Chapter 21
Ayame's POV
NAKATULOG ako sa sobrang sama ng loob gayunpaman, nagising pa rin akong may ngiti sa aking mukha. Ang sarap kasi ng tulog ko e. Dapat magpasalamat na lang ako kasi kahit masama yung pagkakatulog ko, nagising pa rin ako. Yung iba kasi dumidiretso na nang walang pasabi.
Hinanap ko kaagad ang cellphone ko. LECHE. Asan ba 'yun? Baka mamaya nagtetext na si Beb.
Tiningnan ko pa sa ilalim ng kama ko pero wala pa rin.
"Yame!" biglang bumukas ang pinto at nakita ko si ate Aika.
"Oh?" tanong ko sa kanya.
"Di ka raw masusundo ni Nickel ngayon. Kukuha raw siyang special exam e. Tapos mamayang hapon, hindi rin, may practice ulit silang varsity e."
Parang may mali dun sa sinabi niya.
"Ah." di ko na siya pinansin matapos ko siyang sagutin ng napakahaba. Nasa'n ba kasi yung cellphone ko?
"Yame, anong hinahanap mo?"
"Yung cellphone ko."
"Diba sabi mo kahapon nawala?" Napatigil naman ako sa paghahanap ko.
Tch. Oo nga pala. Binigay ko kay Manong Drayber! -____-
Tumayo na ako, para akong tanga. Sinampal sampal ko yung sarili ko. Bangag pa ata ako.
"Yame ayos ka lang ba?" tanong pa sa'kin ni ate. Lumapit pa siya sa'kin at hinawakan ang noo ko. "Wala ka namang sakit." tiningnan pa niya ako na parang ineexamine, "May problema ka ba?"
Tiningnan ko lang siya ng masama. Mukha ba? Tss.
"Dahil ba hindi ka mahahatid at sundo ni Nickel ngayon?"
Teka, ano daw?
Nakatingin lang siya diretso sa mata ko. Nadidistract tuloy ako. -____-
"Intindihin mo na lang." tumingin pa siya sa relo niya, "Sige na. Uuna na ako. Mag-iingat ka pagpasok ah." sabi pa niya sa'kin at umalis na. Naiwan akong mag-isa sa kwarto ko. Hindi raw ako mahahatid at sundo ni Beb.
Hindi raw ako mahahatid at sundo ni Beb.
O-okay?
E di hindi.
Eh ano naman?
Kaya ko namang pumasok at umuwi mag-isa.
'Yon naman gawain ko dati e. Tss.
Sanay na akong mag-isa.
Eh ano kung wala na akong sundo kahapon tapos wala pang hatid ngayon at wala ulit sundo mamaya?
PSSSH. DI NA AKO BATA, KAYA KO NA SARILI KO.
Pero bakit ganito? Hindi pa rin ako mapakali.
Tch. Asar e.
BAKIT BA KASI SIYA KUKUHA NG SPECIAL EXAM? What keeps him busy at hindi agad nakakuha ng exam?
Brain says: Varsity? Coach Kena? Dinner date?! BAR?!
TENGENA. Naligo na ako at naghanda papunta sa school. Ayokong sirain ang maganda kong umaga. Tch. Naalala ko na naman yung pesteng BAR. Leche. Magaling sana kung sa BARber shop na lang sila pumunta o kaya naman sa BARangay Hall e kaso hindi! Totoong BAR talaga yung pinuntahan nila.
Tch. Naiinis pa rin ako.
Dumiretso na lang ako sa school after, ayoko ng mag-isip pa ng kung anu-ano, baka mamaya maparanoid na naman ako, magkapimples ako, lalong pumangit yung mukha ko, ako na mismo tanggalin nila sa Pageant.
Naupo na ako sa chair ko nang makarating ako sa school namin. Napatingin ako sa katabi kong silya. Aba, dalawang araw ng absent ang mokong. Ano kayang nangyari dun?
Teka nga, pakialam ko ba sa kanya?
Dumating na rin yung teacher namin at nagsimula na siyang magturo.
