Chapter 19
THIRD PERSON's POV
"NAGVOLUNTEER KA?!" napalakas ang pagkakatanong ni Kenzo sa kanyang katabi nang marealize nito ang sinabi ni Teacher Zai kanina.
"Mr. Lara! What's that noise about?" tanong ng teacher kay Kenzo na kasalukuyang nakatingin kay Ayame.
"W-wala po." sagot ni Kenzo dito.
"Anong wala?! Are you two chitchatting in my class?! Ms. Evangelista?! Mr. Lara?!" tanong pa ng teacher sa kanila. This time, hindi na lamang si Kenzo ang pinagsasabihan ng guro, damay na rin pati si Ayame.
"N-/Hin-" magpapaliwanag pa sana si Kenzo ganoon din si Ayame nang magdireretso sa pagsesermon ang guro nila.
"You two! Get out!" sigaw ng teacher nila sa kanila.
"But Ma'am! It was just Mr. Lara!" despensa ni Ayame.
"No more explanations! Get out of my class now!"
Sinaman ng tingin ni Ayame si Kenzo. Hindi na nga sila in good terms ay mas lalo pa ata itong lumala.
Tumayo na ang dalawa. Nakatingin lamang sa kanila ang kanilang mga kaklase.
Last subject na nga lang nila ito for today ay hindi pa nila ito natapos.
Dala na ng mga ito ang kanilang bag. Umuna si Ayame paglabas, sinundan naman ito ni Kenzo.
"Ayame!" tawag ni Kenzo dito. Hindi naman ito nilingunan ni Ayame. Patuloy lang ito sa paglalakad na para bang walang naririnig.
Mukhang hindi ito madadaan ni Kenzo sa pakiusapan.
Hinabol niya ito at nang maabutan ay mahigpit niyang hinawakan ang braso ni Ayame. Napatigil naman si Ayame at saka lumingon.
"Ano ba, bitiwan mo nga ako!" sabi nito. Hindi naman ito pinansin ni Kenzo.
"Look, Ayame. I'm sorry. I'm sorry okay. If you're still mad about what happened last week, I'm sorry." pagalit na sabi nito.
Hindi sumagot si Ayame, sa halip ay pilit nitong tinatanggal ang pagkakahawak ni Kenzo sa kanya.
Mas lalo pang nainis si Kenzo.
"Bakit ba ayaw mong magsalita?! Bakit ba ayaw mo akong kausapin?!" mainis inis na tanong nito. Alam niyang wala siya sa posisyon para tanungin si Ayame ng gano'n.
"Magsalita ka nga! Naiinis na ako sa'yo!" alam niyang sumosobra na siya.
This time, napahinga na ng malalim si Ayame, tiningnan nito sa mata si Kenzo at saka muling nagsalita, "Stop ruining my life." sabi niya dito. "Let go of me."
Napabitaw naman si Kenzo sa kanya. Biglang bumigat ang pakiramdam nito. Hindi niya akalaing masasabi 'yon ni Ayame sa kanya.
AYAME's POV
Naglakad ako papalayo sa kanya. Masama ang loob ko.
Bakit ganun? Kapag umiimik ako, kinaiinisan ako ng mga tao, kapag naman nananahimik ako, naiinis pa rin sila. Saan ba talaga ako lulugar?
Kinuha ko na ang phone ko, I mean phone ni Beb, nagpalit nga pala kami. Ayoko na masyadong pakaisipin pa ang mga nangyari kanina.
Basta gagawin ko na lang kung ano ang sa tingin kong makakatulong sa sarili ko, wala na akong pakialam pa sa ibang taong nandito. Wala silang pakialam sa'kin, e di wala na lang din akong pakialam sa kanila.
Tinawagan ko si Beb at sumagot din naman siya agad.
[Hello Beb] sabi sa kabilang linya.
"Beb, sunduin mo na ako." sabi ko sa kanya.
[Maaga labas mo?]
"Oo e. Maaga akong dinismiss ni Teacher." sagot ko pa.
[Ikaw lang?]
"Yea."
[Bakit?]
"Mamaya na ang kwento." sabi ko sa kanya.
[S-Sige Beb, antayin mo 'ko.]
Ibinaba ko na ang tawag after no'n.
Hinintay ko lang si Beb sa may waiting area sa labas ng school.
Mapapaaga tuloy ang uwi ko. Psssh. Isip-isip ko.
Maya-maya pa ay nakita ko yung kotse nina Beb na paparating. Tumigil ito sa harap ko. Hindi naman tinted yung sasakyan kaya maliwanag pa sa buwan na nakita kong hindi nakauniform si Beb. Naka Jersey ito. Napataas naman ang kilay ko.
Binuksan niya ang pinto at pumasok din naman agad ako sa loob.
"Ang aga mo ngayon ah." bungad niya sa'kin.
"Sa'n ang liga?" tanong ko sa kanya.
