Chapter 14
Nickel's POV
"Pssst." hindi ko siya nililingunan, tuloy-tuloy lang ako sa paglakad. "Oi Beb." sabi pa niya, lakad pa rin ako. Bahala ka diyan Beb. Sino yung Kengkong ba yun?
Nasa likod ko lang siya.
"Beb." sinusundot sundot niya yung likod ko, tae. Nakikiliti ako!
Nilingunan ko siya. "Bakit ba?!" tanong ko. Hindi naman ako galit, naiinis lang ako. Sino ba kasi yung Kengkong na yun?!
"Galit ka?" tanong niya.
"HINDI!!!" lumakad na ulit ako matapos ko siyang sagutin.
"DI AKO BINGI! WAG KANG SUMIGAW!" pasigaw na sabi niya, napatigil naman ako at nilingunan ko ulit siya.
"EH BAKIT KA NASIGAW?! DI RIN AKO BINGI!" umiinit na talaga ang ulo ko.
"KUNG HINDI KA GALIT, HINDI KA SISIGAW!" sabi pa niya. Napakamot na lang ako sa ulo ko.
"EWAN KO SA'YO! MAGSAMA KAYO NOONG KENGKONG NA YUN!" binilisan ko na lang ang paglakad ko, naiinis talaga ako.
"HOY NICKEL IRON!" di ko na siya pinansin.
Alam kong nasa likuran ko lang siya.
Lakad pa rin ako. Bahala ka diyan Ayame Tamia.
Pinagtitingan na rin kami ng ibang estudyante, yung iba may pagbulong pa.
"Yun ba yung rumored GF ni Nickel?" bulong-bulungan nila.
Teka, bulong ba yun?! Bakit ang lakas?! Arrrgggh! Nakakaasar!
"KUNG BUBULONG KAYO, HINAAN NIYO! OO GIRLFRIEND KO 'TO!" sigaw ko sa kanila.
Mukha naman silang nagulat at biglang napayuko.
Hanggang sa makarating ako sa parking lot. Sumakay ako sa kotse, ganun din siya.
"Beb wag ka ng magalit. Oh." napatingin naman ako sa kanya, iniaabot niya sa'kin yung cellphone niya. Napakunot naman ang noo ko. "Gusto mo, palit na lang tayong phone. Ikaw gumamit ng phone ko, ako gagamit ng phone mo." saka siya nagpout. Napangiti naman ako.
Bakit ang cute ng girlfriend ko?!
"Uy, papayag na yan." kanchaw pa niya.
Oo, aaminin ko, nawala yung inis ko sa pag pout niya.
Kinuha ko yung binigay niya saka ko kinuha yung phone ko sa bulsa at binigay sa kanya.
"Mas mabuti pa nga." nagpalit kami ng phone.
"Bati na tayo?" tanong niya.
"Hmm. Magbabati tayo in one condition..." napakunot naman ang noo niya sa sinabi ko.
"A--anong?"
"Mula ngayon hanggang sa dulo ng walang hanggan, hatid sundo na kita, beb." nanlaki naman ang mata niya sa sinabi ko.
"Ano?! Seryoso ka?!"
"Yes, I'm serious." I winked at her, shocked pa rin yung mukha niya.
"O--okay." sumandal na siya sa kanyang seat.
Seryoso ako sa sinabi ko, mula ngayon hanggang sa dulo ng walang hanggan, ihahatid at susunduin ko na siya.
Don't get me wrong, may tiwala naman ako sa girlfriend ko pero sa mga nasa paligid niya lalo na dun kay Kengkong, WALA.
Pinaandar ko na rin ang sasakyan, may group study pa nga pala kami. Kailangan kong mag-aral for Midterms.
***
Ayame's POV
Nagulat ako sa sinabi ni Nickel, simula raw ngayon hanggang sa dulo ng walang hanggan, ihahatid sundo na niya ako.
Isa lang ang ibig sabihin noon.
Malalaman na ng school na ang Campus Nerd nila ay may boyfriend na!
Hindi naman sa nahihiya ako sa sasabihin ng iba pero..
Hindi ko lang maimagine ang magiging reaction ng mga tao sa school.
Nakarating na rin kami sa bahay, may group study pa sina Beb.
Tumigil na rin ako sa may sala, kalaro ko ngayon si Vana.
What are we playing?
Bigyan ko kayong clue.
May stars ang larong 'to.
Napapakanta tuloy ako...
♫♪ It's just another night, and I'm staring at the moon, saw a shooting stars and thought of you. ♫♪
Naalala ko si Ed Sheeran.
Yayain ko pala si Beb manuod ng concert niya.
Tapos libre niya.
Oh diba, ang saya!
So ayun nga, bago pa mapunta sa kung saan ang iniisip ko, naglalaro kami ni Vana.
Para di na kayo mahirapan sasabihin ko na kung anong nilalaro namin.
