Wakas
#CACWAKAS
"Goodmorning everyone! Welcome to Talliah's Haven and Treats grand opening! We are so thankful to so many of you, who have been with is every step of the way, so that this day would finally come. My name is Talliah Hope Cojuangco, the owner of the shop."
"I would like to introduce a few special persons to you," I said and called out my family members
Hinanap ko sila at agad din silang lumapit sa'kin.
"Together with me is my family. My mom, my dad and my two siblings. I also would like to formally introduce my new employees. These are the people that I will be working for the next years."
Ilang sandali ay nagsalita naman ang emcee. Binaba ko ang microphone ko at ngumiti sa mga guest.
"Next on our agenda is the ribbon cutting ceremony, which will be followed by a tour or opening of the facility," anunsiyo niya
Pumalakpak ang mga bisita at panay ang kuha sa'min ng mga pictures. I also hired a professional photographer for good quality pictures. Importante yun dahil maipopost ko iyon sa social media para maslalong madaming tao ang makaalam sa opening ng shop ko.
"Ma...pa," tawag ko sa kanila
Nilingon nila ako habang panay padin ang ngiti sa camera habang ang mga kapatid ko naman ay nahihiya na.
"Okay na ba Talliah? Sakit na ng panga ko kakangiti," sabi ni ate sabay siko sa'kin
"Oo, ribbon cutting na. Sila mama nalang yung kasama kong gugupit," sabi ko. "Sabihin mo din kay kuya."
Tumango siya at bumulong kay kuya. Sumulyap siya sa'kin at ngitian ko sila at tinanguan. Umalis nadin sila sa tabi ko at bumalik sa harap. Maging ang empleyado ko ay sumunod nadin. Ngayon ay kami nalang ng magulang ko ang nasa harap.
Akmang aalis nadin sila pero pinigilan ko. "Ma...pa. Wait! Kayo kasama ko mag-gupit ng ribbon."
Nagkatinginan sila. "Kami talaga? Eh si papa mo nalang. Nahihiya ko," sabi ni mama
I sighed. "Ma, sige na. Maslalong nakakahiya oh. Nakaabang na yung mga guest," sabi ko at pasimpleng tinuro ang audience
"Hindi ba pwedeng kayo nalang ni papa mo? O kaya ni ate. Andyan din si kuya theo mo."
Umiling ako. "Dalawa po pwede."
Tumingin ako kay papa na siyang kumakaway pa sa mga bisita. Mukhang payag siya na makasama ko sa pag-gupit ng ribbon.
"Sige na hon, minsan lang 'to." sabi ni papa kay mama
Ngumiti ako nung unti-unting tumango si mama. Binigay ko sa kanya ang gunting at ganun din kay papa. Pumwesto kami sa tapat ng pulang ribbon. Hinawakan ko iyon at ganun din sila.
Binalik ko ang tingin sa harap at matamis na ngumiti. We did a few poses to the camera. Hindi ko alam kung saan titingin dahil halos lahat sila ay pinipicturan kami.
"One...two...three," senyas ko kela mama at papa
Tumango sila habang nakatingin sa ribbon at sabay namin iyong ginupit. Red carpet din ang tinatayuan namin ngayon.
Nagpalakpakan ang mga tao kasabay ng paglaglag ng ribbon sa sahig. May mga staff na nag-assist sa'min at sa kanila namin binigay ang gunting na hawak.
"Congratulations! It is now officially opened. We would like to invite everyone to come forward-" anunsyo ng emcee
"Congratulations anak," bati nila sa'kin
Ngumiti ako at niyakap sila. I heard them whispehered some few heartful words in my ear. Pumikit ako at dinama ang yakap nila. Kumalas din ako at pinunasan ang luha sa gilid ng mata ko.
Nagulat nalang ako nung may hawak hawak ng isang boquet ng bulaklak si papa at binigay niya iyon sa'kin. Ngumiti ako at tinanggap iyon. I went closer to him and kissed him on the cheek.
Meanwhile, mom caressed my faced. I smiled and held her hand.
"Ang ganda mo ngayon Talliah," she complimented
"Ma. Yung make-up ko baka masira," sabi ko kaya agad niyang inalis ang kamay niya
Tumawa siya. "Pasensya na. Basta proud na proud kami sa'yo ng papa mo."
"Thank you," I said in a small voice
Humarap ulit kami sa audience at ngumiti sa camera.
"We have these coins or tokens as part of the tradition. They will be actually throwing all of these coins inside the store for good luck so they will be handed all these tokens."
Habang nagsasalita ang emcee ay agad akong nilapitan ng kapatid ko.
"Congratulations baby sis!" bati sa'kin ni ate
Bineso niya ako at mabilis na niyakap. "Thank you."
Kasunod naman niya si kuya na siyang yumakap din sa'kin. "Congratulations on your shop."
I smiled. "Thanks kuya."
"Tara kuya. Ihagis na natin 'tong barya," yaya niya
"Effective ba 'to?" tanong ni kuya sabay pakita ng barya sa kamay niya
"Oo kaya tara na," sabi ni ate at hinigit si kuya palayo
Maya-maya ay nakita ko naman ang mga kaibigan ko na papalapit sa'kin. Bineso nila ako isa-isa.
"Congratulations Talliah!" bati ni Inna at Margo
"Salamat...salamat," sabi ko at niyakap sila
Binati din ako nila Kurt, Terrence, Francis at Cole. Kasama din ang katrabaho ko na si John at Caleb.
"Congrats Lia!" they said
Sumunod naman sa likod nila si Sabrina at Ericka. "Hi Lia! Congratulations."
"Thank you!" sabi ko sabay beso
"Uy, salamat talaga dahil nakapunta kayo kahit na alam kong busy din kayo sa trabaho. Thank you talaga," sabi ko sa kanila
"Of course we'd come! This is a very special day for you," Inna said
"Oo nga tsaka para san pa itong invitation na pinadala mo sa'min kung 'di kami pupunta?" sabi ni Kurt sabay pakita sa'kin ng invitation
Tumawa ako. "Oo nga. Ganda din ng mga porma niyo ngayon ah."
