Chapter 23
Nickel's POV
SINIPA ko ang isang in can na softdrinks na nakita ko sa daan.
"Kainis."
Bakit gano'n si Beb? Hindi naman siya gano'n dati ah!
Kitang kita ko ang panginginig niya kanina noong tinatanong ko siya kung sa'n siya nanggaling.
Sa bahay raw ng kaklase niya siya galing! Noong itatanong ko na kung sinong
kaklase, mas namutla pa siya. Sakto namang lumabas si Ate Aika.
Napatingin ulit ako sa cellphone ko na dating cellphone ni Beb.
Nakita ko na naman ang text ng Kengkong na 'yon bago pa man makarating si Beb.
'Seatmate, yung panyo mo, balik ko na lang bukas. -Gwapong Seatmate, Kenzo'
FCCCCCCKTHSBLSHHHHHHHHT!
ANONG GINAWA NIYA SA BAHAY NG KENGKONG NA 'YON?!
Beb, pinagtataksilan mo ba ako?!
Naglakad ako palabas ng subdivision namin. Hindi ko rin alam kung saan ako
dadalhin ng mga paa ko. Hindi ko alam kung saan ako papunta.
NAIINIS TALAGA AKO.
"Oy Nickel!" napalingon ako nang may tumawag sa'kin. Si Tyrant pala, kavarsity ko. Nakasakay siya sa kotse niya. Nakita ko pa ang iba kong kavarsity sa loob ng kotse niya nang ibaba nila ang bintana ng sasakyan.
"Pre, sa'n ka?" tanong sa akin ni Thayer, nakakabatang kapatid ni Tyrant na
kavarsity ko rin.
Nagkibit balikat ako. Hindi ko rin naman talaga alam kung saan ako pupunta in the
first place. Ang alam ko lang ngayon, naiinis ako sa sarili ko. Naiinis ako kasi hindi
ko nabantayan ng ayos si Beb. Naiinis ako kasi sa halip na ako ang kasama niya
kanina, kay Kengkong siya pumunta. Naiinis ako kasi sa pagtagal, napapalayo siya sa'kin. Naiinis ako kasi nagiging close na siya sa iba. Naiinis ako kasi wala ako sa
tabi niya the past few days. Naiinis ako kasi feeling ko napakawalang kwenta kong
boyfriend. Naiinis ako kasi ang tanga-tanga ko. Naiinis ako kasi hindi ko alam ngayon kung saan ako pupunta nang dahil
sa naiinis ako sa sarili. Naiinis ako. Naiinis ako!
"Sama ka na lang sa'min, nagyaya si Coach Kena, bar daw tayo. Nando'n din sina
Tungsten at Barium." alok nila sa akin.
Tumango ako. Ano pa nga ba? Wala rin naman ako pupuntahan kung sakali.
"Geh." sumakay ako sa sasakyan nila. Kasama rin namin sina Raven at Marlo.
"Bakit wala ka sa practice kanina? Hinanap ka ni Coach." tanong sa akin ni Thayer
nang makaupo ako.
"May inasikaso lang ako." sagot ko sa kanila.
"Ano naman?" tanong ni Marlo, "Mukhang importante ah." dagdag pa niya.
"Importante talaga." sagot ko sa kanila.
"May mas iimportante pa ba kay Coach? Alam mo pre, feeling ko may gusto sa'yo si Coach e." nanunuksong sabi ni Raven sa akin.
"Lul, may girlfriend ako."
Actually, hindi ko naman sineseryoso ang mga ginagawa ni Coach. Though minsan, nagiging clingy na siya to the point na para na siyang linta, hindi na ako nagbibigay ng ibang meaning. Baka siguro talagang gano'n lang siya.
Pinapabayaan ko na lang most of the time, ayoko namang mapahiya siya sa harap ng iba sakaling i-dump ko siya.
I was dumped before, I know how it feels. Kaya hindi ko na 'yun gagawin sa iba. Yun ay kung mayroon mang malisya ang mga ginagawa niya. Kung wala naman, e di better. Mahal na mahal ko si Beb at ayokong pag-umpisahan namin 'to ng gulo.