Napatawa naman siya.
"May practice kami ngayon. Oops, di ko pa nga pala nasasabi sa'yo Beb..." pasuspense pa siya at kinuha ang isang envelope sa may likod upuan.
Pinakita niya sa'kin ang club form niya.
"Member na ako ng school varsity. Pinagaudition kasi ako no'ng PE Teacher namin. May practice nga kami ngayon, tumakas lang ako." sabi pa niya.
Napatango na lang ako. Hindi naman ako masyado interesado sa pagiging varsity player niya. Hindi rin kasi ako mahilig sa Sports kaya di ko maappreciate.
Inistart na niya ang kotse.
"Bakit ka nga pala dinismiss ng maaga ng Teacher mo?" tanong pa niya sa akin.
"Maingay daw kasi ako." nakatingin lang ako sa labas ng bintana.
"Weh?"
"Oo nga. Si ate ba nasa school niyo pa?" tanong ko sa kanya.
"Yes, varsity din kasi si Kuya Tungsten e, nando'n siya. Pinapanood si Kuya." sabi niya sa'kin.
"Pwede pa lang manood." sabi ko pa.
"Oo naman. Teka Beb, gusto mo manood?" nakita ko siyang tumingin sa akin na kikinang kinang yung mata.
"Magmaneho ka. Mamaya mabangga tayo." sabi ko pa sa kanya.
"Beb naman kasi e, gusto mo ngang manood?" tanong pa niya.
Umiling ako, ayoko talaga ng sports. Maboboringan lang ako kung sakaling manood ako ng practice niya kaya wag na lang.
"O-ok." nakita ko pa siyang nagpout.
Leche. Bakit ang cute? -____-
"Hoy 'yang nguso mo." puna ko sa kanya.
"H-huh?"
"'Yang nguso mo masyado mahaba, mauunahan pa akong umuwi." sabi ko pa.
"Ah."
Yun lang yung sinabi niya. Ewan ko ba, nagtatampo ata siya.
Malapit na kami sa subdivision. Napahinga na lang ako ng malalim.
"Parang ayoko pang umuwi." sabi ko sa kanya.
Tiningnan niya ako at napangiti siya.
Iniliko niya ang sasakyan at dumiretso kami sa school nila.
Haay. Pag-ibig nga naman. Kailangan mong isakripisyo ang sarili mong kaligayahan para sa minamahal mo.
Oo aaminin ko, napilitan lang ako. Kasi naman e, yung nguso niyang mas mahaba pa sa nguso ng elepante, nakakaasar.
"Akala ko ba practice lang 'to?" tanong ko sa kanya nang makapasok kami sa gym ng school nila.
"Oo nga. Practice lang." sagot pa niya. Hinawakan niya ang kamay ko and he lead.
"Eh bakit ang daming tao?" Hindi talaga ako maniwalang practice lang 'to. Sa sobrang dami ng tao sa loob ng gym, parang may tournament na magaganap.
Karamihan ay babae or should I say na, puro babae talaga. Ang lalakas ng sigawan nila, yung iba may banner pa.
Binasa ko yung isang banner, ang nakalagay, 'WE LOVE YOU TUNGSTEN! FROM: TUNGSTEN ANGELS.' Dun naman sa isa, ang nakalagay ay, 'NERDY BELIEVERS HERE WE GO!'
"Sadyang ganyan dito. Simpleng practice, pinapanood." sabi pa ni Beb sa'kin.
Maya-maya pa ay nakita ko sina ate na nakaupo sa may bench na inuupuan din ng iba pang nagpapractice. Katabi niya sina Ate Khas, ate Danna at ate Myka.
"Uy! Aika, kapatid mo oh!" turo sa akin ni ate Danna, napalingon naman si Ate.
"'Yame! Anong ginagawa mo dito?" tanong niya sa'kin.
"Manonood." matipid kong sagot.
"Supportive girlfriend naman ng kapatid mo Aika! Swerte mo Nick!" sabi pa ni ate Khas. Ngumiti na lang ako.
Kung alam lang nila.
"Sister-in-law!" nagulat pa ako nang may yumakap sa akin. Pawis na pawis siya pero mabango pa rin.
"K-kuya Tungsten, malagkit." sabi ko sa kanya.
"Ay sorry!" napakalas naman siya sa pagkakayakap sa'kin.
"Ewww! Malagkit!" kanchaw pa ni ate Khas dito.
"Che! Tiffany ko, ikaw na nga lang ihahug ko!" sabi pa ni Kuya Tungsten kay Ate. Tinaasan naman ng kilay ni ate si kuya.
"Subukan mo, pipigain kita!" banta nito. Napasimangot na lang si Kuya Tungsten.
"Beb, pasensya ka na, gan'to lang talaga dito." sabi pa sa akin ni Nickel.
Tumango na lang ako. Ano pa nga bang magagawa ko?
