa mga taong padaandaan.
Naalala ko yung kapatid ko. Noon ko lang siya nakitang umiyak ng ganon.
Sa totoo lang, hindi ko rin talaga siya makapa. Bata pa lang kami ay iwas na siya. Tahimik at parang walang pakialam. Kung makikipagusap man siya sa akin ay limited lang.
Kaya nga noong nalaman kong may boyfriend na siya ay natuwa ako. Nakikihalubilo na siya. She stepped out of her comfort zone.
Pero di pa rin talaga mawala sa isip ko kung gaano siya nasaktan at nalungkot sa nangyari sa kanila ni Nickel.
"Tiffany ko."
Naputol ang pag-iisip ko nang tawagin niya ako. Napalingon ako sa kaniya, "Mukhang ang lalim ng iniisip mo ah."
"Huh?"
"Tunaw na 'yang ice cream mo oh. Akin na nga sinasayang mo lang e" kinuha niya yung ice cream ko at saka niya ito nilick. Napakatakaw talaga nitong boyfriend ko.
Muli akong napaisip. Sabi sa akin ni Ayame narinig daw niyang may kamakeout si Nickel over the phone. Ayokong magjump sa conclusion na meron nga at totoo nga.
"Tungsty, wala bang nauulit sa'yo si Nickel?" tanong ko sa kanya habang busy pa rin siya sa pagkain ng ice cream.
"Nauulit na ano?" titingin tingin siya sa akin habang patuloy pa rin ang pagkain.
"About sa kanila ni Ayame."
"Alam mo Tiffany ko," didila dila pa rin siya sa kinakain niya, "Gwapo lang ako pero hindi talaga kami ganun kalose ni Nickel. Hindi nga yun nagoopen up sa akin e. Tanungin mo ako about kay Barium, mismong oras ng pag-utot no'n kaya kong sagutin." sabi niya sa akin saka isinubo ang dulo ng apa noong ice cream.
Nalungkot ako sa sinabi niya. Paano ko ba matutulungan ang kapatid ko. Gusto kong magkaayos na sila. Ayoko ng nakikitang nahihirapan at nasasaktan siya.
"Wag ka na malungkot Tiffany ko. Alam kong may hindi pagkakaintindihan si sister-in-law at ang kapatid ko, pero, maayos din nila yun."
Sana nga ganoon lang kadali pero hindi e. Kilala ko si Ayame.
Hindi ko alam ang dapat kong gawin. Ang tangi ko lang alam, kailangan kong malaman kung ano nga ba ang nangyari that night. Yung gabi na tinawagan ni Ayame si Nickel.
Kung totoo ba ang narinig niya.
Tumayo na ako at naglakad pauwi.
Rinig ko pa ang sabi ni Tungsten, "Oy Tiffany ko! Saan ka pupunta? Wag ka maglakad uy, may car tayo!"
-
Tungsten's POV
Nabigla ako nang tumayo si Tiffany ko at nagsimulang maglakad. Sinigawan ko pa siya pero di siya nalingon.
Pinuntahan ko yung nakapark kong kotse at sinundan yung direksyon ni Tiffany. Naabutan ko naman siya.
"Tiffany ko." tawag ko sa kanya, magkasabay na kami. Yun nga lang lakad siya sa sakay ako ng kotse. Ito pala yung literal na sinasabing "Sasabay ka? Oo sasabay ako."
Nagagalit na rin yung mga nasa likod ko kasi sobrang bagal ng patakbo ko. Kanina pa silang bumubusina, yung iba nagoovertake na, sigawan ko nga yung isa "E di lumipad ka! Paliparin mo yang kotse mo!" bwisit e. Kitang may hinahabol ako.
"Tiffany ko, Tiffany ko!" patuloy pa rin ang pagtawag ko sa kanya pero parang bingi siya. Ito problema sa girlfriend ko e. Pag tinotopak siya, ang lakas ng tama. Di na lang ako papansinin, wala naman akong ginagawa.
Hanggang sa nakarating kami sa bahay nila. Sinundan ko siya sa loob. Di pa rin niya ako pinapansin.
Di ko alam kung nagalit ba siya kasi wala akong kwentang kausap o dahil gwapo lang talaga ako.
"Tiffany ko." patuloy pa rin ang panunuyo ko sa kanya.
Dumiretso siya sa kwarto niya. Para lang akong aso na nakasunod sa kanya.
Kinuha niya ang isang box sa cabinet at naupo sa kama niya.
"Tiffany ko, diba yan yung cellphone na binigay ni Nickel kay sister-in-law?"
Di pa rin niya ako kinakausap. Malala na talaga ito. Matatakot na ba ako?
Naka off yung phone kaya binuhay niya ito. Tandang tanda ko pa, magkakasama kami nina Barium, Vana at Dad nang binili ni Nickel yung phone na yun.