Coach Kena is nothing but a friend to me. She's just a friend.
"Oo nga pala, ano ngang pangalan ng girlfriend mo? Chix din yun e." tanong pa ni
Marlo.
"Ayame. Off limits pare." napatawa naman siya sa sinabi ko at nag hands up.
"Pero pre, don't get me wrong, mas chix talaga si Coach Kena. Suplada kasi yung
girlfriend mo. Nginitian ko yun nung practice natin, di man lang ako pinansin." -Raven
"Gano'n talaga 'yon. Kaya ko nga mahal e." sagot ko sa kanila.
Sa ugali talaga ni Beb na may pagkasuplada ako tinamaan. Kaya nga ngayong
nagbabago na siya, naiinis ako.
Mas gusto ko yung dati kong Beb.
Hindi naman sa madamot ako pero gusto ko, konti lang yung nakakasalamuha niya. Bukod sa pamilya niya, ako lang dapat at kung mayroon pang iba, dapat kilala ko rin at dadaan muna sa'kin.
Masyadong precious si Beb para ipagkatiwala sa iba.
Oo na, selfish na kung selfish pero, 'yon ang gusto ko para kay Beb.
Gusto ko kilala ko ang lahat ng kilala niya, lahat ng kaibigan niya.
Medyo over protective pero masisisi niyo ba ako?
Girlfriend ko 'yun at gusto ko lang ang mas makakabuti sa kanya.
"Sayang naman, mukhang patay na patay pa naman sa'yo si Coach. Kanina kaya
nung wala ka, ikot na siya." -Marlo
"Pero mabuti na rin yung taken na si Pareng Nickel, at least, malaki na yung chansa natin kay Coach." sabi pa ni Raven na ngingiti-ngiti. Ayos din 'tong mga 'to e.
"Yes right, maganda na sexy pa. Fck! I wanna lick her." biro pa ni Thayer. May
pagka perv din 'tong isang 'to.
"Kayo, ang dudumi ng isip niyo." saway ni Tyrant.
Maya-maya pa nakarating na rin kami sa bar na sinasabi nila, actually, kalabang bar 'to
nung bar ni Kuya Tungsten. Sila kasi e, ayaw sa bar namin, wala na raw thrill since
kilala na yung iba sa amin. Mas maganda raw kung sa isang bar kami na walang
special treatment, para masaya.
"Ayun sila." turo ni Thayer sa isang table sa bar.
"Coach!" sigaw nina Raven at Marlo. Kahit pa sobrang ingay sa loob ay rinig pa rin
ni Coach Kena ang tawag sa kanya. Lumingon pa siya at nakita kami. Mukha pa nga siyang nagulat nang makita ako pero napangiti rin naman agad.
Lumapit kami sa kanila.
Sa totoo lang, hindi naman talaga ako nagbabar e. First time ko noong magyaya si Coach last week. Nacurious lang talaga ako kaya sumama ako.
Masaya naman sa loob. Maraming acquaintances. Masaya, maingay. Para bang
nasa iba kang mundo. A world where you can escape, well, at some point.
"Nickel." niyakap niya agad ako nang makarating kami sa may table nila. Bahagya
ko naman siyang itinulak. Medyo nagulat naman siya.
Ngumiti na lang ako at bumati, "Coach."
Medyo lasing na siya. Amoy ko sa kanya.
Nakita ko pa sina Kuya Tungsten at Barium.
"Nickel, kala ko sinundo mo si Ayame?" tanong sa'kin ni Kuya Tungsten.
"Galing ako sa kanila." walang gana kong sabi, naalala ko na naman yung kanina.
Napatango naman siya.
"Ohh, I smell something, LQ kayo?" tanong sa akin ni Coach.
Umiling ako, ayokong malaman nila.
"Oh, Nickel! I know you. That's what brought you here!" yumakap siya sa braso ko.
Sa totoo lang, naiilang ako sa tuwing gagawin niya 'yon. Hindi ko lang alam kung
paano ko tatanggalin kaya minsan, hindi ko na lang tinatanggal. Baka kasi mapahiya pa siya. Pakunswelo ko na.