Halos lahat sila ay naka semi-formal na attire. Ang boys ay naka white longsleeves pa na may coat habang ang girls ay simplenh dress lang.
"Prepared kami," komento ni Terrence sabay akbay kay Ericka
Ngumiti ako at hinanap sa kanila si Mark.
"Did...Mark come?" I asked them while searching him at the crowd
"Papunta na daw. Natraffic daw sa EDSA," pagbibiro ni Francis
I smiled weakly. Hindi ako nagsalita.
"Huwag kang mag-alala, pupunta yun. Alam mo naman yun, mahilig magpalate. Kala mo special," sabi ni Kurt sabay tapik sa likod ko
"Oo nga eh," sagot ko nalang
"So is everyone ready? We will be throwing the coins for prosperity and goodluck, so throw as many as you want, as far as you want because we have to make sure that no space of the shop will be empty. So again, you may enter and keep on throwing those items."
Tumingin kaming lahat sa emcee. Nakita kong pumasok na ang ilang bisita sa loob ng shop habang binabato ang mga barya nilang hawak.
"Uy guys. Tara na. Kailangan nating batuhin 'to sa loob para swertehin yung shop ni Talliah!" sabi ni Francis sabay pakita sa'min ng barya sa kamay niya
I chuckled.
Francis and his superstitions will never get old.
Nauna na siyang pumasok sa shop. Binigyan namin ng space ang iba para maslalong makapasok. Iginaya ko din ang mga kaibigan ko sa loob. Sumunod naman sila sa'kin.
Pinanood ko sila habang binabato ang mga barya. Rinig ko ang bawat pagbagsak nito sa sahig.
"Ang kulit parang new year lang," sabi sa'kin ni Sab na parang bata
"Oo nga eh. Hindi ko alam na may ganito palang kasabihan," sabi ko at nakisama nadin sa kanila sa pagbato
Pagkatapos ng sermonya ay pumalibot kaming lahat sa shop. Nasa gitna ako kasama ang mga staff na tumulong sa'kin pati narin ang emcee.
Hawak-hawak ko padin ang boquet ng bulaklak sa braso ko. Pinagpawisan din ako sa ginawa namin kanina.
Binigyan ako ng isang empleyado ng tissue at agad akong nagpasalamat.
"Salamat po," sabi ko at pinunasan ang pawis sa noo
Panay padin ang ngiti ko sa kanila kahit na pagod na ko.
I watched the waiters holding their trays as they gave each of the guest a glass of champaigne. Lumapit din sa'min ang isa at kumuha kami doon sa tray niya.
"Thank you," I muttered
Now all of us has a glass of champaigne on our hands.
"Once again, congratulations for the success of the launching of Talliah's haven and treats. Cheers!" anunsiyo ng emcee
Sabay-sabay naming tinaas ang baso namin. "Cheers!"
We clinked our glass to each other's. I smiled to everyone and took a sip on my champaigne.
Nagpalakpakan ulit sila at kinuhaan ulit ako ng litrato. Ngumiti ako sa camera na nagflash. Bigla na lamang may background music na tumugtog.
Muli akong nilapitan ng mga kaibigan ko at lahat sila'y nakipagpicture sa'kin.
We took some selfies and group photos as well. Patuloy padin sila sa pag-congratulate sa'kin.
We gathered at the center and to take another group photo. Nasa gitna ako at sila naman ay nakapalibot sa'kin.
"Up!" sabi nila
Ngumiti kami sa camera. We all did the same pose which is the number one.
Sunod kong pinuntahan ang ibang bisita. Dumalo din ang mga kamag-anak ko. Nakipag-usap ako sa kanila at panay ang puri nila sa'kin.
"Congratulations hija! Sa murang edad mo ay nakapagtayo ka na agad ng sarili mong shop," sabi ng tita ko
"Salamat po," sagot ko
"Sana maging successful ka pa in the future," dagdag niya
Tumingin ako kay tito na siyang nagsalita.
"Sigurado akong madaming customers ang dadalo dito," komento ni tito
"Sana nga po," nahihiya kong sabi
"Magtuloy tuloy pa sana ang blessings mo hija," sabi naman ng isa kong tita
"Salamat po."
Ilang sandali ay nahagip ng mata ko sa likod nila si Lola Flores at si Tita Beth na papalapit sa'min.
"Talliah!" bati sa'kin ni tita
Ngumiti ako at sinalubong siya ng yakap. Binalik ko ang tingin kay Lola Flores na nakawheel chair.
"Salamat at nakarating po kayo," sabi ko
Si tita ay nasa likod ni lola hawak-hawak ang wheelchair. Lumuhod ako kay lola. Ngumiti ako nang magtama ang mata namin.
"Hi La! Kamusta? Nakikilala mo pa ba ko?" bati ko
"Ikaw ba 'yan Talliah?" mahina niyang sabi
"Opo, ako nga," sabi ko at hinawakan ang kamay niya. "Kamusta po kayo?"
Iginaya niya ang paningin sa shop. "Asaan ako?"
Tumawa ako at inangat ang tingin kay Tita Beth. Binalik ko din ang paningin kay lola.
"Asa shop niyo po ako," sabi ko pero parang hindi niya ko narinig
"Nasa opening po kayo ng shop ko," sabi ko sa mas malakas na boses
"Shop? Nagpatayo ka na ng shop?" tanong niya
Tumango ako. "Opo."
Unti-unting sumilay ang ngiti sa labi niya. "Aba ang galing naman ng apo ko."
Ngumiti din ako pabalik. "Salamat po."
Magsasalita pa sana siya pero bigla siyang umubo. Tumayo na ako at tumingin kay tita.
"Nakapagpacheck-up po ba ulit si lola?" tanong ko sa kanya
"Ahh oo. Kailangan niya lang siguro ng sariwang hangin. Labas nalang muna kami Talliah," paalam ni tita
Agad akong tumango. "Ahh sige po," sabi ko at sumulyap kay lola
"Congratulations ulit Talliah. Salamat sa pag-imbita sa'min. Goodluck sa shop mo ah," sabi ni tita
"Salamat po! Salamat din sa pagpunta," sabi ko
Binalingan ko ulit si lola. "Pagaling po kayo lola ah."