After ng morning class, dumiretso ako sa opisina ni Teacher Zai. Baka kasi mamaya sa practice, hanapin na naman ni Teacher Rise si Kenzo e ako pa masermunan.
Sasabihin ko lang kay Teacher Zai na si Greg na lang yung ipalit since hindi naman talaga maasahan si Kenzo dahil siya na mismo ang may ayaw sumali sa pageant.
Nang makarating ako sa office niya ay pumasok na rin ako at naupo.
"Oh, what brought you here Ms. Evangelista?" bungad niya sa'kin.
"Teacher, di po sumipot si Kenzo kahapon sa practice."
"And?"
Busy lang siya sa mga paperworks sa table niya, nagcocompute ata ng grade.
"Absent din po siya ngayon. Baka wala po talaga siyang balak na sumali sa Pageant, I suggest palitan na lang po natin siya."
Napataaas naman ang kilay niya sa sinabi ko. Bakit? May mali ba?
"Hindi pwede." mariin niyang sabi.
"P-po? Teacher, baka pagalitan po ako ni Teacher Rise mamaya pag wala pa ring representative ang section natin."
Tch. Bakit ba kasi hindi pwede kung may Greg naman?
"Hindi nga pwede." pagmamatigas pa ni Teacher.
"E--" di ko na naituloy yung sasabihin ko nang bigla ulit siyang umimik.
"Kung nag-aalala ka at baka mapagalitan ka ni Teacher Rise mamaya, then bring Kenzo with you. Basta I want Kenzo to compete for our class. Hindi natin siya papalitan unless may maganda siyang rason for not competing."
"Eh pero nga kasi-"
"No eh pero nga kasi. Bring Kenzo with you or pareho ko kayong papalitan."
Napailing naman ako sa sinabi niya.
"Fine."
"Good."
Lumabas na ako ng opisina niya matapos ng aming napakagandang paguusap. Leche e. Bakit ba gustong gusto nilang si Kenzo ang ilaban? Gwapo rin naman si Greg. Mas responsable pa ng si Greg. Though mas gwapo si Kenzo kay Greg.
Wait? What I just said? Ugh. Nvm.
Bumalik na ako sa klase ko.
'Bring Kenzo with you.'
Eh pa'no kaya? Absent nga siya diba. Leche e. Pinapamroblema pa ako ni Teacher.
Umattend na lang ako ng afternoon class, nakapagdecide na rin ako, after class, aattend akong practice kahit ako lang mag-isa. Ireready ko na lang yung tainga ko sa bunganga ni Teacher Rise.
Di ko mapigilang di mapatingin sa katabi kong silya.
'Nasa'n ka ba kasi?'
After ng class, dumiretso na ako sa gym.
Nando'n na 'yong ibang participant at siyempre, hindi mawawala ang number one fan ko.
"Hi Nerd! Where's Kenzo baby?" tanong niya sa akin.
Aba malay ko. Nilagpasan ko na lang siya at naupo sa mga silyang nando'n.
"Alam mo minsan naiinis na ako sa'yo."
Sinundan niya pala ako. Tae. Fan na stalker pa. Di ko na lang ulit siya pinansin.
"Pero minsan lang 'yon, madalas kasi naaawa ako."
Di ko naabsorb yung sinabi niya. Pakiulit nga?
"Pasalamat ka kinaaawaan pa kita. Alam mo, pwede naman tayong maging magkaibigan e." sa sinabi niya ay napatingin ako sa kanya. Tingin lang siyempre, wala pa ring imik.
"Napapag-isip isip ko na rin kasi lately, masyado na akong nagiging masama sa'yo. Why don't we try to be friends? What do you think?" nakangiti niyang sabi.
Napataas naman ang kilay ko. Try mo your face.
Binaling ko na lang ulit yung tingin ko sa unahan.
"God damn Nerd! TINAASAN MO KO NG KILAY?! Ako na yung nakikipagfriends sa'yo, ikaw pa yung umaayaw?! Ang dami dami diyang gustong makipagkaibigan sa'kin tapos ikaw-- UGGGGH!"