"Oh, tutal nandito na kayo, party party na!" sabi pa noong isa kong kavarsity na
siguro'y kanina pa ring nandoon, si Rouise, medyo nakainom na rin siya.
"Fight! Fight!" sigawan nila.
Hinila naman ako ni Coach papunta sa upuang katabi niya.
"Dahil wala ka sa practice kanina, Nickel, shot!" iniabot niya sa'kin ang isang glass
ng tequila kasama ang lemon at salt. Nagulat naman ako. Seryoso? 'yan ipapashot niya sa'kin?
"Ah, di coach, di ako umiinom." iiling-iling kong sabi.
"Isa lang naman!" sabi niya sa'kin.
"Di-di talaga coach."
Napaismid naman siya, "KJ ni Nickel oh!" sabi pa niya.
Napatingin naman sa'min yung mga kavarsity namin.
"Sige na shot ka na Nickel, bawi mo na tutal wala ka naman sa practice kanina!"
sabi pa nila.
Napatingin naman ako kina Kuya Tungsten at Barium, tatango tango lang sila.
Pagkaisahan daw ba ako?
"Sige na, nandito naman kami ni Barium e, ako magdadrive pauwi." sabi pa ni Kuya Tungsten sa'kin.
"Nickel! Nickel! Nickel!"
Napalunok na ako. Ano pa nga ba?
No choice. Kinuha ko 'yong lemon, saka yung tequila, pati na yung asin.
Nakatingin lang silang lahat sa akin.
"Go! Go! Go!" sabi pa ni Coach.
Piniga ko na 'yung lemon sa bibig ko, napangibit naman ako. Ininom ko na yung
tequila pagkatapos at sinunod 'yung asin.
Ang asim! Ang pakla! Ang alat! Naghalo halo na!
"Wooo!" sigawan nilang lahat noong maka shot ako. Ngingibit ngibit pa rin ako.
Naramdaman ko naman ang paghila sa akin ni Coach. Dinala niya ako sa dance
floor.
Hindi ko alam kung anong nangyari pero parang nahihilo ako. Nagdodoble ang pangingin ko.
Kita ko pa rin ang pagsasayawan ng mga tao sa paligid. Magkakahalong ingay ang naririnig ko. Mga upbeat na music, mga halakhak at kung anu-ano pa.
Nagsasayaw lang si Coach sa harapan ko nang bigla niya akong hinila papunta sa
kung saan.
"C-cooa-" pinipilit kong magsalita pero nahihilo talaga ako.
Nakarating kami sa isang kwarto. May maliit na living room at sa isang tabi nito ay
may kama. Nasaan na kami? Anong ginagawa namin dito?
Hinila niya ako paupo sa sofa.
Nakita ko pa ang pagsara niya ng pinto.
Muli siyang bumalik sa kung saan ako nakaupo. Hinaplos haplos niya ang mukha ko.
Nanghihina ako, at the same time, nahihilo. Hindi ko alam ang gagawin ko.
"C-coach."
"Ssssh." tinakpan niya ng kanyang hintuturo ang labi ko.
"C-coach."
"Tell me, anong nangyari sa inyo ng girlfriend mo?" tanong niya sa'kin. Nahihilo pa
rin ako.
"N-nagkamisunderstanding lang k-kami coach." sagot ko sa kanya.
"Really?" hinahaplos haplos pa rin niya ang mukha ko.
Tumango naman ako. Ngingiti-ngiti siya habang hinahaplos ang mukha ko.
"Pretending I'm Ayame, what will you tell me para maayos natin yung problem?
What will you do?" she said seductively. I even saw her unbuttoning her top.
"C-coach?"
"Come on Nickel, I want to know ~" sabi pa niya at ipinulupot niya ang braso niya sa leeg ko.
"Speak up Nickel, I'm Ayame now ~ What will you say, what will you do?"
Hindi ko alam kung anong nangyayari, kung naghahallucinate ba ako o ano pero isa lang ang nakikita ko ngayon sa harapan ko, si Beb.
"B-beb?" nginitian niya ako, ang aliwalas talaga ng mukha niya.
"Yes beb?" sagot niya sa akin.
I can't believe na nandito siya.
