29

#CAC29

"Margo, ano ba? Hanggang ngayon hindi mo padin sinasagot yung tanong ko," malambing kong sabi sa kanya

"Tumigil ka na nga Talliah, malapit na tayo sa bahay niyo."

Nakaakbay ang isa kong kamay sa kanya at nakapulupot naman ang braso niya sa bewang ko.

Marahan akong tumawa. "Bakit kasi umuwi agad tayo?"

"Kasi alas tres na ng gabi! Okay ka lang?!" bulyaw niya

Naglalakad kami ngayon sa hindi ko alam kung saan kami papunta.

"Ang aga pa kaya nun! Tsaka nakakahiya kay Stella, umuwi agad tayo!"

Narinig ko siyang bumuntong hininga. "Sila yun! Tsaka sanay na sila, eh ikaw hindi! Ikaw pa 'tong strict ang magulang. Wala akong mukhang ihaharap sa kanila."

"Eh bakit? 'Di mo naman kailangan ako ihatid pauwi! Kaya kong umuwi mag-isa!" sigaw ko

"Ayos ka lang? Uuwi kang lasing?! Ni hindi ka nga marunong magbook ng grab eh!"

Naramdaman kong bumaliktad ang sikmura ko kaya agad akong lumayo kay Margo.

Hindi ko na napigilan kaya sumuka na ako. Nandidilim ang paningin ko pero pinagpatuloy ko padin.

Naramdaman kong hinagod ni Margo ang likod ko.

"My God Talliah! Sabi na kasing huwag ka nang uminom eh."

Ginamit ko ang palda ng dress ko para punasan ang bibig ko. Umayos ako ng tayo pero muntikan na akong matumba kung hindi lang ako nahawakan ni Margo.

"I'm fine, I'm fine."

"Tsk. Hindi na dapat tayo tumuloy. I mean look at you! Sobrang wasted. Mas wasted ka pa sa mga tao sa club. Paano nalang pala kung wala ako? Alcohol is not for you Talliah."

I chuckled bitterly. Inalis ko ang kamay niya at hinarap siya. "So what are you trying to say huh? That I can't handle myself? That I don't belong?"

She sighed and shut her eyes. "That's not what I meant-"

"Nanay ba kita ha? Wag mo nga akong binababy! I'm a grown up woman and I can handle myself!"

Madilim na ang gabi at kaming dalawa lang sa street namin. Wala na akong pakielam kung may magising na kapitbahay dahil sa'min.

"You're being ridiculous Talliah-"

"You know what? Just leave okay? Kaya ko na dito, ano gusto mo ihatid mo pa ko sa mismong bahay? Papasok ka pa sa loob?!" I sarcastically said

She looked away, completely out of patience. "Ano ba'ng problema mo? Masyadong malakas tama ng alak sa'yo ah!"

"Seryoso ka sa tanong mo?" tanong ko habang unti-unting lumalapit sa kanya

Nanatili siyang nakatitig sa'kin.

"Ang haba nung speech ko kanina tapos hindi mo padin nagets? Wala kang naintindihan dun?" tanong ko

Umiwas siya ng tingin at mahinang napamura.

"Okay, to make it short kasi masyado nga namang mahaba yung drama ko kanina. Hirap bang intindihin?"

Lumayo ako sa kanya at napahilamos sa mukha.

"Nakakapagod palang maging mabuting anak. Hirap intindihin noh? Pero yun yung nararamdaman ko. Mahirap ipaliwanag yung nararamdaman ko."

So this is what alcohol does to people? They get either high or happy and sad at the same time. Halo halong emosyon eh. Hindi ko nanaman makilala ang sarili ko.

I feel stupid!

I act like a child.

"I get it, Talliah. You just misunderstood what I said. I'm just worried about you and I don't want you to get in trouble. That's it!"

Kinagat ko ang labi ko para pigilan ang pagtulo ng luha. Kanina sobrang pigil na pigil ako sa pagiyak dahil ayokong umiyak sa harapan nila, sa harapan ng maraming tao.

