Chapter 22
Ayame's POV
Umalis na ako do'n sa gym.
Hindi raw ako makakasali unless kasama ko si Kenzo. Sheeet.
Isa na lang ang sa tingin kong pwedeng gawin.
Pinuntahan ko si Teacher Zai, paalis na siya nung dumating ako.
"Oh, Ayame? Diba may practice kayo?"
"Eh Teacher kasi pinagbawalan ako ni Teacher Rise na magpractice unless kasama ko partner ko." *insert pacute na face with nakakadiring pout para mas effective*
Tch. Kadiri.
"Oh? Ganun ba? Sige. Hintayin mo na lang makapasok si Kenzo bukas."
Dala na niya yung bag niya. Aalis na ata. Teka teacher may problema pa ako!
"Eh Teacher, sabi ni Teacher Rise kapag walang dumating na Kenzo bukas disqualified na kami. Sir please naman po oh. Si Greg na lang po." *Damn pacute nakakasukang face again*
"Hindi nga pwede. Ms. Evangelista. Hindi natin basta basta pwedeng palitan ang representative natin sa contest unless may maganda siyang rason sa pagbabackout. In the case of Kenzo, liban lang siya. We don't know if ano talagang nangyari sa kanya. If he has a good reason para magback out, I'll let him be. Pero kung wala. Wala ka ng magagawa, you need to compete both. You get my point, don't you?"
I sighed. Leche. Paano na?!
"P-pero teacher-"
"Ms. Evangelista, naaappreciate ko yung willingness mong sumali sa Pageant but you need to comply with the rules. I'm sorry."
Lumabas na ako ng opisina niya. Luhaan at nawawalan na talaga ng pag-asa.
Umupo ako sa may bench sa garden.
Kenzo Lara magpakita ka na oh?
Tch. Creepy! Para 'kong nagtatawag ng masamang espiritu dito.
Tumayo na ako, uuwi na lang siguro ako. Mukhang hindi talaga para sa'kin ang Pageant. Tangna. Paano ko pa mapapatunayan ang sarili ko?
"Ate." Napalingon ako sa tumawag. Yung second year kanina, co-contestant ko sa Pageant.
"Oh?"
May iniabot siyang papel, nakalupi ito.
"Sana makatulong."
Nagtatakbo na siya palayo. Binuksan ko yung papel na binigay niya. Nakita ko yung pangalan, address at contact number ni Kenzo.
"Sht! Oo nga."
Hinanap ko yung second year sa paligid pero wala na siya.
"Thank you."
Ididial ko na sana yung number ni Kenzo nang maalala kong wala na nga pala akong cellphone. -___- TANGINA. Ngayon ko lang narealize yung essence ng cellphone ko! Ano ng gagawin?!
Tumingin ulit ako dun sa papel.
'Lot 43, Block B, Polymer St., Friary Subd.'
"No way." sabi ko na lang.
Maya-maya pa. Nakita ko na lang yung sarili kong naglalakad papunta dun sa nasabing address.
Leche e! Kasi naman. Kenzo Lara!
In no time, nakarating din ako sa kung saan man ako dinala ng paa ko.
Bumungad sa akin ang isang napakataas na bakod at isang malaking metal na gate na may nakalagay na 'LARA'.
"Ano 'to? Compound? Anim ata 'to ng bahay namin e." Sobrang laki naman kasi. Ang creepy tuloy tingnan, parang haunted na hindi mo alam.
At sa sobrang laki noong bahay, nakalimutan atang lagyan ng doorbell.
"Tao po?!" nagsimula akong tumawag, no choice e, alangan naman tumagos ako do'n sa gate. "Kenzo!"
Nakailang tawag na ako pero wala pa ring sumasagot, tch. Sige na nga, mangangalampag na ako.
"Tao-" kakatukin ko na sana 'yong gate nang mapansin kong nakakawang ito.
Tch, bukas naman pala. -___-
"Tao po?" alam kong mali at posible akong makasuha ng trespassing pero pumasok pa rin ako sa loob. Kesa naman magmukha akong engs do'n sa labas.
