Chapter 11
Ayame's POV
NAKATINGIN lang ako sa labas ng classroom namin. Hawak ko ang phone ko.
"Okay class before we continue our lesson, meet Kenzo, your new classmate, medyo late na siyang nakaenrol, galing pa kasi siya sa ibang bansa."
Napapapatingin ako sa phone ko.
"Hi, I'm Kenzo Lara, nice meeting you all"
Three weeks na rin pala ang nakalipas after nung nangyari sa resort. At 3 weeks na rin kaming hindi nagkikita ng stalker boyfriend este 'beb' ko.
"Okay Kenzo, doon ka na lang maupo sa tabi ni Miss Evangelista"
3 weeks na rin siyang hindi nagtetext. 3 weeks na siyang hindi nagpaparamdam. 3 weeks ko na ring hawak ang cellphone ko. Kahit walang load, hawak ko pa rin ang phone ko.
At...
"Hi!" napabalikwas ako sa upuan ko, teka nga, sino ba 'tong lalaking 'to?!
Tiningnan ko lang siya, mga 5 seconds ko siyang tiningnan saka ko ulit binalik ang pagtingin ko sa phone ko.
Teka, bakit ko nga ba hawak ang cellphone ko?
Kasi iniintay ko ang text niya? Baka kasi mamaya magtext siya tapos di ko agad makita?
Ito na ba yung sinasabi nilang buhay--
"Hi, I'm Kenzo, nice meeting you, ikaw?" tiningnan ko ulit siya, inabot niya yung kamay niya sa'kin, tiningnan ko kamay niya, deadma stare as in, alam niyo yung feeling na nageemote ka tapos may isang madaldal na palaka ang biglang nasegway?
After ko siyang titigan ng aking deadma stare, binalik ko na ulit ang focus ko sa phone ko. Di ko siya pinansin.
"Waiting for a text?"
Medyo naiirita na ako sa kadaldalang taglay nitong katabi ko.
At gaya ng palagi kong ginagawa, kunwari, hindi ko na lang siya narinig. Deadma na lang. Bahala siya, di naman kami close so bakit ko siya papansinin?
Napabuntong hininga na lang ako.
Oh beb kelan ka ba magpaparamdam?!
"Ayame, solve the problem on the board" Napabalikwas ako, muntik ko ng mabitawan ang phone ko, tinawag na pala ako ng teacher ko.
"Hihi" rinig ko yung katabi kong tumawa, grabe ha, tawanan daw ba ako? Close ba kami?
"Ayame, may problema ka ba?" tanong nung teacher namin.
"Wa-wala po ma'am" napatungo na lang ako saka kinuha yung marker at sinolve yung pinapasagutan niya sa board.
Wala naman talaga akong problema, problema ba yung 3 weeks ka ng di kinakausap ng boyfriend mo?
Hindi naman diba?
After kong sagutan yung pinapasagutan ni Ma'am na problem sa board, pinadiscuss niya sa'kin kung paano ko raw nakuha yung sagot.
Psssh, hay nako ma'am, alam ko na yang technique mong yan.
Alam ko namang kaya niya lang ako pinagdiscuss kung paano ko nakuha yung sagot, para di na siya ang magdiscuss sa klase, ang utak diba? Mga teachers talaga. Para-paraan.
"Very good Ayame, so class dismiss na muna tayo, enjoy your weekend"
Kinuha ko na yung bag ko, weekend na naman. Naiinis ako.
Si Nickel na naman kasi yung naiisip ko.
"Uuwi ka na?" tanong ata nung katabi ko sa'kin.
Di ko na lang siya pinansin. Sino ba yun? Transferee ata?
Teka, pakialam ko ba sa kanya?
Umalis na rin ako pagkakuha ko ng bag ko. Narinig ko pa yung huli niyang sinabi..
"Challenging"
Ako ba sinabihan niya nun? Psssh, kung ako man, pakialam ko ba?
Naglakad lang ako palabas ng building.
Bakit ganun, 3 weeks na niya kong di kinukulit?
Nahihiya naman akong magtanong kay Ate kung nasaan si Nickel baka mamaya masabihan akong clingy. =,=
Pssssh.
Magkasubdivision naman kami, ano ba yung simpleng pumunta siya sa bahay para bisitahin ako?
Teka, bakit ba ang demanding ko?
Kasi girlfriend lang naman niya ako?
At teka nga, bakit ba tanong ko-sagot ko?
