Chapter 10


Ayame's POV

"Wake up beb." Namumulat-mulat pa lang ako ng makita ko yung mukha niya na nakasuggab sa mukha ko. Sa sobrang lapit ng mukha niya sa mukha ko, naitulak ko siya with full force. Natumba siya dun sa may sahig.

"Araaaay naman beb!" mukhang nasaktan siya, malakas nga yata yung impact.

"So-sorry, kaw naman kase" bumangon na ako saka ko siya inalalayan.

"Mga bata, anong nangyayari dito?" pagtingin ko sa may pinto, andun sa lola

"Wa-wala po" sabay pa kami ni Beb, este Nickel pala. Sige na Beb na, kami naman diba?

"Siya, mag-ayos na kayo, handa na ang almusal" ngingiti-ngiti si lola,

"Sige po" sagot na lang namin sa kanya.

By the way, if you're asking kung saan natulog si Beb at kung saan ako, pareho kaming natulog sa banig. Well, magkahiwalay na banig. Wag malisyoso. Bata pa kami.

"Beb" ngingiti-ngiti 'tong "boyfriend" ko. Claim na claim na.

"Oh?" I asked, para kasing ewan, kanina pang ngiti ng ngiti, nakakaloko makangiti.

Nakatingin lang ako sa mukha niya, nakakaloko talaga.

"Ganda mo matulog" napalunok ako sa sinabi niya.

"Ha-Huh?" ano bang sinasabi nitong lalaking 'to? Wag mong sabihing tinitigan niya ako habang natutulog ako?

"Sabi ko ganda mo matulog, tinitigan kita magdamag" di ko alam pero napapangiti ako, ang ganda ko daw kasi matulog?

Hinampas ko siya.

"Ewan ko sa'yo, Puyat lang yan! tara na nga" hinila ko na siya, hawak ko ang kamay niya, lambot naman.

Lalabas na kami ng pinto ng hinila niya yung kamay ko, parang pinipigilan niya akong makalabas ng pinto.

Napatigil naman ako. Nilingunan ko siya.

Nakangiti pa rin siya, yung nakakalokong ngiti, bigla naman akong kinabahan. Ano bang nangyayari dito?

"Oh?" I asked

Nakangiti lang siya, hawak ko pa rin yung kamay niya, hinawakan naman niya yung isa ko pang kamay.

"Bakit?" tanong ko pa, like Beb, sumagot ka kaya?

Iniharap niya ako sa kanya, ngayon ko lang napansin, ang liit ko nga pala talaga, hanggang dibdib niya lang ako.

"Lika" unti-unti siyang lumapit and he hugged me.

Hindi ko alam ang gagawin ko.

But at the end, I found myself na nakayapos na din sa kanya.

"Beb, sorry ha" he said

"Paulit-ulit ka, nakapag sorry ka na kahapon diba?" I told him

Magkapayapos lang kami, here, I feel safe.

"Hindi ko kasi maimagine, pa'no kung hindi natin nakita 'tong bahay nina Lola? Paano na tayo?" nagwoworry yung tone niya, paano nga kaya kung hindi namin 'to nakita?

"I might lose you" hinigpitan pa niya ang pagkakayapos niya sakin.

Hindi ko alam kung paano ako magrerespond.

"Ikaw kasi, wag kang magselos, para namang maaagaw ako ni Neon sa'yo" out of the blue, bigla kong nasabi.

Bumitaw siya pagkakayakap sakin. Then he stared at me. Napatakip ako ng bibig, ano yung nasabi ko?

"What? You said what?" ngingiti-ngiti na naman siya.

"Wa-wala" umiwas ako ng tingin sa kanya, shocks no.

"May sinabi ka e, hindi ako maagaw ni Neon? Ayee Beb so you're admitting that you like me? Or you loooove me? Alin dun?"

"Wa-wala akong sinasabi ah!" di ako makatingin sa kanya.

Do I like him? Or-- do I looov-- No.

It can't be. Ang bilis naman ata.

"Eh bakit ka namumula?" is he interrogating me? And what? I'm blushing?!

"Kasi hindi pa ako nagmumumog?" laaa! I can't handle this, I think I need to escape from his interrogation

"Beb anong connect?" ngingiti-ngiti pa rin siya

"Aminin mo na kasi, you like o love me? Alam mo namang either of the two, I feel the same way too, you don't need to bother, amin na Beb" pinipilit niya ako like. What to do?!

LOVE HARRASMENT!

Ayon sa Love Constitution, bawal mong pwersahin ang tao para umamin kung may gusto ka sa kanya o wala. Love can wait so whyyy people can't?

"Beb I'm waiting" hindi ako makaimik, I don't know what to do, have I fallen already?

"Kasi ano--I think I--" should I tell him?

"You think what?"

Sasabihin ko na ba? Hindi ba masyadong maaga pa?

Should I? Should not?

Whaaaat?!

"You think what Beb?"

Sige na nga, bahala na.

"Beb, I think I--" nakatingin lang siya sakin, halatang excited siya sa sasabihin ko, masyado na ba talaga akong obvious?

"What?" he asked for the nth time.

"I think I--"

"Mga bata! Matagal pa kayo diyan? Lalamig ang pagkain, halina kayo!" Lola yelled from downstairs

"Sht." -Beb, okaaay?

"Sige po lola, wait lang po" I told Lola saka ako tumingin ulit kay Beb. Naghihintay pa rin siya. I smiled at him.

"I think Beb, gutom lang yan, kain muna tayo?" hinawakan ko na ulit yung kamay niya, at bago pa siya nakaimik, nahila ko na siya pababa.

Muntik na ako don, I think hindi pa ito ang time. Thanks to lola, I was saved by the bell.

Kumain lang kami sa baba kasabay nina Lolo at Lola.

After that, nag-ayos na kami ni Beb, we need to get back into the resort.

Nagpaalam na rin kami kina Lolo at Lola, si Lola naman, inihatid kami sa may pinakamalapit na sakayan papunta doon sa resort, actually 45 minutes of walking siya at yun na ang pinakamalapit.

Hanggang sa nakarating kami doon sa sinasabi ni Lola na sakayan, sakto namang may tumigil na bus.

"Lola, thank you po ah" sabi namin ni Beb kay Lola.

"Wala yun mga hijo at hija, magiingat kayo ha" saka kami tinap ni Lola sa ulo.

"Opo, kayo din po lola" sabi ni Beb

"Remember mga bata, love is photographs, it is colorful." Naalala ko yung kwento ni Lola kagabi, I hope ganoon din kami ni Nickel someday.

Aba, first boyfriend ko siya tapos hindi pala siya, hindi pwede.

"Opo" I answered, ito namang si Beb, ngingiti-ngiti.

Alam kong ramdam naman niya, wag na lang muna siyang makulit, sasabihin ko rin naman sa kanya, hindi lang ngayon.

"Sige na mga bata, mag-iingat kayo ha" -Lola

"Kayo rin po Lola, ingat po" Tumango kami ni Beb saka sumakay ng bus.

Parang kahapon lang, pinagtitripan ko 'tong boyfriend ko hanggang sa ang daming nangyari at ngayon heto kami, I can't imagine kung paano kami sa mga susunod na araw.

"Beb, pasandal ha" hawak niya ang kamay ko saka siya sumandal sa balikat ko.

"Hindi ka ba natulog?" I asked him

"Hindi nga, diba sabi ko sa'yo, tinitigan kita magdamag, ang ganda mo kasi matulog" ayan na naman siya, so seryoso nga siya na tinitigan niya ako magdamag?

"Basta pasandal ha, wag kang malikot"

"Ok"

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top