Isang tango lang ang sinukli niya. Inikot na ni tita ang wheelchair at masaya ko silang pinanood palayo.
Masasabi kong isa si lola sa mga dahilan kung bakit ko minahal ang pagbabake. Simula nung natikman ko ang gawa niya ay dun din ako nainspire na magbake.
I didn't even expect that I would love baking. At first, it was just my hobby but then I realized that I was actually good at it, then, as time goes by, my hobby turned into a passion.
****
After the ceremony, we all went to the reception. Pinanood ko sila habang kumuha ng kani-kanilang mga pagkain. Nakapila din ako ngayon para kumuha ng akin. Nasa likod ko naman ang mga kaibigan ko.
"Talliah, pwede dun ka sa table namin mamaya?" tanong sa'kin ni Inna. Nilagay pa niya ang baba niya sa balikat ko
Ngumiti ako sa kanya. "Sige."
Ngumiti din siya pabalik. Umusog na ang pila kaya nagsimula na kaming kumuha ng pagkain. Nagsandok ako ng kanin at ulam gaya ng corden bleu. Kumuha din ako ng konting pasta at syempre hindi mawawala ang paborito ko. Ang hipon.
"Guys, pwede kayong bumalik ah. Wag na kayo mahiya," sabi ko sa kanila
Tumango sila bilang sagot. Tumalikod na ako habang bitibit ang plato. Nilingon ko ulit si Inna.
"Saan yung table niyo?" tanong ko
"Ah dun! Nandun sina Cole at Margo," sabi niya sabay turo sa lamesa
Nilingon ko iyon at tumango. Nagpaalam na ako sa kanya at naglakad palapit sa lamesa nila. Nadaanan ko naman ang lamesa ng pamilya ko. Kasama nila ang mga kamag-anak ko. Nasa iisang lamesa lang sila at nagkwekwentuhan. Binati ko sila at kinawayan bago dumiretso sa lamesa na tabi nila.
Binaba ko ang plato sa lamesa. Binati ako nina Margo at Cole.
"Hi guys," sabi ko. "Kamusta yung pagkain?"
"Masarap. Bet ko itong lasagna," sagot ni Margo sabay subo doon
Maya-maya ay dumating nadin ang mga kaibigan ko sa lamesa. Nagsimula nadin kaming kumain. Tahimik lang kami habang kumakain. May dumating na waiter sa'min at binigyan kami ng tig iisang baso ng champaigne. Nakalagay pa iyon sa wine glass.
"Cheers guys!"
Sabay-sabay namin inangat ang baso namin at nakipagtoast sa isa't isa.
"To the success of Talliah's haven and treats!"
I smiled and drank from the glass. Binaba ko na ang baso at nagsimulang ulit kumain. Pagkatapos ay nagsimula nadin kaming magkwentuhan.
It was really nice to be able to catch up with them after so many months..and me being MIA all the time. But I'm thankful that they still check up on me.
Their presence are already enough.
"Bakit hindi niyo dinala mga girlfriend niyo?" tanong ni Inna sa mga boys
"Girlfriend? Wala ko nun ah!" depensa ni Kurt
"Oh bat nagagalet? Nagtatanong lang naman."
Tumawa kaming lahat.
"Basta ko single na single. Career first ako eh," sabi naman ni Francis
"Single ka na ngayon kasi kakabreak niyo lang ng girlfriend mo. Ano'ng career first ka diyan?" pagbabara ni Kurt
Napailing nalang ni Francis at hindi na sumagot.
"Hoy kayo diyan? Saya saya niyo ah," sabi ni Inna kela Terrence at Ericka
Tumingin kaming lahat sa kanila. Nakalagay ang kamay ni Terrence sa likod ng upuan ni Ericka.
"Syempre tibay ng relasyon namin," proud na sabi ni Terrence sabay halik sa noo ng girlfriend
"Walang forever!" bitter na sabi ni Inna at inirapan sila
"Palibhasa kasi iniwan ng jowa!" parinig ni Kurt
Matalim na tumingin si Inna sa kanya sabay turo. "Ikaw nga walang gustong pumatol sa'yo kaya hanggang ngayon wala kang jowa."
"Sino may sabing wala?"
"Eh hindi naman sila nagtatagal."
Tumawa ako. "Sila talaga? Ang dami naman."
"Oo alam mo 'yang si Kurt-"
"Okay tama na. Ang daldal mo talaga Inna," pagputol ni Kurt
Marahan kaming tumawa sa pag-aaway nila.
"Kanina pa tahimik yung dalawa diyan," biglang sabi ni Sabrina
Kumunot ang noo ko at tumingin sa kanya.
"Oo nga. Sila talaga yung tahimik at low-key lang na couple," sagot ni Inna
"Huh? Sino?" naguguluhan kong tanong
Bahagyang nanlaki ang mata nila habang nakatingin sa'kin. Inangat ko ang dalawa kong kilay habang nakatingin sa bawat isa.
"Ano'ng sino? Hindi mo ba alam?" tanong ni Inna
Unti-unti akong umiling. "Ang alin ba kasi?"
Nagkatinginan sila at bigla nalang nagtawanan.
"Seryoso ka ba Talliah?" si Sab
I chuckled. "Ano nga kasi yun?"
"Oh my God sis. Saan ka bang planeta galing at hindi ka updated?"
"Hello? Talliah? Andito ka pa ba?"
Naguguluhan na ako sa mga nangyayari. May kailangan ba akong malaman? Nacucurious nadin talaga ko dahil hindi ako makarelate sa kanila.
"Tsk. Ano nga kasi yon?" medyo naiinis na ko
Ngumuso si Inna sa katabi ko. Tumingin ako sa katabi ko na sina Margo at Cole. Tumingin si Margo sa'kin at ngumiti.
Binalik ko ang tingin kay Inna. Nung una ay nakakunot pa ang noo ko pero unti-unti iyong napawi. Agad kong nilingon ang dalawa.
"Sila?"
Tumango si Inna. "Oo sila."
Umawang ang labi ko. "S-sila?" ulit ko
Nakita kong nasamid si Sab at biglang tumawa. "Oo nga!"