Hindi katulad ng ibang napakalalaking bahay na inaasahan ko, walang man lang guard o security 'tong bahay nina Kenzo.
Bumungad sa akin ang isang napakalaking kulay light blue na bahay- I mean, mansyon.
Kung titingnan, hindi naman mukhang haunted, may pagkamodern style nga nga 'tong bahay. Naglakad na lang ako papunta doon sa may main door.
"Tao po? Kenzo?"
Tawag lang ako ng tawag pero wala pa ring sumasagot.
Pagdating ko sa main door, bukas rin 'yong pinto.
Ayos ah, kung ako magnanakaw, nanakawan ko na 'tong bahay na 'to. Tch.
Kung sa labas, mukhang modern, pagdating sa loob, mukhang museum.
Though nakatiles naman ang sahig, maraming vintage na gamit ang nasa loob.
"Tao po?" tawag ko ulit. Bakit ba kasi walang sumasagot?!
Masyadong malaki 'yong loob ng bahay para libutin. Nakakatamad naman. Tch. "Kenzo?!" naiinis na rin ako. Bakit ba kasi hindi na lang siya magpakita kung nandito man siya. Sure naman akong bahay nila 'to. Nakalagay kasi dun sa gate.
Nilibot ko na lang yung baba ng bahay hanggang sa makita ko yung hagdan pataas.
Tumalikod na ako. Wala akong balak umakyat. Kung ayaw niyang magpakita, e di wag. Tch. Pumunta lang naman ako dito para makiusap- I mean-kausapin si Kenzo about do'n sa Pageant pero mukhang ayaw niya akong kausapin. E di wag na lang.
NAKAKAINIS NAMAN!
Palabas na ako nang bahay nila nang magbukas ang pinto. Nakita ko siyang pumasok ng gegewang gewang. Nakatingin lang siya sa akin, poker face. Namumula ang mukha niya. May dala siyang dalawang beer.
Lasing ba siya?!
"Hoy Kenzo!" tawag ko sa kanya, nakatingin lang siya sa'kin.
Bigla naman siyang tumawa, "Tss. Kanina, nakita ko kapatid ko tapos ngayon naman ikaw?! Nababaliw na ata ako."
Ano bang mga pinagsasasabi nito?
"Hoy Kenzo. Mag-usap nga tayo!" wala na akong pakialam kung lasing man siya basta gagawin ko na lang kung anong pinunta ko dito.
"Aba, nagsasalita ka? Ayos 'to ah. 'Yong nakita ko kasi kanina, panay tingin lang sa'kin." umupo siya do'n sa sofa. At kinawayan ako para lumapit. "Tara inom tayo!" sabi pa niya.
Lasing na lasing na talaga.
Pinuntahan ko siya sa may sofa at naupo sa may tapat niya. Inihagis naman niya sa'kin yung isang canned beer na hawak niya.
Tch. Anong tingin niya sa'kin mag-iinom?!
Binato ko naman sa kanya pabalik 'yong beer. Tumama 'to sa ulo niya.
"Aray ha!" sigaw pa niya.
Dalawang araw siyang absent tapos makikita ko na lang nag-iinom siya?! Hindi ba niya alam na dahil sa pag-absent absent niya ako 'yong napapahamak?! Tch.
"Umayos ka nga!" sabi ko sa kanya. Iiling iling naman siya, masakit nga ata yung pagkakatama no'ng beer sa ulo niya.
"Ayos naman ako ah." sabi pa niya, "Ikaw nga diyan yung hindi matinong kausap."
"Ano na naman yang sinasabi mo?" tanong ko pa.
"Let go of me. Stop ruining my life!" sabi pa niya at ginaya yung ginawa ko sa kanya last time. So 'yon yung pinaghihimutok niya?!
"Stop it Kenzo! Nandito ako para kausapin ka ng matino!" inis na ako ha.
