Chapter 13



Nickel's POV

Kasama ko si Beb ngayon, kakatapos niya lang kumuha ng qualifying exam sa school namin.

Biruin niyo magiging schoolmate ko na pala ang girlfriend ko, hindi ko pa alam?

Kasi naman e, naging busy ako sa school, nagtry out kasi ako sa varsity, pinagtry out ako nung PE teacher namin tapos ayun, pasok ako, hindi ko pa nga nasasabi kay Beb e.

Kanina ko pa ring napapansin, kanina pa siyang text ng text. Aba't marunong pala siyang magload? Kailan pa?

"Beb" napatingin siya sa'kin nung tinawag ko siya

"Ah? Ha?" napatigil naman siya sa ginagawa niyang pagtetext nung kumunot yung noo ko

"Sinong katext mo?" tanong ko sa kaniya, bigla naman siyang namutla

"Wa-wala" tas tinago niya yung phone niya

"Talaga?" nakakapagduda lang, sa pagkakaalam ko kasi ang nasa contacts lang niya ay Ako, si Ate Aika at ang Papa niya so sino pang posibleng makatext niya? Hmmm.

"Oo nga, tara na umuwi Beb, may group study kayo diba?" natutuwa ako sa tuwing tatawagin niya akong Beb.

"Ok"

Dumiretso na rin kami sa parking, sasakay na sana kami sa kotse ng may biglang tumunog.

Napatingin ako kay Beb, dali-dali niyang kinuha yung phone niya sa bag niya at lumayo.

Teka.

KELAN PA MAY TUMATAWAG SA KANIYA?


Ayame's POV

Hindi ako mapakali, pagkapasok na pagkapasok ko sa guidance, habang kumukuha ako ng exam, may biglang nagtext.

Akala ko naman si Beb kaya binuksan ko agad kahit nageexam pa ako pero nagulat ako nung makita ko kung sino yung nagtext.

"Hi seatmate, Kenzo here, do the honor of saving my number ;)" -yan yung nakalagay sa text

Nagulat talaga ako, paano niya nalaman ang number ko?!

Hindi ko siya nireplyan. Akala ko first and last text na niya yun, hindi pa pala.

Pagkatapos na pagkatapos ng exam. Tiningnan ko ang phone ko, ang daming text mula sa kaniya.

"Seatmate magreply ka naman, di mo na nga ako inaccept sa fb, sineenzoned mo na nga ako"

"Seatmate sabay tayo maglunch sa Monday"

"Uy Seatmate, uy"

At marami pang ibang text.

Tas may dumating pa na Pasaload na malamang ay galing sa kaniya!

"Ayan seatmate, may load ka na, text text na tayo"

Hindi naman sa nagtetext ako pamula noong lumabas ako ng guidance, sunod-sunod kasi yung text niya, binubura ko lang, baka mabasa ni beb!

Ok na sana kaso nung paalis na kami ng school nina Beb, bigla siyang tumawag!

Lumayo ako ng konti,

[Hi Seatmate!] bungad niya noong sinagot ko yung tawag niya

"Bakit?" tanong ko sa kanya, ano ba talagang kailangan niya?

[Wala naman, wala kasi akong magawa, tara labas tayo?] yaya niya, nanlaki naman yung mata ko, like, WOW?! Close pala kami?!

"Lumabas ka mag-isa mo" binaba ko na yung tawag, paglingon ko.

"Sino yun?" tanong niya

"Ah, wala, ano kaklase ko" tinago ko agad phone ko

"Talaga? Bakit ka namumutla?" tanong niya

Ha?! Ako?! Namumutla?!

Napahawak naman ako sa mukha ko, siya naman nakatingin pa rin

"A-ano, kaklase ko lang yun, bagong lipat kasi, medyo bano sa school, nangungulit"

"Talaga? Anong pangalan naman niyang bago mong kaklase?" hindi ko alam kung may hidden message ba dun sa mga tanong niya o wala

At teka, ano namang gusto niyang sabihin ko, si Kenzo?!

Nakatingin lang siya sa'kin, halatang naghihintay siya ng sagot ko.

"Ano-Ke--" hindi ko maituloy yung sasabihin ko

"Ano?" hindi naman siya galit pero alam niyo yung parang tamang duda

Wala naman akong ginagawang masama ah!

I'm just preventing him from jealousy. Lol.

Maya-maya pa, nagring na ulit yung phone ko.

Pagtingin ko, siya ulit. Si Kenzo.

Nakita naman ni Beb yung phone, kinuha niya agad sa kamay ko at siya na yung sumagot.

"Hello"

Patay.


Nickel's POV

Kinuha ko yung phone niya, wag niyo kong mamasamain pero nakakapagduda lang talaga.

Kanina pang siyang text ng text at kanina pa ring may tawag ng tawag sa kaniya.

Nakakapagtaka lang talaga, sa pagkakaalam ko, wala namang ibang friends 'tong girlfriend ko kundi kami-kami lang saka nakakapagtaka rin yung pagtatago niya ng mabilis sa phone niya

Tinatanong ko siya kung sino yung tumatawag sa kaniya, hindi niya ako masagot.

Medyo naiinis na ako, hindi ko rin alam kung bakit.

Nung nagring ang phone niya, kinuha ko agad, bakit ba?

Gusto ko lang namang malaman kung sino ang tumatawag sa girlfriend ko, boyfriend kaya ako.

"Hello" kita ko sa mukha ni Beb, gulat na gulat siya, bumalik na naman yung pamumutla niya

[Hello seatmate!] nagulat ako nung napakinggan ko yung umimik sa kabilang linya

"Sino to?" tanong ko sa kaniya

[Kenzo seatmate, teka bakit parang lumaki ata boses mo?! Hahahaha] tumawa pa siya niyan, t*ngina, gago 'to ah

Napatingin ako kay Beb, nakakagat labi lang siya

Binaba ko na yung tawag, di ko na sinagot yung gago na yun

Naiinis ako

Binalik ko na kay Beb yung phone niya

Hindi ko siya iniimikan

Hindi rin naman siya umiimik

Naiinis ako! Naiinis ako! Sino yung gagong yun?!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top