Napatakip ako sa bibig ko. Tumingin ulit ako sa katabi ko. "Hoy, seryoso ba?!"
"Hindi naman big deal," casual na sabi ni Margo sabay inom sa ice tea
"Grabe ah," hindi makapaniwalang sabi ni Cole
"Oh my God! After all this time. Kayo? Bakit hindi niyo sinabi sa'kin?"
"Kahit na hindi pa sabihin eh halata naman sa dalawang 'yan," sabi ni Sabrina
Bumuntong hininga ako. "So wait. Kailan pa? Matagal na?"
"Magfifive months palang Talliah," natatawang sagot ni Margo
"Five months?! Tagal nadin ah. Wala manlang nag-inform sa'kin," disappointed kong sabi
"They officially announced their relationship nung reunion na hindi ka naman umattend," singit ni Inna
Tumingin ako kela Margo at Cole. Inakbayan ni Cole si Margo. "Surprise!" they both said
Napasandal nalang ako sa upuan ko na tulala. Narinig kong pinagtatawanan nila ko ngayon. Kinuha ko ang baso ko sa lamesa. Ininom ko ang tubig at inubos iyon.
"Now you know Talliah. Welcome back to earth!" sabi ni Inna
Napailing nalang ako. Sa huli ay nakitawa nalang din ako sa kanila. Maya-maya ay tumayo din ako at nagpaalam sa kanila.
"I'll just get some deserts," sabi ko at tumayo na sa upuan.
Nagsimula ulit akong maglakad papunta sa buffet table. May mga ilan na bumati sa'kin. Nagpasalamat ako sa kanila. Buti nalang ay walang ibang taong nakapila. Hindi ko kailangan magmadali sa pagpili.
Kumuha ako ng plato at tinignan isa-isa ang mga deserts. May maliit na slices ng cake. Meron ding mga nakalagay sa maliit na baso. Kumuha ako tig-isa at maingat na nilagay sa plato ko. Habang kumukuha ay nahagip ng mata ko ang chocolate fountain sa tabi.
Pumunta ako doon. May bowl din na naglalaman ng marshmallows. Kumuha ako ng stick at tumusok ng isa. Nilagyan ko iyon ng chocolate sa chocolate fountain. Pinanood ko ang pagtulo ng chocolate sa marshmallow. Binaba ko muna ang plato ko sa lamesa.
Mas lalong kuminang ang mata ko pagkakita sa mga malalaking jars na naglalaman ng sour candies at cookies.
Nagulat ako nung may naramdaman na tao malapit sa likod ko. Akala ko isa lang iyon sa mga bisita pero nung dumapo ang kamay niya sa bewang ko ay doon na ko napalingon.
Nanlaki ang mata ko pagkakita sa kanya.
"Mark!" hindi ko napigilan na mapataas ang boses ko
"Hi. Uh sorry I'm late-"
Hindi ko na siya pinatapos sa sasabihin at bigla ko na lamang siyang niyakap. He barely hugged me back but I felt the palm of his hand touched my back.
Kumalas din ako sa yakap. Nagulat ako nung nakita kong may tumulo na chocolate sa suot niya. Hindi ko namalayan na hawak hawak ko pa pala ang stick ng marshmallow.
"Hala sorry! Natapunan ko ata ng chocolate..."
Napatingin siya sa polo niya at tipid na ngumiti. "It's okay. Itim naman yung polo ko kaya hindi obvious."
Bumagsak ang mata ko sa suot niya. Nakaitim siyang long sleeves na nakatupi hanggang siko at itim din na slacks.
Nagtama ulit ang mata namin.
"You look beautiful," he said
My lips parted. Tinignan ko ang suot ko. Nakaputing sleeveless dress din ako na hanggang tuhod.
"You better eat that or else the chocolate might drip on your dress. Nakaputi ka pa man din."
Napakurap-kurap ako at tumingin sa hawak kong stick ng marshmallow. Agad ko iyong kinain. Binalik ko ang tingin sa dress at hinanap kung may natapon nga bang chocolate. Buti nalang ay wala.
"Ako nalang ba yung wala?"
Bigla akong napatingin sa kanya. Iginaya niya ang mata sa venue.
"Oo. Kanina ka pa namin hinahanap," sagot ko. "Ayun sila oh," sabi ko sabay turo sa lamesa
Tumingin siya doon at tumango. Mukhang nakita niya din ang lamesa na tinutukoy ko. Hindi naman napansin ng mga kaibigan namin si Mark dahil medyo malayo din sila at nakita kong busy sila sa kwentuhan.
"Buti nakarating ka," agap ko
He gulped. I can sense that he's nervous. I don't know why.
"Of course. Natraffic lang kaya..."
Tumango ako. "Okay. Sige kain ka na. Eto plato," sabi ko at agad na kumuha ng plato. Binigay ko iyon sa kanya
"Thanks," he replied as he took the from my hand
Tumalikod na siya sa'kin at nagsimulang kumuha ng pagkain. Pinanood ko siya habang ginagawa iyon. Hindi din nagtagal ay kinuha ko na ang plato ko.
"Sige. Una na ko. Sunod ka nalang. Andun yung table namin," paalam ko sa kanya
Tumingin siya sa'kin saglit at tumango. Tumalikod na ako at nagsimulang maglakad pabalik sa lamesa namin.
"Andito na si Mark," balita ko sa kanila pagkarating
"Talaga? Saan?" sabi nila
Tinuro ko si Mark sa buffet table.
"Mark!" sigaw ni Kurt
Agad siyang sinita ni Inna. "Huy. 'Di mo kailangang sumigaw. Nakakahiya."
"Hindi namamansin," sabi ni Kurt habang nakatingin sa kaibigan
"Baka 'di ka lang narinig," sabi ko sabay subo sa cake
Lahat kami nakatingin kay Mark hanggang sa lumapit siya sa lamesa namin. Binati siya ng lahat.
"Kamusta lawyer natin? Tagal mo ah," si Terrence
"Sorry, natraffic."
Tahimik lang siyang umupo sa tabi ni Francis. Uminom siya ng tubig. Napansin kong maunti lang ang pagkain na kinuha niya.
Hindi ko nalang yun pinansin at hinayaan siyang kumain. Nakipagkwentuhan nalang ulit kami sa isa't isa.