All this time akala ko reasonable yung pag absent niya pero yung makita siyang nagpapakapariwara! Tch. >,> Pati ako mapapariwara dahil sa pagpapariwara niya!
Tiningnan niya lang ako at tumawa siya ng napakalakas.
"Matino?! Eh ayaw mo nga akong kausapin sa school tapos ngayon nandito ka para kausapin ako ng matino. Wow. Ang effort mo naman." sarcastic niyang sabi.
"Alam mo, hindi naman ako dapat nandito e! Kung hindi lang dahil sa'yo hindi ako mag-aabalang pumunta dito!" nagagalit na ako.
He's just one paimportanteng rebel brat na lalaking walang ibang ginawa kundi ang inisin at ipahiya ako! ARGGGGH.
Nawawalan na ako ng pag-asa! Sa school hindi ko na siya makausap ng matino tapos pagdating dito, hindi pa rin? TCHHHH.
Tumayo na ako. Wala naman ata akong mapapala dito e.
Tatanggapin ko na lang siguro, the pageant isn't for me.
"Thank you na lang."
Palabas na ako no'n nang pinto nang magsalita siya.
"Iniwan na nila akong lahat. Mag-isa na lang ako." Natigilan ako.
Hindi ko alam kung anong hitsura niya ngayon pero sa narinig ko, alam kong malungkot siya.
Nakita ko na lang ang sarili kong pabalik sa kanya. Umiiyak siya.
"Hala." Hindi ko alam ang gagawin ko. Si Kenzo Lara, ang pinakamaingay kong seatmate, umiiyak.
"Iniwan na nila akong lahat. Umalis ka na rin, hindi kita pipigilan. Sabi nga nila, people come and go."
Ano bang sinasabi niya? Naguguluhan na ako.
May problema ka ba, Kenzo?
Tatayo na siya no'n nang bigla siyang matumba. Nasa harapan niya ako kaya naman ako ang sumalo sa kanya.
Sht. Bigaaat! "K-kenzo!" nakaalalay lang ako sa kanya.
Narinig ko naman siyang napatawa, mahina lang.
"I like this kind of proximity. You, close to me. Me, close to you."
"K-kenzo!"
Mas lalo siyang bumigat, matutumba na rin ako.
Hinawakan ko agad ang braso niya at tinulak siya pabalik sa sofa. Sht. Ang init niya!
"Kenzo?!"
Habang nakapikit ay hinahabol niya ang kanyang hininga. Hinawakan ko pa ang noo niya, pati ang leeg. Ang init talaga niya.
"You freak! Bakit hindi mo sinabing you're sick!" hindi ko talaga alam ang una kong gagawin. Nagpapanic na ako.
Nakita ko pa ang pagmulat niya, nakatingin lang siya sa'kin.
"You look like an angel, oops no-a goddess." ngingiti-ngiti niyang sabi at nakuha pa niyang bumanat?!
"Shut up! Tell me, nasa'n ang kusina?!"
Tinuro naman niya yung way papunta sa tinatanong ko at mabilis naman akong pumunta do'n.
Kumuha ako ng planggana, nilagyan ko 'yon ng maligamgam na tubig at dali-dali akong bumalik sa sala. Kinuha ko ang panyo ko at tinubog do'n sa tubig na kinuha ko. Hindi ko kasi alam kung nasaan ang lagyan nila ng bimpo. Tch. Pinunasan ko 'yong mukha niya, pati na rin leeg at yung-yung katawan niya. Mumulat-mulat pa rin siya.
"Ganda mo talaga." sabi pa niya.
Kakaiba rin 'tong lalaking 'to e. Nilalagnat na't lahat lakas pa ring makabola!
"Tanga ka rin noh? Nilalagnat ka na, nakuha mo pang mag-inom."
"Ganda mo kasi."
Nakakabother yung sinabi niya. -____-
"Shut up. Nasa'n room mo?" tanong ko na lang.
"B-bakit?" he asked grinning.
"Kukuha kong damit, kailangan mo ng magpalit ng damit, natuyuan ka na ng pawis oh."