Naramdaman ko nalang na lumapit siya sa'kin.

I feel so fragile right now.

Para bang paghinawakan niya ako ay tuluyan ng bubuhos ang luha ko.

"Let's just talk some other time," she said

I bit my lip harder and nodded. I sniffed and calmed my heavy breathing.

Bago pa niya ako mahawakan ay nilagpasan ko na siya. Naglakad na ako papunta sa gate namin at pumasok doon.

I wiped the dry tears on my eyes and fixed myself. I combed my hair using my fingers and fixed my shoulder bag.

Pagkadating ko sa tapat ng bahay namin ay bigla akong huminto. I just stood there for a few seconds before knocking.

Noong una ay walang sumagot sa'kin kaya kumatok ulit ako. Kung alam ko lang na sobrang gagabihin ako ay sana nagdala ako ng susi. Sigurado ay tulog na sila. Sino naman ang magbubukas sa'kin?

Bigla ko nalang naramdaman ang kaba sa dibdib ko. I bit my nails while waiting for someone to open me.

My parents must be furious right now!

Sumilip ako sa bintana at kita kong bukas ang ilaw sa loob.

They're awake?

Shit! Paano na ako? Ano'ng irarason ko kung bakit ngayon lang ako umuwi? Sigurado magtatanong sila o kaya papagalitan nila ako.

Ngayon ko lang naisip ang mga bagay na ito. Masyado akong naging pabaya at hindi namalayan ang oras.

Inumpog ko ang ulo sa bintana at bumuntong hininga. "Stupid, stupid Talliah!"

Ilang sandali ay umayos ako ng tayo noong narinig kong bumukas ang pintuan sa bahay.

Brace yourself Talliah.

Lumayo ako upang makita kung sino ang nagbukas noon. I swallowed hard when I saw that it was my father.

"Talliah," he said in a low and scary tone

Para bang kanina pa nila ako hinihintay.

Yumuko ako at pinaglaruan ang dress ko.

"Ano? Tatayo ka nalang ba diyan? Pumasok na dito," he commanded

Sa paraan ng pananalita niya ay alam kong galit siya. Hindi pa niya ako pinagtataasan ng boses pero nakakatakot na agad ang boses niya.

I swallowed hard and went it. Nanatali padin akong nakayuko.

"Pa-"

"Alam mo ba kung anong oras na?! Bakit ngayon ka lang?"

Hindi ko kayang tumingin sa kanya pero pinilit ko dahil baka maslalo siyang magalit.

"Pa, ano kasi-"

"Saan ka ba galing ha? Bakit inabot ka ng madaling araw bago umuwi?!"

Magsasalita na sana ako pero nakita ko si mama na pababa ng hagdan. Narinig siya siguro ang malakas na boses ni papa.

Nagtama ang mata namin at nakita ko ang pagawang ng labi niya. "Talliah, anak."

Hindi ko inalis ang tingin sa kanya. Nangungusap ang mata ko na sana tulungan niya ako sa sitwasyon ko.

"Bakit ngayon ka lang?" tanong niya at nilapitan si papa

"Ano, Talliah? Wala kang papaliwanag?"

Masyadong sunod sunod ang tanong ni Papa at hindi ko alam kung ano'ng uunahin kong sagutin.

May rason nga ba ako?

May isasagot nga ba ako?

Eh ako naman talaga ang may kasalanan eh.

"Sorry po," mahina kong sabi

"Ang sabi ko magpaliwanag ka. Hindi mo sinagot yung tanong ko."

Kinagat ko ng mariin ang labi ko habang iniisip kung paano ko ipapaliwanag sa kanila nang hindi sila magagalit ngunit namental block ako.

"Steve," paghinanon ni mama kay papa

"Talliah, anak. Saan ka ba kasi galing at bakit sobra kang ginabi? Kanina pa kami nag-aalala ng papa mo."

Hindi ko alam ang sasabihin. Kapag sinabi ko ang pinuntahan namin ay club at uminom ako ay maslalo silang magagalit.