Ang ingay talaga nitong si Trizia e, pasakan ko kaya ng monoblock chair bunganga nito?
"Pero okay lang. Gusto ko lang naman kasing maging friends sa friends ng Kenzo baby ko. Wag ka masyadong feeling ha."
TANGENA. Sino bang nagsabing friends kami ni Kenzo?
"Nasa'n nga ba si Kenzo baby?" lilinga linga siya sa paligid.
"Hoy sumagot ka naman!" may paghampas pa siya. Di ko pa rin siya pinapansin. Langya. Dati verbal abuse lang ngayon namimisikal na rin? -____-
Ireport ko kaya 'to, violence against woman.
"Oh sige, ganito na lang. Di na kita pakikialaman sa pagiging nerd mo. I'll stop bullying mo in one condition..." tumingil pa siya at lumapit sa may tainga ko. Nilayo ko naman agad tainga ko.
Nilapit niya ulit at sa kada lapit niya, nilalayo ko naman yung tainga ko.
"Gaga! Wag kang lumayo may ibubulong ako!"
Sinaman ko siya ng tingin. Maka GAGA siya ha. Close kami?
"Pwede ba wag mo nga akong kausapin."
Nanlaki naman yung mata niya. Di ko alam kung bakit pero napangiti siya. Naalala ko tuloy si ate.
"You can speak!" manghang mangha siya. Tanga ba 'to o sadyang abnoy lang? Malamang marunong akong magsalita. Wala naman ako sa SPED e.
Sinaman ko na lang ulit siya ng tingin.
"Haaay Nerd. Makipagkasundo ka na nga lang sa'kin." she once again said. "Hindi na kita ibubully in one condition..."
Tumingin pa siya at napahinga ng malalim.
"...tulungan mo kaming magkabalikan ni Kenzo baby."
WHAT THE HELL. Tama ba yung narinig ko?
Napangiti naman ako. Leche. Kung nagjojoke man 'tong si Trizia, oo na! BENTA!
"Oh, bakit ka ngumingiti?!" Curious na curious siya niyan.
"Stop joking." sabi ko na lang. Mukha naman siyang nainis.
"I'm not joking! I'm serious! Help me!"
Seryoso talaga siya?
Teka nga, bakit ba ako nakikipagusap sa kanya?
I can't believe I'm talking to this person beside me.
"Why would I? I'm not even cupid."
Nalungkot naman siya sa sinabi ko. I looked at her face at sobrang lungkot talaga ng mukha niya. Nagulat pa ako sa sunod niyang sinabi, "May gusto ka ba kay Kenzo?"
Hindi lang ngiti ang nagawa ko sa sinabi niya, napatawa na rin ako.
"Now why are you laughing?!" tanong niya.
"You're crazy!"
"So may gusto ka nga?!" she asked once again.
Tiningnan ko lang siya straight in her eyes.
"Nah. Wala noh. May boyfriend ako." sabi ko sa kanya.
"Weh di nga?"
Hindi ko alam kung bakit pero biglang gumaan yung pakiramdam ko ngayong kausap ko si Trizia. Parang ibang Trizia siya.
Sa halip na magdamdam sa tanong niya ay napangiti na lang ako.
"Believe it or not, may boyfriend ako."
Sa hitsura ng mukha niya ay hindi pa rin siya convinced.
"Kung may boyfriend ka talaga, e bakit nilalandi mo si Kenzo?"
Wait-whut? "I'm not." despensa ko.
"Yes you are. Magkakagusto ba siya sa'yo kung hindi mo siya nilalandi o di ka nagbibigay ng motibo?"
I sighed in her question.
"Hindi mo kailangang magbigay ng motibo para lang magustuhan ng isang tao. Hindi mo kailangang ibenta yung sarili mo para magustuhan ka ng iba. Don't act like juvenile nor a pathetic one. Magpakatotoo ka lang at sila na mismo ang lalapit sa'yo." natahimik naman siya. Sht. Did I offend her? "I mean-"
"No, okay lang."
Nakatingin lang siya diretso sa may stage.