"Hay nako Kurt, pag ikaw talaga nakulong sa mga pinagagagawa mo," sabi ni Inna
Tumawa kami sa asaran nila. Kanina kasi ay napag-usapan namin ang mga ginawa namin nung nag-aaral pa lang kami. Hindi ko inakala na ang lulupit ng kwento nila, maslalo si Kurt.
"Basta pag nakulong ako. Andito naman si Mark," sagot niya sabay akbay sa kaibigan
"Nako, baka 'di ka pa niyan ipagtanggol," pagbibiro ni Francis
Nagtawanan kami. Patuloy padin kami sa pagkwentuhan. Masaya ko silang pinapanood. Sumandal ako sa upuan. Bumagsak ang mata ko sa wine glass sa harap ko. Napangiti ako at kinuha iyon kasama ang maliit na kutsilyo.
I stood up and clinked the knife on the glass to get the people's attention. Iginaya ko ang paningin sa mga tao. Inulit ko ang ginawa hanggang sa lahat sila'y nakatingin na sa'kin.
"Nice may speech si mayora," mahinang bulong ni Margo sa tabi ko
I chuckled and looked at everyone.
Unang dumaan ang mata ko sa pamilya ko sa katabing mesa.
I cleared my throat. "I would like to take this opportunity to express my utmost appreciation to my loved ones and to acknowledge the people who helped me along the way. What a humbling moment it is to stand here in front of you and to mark this very special occasion."
"First and foremost, I want to thank God. None of this is possible without Him. I owe this success to Him. I wouldn't be able to overcome the challenges in life without Him. Glory is all his."
"Second, I would like to thank my family," sabi ko at tumingin sa kanila.
"Thank you mom and dad for supporting me and to my siblings, thank you for guiding me. As the youngest, I always look up to you. I wouldn't be here without them. I thank God for giving me a beautiful family."
Pagkatapos kong sabihin iyon ay tumingin naman ako sa mga kaibigan ko.
"Third, is I want to thank my friends who supported me from the start. A big thank you to Ericka for being my interior designer. To my friends who helped me paint my shop," I chuckled
Nagthumbs up sila sa'kin.
"Thank you for being with me. I hope you're still part of my future. I'm really blessed to have you guys. I will always be grateful."
I sighed and composed myself.
"Lastly, I want to thank the staff, the employees, the even coordinators and organizers, the photographer. Thank you for making this possible. I appreciate your hard work and effort for this ocassion."
There's a lot more things that I have to say but I want my message to be clear and simple.
"Once again, thank you for the overflowing love and support. Hindi lang sa'kin kundi sa launching ng shop ko. Maraming salamat sa oras niyo at nakadalo kayo ngayon. Thank you...thank you for being here."
Pagkatapos ng speech ko ay nagpalakpakan silang lahat. Ngumiti ako at inangat ang baso ko. We shared a toast. I then took a sip from my glass.
It was really a blissful day. I was happy to be surrounded by people who I cherish the most. I'm happy that finally, nagsama sama din kaming lahat. Hindi ko inakala na ang daming susuporta sa'kin.
To my friends, I am very proud and happy for us. Sa kung sino kami ngayon. Parang kailan lang ay pinag-uusapan lang namin ang pangarap namin pero ngayon ay naabot na namin.
As we grew older, we also grew apart. A lot has changed but what hasn't is our bond. Our friendship. Mas tumatag pa iyon habang tumagal.
I just wish for constant happiness to everyone.
****
Nagdaan ang mga araw at naging busy ako sa shop. Sa unang linggo ng pagbukas ay madami na agad ang dumalo.
Maraming nagpost sa social media tungkol sa shop ko at marami ding nagshare. Dumami ang naglike sa fb page ko pati narin sa instagram ko.
"Hi kids! Are all ready to decorate some cupcakes?!" I announced
"Yes ate!" they screamed
Today is a fun day. Nagkaroon kami ng activity sa shop kung saan tuturuan ko ang mga bata sa pag bake at pagdecorate ng cake.
I proposed this activity for a purpose...and that is for aspiring kids who wants to be a party chef someday.
"Okay. So first things first, let's put our aprons!" masaya kong sabi
Sumunod sila at sinuot ang aprons nila. Some of them brought their own. May mga designs pa iyon ng cartoons.
"Very good! So nakikita niyo dito sa lamesa ang mga cupcakes. Ngayon, pwede niyo bang tulungan si ate sa paglagay ng icing nito?" tanong ko
Naghiyawan sila at tumalon talon. "Yes po!"
I laughed at their cute response. "Okay so let's start! Please come forward."
Lumapit sila sa lamesa at tinignan ang mga cupcakes. Kita ko ang ngiti sa mga labi nila. Ang iba ay hinahawakan na ang mga cupcakes.
"No, wait a minute. Don't start unless I told you so okay? Sabay sabay tayong lahat."
Tumango sila at lumayo ng konti. Ngumiti ako at kinurot ang pisngi ng isa.
"Meron kayong tig iisang piping bags," sabi ko sabay kuha ng isa
"Eto yun. Iba't ibang kulay sila."
Agad na may nagtaas ng kamay. "Ate!"
"Hmm?" inangat ko ang kilay ko
"Iba't iba din pong flavor ito?" tanong ng batang babae
Umawang ang labi ko. "Ahh oo. Ito ay chocolate," sabi ko sabay pakita sa hawak ko
"So ito pong pink ay strawberry?" inosenteng tanong ng babaeng nakapig tails
Lumuhod ako ng konti at tumango. "Yes."
Natatawa ako dahil ang totoo niyan ay food coloring lang naman ang icing kaya iba iba sila ng kulay.
Umayos ako ng tayo at pumalakpak para makuha ang atensiyon nila.
"Now everyone hold your piping bags!"
Tumango sila at nagsipagunahan.
"Okay now you may start," sabi ko
Pinuntahan ko ang mga mas bata na hindi pa marunong. Ginabayan ko sila sa paglagay ng icing sa cupcake.
Pumunta ako sa likod ng isa at hinawakan ang kamay niya habang nilalagay ang icing. Ngumiti kami sa isa't isa.