Ayokong magsinungaling dahil hindi kakayanin ng konsensiya ko pero ayoko ding mapagalitan.

"Ano kasi, hindi ko po namalayan yung oras. Natraffic din...po."

"Bakit hindi ka manlang nagtext sa'min? Wala ka bang dalang phone? Wala kang load para magreply? Nakailang missed calls kami ng mama mo ah," sunod sunod na sabi ni papa

Umiwas ako ng tingin dahil malapit na akong umiyak.

"Ano Talliah? Bakit hindi ka makasagot?"

Kahit na gusto kong magsalita ay tila ba may nagbara sa lalamunan ko. Para bang pag nagsalita ako ay tuluyan ng bubuhos ang luha ko.

"Sorry po, kasalanan ko po talaga. Hindi ko napansin na tumatawag kayo sa'kin," mahina kong sabi

"Talliah naman. Bakit hindi mo manlang naisipan na icheck yung phone mo? Hindi mo ba naisip na nag-aalala kami para sa'yo? Siguro naman malaki ka na para maisip iyon."

Tumingin ako kay papa at kay mama. "Sorry, I'm sorry."

Wala akong ibang masabi kundi 'sorry'. Alam kong hindi iyon sapat pero pinagdadasal ko nalang na sana matapos na itong araw na 'to. Pagod na pagod na ako at hindi ko na kayang magpanggap sa kanila.

"Saan ka ba galing ha? Hindi mo pa sinasagot yung tanong ko, puro ka sorry."

I was already expecting this, but still, I'm not prepared. This is where I start to think of an answer, contemplating whether to lie or tell the truth.

If I tell the truth, I'd be in big trouble but if I lie, I'd still be in trouble. I'm sure they won't even believe me.

"Sa BGC po," sagot ko

"BGC nga ba talaga?" tanong niya

I licked my lips and slowly nodded. Ramdam ko na ang pangingilid ng luha ko.

"Saan sa BGC na umabot ka at umabot ka ng ganitong oras."

Magsasalita na sana ako pero unti-unti siyang lumapit sa'kin. Nagulat ako at umatras. Umiwas ako ng tingin.

"Teka nga, uminom ka ba? Bakit amoy alak ka?!"

Tila nabuhusan ako ng malamig na tubig sa sinabi niya.

"Steve!" sigaw ni Mama

"Itong anak mo, naglasing. Kaya naman pala."

"Ma, hindi po-" sabi ko habang nanghihingi ng tulong kay mama

Tumingin muli si papa sa'kin. "Magsabi ka nga ng totoo Talliah. Uminom ka?"

"Please Talliah. Ano ba talagang nangyari?" malungkot ang boses ni mama

Pabalik balik ang tingin ko sa kanilang dalawa. Malalim ang bawat paghinga ko at tila sumisikip ang dibdib ko. Naramdaman ko nalang na may pumatak na luha sa mata ko.

"S-sorry," saad ko

"Minorde edad ka palang Talliah. Bakit ka uminom? Hindi mo manlang ba naisip iyon?" sambit ni papa

Nanatili akong tahimik at pinunasan ang luha ko.

"Sumagot ka!"

Nagulat ako sa boses ni papa. Pumikit ako ng mariin at kinuyom ang kamao ko.

"Ang sabi mo noong una kakain lang kayo sa labas. Ano? Nagsinungaling ka sa'min?"

"Hindi ko naman po kasi talaga alam na pupunta kami sa club. Biglaan po kasi binago yung location. Hindi ko po talaga alam, I'm sorry..."

"Pero bakit hindi mo sinabi sa'min?"

"Kasi alam ko pong magagalit kayo at-

"Alam mo naman pala eh, tsaka alam mong mali diba? Alam mong mali."

I gulped. "Opo."

"Pero tinuloy mo padin."

Muling pumatak ang luha sa mata ko at sinundan iyon ng isa hanggang sa tuluyan na akong umiyak. Kahit na pinilit ko iyong pigilan ay hindi ko magawa. Kusang bumuhos nalang sila.