Malamang POV ko 'to.
Si Nickel kasi. Asaaaaar!
Palabas na ako ng building namin ng may biglang tumawag sa'kin.
"Ayame, Ayame" sino na naman 'to? =m=
Paglingon ko, nakita ko ang teacher namin, siya pala. Mukha siyang hingal na hingal, hinabol niya ba ako?
"Bakit po Ma'am?"
"Nakalimutan kong sabihin, pinapapunta ka ni Principal sa office niya"
"Okay po" nilampasan ko na yung teacher namin, palagi naman. Hindi naman kasi ako yung mga tipong makikipagchismisan pa sa teacher.
Dumiretso na ako sa office ng principal, ano naman kayang sasabihin niya?
Nakatungo lang ako, hawak ko pa rin ang phone ko, bakit kaya hindi nagtetext si 'beb'
Busy ba sila sa school nila?
"Good Afternoon Principal" pagpasok na pagpasok ko sa pinto ni Principal, tumayo siya agad saka ako inalalayan sa isang upuan. Ang laki ng ngiti niya, teka, ano bang meron?
"Ayame, hija, Ayame" tuwang tuwa talaga siya, ang creepy niya.
"Bakit po?"
"Ayame hija, may dumating na letter galing sa Miriam Inares Sy University, they are offering scholarships for qualified students" poker face lang ako, teka, school yun ni Ate ah. E ano namang nakakatuwa dun?
"Hindi ka ba natutuwa hija?! Mirian Inares Sy University, isa sa mga prestihiyosong eskwelahan dito sa ating lugar!" tanong sa'kin ni Principal.
'hindi po' ngali-ngali kong sabihin sa kanya, pero siyempre alangan namang sabihin ko sa kaniyang hindi, umoo na lang ako.
"And you know what hija, dalawang ang kukuhanin nila dito sa school natin at ikaw ang isa sa napili nila para maging scholar!" tuwang tuwa talaga siya, hindi ko maipaliwanag ang ngiting namumutawi sa kaniyang mukha, oh ang lalim ng aking tagalog, sarap ibaon kasama ang taong nasa harapan ko ngayon. =m=
"Talaga po?" siyempre nakangiti ako niyan, kunwari masaya rin ako. Pero teka, parang may mali sa sinabi nitong Principal namin.
Okay, hayaan na lang. Matanda na naman siya, at tumatanda na rin ako, malay ko kung nabibingi lang pala ako sa narinig 'kong ako raw ang napili na maging scholar. Diba?
"Oo hija! At alam mo ba, nakaschedule ka na bukas para sa entrance exam sa school nila!"
"PO?! Teka po, AKO PO?!" nagulat talaga ako, akala ko nabibingi lang ako pero ako nga pala yung napili daw ng Miriam Inares.
"Oo hija! Ikaw nga! Ang saya diba?" hinawakan niya ang kamay ko at itinayo ako saka kami nagtatalon, para kaming mga palaka.
"Teka po, bakit po ako?" nagtatatalon parin kami, e kasi nga, masaya siya.
"Kasi hija, ikaw ang ating class valedictorian!" tuwang tuwa talaga siya, ako naman, windang na windang sa mga sinasabi niya.
"PO?! CLASS VALEDICTORIAN PO?!"
"Oo hija! Ikaw na!" napatigil ako sa pagtalon, gulat na gulat ako sa mga revelations nitong Principal namin.
"Eh Principal, sino po yung isa?" di ko na mapigilang di magtanong.
"Wala pa hija, pipiliin pa lang, kung sino ang maging Salutatorian mo ay siya ang makakasama mo but for now, ikaw na lang muna" okaaaay, ganun naman pala pero teka, di nga?! Seryoso?! Ako nga???!
***
Pagkauwi ko ng bahay, nandoon na si Ate, nililinis niya yung living room namin.
"Yame! May group study kami bukas ah" sabi niya sa'kin, di ko na lang siya pinansin. Naglakad na lang ako papunta sa kwarto ko.
"Kasama ko sina Nickel bukas!" aakyat na sana ako ng hagdan ng mapatigil ako.
Si Nickel? Nandito siya bukas?
Talaaaaaaga?!
Dali-dali akong umakyat papunta sa kwarto ko.
Pagkabukas na pagkabukas ko ng pinto, sumubsob ako sa kama.
"eeeeeeeeeeeeeeeeeeh!!!"
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top