"Ang ganda!" sambit niya. Kumikinang ang mata niya habang nakatingin sa gawa niya
"You did great!" I said
She giggled. "Thank you ate!"
"Ate ako din po!"
"Ako muna!"
Lumingon ako sa mga bata. Nilapitan ko din sila at tinulungan.
"Ate, ang ganda niyo po," sabi sa'kin ng batang lalaki
Ngumiti ako sa kanya. "Thank you. Sigurado akong pogi ka paglaki."
Tumango siya at pinagpatuloy ang pagicing ng cupcake.
"Huy, akin itong pink!"
"Share tayo. Gusto ko din ng pink."
Rinig kong away ng katabi kong mga bata. Tumayo ako at nilapitan sila.
"Bakit kayo nag-aaway?" tanong ko sa kanila
Lumingon sila sa'kin. Ngumuso ang batang babae sabay turo sa batang lalaki.
"Siya kasi ate eh! Sabi ko akin yung pink na icing tapos inagaw niya sa'kin," reklamo ng batang babae
Tinignan ko naman ang lalaki. Yumuko siya.
"Gusto ko din nung pink eh," bulong niya
Bumuntong hininga ako at lumuhod sa harapan nila.
"Huwag na kayong mag-away. May pink pa ko na icing dito."
Tumayo ako at naghanap sa lamesa. Sakto ay may nakita akong isa. Kinuha ko iyon at binigay sa batang lalaki.
Lumiwanag ang mukha ng lalaki. Inangat niya ang paningin sa'kin at binigyan ako ng matamis na ngiti.
"Eh? Bakit pink din sa kanya ate? Lalaki po siya at pang babae po ang pink," naguguluhang tanong ng batang babae
Tumingin ang lalaki sa kanya at mukhang nahihiyang magsalita. Lumuhod ulit ako sa harapan nila.
"Alam mo...ano nga palang pangalan mo?" tanong ko
"Kyla po," sagot ng babae
Tumango ako at binalingan ang batang lalaki. "Ikaw?"
"Troy po."
I sighed. "Okay Troy at Kyla. Makinig kayo ah. Ang kulay pink ay hindi lang sa babae. Pwede din iyon sa lalaki."
"Huh? Bakit po? Eh alam ko..." si Kyla
"Oo lumaki kayo na iyon ang alam niyo pero hindi dapat natin ibabase ang gender natin dahil lang sa kulay. Hindi purket gusto ni Troye ng pink ay hindi na siya lalaki at huwag na huwag mo din siyang tatawagin na bakla."
Unti-unti silang tumango. "Okay po."
"Tignan mo itong suot ko, kulay blue yung uniform ko pero babae ako. Hindi ba nasa isip mo ay ang blue ay para sa lalaki lang?" tanong ko
"Opo. Naiintindihan ko po kayo," magalang na sagot ni Kyla
"Ako din po," si Troye
Tumango ako at ginulo ang buhok nila. "Huwag na kayong mag-aaway ah. Sabihan niyo nalang ako kapag kailangan niyo ng tulong."
Tumango sila. "Okay po ate! Thank you po!"
Ngumiti ako sa kanila pabalik. Tumayo na ako at inassist ang ibang bata. Masaya ako habang pinapanood sila sa pagdecorate. Ang ilan naman ay naglalaro nalang ng icing.
"Sa mga tapos na magdecorate pwede niyo na kainin yung cupcakes niyo o pwede din ilagay niyo dito sa box. Pakita niyo sa mommy at daddy niyo pag-uwi," anunsiyo ko
"Okay po!" sagot nila
Pagkatapos nila magdecorate ay nakipagpicture ako sa kanila. Pumunta ako sa gitna. Pinapalibutan ako ngayon ng mga bata habang nasa harap namin ang mga cupcakes. Madumi at maraming kalat ang gawa nila pero masaya ako nang makita ang ngiti sa labi nila.
"Picture tayo ah. Tingin kayo lahat sa camera," sabi ko sabay turo sa camera
Sa harap ay may hawak na camera ang isa sa mga empleyado ko. Nag-thumbs up siya sa'min.
"One...two...three!"
"Say sweet!" sabi ko
"Sweet!" sigaw nila
Nakailang kuha kami ng pictures. Ang iba ay kumandong pa sa'kin. Sumpa din ang isa sa likod ko. Sa huli ay nakipaglaro ako sa kanila. Pinahidan nila ako ng icing at ginantihan ko sila pabalik. Pinatikim din nila ako ng cupcake na gawa nila.
Pagkatapos ay tinulungan ko din sila sa paglagay ng cupcake sa box na iuuwi nila.
My heart fluttered everytime they complimented me. Sinasabi nila ay gusto din nila maging katulad ko paglaki. Natutuwa din ako sa mga kwento nila. Hindi sila nahihiyang ishare ang mga pangarap nila paglaki.
Kahit pagod ay masaya ako ngayong araw. Masaya ako dahil napasaya ko sila.
It was tiring but everything was worth it.
Sa totoo lang, minsan ay gusto kong bumalik sa pagkabata.
Masaya ako ngayon pero nakakamiss lang din.
Home.
Binuksan ko ang ilaw at binati ang magulang ko.
"Hi ma...pa."
"Kamusta trabaho?" tanong nila
Nanonood sila ng TV ngayon. Binaba ko ang bag ko sa sofa at sumulyap sa TV.
"Ayos lang po. Pagod," sabi ko
"Pahinga ka na anak," sabi ni papa at umubo
Kinagat ko ang pangibabang labi ko at tumango. "Opo. Uminom na po ba kayo ng gamot?"
Nanatili ang mata niya sa TV. Isang tango lang ang bibigay niya.
Nagpaalam na ako sa kanila at kinuha ang bag ko.
Ang daming nagbago sa dumaan na taon. Si kuya ay nakalipat na ng bahay. As for my sister, she moved to a condo kasi malapit ang trabaho niya doon.
Sa huli, ay ako nalang ang mag-isa sa bahay kasama sila mama at papa.
Hindi ko namalayan na habang tumatanda din ako ay ganun din sila.