"O baka kaya hindi mo sinabi sa'min ay baka ginusto mo. Ginusto mo ba?"

"Hindi, hindi ko po ginusto."

Patuloy ako sa paghikbi habang nakayuko.

"Ewan ko ba sa'yo Talliah. Sino ba yung kasama mo ah. Birthday party ba talaga yung inattenan mo o nagdahilan ka lang."

"Steve, hindi naman siguro puro kasinungalingan yung paalam ni Talliah sa'tin," saad ni Mama ngunit hindi siya pinansin ni papa

"Totoo yung may birthday ako na inattendan. Talagang last minute po binago yung location," paliwanag ko

"Sino ba yang mga kinakaibigan mo Talliah. Mga bad influence sila sa'yo eh. Dapat marunong kang pumili ng kinakaibigan mo ah. Tignan mo nangyari sa'yo oh. Natuto ka pang magsinungaling."

Bawat salita na sinabi niya at tumagos sa puso ko.

Masakit.

Maslalo na hindi mo alam kung paano dedepensahan ang sarili mo.

Isang pagkakamali ko lang pero parang hinusgahan buong pagkatao ko.

Tingin nila nag-iba na ako. Tingin nila hindi na maganda impluwensiya ang mga kaibigan ko. Na wala silang magandang maidudulot sa'kin.

Sila...hindi ko alam kung bakit ganoon na lamang sila magsalita sa isa kong pagkakamali. Siguro ay nasanay sila na isa akong mabait at mabuting anak na hindi nagpapaimpluwensiya kung kani kanino. Kumabaga tingin nila sa'kin perpekto.

"Paano pala kung napagtripan ka sa club? Paano kung may masamang nangyari na sa'yo at hindi namin alam kung nasaan ka? Hindi mo manlang ba naisip yun? Ano'ng gagawin mo sige."

Hindi ako nakasagot sa tanong niya. Pinunasan ko nalang ang luha ko.

Tumalikod si papa sa'kin at agad naman akong nilapitan ni mama na may nag-aalalang ekspresyon.

"Sino palang naghatid sa'yo pauwi?" tanong niya

I sniffed. "Si Margo po, yung kasama ko. Nag-grab po kami."

Tipid na ngumti sa'kin si mama.

"Mabuti at nakauwi ka ng ligtas pero kasi sana ininform mo manlang kami ng papa mo. Kaya siya nagagalit sa'yo dahil nag-aalala lang din siya, nag-aalala kami. Mahirap na Talliah, paano kung napapaano ka. Hindi namin alam kung saan ka hahanapin."

Tumingin ako sa kanya. "Alam ko naman po yun...sorry po talaga."

"Sana maunawaan mo ang papa mo. Iniisip lang namin ang kapakanan mo," dagdag niya

Unti-unti akong tumango sa sinabi ni mama.

Kahit masakit, kahit mahirap ay tinanggap ko padin.

Ako naman may kasalanan eh.

Nakita kong muling humarap sa'kin si Papa. Nagtama ang mga mata namin.

"Alam mo, noong nag-aaral pa ang Ate mo, hindi siya naging ganyan. Hindi siya natutong magsinungaling sa'min."

Tila binuhusan ako ng tubig sa sinabi ni Papa. Umawang ang labi ko at nanlalabo ang paningin ko habang nakatitig sa kanya.

"Kasi alam niya ang tama at mali. Dapat  natuto ka sa kanya eh."

Napakurap kurap ako sa sinabi niya. Unti-unting kumuyom ang kamao ko.

"Hanggang," I gulped. "Hanggang, kailan niyo ba ako ikukumpara kay Ate?"

Nabasag ang boses ko at hinang hina na.

Binalot kami ng katahimikan. Walang nagsasalita sa'min. Nanatili akong nakatingin kay papa at hinihintay ang sasabihin niya.

Hindi ko alam kung bakit ko biglang sinabi iyon, sadyang lumabas nalang sa bibig ko.

Iyan ang lagi kong gustong itanong sa kanya. Isa lang yun sa mga bagay na bumabagabag sa isip ko.