Dandararan! *Drum Rolls* Suspense Music*
"JACKSTONE!" napasigaw ako unconciously, naaay, nakakahiya.
"Huy Yame!" sita sa'kin ni Ate Aika.
Nagpeace sign na lang ako sa kanila.
Sorry naman po. Kung bakit ba naman kasi nakikipagusap sa readers 'tong POV ko.
Minsan nga kwentuhan na lang tayo.
"Ate Ayame, ako naman! Taya ka na e. Tamo po, hinulog mo yung star!" napatingin naman ako sa stars na nasa kamay ko, nalaglag nga yung isa.
"Oh." Inabot ko sa kanya yung bola at yung stars.
Naglaro lang kami, ang saya talaga nitong kwento ko! Puro kaburuhan na lang ang nangyayari. Wala bang mas exciting author?
A/N: Huwaaaag kang magulo, nag-iisip pa ako. -____-
So ayun nga, naglaro lang kami ni Vana ng Jackstone.
Grabe yung nangyari kanina, hindi ko akalaing magagalit ng ganun sa'kin si Beb.
Pero buti na lang nagbati na rin kami.
Kasalanan 'to nung madaldal kong katabi, that Kenzo. Humanda siya sa'kin sa Monday.
"Ate Ayame! Ang boring na po ng ginagawa natin, play na lang po tayo online!" tinuro niya yung laptop ni Ate.
"Ok." tumayo na kami at pumunta doon sa may lamesa kung saan nakapatong ang laptop.
Medyo nauuhaw na ako kaya naman kumuha muna ako ng juice, tinanong ko na rin sina Ate at yung mga kaklase niya including beb kung gusto nila and they said 'Yes'. Aba, minsan lang ako mang-alok, dapat lang na igrab na nila. Mahal kaya ang talent fee ko.
Kumuha na ako ng orange juice, pati si Vana ikinuha ko na rin.
Uminom na muna ako, uhaw na uhaw na talaga ako.
Nagulat na lamang ako nang may sumigaw sa may sala.
"Ate Ayame! May nagchat po sa FB niyo! Si Kenzo! Accept niyo daw po friend request niya" napabuga ako sa iniinom ko.
Hawak ko pa rin yung baso.
Dali-dali akong nagtatakbo papunta sa sala.
And it's too late..
Si Beb na yung may hawak ng laptop.
Patay.
***
Nickel's POV
Concentrate na concentrate na ako sa pag-aaral nang biglang sumigaw si Vana.
"Ate Ayame! May nagchat po sa FB niyo! Si Kenzo! Accept niyo daw po friend request niya"
Hindi ko maipaliwanag ang aking naramdaman, pero isa lang ang sigurado ako.
MAY MALI SA SINABI NI VANA.
Tumayo ako at tiningnan ang laptop na hawak niya.
Pagtingin ko sa screen, bukas ang facebook ni Beb na ako ang gumawa.
Maraming messages, marami ring notification at ang pinakanakakuha ng attention ko ay ang nakapop out na chatbox.
Binasa ko ito. 'Kenzo Lara: Uy seatmate, accept mo naman fr ko! Binabaan mo na nga ako ng phone kanina.'
Aba't! Gago 'to ah!
Hindi na ako nakapagpigil, nireplyan ko siya sa chatbox.
"HOY KENGKONG LUBAYAN MO ANG GIRLFRIEND KO!" at isinend ko yung tinype ko saka ko isinara yung laptop.
Pagtalikod ko, nakita ko si Beb, may hawak siyang baso ng juice.
"Ah, beb. Juice you like?" tanong niya ng ngingiti-ngiti.
"HINDI AKO NAUUHAW!" mukha namang nagulat ang mga kaklase ko, maging sina Kuya Tungsten at Kuya Barium, ganoon din si Vana.
"HUWAG KAYONG MAG-ALALA, HINDI AKO GALIT." sabi ko pa at saka ako nag walkout.
Nakakaasar lang!
Yung KENGKONG na yun!
SEATMATE PALA SIYA NI BEB!
Naiinis ako!
Lalaki rin ako at alam ko ang mga ginagawa ng Kengkong na yun.
That style.
Halatang may gusto siya kay Beb at doon ako asar na asar!
AKO LANG ANG PWEDENG MAGKAGUSTO SA GIRLFRIEND KO AT WALA NG IBA PA. AKO LANG!
Sabihin niyo ng madamot ako pero gusto ko ako lang ang nagkakagusto sa girlfriend ko!
Hindi ko alam kung saan ako pupunta.
Pero kung saan man ako makarating, isa lang ang kailagan kong gawin.
Kailangan kong ilayo si Kengkong kay Beb!
Kailangan hindi niya magustuhan si Beb!
Kailangan niyang tantanan si Beb!
Kasi si Beb! Akin lang siya.
Akin lang ang Beb ko!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top