Napadaan ako bigla sa family picture namin sa hallway. Hindi ko na matandaan kung ilang taon na iyon. Tumigil ako at pinagmasdan ang litrato. Nakasabit din sa tabi ang graduation picture naming tatlo. Sa baba ay ang nga certificates at medals na natanggap namin. Sa lamesa ay may mga maliliit na frames din na naglalaman ng baby pictures namin.
Dinampot ko ang isa at pinagmasdan. Hindi ko mapigilang hindi maging malungkot. Binalik ko ang frame sa lamesa. Inangat ko ulit ang paningin sa graduation picture namin nung college.
I bit my lip as I reminisce the past. I feel so nostalgic. Memories flooded inside my mind. Naalala ko lahat simula nung nag-aaral palang ako. Naalala ko din ang masasaya naming kwentuhan kapag kumakain. Naalala ko kung gaano kami kasaya noon.
Noon, asa iisang bubong lang kami.
Kahit na may iba't iba na kaming tirahan ay iisa parin ang tahanan namin.
Gusto kong bumalik. Gusto kong bumalik sa panahon na wala pa kong iniisip na problema. Gusto kong maging bata ulit, yung walang responsibilidad.
It's hard being an adult but at the same time, I enjoy every bit of it.
****
"Ang ganda ng bahay mo kuya ah," sabi ni ate
"Syempre ako nagdesign eh," sagot ni kuya
"Weh. Naghire ka kaya ng architect."
"Malamang."
Nandito kami ngayon sa bahay ni kuya at masayang kumakain sa malawak niyang dining area. Kasama din namin ang asawa niya na si Emma.
"Ang sarap talaga ng luto ni mama," sabi ko
Dumating si mama na may dala dalang panibagong putahe. Nilapag niya iyon sa lamesa.
"Ma, sigurado po bang kaya niyo? May katulong naman po na magluluto sa'tin," si kuya
"Ano ka ba anak. Malakas pa ko. Itong papa niyo lang ang uugod ugod na," pagbibiro ni mama
Tumawa kami. Tumingin kami kay papa na mukhang walang narinig sa sinabi ni mama.
"Nga pala. Ikaw Talliah? Kailan ka kukuha ng lupa?" tanong ni mama
"Soon ma...soon," sagot ko
"Dapat makakuha ka nadin agad dahil pataas na ng pataas ang presyo ng lupa. Mahirap na."
Tumango ako.
Ilang sandali ay tumikhim si kuya. "Uh guys. I have an important announcement to make."
Lahat kami ay napatingin sa kanya. Tumigil ako sa pag-nguya at hinintay ang sasabihin niya.
"Ay mukhang alam ko na 'yan," si ate
Matalim na tumingin si kuya sa kanya. Tumawa si ate at umiwas ng tingin. Uminom nalang siya ng tubig.
"Ano yun anak?" si mama
Halata sa mukha ni kuya ang nerbyos. Tumingin siya sa asawa niya ay inakbayan.
Emma smiled at us. "Ma...pa. Magkakaroon na po kayo ng apo. I am eight weeks pregnant."
My jaw dropped. Napakurap kurap ako sa sinabi niya. Tumingin ako kay ate at nagkibit balikat lang siya.
Oh my God.
Napatakip ng bibig si mama. "Talaga?"
Tumango si kuya. "Yes ma. Sorry if we took so long to announce it."
"Kaya pala inimbita mo kami dito," sambit ni ate
"At nagpakain," dagdag ko
Tumawa kaming dalawa. Tumayo si mama at nilapitan ang mag-asawa.
"Congrats anak," sabi ni mama kay kiya at niyakap
"Congrats din Emma. Welcome to the family!" sabi niya at niyakap din si ate Emma
"Salamat po!" sagot niya
Tulala lang ako habang pinapanood sila. Hindi padin ako makapaniwala sa mga nangyayari.
Kuya is going to be a dad.
Natandaan ko pa nung una ay akala ko hindi na siya mag-aasawa sa sobrang workaholic pero ngayon...
Grabe, ang bilis talaga ng panahon.
Tumayo din si ate at sinalubong ng yakap si Ate Emma. "Congrats sis!"
"Congrats din kuya," sabi niya
Tumayo din ako at nilapitan sila. I hugged the both of them and congratulated them as well.
Dinaluhan ni mama si papa. Sinabi niya ang magandang balita. Natawa kami dahil sa itsura ni papa. Pinilit niyang tumayo. Inalalayan siya ni mama. Lumapit sila kuya at niyakap din si papa.
"Let's have a toast!" si kuya
Inangat namin ang baso. "Cheers!"
We clinked our glass to each other's.
This is one of the most happiest moments in my life. Masaya ako dahil nakasama ko ulit sila. We finally got to see each other again. Kompleto na ulit kami.
"All I can say is. Welcome to the family Ate Emma," I sincerely said
She smiled. "I'm glad to be a part of it."
****
"Ano pong mapapayo niyo sa mga students na gustong kunin ang course na BSBA?"
Umayos ako ng upo at nag-isip.
Iniinterview ako ngayon ng isang estudyante na galing din sa school ko nung college. Meron silang project sa school at iyon ay maginterview ng isang tao na nakapagtapos sa kurnong business. Nasa shop ko din kami ngayon habang nagiinterview.
"Tips?" I sighed. "Para sa'kin, syempre kailangan mong mag-aral ng mabuti tsaka dapat magkaroon ka ng confidence mo sa sarili. Confidence is key sabi nga. Kasi maraming reporting, presentation, recits, interviews lahat na pagdating sa BSBA parang sa trabaho lang para mapractice ka sa interview kaya dapat marunong ka din mag English. Basic na yun eh. Kailangan mo talaga siyang aralin."
"Isa pa ay sana huwag natin maliitin ang BSBA kasi flexible course yun eh. Sakop lahat ng aspeto kaya huwag niyo sanang isipin na walang kwenta yung course na 'yan. Yung nga cashier, sales lady, mga BSBA sila. Tandaan niyo wala yung mga malls na 'yan kung wala sila kaya huwag natin sila maliitin."
Tumango ang estudyante. Tumingin ulit siya sa phone niya dahil andun lahat ng mga tanong niya sa'kin.