"Ah-dun sa taas. Dulong kwarto mula sa kaliwa."
Tumango ako at umakyat do'n sa taas. Kagaya ng set up sa baba ng bahay, sobrang lawak rin ng second floor. Di ko tuloy mapigilang di mapaisip, bakit wala siyang kasama dito?
Dumiretso ako sa sinasabi niyang kwarto niya at nagulat ako sa nakita ko. Kulay puti ang dingding ng kwarto niya at hindi kagaya ng ibang lalaki, sobrang linis ng kwarto niya.
"Mahilig pala siyang magbasa." sabi ko nang makita ko 'yong isang malaking bookshelf sa may tabi ng kama niya.
Nakita ko pa ang isang picture na na nakapatong sa may tabe katabi ng kama niya. Litrato ito ng dalawang batang babae at isang batang lalaki. Napakunot ang noo ko, 'sino ang mga 'to?'
Hindi na ako masyado pang nagbutinting pa sa kwarto niya. Kumuha na rin agad ako ng damit. Kumuha na rin akong unan at kumot saka bumaba.
"Tayo ka ng konti." sabi ko sa kanya.
"D-di ko kaya e." nanghihina niyang sabi, wala na akong nagawa kundi alalayan siya at iayos ng tayo.
Awkward man pero inilislis ko yung damit niya.
"A-ano-"
"Papalitan kita ng damit. Tumayo nga di mo kaya, magpalit pa kaya."
Hindi ko na lang pinansin yung pagngiti niya at pinalitan ko na siya ng damit.
Nang mapalitan ko siya ng damit ay inalalayan ko na siya pahiga. Inilagay ko na rin 'yong panyo sa may ulo niya.
Lalabas na sana ako nang hawakan niya ang braso ko.
"Sa'n ka pupunta?"
"Bibili akong pagkain at gamot. Kailangan mong kumain at uminom ng gamot." muli siyang napangiti saka ako binitawan.
Pumunta na ako sa pinakamalapit na pharmacy at bumili ng gamot. Bumili rin ako ng soup para may makain man lang siya bago uminom ng gamot.
I can't believe I'm doing this for that man.
Bumalik na rin ako sa bahay niya at hinanda yung pagkaing binili ko.
"Oh, kainin mo 'to tapos uminom ka ng gamot." sabi ko sa kanya.
Umiling naman siya. Aba't-
"D-di ko talaga kaya."
Tch. No choice.
Kinuha ko yung bowl ng soup sa kanya, "Oh, nganga." sabi ko sa kanya.
Ngumanga naman siya at sumubo.
Naubos rin niya yung pagkain at pinainom ko siya ng gamot. Aayaw pa noong una pero ininom niya rin naman.
Napatingin naman ako sa relo ko. Sht. 8:30pm na pala.
Kailangan ko ng umuwi.
"Anong number ng nanay mo?" tanong ko sa kanya. Mukha naman siyang nagulat.
"Wala na akong nanay."
"Sige, tatay mo na lang."
"Nasa ibang bansa siya."
Tch. Ano ba 'yan.
"Kapatid mo na lang." sabi ko pa. Tumingin siya sa'kin na parang naiirita.
"Bakit ba?" inis niyang tanong.
Ugggh. Kung hindi lang 'to nilalagnat, nasapok ko na 'to!
"Kailangan mong uminom ng gamot every 4 hours. Kailangan may magbantay sa'yo at mamonitor 'yang lagnat mo." sabi ko sa kanya.
"Tss. Bakit di na lang ikaw?" pabulong lang pero rinig ko pa rin yung sinabi niya.
"Pasensya ka na pero kailangan ko ng umuwi. Gabi na. Baka hinahanap na rin ako ng ate ko." sabi ko sa kanya.
Tumango siya, "Ako na lang, kaya ko na 'yan."
"Sige, ikaw bahala. Basta iinom ka ng gamot every 4 hours. Kailangan mong gumaling. Babalik ako bukas." sabi ko sa kanya. Tumango na lang siya.