Ang sabi ni ni Nickel, ibinigay daw kasi ni Ayame yung phone niya sa isang taxi driver sa sobrang galit nito sa kanya. Nagtawanan na lang kami nina Dad. Ang bait naman talaga magalit ng sister-in-law ko, namimigay ng cellphone kasama pa yung charger.
Tinitingnan ko lang ang ginagawa ng Tiffany ko. Nagbabrowse through siya sa call recordings. Ano naman kayang hinahanap niya?
Hanggang sa may priness siyang recording at nashook ako sa narinig ko. Dalawang pamilyar na boses ang nasa recording.
"That night.." nagulat ako hindi dahil sa wakay ay kinausap na ako ng Tiffany ko, nagulat ako kasi iniEnglish na niya ako. Mukhang mapapalaban ata ako, nagpatuloy lang siya "..that night, nung nagdinner kayo with your team, what happened?"
Nagkibit balikat ako, hindi ko naman kasi talaga alam kasi nasa labas lang ako all the time. Pumasok lang ako nang medyo gabi na at niyaya kong umuwi yung dalawa kong kapatid.
"You heard it right? That girl on the recording.." matalim na ang tingin sa akin ni Tiffany. Parang kakainin na niya ako ng buhay. Napatango na lang ako sa sobrang takot, "..who is she?"
Nirewind pa niya yung recording at hindi ako pwedeng magkamali.
"S-si coach yan." sabi ko kay Tiffany ko ng nanginginig ang boses. Natatakot kasi ako sa kanya pag nababadtrip siya e. Feeling ko lagi ako may kasalanan.
"What's her name?" seryoso niyang tanong sa akin. Sinagot ko na lang siya.
"K-kena. Kena Lara."
"Ano siya ni Nickel?" parang iniinterrogate niya ako na kung ano.
"W-wala. Ang alam ko lang may gusto yan kay Nickel pero di naman yan pinapansin ni Nickel." totoo naman at obvious na obvious.
"Alam mo kung saan siya nakatira?" tanong pa niya.
"Siyempre Tiffany ko..HINDI! Bakit ko naman aalamin?!"
"Pwes, alamin mo." matigas niyang sabi.
Ayy grabe Tiffany ko. Kailan pa ako naging detective!
"Ano bang plano mo Tiffany ko? Kinakabahan na ako sa iyo e."
Sa halip na sagutin ay kinuha niya ang phone niya at saka nagdial. Napakanice talking talaga ng Tiffany ko. Kaya mahal na mahal ko ito e.
Siguradong hindi ako ang tinawagan niya. Medyo mahina ang usapan nila pero di ko na inusisa pa. May tiwala ako sa kagwapuhan ko at alam kong hindi ako lolokohin ng Tiffany ko.
Saan siya makakahanap ng isang gwapong kagaya ko? HAHAHAHA *handsome laugh*
After niyang makipagusap sa kung sino man yun, hinarap niya ako.
"Yung address ni Kena." paalala niya sa akin.
Napakamot naman ako sa ulo. Saan ko naman kukuhanin yun!
-
Kinagabihan, sabay sabay kaming nagdinner sa bahay. Gusto ko sanang kausapin si Nickel pero mukhang wala siya sa mood. Sobrang tahimik sa hapag hanggang sa magsalita si Lolo Iron. Oo nga pala, nandito rin si matandang hukluban.
"Magnesium, naulit mo na ba sa kanila." tanong niya kay Dad.
"Ang alin Lo?" tanong ni Barium na chismoso.
Nagpunas ng labi si Dad saka nagsalita, "Naginvest kami sa isang private mental institution and the three of you.." sabay tingin sa aming tatlo nina Nickel at Barium. "I want you to take charge of it."
"What do you mean Dad?" tanong ni Barium. Napatingin ako kay Nickel, mukhang wala itong kainteinteres sa usapan. Nilalaro lang nito ang pagkain niya.
"You will work part time in that institution." sabi ni Dad.
"WHAAAAAT?" muntik na akong mabulunan. "Ang baho kaya dun tapos puro baliw pa. Nah" reklamo ko. Ang gwapong tulad ko, magpapart time sa mental? Saka come to think of it, baka kapag nakita ako ng mga naka admit doon, mas lalo silang mabaliw sa kagwapuhan ko. HAHAHAHAHA *handsome laugh again*
"No violent reactions. You will all work there and that's final." sabi ni Lolo.
Ano pa nga, may magagawa pa ba kami?
Hanggang sa natapos kami sa pagkain. Si Nickel naman, ayun, lipad pa rin ang utak.
May isa pa pala akong problema. Yung address ni Coach Kena. Tsk.
Saan ko nga ba makukuha yun? Tiffany naman e!
---
Lalsihka's Note: Update update din pag may time! Sensya na natagalan uleeeeet. May nagbabasa pa ba? Nakakatunog na ba kayo sa mga susunod na kaganapan? Abangan sa mga susunod na kabanata ang paglabas ni Watergun! Mwehehe spoiler alert. Thank you sa mga patuloy na nagbabasa. Labyu all. :* <3
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top