"Look Beb, I'm sorry if I get too cold kanina. Kasi naman-" nakatingin lang siya sa akin na tila ba naghihintay ng mga sasabihin ko.
"What beb?" her voice is so sweet.
"Bakit kasama mo si Kengkong kanina? Bakit ka pumunta sa bahay nila? Alam mo
namang ayoko sa kanya. Bakit mo 'yon nagawa?" napakunot ang noo niya. Kinuha ko naman ang cellphone ko at pinakita ko sa kanya ang sinasabi ko.
"Nagtext siya sa'kin kanina. Hindi niya siguro alam na nagpalit na tayo ng phone." sabi ko pa. Napangiti naman siya habang binabasa 'yong text sa phone ko.
"Beb, I'm sorry." sabi pa niya sa'kin. Inilapag niya ang phone ko sa table na katabi
ng sofa. Muli niyang ipinulupot ang kamay niya sa leeg ko. "I'm so sorry."
Hinawakan ko ang mukha niya at hinaplos haplos 'yon, "Yes, yes I know. I know you will not do such things."
Tumango tango lang siya.
"Beb-"
Nagulat na lang ako nang higitin niya ako nang mas malapit dahilan para lumapat
ang labi ko sa labi niya.
She's too greedy to claim my lips. Napapikit na lang ako. She's kissing me
passionately. This is the first time that she kissed me that way. Napakapit na lang ako sa bewang niya. She's intense, I my, too. We want it. I know, we really do.
Narinig ko pa ang pag ring ng phone ko pero wala ako sa huwisyong tingnan pa 'yon. Maya-maya pa, nakaramdam ako ng pagkulo sa tiyan ko. Bllsht. Why now? Napahiwalay
ako sa kanya and suddenly, I blew.
"Ooh, I'm sorry."
Nahihilo pa rin ako. My head still hurts.
"Nah, it's okay, beb?" napailing ako sa narinig ko, it's not my Beb's voice.
Muli akong napatingin sa kanya and my eyes were shocked to what I saw.
"C-coach?!"
"Tasty lips Nickel." she said teasingly. Fck?! What did I just do?!
Napailing ako, "I-I'm sorry, I didn't mean to-I thought you were-"
"Ssssh." muli niyang pinatahimik ang bibig ko gamit ang kanyang hintuturo.
Ngingiti-ngiti siya. Tinanggal ko rin naman agad ang kamay niya, "E-excuse me." I said.
Hihilo-hilo pa rin ay lumabas na ako ng kwartong 'yon, nakasalubong ko pa si Tyrant sa
paglabas ko ng pinto.
"Pre, hinahanap ka ng mga kapatid mo, uuwi na raw kayo." tinanguan ko siya at bumaba. Nasa second floor pala ng club ang kwartong 'yon. VIP room daw ang tawag do'n.
Nakarating din naman ako sa baba and saw my brothers. They're waiting for me. I
head towards them nang iiling iling. Ang sakit ng ulo ko, sobrang sakit.
"Fck. Fck. Fck!" Hindi ko mapigilang hindi mapamura. Fck! Fck! Fck! What did I just do?!
"Where have you been Nickel? Nasa'n si Coach?" tanong sa akin ni Barium.
Pinilit kong magmukhang normal at sinagot siya, "W-wala, l-let's go...home."
Tumango naman sila at lumabas na rin kami ng bar.
Fck, I'm doomed. I know I am.
Ayame's POV
HAWAK ko ang cellphone na binigay sa'kin ni Beb kanina. Ito yung latest model ng pinakamahal na phone. Actually, luxury item na nga 'to e sa sobrang mahal. Lalo tuloy akong nakokonsensya.
Binilhan talaga ako ni Beb nito?
"Yame, tawagan mo na siya. Ikaw rin, di ka makakatulog." sabi sa akin ni ate.
Kanina ko pa talaga dapat tatawagan si Beb pero natatakot ako. Baka hindi niya sagutin or worse, pagpatayan niya ako.
"Maiintindihan ka no'n." sabi pa niya.
And yes, alam na ni ate Aika ang lahat.