Gusto kong malaman pero takot ako.

Takot akong malaman.

"Ano'ng sinabi-

"Bakit ba...pakiramdam ko lagi niyo kong kinukumpara kay Ate?" ulit ko

"Bakit? Bakit- Ano ba'ng meron? Dahil ba ako yung problema? Hindi ako kasing galing niya? Hindi ako kasing talino? Kasing bait na anak? O baka dahil hindi ko gustong maging doktor kagaya niya...kagaya ng gusto niyo."

Kinagat ko ang labi ko at agad na pinunasan ang luha ko. Ang sakit sa dibdib habang pinapakawalan ang mga salitang iyon.

Ilang buwan ko ding kinimkim iyon sa sarili ko. Paulit-ulit na mga tanong na tumatakbo sa isip ko.

I was insecure. I was doubting myself, until now. Naapektuhan ang buong pagkatao ko. Nawawala yung confidence at tiwala ko sa sarili ko. Nakakapanghina na ipagpatuloy yung passion ko. Nakakawalang gana.

Sa una ay sinusubukan kong iaalis lahat sa isipan ko pero kapag sa ganitong sitwasyon ay bumabalik lahat.

Bumabalik lahat ng pangamba ko.

"Aba't sumasagot ka na-

"Ginagawa ko naman lahat eh, kahit na...hindi ako kasing galing, kasing talino, kasing bait ni Ate pero ginagawa ko yung best ko. Kailan niyo ba iyon makikita? Kailan niyo ko makikita?"

Nanatili siyang nakatingin sa'kin. Nakita kong umigting ang panga niya. Si mama ay hindi alam ang sasabihin at pinapanood lang kami.

"Sana maging proud din kayo sa gusto ko. Sa passion ko. Sana suportahan niyo din ako."

Malalalim at mabibigat ang bawat paghinga ko. I can't even recognize my own voice.

"Sorry kung hindi ako kagaya ni Ate, sorry kung mas pinili ko yung gusto ko kesa sa gusto ninyo para sa'kin."

"Ano ba'ng nangyayari sa'yo? Ganyan ba tingin mo sa'min ng mama mo? Wala kang utang na loob Talliah! Pinagaral ka namin sa magandang paaralan, sinuportahan ka namin sa business mo. Ano pa ba'ng gusto mo?!"

Nagulat ako dahil maslalong lumakas amg boses ni papa. Nilapitan siya ni mama upang pakalmahin.

"Masyado ka nang naimpluwensiyahan at natuto ka ng sumagot. Hindi mo ba alam nakakabastos iyang ugali mo."

Umiling ako at umiwasng tingin. Gusto kong umalis sa bahay. Ayoko muna manatili dito kahit ngayong gabi lang. Nakakasakal, hindi ako makahinga.

It was so unfair.

I wasn't able to explain myself properly because I don't want to make the situation worse.

Gusto kong magpaliwanag pero hindi ko magawa dahil ayoko nilang isipin na sumasagot ako, na nagiging bastos ako kahit hindi naman yun ang intensiyon ko.

Ang hirap. 

I have no choice but to listen to their hurtful words.

I know I was wrong but can't they just hear me out?

"Pa!"

Narinig ko ang boses ni kuya. Tumingin ako sa hagdan at nakita siyang pababa.

"Theo-"

"What's going on here?" putol niya kay mama

Nakakunot ang noo niya habang pabalik balik ang tingin sa'min.

"Abala kayo sa mga kapitbahay. Alas tres ng madaling araw kayo nag-aaway away?" sambit niya

"Pinagsasabihan lang namin itong kapatid mo. Tignan mo ngayon lang nalauwi," paliwanag ni papa

Yumuko ako at hindi tumingin kay kuya.

"Yeah, I heard your conversation. Nagising ako."

"Ewan ko diyan sa kapatid mo. Ang tigas ng ulo."

"Pa, kakauwi lang niya. Siguradong pagod siya. Pwede niyo namang bukas nalang siya pagsabihan eh."