"Childhood friend ko si Kenzo. Bata pa lang magkaibigan na kami at bata palang kami, gusto ko na siya." Nagkwekwento lang siya, ako naman nakikinig lang. "Kaya nga nung elementary, niligawan ko siya. Sinagot naman niya ako, ang saya-saya ko nun."
Nalungkot naman yung mukha niya.
"Grade 5 naging kami. Saktong Graduation nag 1 year kami."
Nyeta, uhugin pa lang ako nung grade 5 ako samantalang siya, bumoboyfriend na agad?! Nakinig na lang ulit ako sa kanya. Ayy Trizia, malala ka nga.
"Nagpaplano nga kami no'n kung saan kami maghahigh school, sabi namin sa isa't isa dapat pareho kami ng school na papasukan kaso..."
"Kaso?" nakita ko naman yung luha niya, papatak na. Leche. Dapat di na ako nagtanong.
Nagpatuloy naman siya.
"Kaso umalis siya. Pumunta siyang Korea, iniwan niya ako nang hindi nagpapaalam. Sobrang nalungkot ako no'n. Sabi ko sa sarili ko, hindi na ulit ako magpapaloko sa kung kanino kaya nagpakabitch na lang ako. Lahat ng lalaki dito sa school pinatulan ko. Pero.. nagulat na lang ako nang bigla siyang bumalik..."
Nakikinig lang ako sa kanya mukhang mabigat ang pinagdadaanan nitong si Trizia. Akala ko dati sobrang tapang niya. Kung mabully niya ako at makawawa dito sa school. Pero ano ngayon 'tong side na nakikita ko?
"Ang tanga ko nga e dapat magagalit ako sa kanya kasi iniwan niya ako pero nung nakita ko siya, bumalik na naman ang lahat. Mahal ko pa rin siya." tumingin siya sa'kin at ngumiti. Napamakeface na lang ako. Kakaiba din 'to e. Matapos mag emote, ngingiti na lang bigla bigla.
"Kaya nga mas lalo akong nagalit sa'yo noong malaman kong ikaw na ang gusto niya at hindi na ako. Ikaw kasi e. Ikaw yung mortal rival ko dito sa school, halos lahat na lang pinaglalabanan. Ikaw lahat ang nakakakuha ng mga hindi ko nakukuha. Palagi mo na lang akong natatalo. Tapos ngayon pati si Kenzo."
Sht. Wala nga kasi akong gusto kay Kenzo.
Ano ba? May boyfriend nga ako diba?
Hinawakan naman niya ang kamay ko. Gulat naman ako.
"I'm sorry Ayame if galit na galit ako sa'yo. Sa'yo ko nabuhos lahat ng galit ko."
Kitang kita ko sa mata niyang sincere siya sa sinasabi niya. Sheeet. First time niya akong tinawag sa pangalan ko. Hindi Nerd, hindi Loser o kaya naman ay Witch.
"Ok lang kung di mo agad ako mapatawad. Sa apat na taon ba namang pinahirapan kita sa school na 'to. Alam kong hindi madali para sayo pero-- sana sooner or later, mapatawad mo rin ako."
Tinanggal na niya yung pagkakahawak niya sa kamay ko. Tumayo na siya.
"And one more thing, forget about what I said. About me and Kenzo getting back together? Naah. Natauhan na ako sa sinabi mo kanina. Tama ka, hindi ko kailangang ibenta yung sarili ko."
Napangiti naman ako. Buti naman at naabsorb niya yung sinabi ko kanina.
"Thank you ha."
Dugdug.
Lumalambot ata ang puso ko. Si Trizia ba talaga 'tong kausap ko?
Nakatingin lang ako sa kanya, hindi ako makapagformulate ng words. Natameme ako. Dami niya kasing alam e. Leche.
Umalis na siya pagkatapos niyang magdrama. Hinabol pa siya ng pangingin ko at nakita ko namang nakikipagtawanan na siya do'n sa ibang contestants na nandito. Grabe e. Ayos din 'tong si Trizia. Paano pa niya nakukuhang tumawa sa kabila ng dinadala niya?