Palabas na ako ng bahay noong marinig ko siyang umimik, "Thank you ha."
Nilingunan ko siya at ngumiti.
"Magpagaling ka at wag kang tatanga tanga."
Muli siyang tumango.
Lumabas na ako ng bahay nila. Tiningnan ko pa 'yung bahay. Di ko maipaliwanag kung bakit pero bigla akong nakaramdam ng lungkot.
Siya lang ang mag-isang nasa loob.
Pumara na ako ng taxi at umuwi.
"Iniwan na nila akong lahat. Umalis ka na rin, hindi kita pipigilan. Sabi nga nila, people come and go."
Ano ba talagang problema niya?
After a while, nakarating na rin ako sa bahay.
Nagulat na lang ako nang makita ko siyang nakatayo sa may gate, may hawak siyang isang paperbag.
"B-beb?"
Napatingin siya sa relo niya at saka tumingin sa akin.
"Bakit ngayon ka lang?"
Hindi ko alam kung galit ba siya o ano. Ang alam ko lang, sa tono ng pananalita niya ay wala siya sa mood. Lumapit ako sa kanya, seryoso pa rin yung mukha niya. Hala.
"M-may pinuntahan lang ako." sabi ko sa kanya.
"Saan naman?" tanong pa niya.
"S-sa bahay ng kaklase ko."
"Sinong kaklase?"
Sht. Patay na.
"A-ano-" natingilan ako nang biglang bumukas ang pinto ng bahay namin.
"Nickel baka maya-maya pa ng konti dadating si Yame pasok ka muna sa- oh, nandyan na pala si Yame." sabi pa ni ate Aika nang makita niya ako.
"Paalis na rin ako." walang gana niyang sabi.
Bakit ang cold niya?
Tumango na lang ako. Napipipi ako, hindi ko alam ang sasabihin ko. Parang ang laki ng kasalanan ko sa kanya.
"Pumunta lang ako para ibigay 'to." itinaas niya ang paperbag na dala niya.
"C-cellphone?"
"Naiwala mo raw cellphone ko kaya ayan, bumili ako ng bago."
Tinanggap ko yung binigay niya.
Nakokonsensya ako.
"Pumasok ka na. Gabi na."
Pagkatapos no'n ay umalis na siya.
Naiwan akong tulala habang hawak 'yong paperbag na binigay niya.
"Yame, halika na." naramdaman ko na lang yung kamay ni ate sa balikat ko.
Naiiyak ako, bakit ganun si Beb? Bakit ang cold niya?
"Ate." Bigla na lang pumatak yung luha ko nang makaharap ako kay ate. Ramdam ko, galit si Beb sa akin. Galit talaga siya.
"Ate." napayakap lang ako sa kanya. Alam ko nakakahiya pero wala na akong magawa.
Niyakap ako ni ate pabalik. "Saan ka ba kasi galing? Alam mo ba, kanina pa siyang naghihintay dito. Nabanggit ko kasi sa kanya yung nangyari kaninang umaga. Hindi na siya umattend ng practice nila sa varsity. Susunduin ka sana niya sa school pero noong pumunta siya do'n, wala ka na. Kanina ka pa niyang hinihintay. Yame, sa'n ka ba kasi galing?"
Hindi ako makapagsalita. Iyak lang ako ng iyak. Ang sama sama ng loob ko ngayon. Daig ko pa ang nakatanggap ng isang napakalaking rejection.
Humiwalay ng konti si ate at hinawakan ang mukha ko.
"Ssssh, wag ka ng umiyak."
Ang sama sama ko.
"Yame, sumagot ka, sa'n ka ba talaga nanggaling?"
Naghihintay lang siya ng sagot ko.
"K-kina.." Hindi ko maituloy yung sasabihin ko. Hihikbi hikbi lang ako.
"Saan?"
Napaiyak pa ako ng mas malakas.
NAKAKAINIS.
Naiinis ako sa sarili ko!
Ang sama sama ko.
"Ateeeeee!"
*tbc
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top