I glanced at the camera and smiled awkwardly. I made sure that I look good in it. Mahirap na baka ipost din nila 'to sa social media.
"Last question na po," sabi niya
I nodded. "Okay."
"Sa tingin niyo ba ay masasabi niyong naging successful kayo sa course na kinuha niyo? Ano po bang definition niyo ng success?"
Umawang ang labi ko.
Ang lalim ah. Hindi ako prepared.
Umiwas ako ng tingin at nag-isip. Sa huli ay sinabi ko nalang kung ano yung nasa puso ko.
I don't want to sound fake. Ayoko din ng masyadong bonggang sagot.
"To be honest, my definition of success might be different from others. Kasi kung iisipin mo yung word na success. It's a strong word. Parang ang unang papasok sa isip mo ay mayaman, may sariling bahay, may kotse. Those people that we see on the internet. Like Bill Gates, Steve Jobs, they're millionares right? They're also successful entrepreneurs."
"But success for me is simple. I believe that success means being able to do what you love, being able to pursue your passion, to be able to find a job that you truly enjoy. Those little things," I paused then continued.
"Simple lang akong tao. I appreciate those small things. Success is a big word. Hindi purket hindi tayo kasing yaman ng mga tao na nabanggit ko kanina ay hindi na tayo successful. For me, we can also enjoy and celebrate those little success that I've mentioned a while ago. Kahit maliit man yun ay malaking bagay iyon para sa'kin. Malaki din yung saya na nabibigay nila sa'kin."
Tahimik lang siya habang nakikinig sa'kin.
"Kasi sa totoo lang, kung iisipin mo, hindi lahat ng tao ay masaya sa trabaho nila, hindi masaya sa ginagawa nila pero wala silang choice kasi wala eh, hindi sila mabubuhay kung ganun, hindi sila makakapag-provide sa pamilya nila."
"Kaya ako, base sa definition ko ng success. Masasabi kong successful ako at blessed kasi nagagawa ko yung bagay na gusto ko at mahal ko. I will always...always be grateful because of that."
Pagkatapos kong sabihin iyon ay binalot kami ng katahimikan. Tulala lang siyang nakatingin sa'kin at parang pinoproseso palang niya sa isip niya ang sinabi ko kanina.
"Tapos na," pagbasag ko sa katahimikan
Natauhan siya at tumingin sa phone niya. "Ahh okay po. Ano uhm. Salamat."
I chuckled awkwardly. "Tapos na ba?"
Agad siyang tumango at tumingin sa cameraman niya. Isa din itong estudyante. "Ahh opo. Tapos na po."
Tumayo na siya at pinuntahan ang kaklase. Inayos ko ang suot ko na blouse.
Napahinto ako nang biglang may pumasok sa isip ko.
"Ahh excuse me," sabi ko sabay tayo
Nilingon nila ako. "Yes po?"
I gulped. "Can I...can I add something?"
Nagkatinginan sila. Napansin kong tapos na yung lalaki na mag-video. Hindi ko na sana itutuloy pero nagsalita sila.
"Ah sige po. Ano po yun?" tanong ng babae at umupo ulit
"Yung video niyo ba. Ipapasa niyo lang ba 'yan sa prof niyo o ipapanood sa klase?"
Hindi agad sila nakasagot. Mukhang nagkakahiyaan pa sila.
Do I sound weird? Or too much?
"Ahh ipapanood po sa prof pero baka ipanood din po sa klase. Depende po sa prof namin," sagot niya
Tumango ako at inayos ang sarili. "Ah sige. Kung pwede sana ay..."
"Sige po. Kuhaan po namin ulit kayo. Tamang tama para may outro din po kami."
Bumalik ako sa upuan. I fixed my hair and stood straight.
"Sorry kung madaldal ako," sabi ko sa kanila para mawala ang awkwardness sa pagitan namin
Tumawa sila. "Okay lang po."
Huminga ako ng malalim at tumingin sa camera.
"Ready na po in three, two, one..."
When he signaled a thumbs up, that's the time when I started to speak.
"Hi! this is Talliah Hope Cojuangco. I graduated in business management major in entrepreneurship in Sta. Mores college of business."
"This is a message to the youth out there not only to students taking up BSBA but to everyone who is struggling right now. To those students who's having a hard time choosing a course. It's okay if you're still figuring things out. It's okay if you're still finding yourself. It's okay if you still have no idea what you will do in the future or what job to take. It's okay of you're thinking of shifting your course. It's okay if you're friends are already succeeding and you feel left out. It's okay if you feel like giving up. It's okay if your dream is not as big as the others. It's okay if there are times you feel like you can't achieve your dream. It's okay if you feel lost..."
"Just breathe and take your time. Don't compare yourself to others. We have our own pace. Life is not a race. It doesn't matter if you're ahead or behind. It's not a competion between you and other people. Sarili mo ang kalaban mo."
"Your dream is still out there. Even if it's vague or vivid. It's still there. Never lose hope. Kahit na matagal, kahit na mahirap, kahit na marami kayong pagsubok na dadaanan, sana ay huwag kayong sumuko. Soon, you'll get there. I'm wishing you the best of luck. I hope this message made an impact on you even if it's just one percent. Sana kahit papaano ay nabuhayan kayo, sana nainspire kayo. Thank you for listening."
****
"Salamat po ate," paalam nila
"Salamat din po dito sa brownies niyo. Ang sarap po ng gawa niyo dito," sabi sa'kin ng lalaki sabay kagat doon
Tumango ako at kumaway sa kanila. "Sige salamat din. Ingat kayo pauwi. Aral ng mabuti!"
Kakatapos lang ng interview namin kanina. I was happy after the interview. Ang sarap sa pakiramdam na sabihin ko ang mga salitang yun. Gumaan ang loob ko.
Kumaway din sila pabalik at naglakad palayo. Narinig ko pa ang huli nilang sinabi.
"Ang lupet ng outro natin!"
Lumabas ako sa shop. Tumingala ako at pinagmasdan ang kabuuan nito. Bumabati ako kapag may mga taong pumapasok ng shop.
I crossed my arms over my chest and smiled while admiring my masterpiece.
Now, I can say I have the courage to chase my dreams.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top