Hindi ko tuloy mapigilang hindi makaramdam ng awa kay Trizia. Teka, correction, hindi ito awa, iba ang awa sa simpatya.
Kasi naman e.
Maya-maya pa dumating na rin si Teacher Rise. Mukha pa lang niya halatang bad mood na siya. Ano pa kaya pag nagsalita na siya?
"Good Afternoon! Kumpleto na ba ang lahat?!"
Rising intonation siya niyan. Nakaimik naman bigla yung isang second year sa likod. "Si Kuya Kenzo na lang po ang wala Ma'am." sabi niya kay Teacher.
Tiningnan naman ako ng masama ni Teacher. Sheeeet.
Ayan na. Mapapagalitan na.
"Ayame! Diba sinabi ko na sa'yo kahapon kailangan ko si Kenzo ngayon?! Nasa'n siya?!" pagalit na tanong niya sa'kin.
"E-kasi absent po siya kanina Teacher. Pinuntahan ko naman po yung adviser namin para sabihin yung concern. Nagbakasakali na rin po akong baka pwedeng si Greg na lang yung ipalit kay Kenzo since parang wala namang interes si Kenzo pero hindi po pumayag adviser namin e." pagdadahilan ko sa kanya. Leche. Nasabi ko 'yong lahat? Ang haba e. Halatang defensive. -____-
Nakita ko naman yung tainga ni Teacher Rise, umuusok na. Patay.
"WALA AKONG PAKIALAM KUNG ANONG PINAGUSAPAN NIYO NI TEACHER ZAI. WHAT I NEED NOW IS KENZO! FOR GOD'S SAKE!" galit na galit siya nyan.
Hindi ko naman alam ang sasabihin ko, kasalanan ko ba talagang wala yung partner ko?! Sa wala e! Alangang pataihin nila ako ng Kenzo ngayon?!
Kakamot kamot sa ulo niya si Teacher Rise.
"ARGGGH! Umiinit ang ulo ko!" nang makabawi ay nagsalita siyang muli, "Students! Punta na nga kayo dito sa stage! Magsisimula na tayo ng practice without Kenzo!"
Oh? Yun naman pala e. Dami pang satsat. Pinahiya muna ako bago mag-umpisa.
Naglakad na kami paakyat ng stage nang bigla niya akong punahin.
"OH AYAME?! WHERE DO YOU THINK YOU'RE GOING?!" galit na naman siya. Duuh? Diba sabi niya Students, punta na ng stage, magsisimula na ang practice without Kenzo?
"Magpapractice po." magalang na sagot ko sa kanya.
"WHAT?! Get down! Hindi ka pwedeng magpractice nang wala ang partner mo!"
Nanlaki naman yung mata ko sa sinabi niya. At bakit hindi?!
"P-pero teacher!"
"HINDI KA PWEDENG MAGPRATICE WITHOUT KENZO, BY PAIR ANG PAGEANT, SA TINGIN MO SINONG KAPAIR MO WITHOUT MR. LARA?!" galit na naman siya.
Leche. Oo na! Oo na! I can't go without my other half! Pfft. Tengena. Palitan natin yung other half, ang creepy! I can't go without my partner!
"So ano pong gagawin ko, manonood?" Mukha naman siyang naasar sa tanong ko.
"HINDI KA PWEDENG MAKIPRACTICE NOR MAKINOOD NG WALA YUNG KAPARTNER MO. MAGIGING PARTE KA LANG NG PAGEANT IF YOU CAN BRING KENZO HERE! KAPAG HINDI MO SIYA NADALA DITO HANGGANG BUKAS, DISQUALIFIED NA KAYO!"
Galit na galit na talaga siya.
Napalunok naman ako sa sinabi niya.
So anong gusto niyang gawin ko?!
HANAPIN SI KENZO?!
Duuh?! Sa'ng lupalop ko naman 'yon makikita?! Absent nga siya diba?!
THIS IS SO INJUSTICE!
Nagsimula na ang practice nila. Umalis na lang ako, bawal daw ako dun e.
LECHE. LECHE. LECHE!
Kenzo kasi?!
Asa'n ka ba?!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top