Nasabi ko na sa kanya kung saan ako nanggaling kanina. And the reason why I went to Kenzo's place. Alam na rin niya ang about sa Pageant. Naiintindihan naman niya raw ako and she told me na kung siya rin daw ang nasa posisyon ko, gagawin din naman daw niya ang mga ginawa ko.
Ang nakikita lang daw niyang mali ko ay yung hindi ako nagpaalam.
Huminga ako ng malalim and I dialed his number.
"Tagal." sabi ko nang hindi niya agad sagutin yung tawag. Maya-maya pa, namatay na rin yung call without him answering.
"Try mo ulit." sabi pa sa akin ni ate.
Dinial ko ulit yung number niya.
After a sec, sinagot niya yung tawag.
"H-hello beb?" sabi ko sa kabilang linya.
[Fck! Faster] nagulat ako sa narinig ko, what?
"Hello beb?!"
[Uhhh, ohhh] I heard someone, no, I mean, she's a girl.
Nakikinig lang ako sa kanila.
[B-beeeb I'm coming!] sabi noong babae sa kabilang linya.
Nanlaki yung mata ko.
What the hell are they doing?!
"B-beb?!" naiiyak na ako.
[You called me what C-coach?] tanong noong lalaki, medyo mahina pero I know he has a husky voice like Beb.
[Beb? You liked it. Uhhh] tanong noong babae.
Napatakip ako sa bibig ko and suddenly tears run down my face.
Ibinaba ko na 'yung tawag.
Sobrang bigat ng pakiramdam ko.
Bakit gano'n siya?!
He's with that girl, I heard it right, didn't I?!
Paano niya 'yon nagawa sa'kin?!
"Yame, b-bakit ka naiyak? Wh-what did he say?!" tanong sa akin ni ate.
Tuloy-tuloy lang ang pagpatak ng mga luha ko. Napayakap na lang ako sa kanya, hindi ko alam ang sasabihin ko.
Gusto ko lang namang makipag-ayos kay Beb. Ayoko ng malaking away sa pagitan naming dalawa, pero dahil sa ginawa niya, alam kong useless na ang lahat. Ganoon ba kalaki ang kasalanan ko para gawin niya sa'kin 'yon?!
Napailing ako, "Ate, ayoko na." I said between my sobs.
Ang sakit, sobrang sakit. Parang tinutusok ng karayom ang puso ko.
"Ssssh. Yame, calm down. Everything will be alright."
Everything will be alright?! No it isn't and it will never be!
I heard it right, he's making out with that girl!
"Kakausapin ko si Nickel bukas para magkaayos na kayo." sabi pa niya, mas lalo akong umiling. Humiwalay ako sa kanya.
Alam kong mukha na akong ewan, kanina pa akong iyak ng iyak. And my ate is right, I need to calm down, pero paano?! Ngayon pa?!
"No ate, don't." matigas kong sabi sa kanya.
"Anong don't? Ayaw mo na bang magkaayos kayo? Yame, I'm sure, maiintindihan ka ni Nickel. Maliit na bagay lang naman 'yong pumunta ka kina Kenzo para pakiusapan siya sa isang bagay. Hindi mo naman alam na nilalagnat siya. Inalagaan mo lang siya kasi walang ibang mag-aalaga sa kanya. Wala ka namang masamang ginawa e. Maayos niyo pa 'to."
"Oo nga ate, maaring tama ka. Wala akong ginawang masama. Pero siya? Ang laki ng ginawa niya! Hindi na namin maayos 'to! Ayoko na!" sabi ko pa sa kanya.
"Yame, calm down. Ano ba kasing sinabi niya sa'yo?"
Hindi ko na napigilan pa, mas lalong bumuhos yung luha ko. In my whole life, ngayon lang ako umiyak ng ganito.
Alam kong hindi ko dapat kaawaan ang sarili ko, alam kong dapat matatag ako pero ano na naman ba 'tong nangyayari sa'kin?!
"Yame ano?" tanong pa niya.
Hindi ko na masyado pang maaninag si ate sa sobrang blur ng vision ko.
Pero isa lang ang alam ko, sa sunod kong sinabi ay hindi na siya nakaimik pa,
"Ate, I heard, he's making out with someone!"
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top