"Oh! Water break is up! Practice na!" sigaw nung kalbo sa gitna saka pumito. Coach? Referee? Janitor? Di ko talaga alam, Basta tinawag niya yung mga players.
"Sige Beb, practice lang muna kami." paalam niya sa'kin. Tumango na lang ulit ako and I realized, may nakalimutan pala akong sabihin sa kanya, yung about sa pageant. Mamaya na lang siguro.
Nagpractice sila, nanood lang kami. I mean, ako lang pala. Sina ate kasi at yung iba ko pang mga katabi, grabe kung makacheer sa mga boyfriend nila, akala mo real tournament na. Ganun din yung mga babaeng nasa bleachers pautas na sa pagchicheer. Kala mo talaga e parang nasa tournament kami na kung tutuusin, nagshushoot lang naman yung mga lalaki sa court. Yung iba pasala-sala pa.
"Miss, makikiupo ha." napatingin naman ako sa babaeng tumabi sa akin. Nakapolo shirt siya na may tatak na 'KL' tapos naka jeans. Nginitian niya ako. Hindi ko alam kung bakit pero napangiti ako nang ngumiti siya. Nakakadala yung ngiti niya, idagdag pang maganda siya. Siguro kaedad lang din siya nina ate or mas matanda lang ng isang taon.
Hindi siya kagaya nung ibang babae dito sa court na nagsisisgaw. Kagaya ko, nakaupo lang din siya at tahimik na nanonood.
'KL' muli kong basa do'n sa nakasulat sa polo shirt niya.
"Ang galing ni Nickel ah." nagulat ako sa sinabi niya at napatingin pa sa kanya. Ngingiti-ngiti siya kay Beb.
"Magaling talaga siya." cold kong sabi, di ko alam kung bakit pero medyo nainis akong pinuri niya si Beb. Hindi naman sa ayokong pinupuri si Beb pero para puriin siya ng isang magandang babaeng mas maganda pa sa'kin.
Psssh. Oo na, mas maganda 'tong katabi ko sa'kin.
Naiinis talaga ako.
Narinig ko ang pagpito noong kalbo, tumayo yung babaeng katabi ko at pumalakpak. Narinig ko pa ang iritan ng mga tao sa loob.
Lumapit naman sa kanya yung mga players maging si Beb.
"Coach! Okay po ba?!" natigilan ako sa narinig ko.
You mean? Ang magandang babaeng 'to ang Coach nila?
Lumapit yung magandang coach kay Beb at hinawakan ang balikat nito.
"Nickel, keep up the good work. You're doing great." nakangiting sabi nito kay Beb. Napangiti naman si Beb.
"Thank you Coach."
Titigan lang sila, mas lalo tuloy akong nainis.
Talagang kailangang nakahawak pag pinupuri? Hindi ba pwedeng magbigay ng compliment nang walang hawak-hawak?
Nabibitter tuloy ako.
Para tuloy ang sarap putulin nung kamay nung coach nila.
Akala ko e mabait, malandi rin pala.
"At dahil ang laki ng improvement niyong lahat, libre ko dinner mamaya!" sabi sa kanila ng coach.
Narinig ko naman yung bulungan nung dalawa pang kavarsity ni Beb.
"Ang bait talaga ni Coach Kena."
"Mabait na maganda pa."
Pssh. Kena pala, Kena pala ang name niya.
"Beb!" lumapit sa akin si Nickel.
"Oh?" tanong ko sa kanya.
"May dinner daw kami mamaya. Ok lang?" sabi pa niya.
Teka, nagpapaalam ba siya? Psssh.
"Ok lang." ayoko naman talaga pero baka naman kung anong sabihin ng coach niya pag di pumunta si Beb.
"Thanks Beb!" niyakap niya ako and for the second time, nakaramdam na naman ako ng something malagkit.
NAPAKALAGKIT na araw para sa akin!
"Beb, magpunas ka muna. Lagkit lagkit mo e." sabi ko sa kanya. Napakalas naman siya.
"Ay, s-sorry." kinuha niya yung towel niya at nagpunas.
Nakita ko naman yung maganda nilang coach na nakatingin sa amin. Nakakunot ang noo nito.
Agad kong kinuha yung towel ni Beb at pinunasan ko mukha niya pati leeg niya.
"B-beb?" hindi niya inaasahan yung ginawa ko. Well, maging ako man. Di ko inaasahan yung ginawa ko but since nakatingin yung maganda nilang coach, ginawa ko na lang kung ano man yung nagawa ko. Basta. Pinunasan ko ng pawis si Beb.
Nakita ko naman ang pag-iwas ng tingin nung coach. Sinasabi ko na nga ba e.
"Oh ayan tuyo ka na." ibinato ko sa mukha ni Beb yung towel niya.
Nagulat naman siya.
Sinasabi ko na nga ba. Type nung coach si Beb.
Psssh. Asaaaaaar. >,>
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top