Nakikinig lang ako sa usapan nila. Humupa nadin ang paghikbi ko pero nanatiling basa ang mata ko.

"Besides, Talliah's all grown up. I'm sure she knows what's right and wrong."

"Alam mo ba yung sinasabi mo Theo? Umuwi siya ng madaling araw...naginom. Nagsinungaling pa. Ano'ng tama doon?"

"But she apologized right? She already did. Hindi naman niya yun ginusto. Malaki na siya at hindi niyo na dapat binababy."

Narinig ko ang malalim na buntong hininga ni papa. "Iyan, masyado niyong spinspoil, kaya nagkaganyan eh."

"Pa, hindi naman ibig sabihin nun na tinotolerate ko na yung ginawa niya. Wala namang masama kung magparty paminsan minsan. Wala namang masamang nangyari sa kanya."

"Eh nagsinungaling nga siya sa'min. Hindi manlang siya nagtext o tumawag. Umuwi siyang lasing," sagot ni papa

"Then let her learn from her mistakes. Matututo din siya Pa."

Tumingin ako sa kanila at nakita kong sumulyap sa'kin si Papa. Umiling-iling siya at umiwas ng tingin. Umakyat na siya ng hagdan. Tumingin din si mama saglit sa'kin bago siya umakyat at sinundan si papa.

Kaming dalawa nalang ni kuya ang natira sa living room. Nakatalikod siya sa'kin at nakita ko siyang napahilamos sa mukha.

I swallowed hard and calmed my breathing. Ilang sandali ay kumalma na ako. Pinunasan ko ang tuyong luha sa mata ko.

"Thank you, Kuya," I muttered

"Just take a rest, Talliah," he replied

In times like this, my sister would protect me but I'm glad to have a brother who cares for me the same way as her.

****

Pagkapasok ko sa kwarto ay napasandal ako sa pinto. Nanghihina ang tuhod ko hanggang sa unti-unti akong lumuhod. Hindi mawala sa isip ko ang nangyari kanina.

Masakit padin hanggang ngayon at iyon din ang unang beses na mag-away kami ng malala.

Never akong sumagot kay papa, never pa kaming umabot sa ganito. Ang sakit lang din isipin na nangyari ito.

Hindi ko mapigilang sisihin ang sarili ko. Kasalanan ko din naman.

Kinuha ko ang phone sa bag ko. Pagkabukas ko ay tumambad sa'kin ang texts at missed calls galing sa kanila. Marami at sunod-sunod. My vision became blurry while scrolling through their messages.

Ilang sandali ay napahinto ako at tila tumigil ang pagtibok ng puso ko sa pinakaunang mensahe.

Sabrina:

Talliah, kahit mga five ka na pumunta dito sa'min. Nagluluto pa naman si mama o kung gusto mo pumunta, pwede naman. May pagkain nang naluto si mama. May libre ka pang merienda oh. Andito yung favorite mo, garlic shrimp! Talagang nirequest ko oa yun kay mama :)

Sabrina:

Talliah! Where na you? The party's about to start. Yung cake ko ah, wag mo kalimutan.

Sabrina:

Hoy ano'ng oras na. Anyare sa'yo? Bakit hindi ka nagrereply? May sakit ka ba? Wala ka bang wifi? Walang load? Kinuha na ng alien?

Sabrina:

Hindi na ako natutuwa ah. Konti nalang susugurin na kita diyan sa inyo pero hindi ko magawa dahil ako ang bida dito. 'Di ako pwede umalis. Papasundo sana kita sa bodyguards ko kaso wala ako non!

Sabrina:

Makakapunta ka pa ba?

Paulit-ulit kong binabasa ang mensahe niya. Naramdaman ko nalang ang paghikbi kasabay ng pagbuhos ng luha ko.

Hindi na ako makahinga dahil humahagulgol na ako. I hugged my knees and continued to cry.

I'm such a bad friend.

How can I forgot that today is also her birthday?

Mas inuna ko pa si Stella kesa sa sarili kong bestfriend.

Ang tanga ko.

If only I had come to a different party instead. To Sabrina's, then none of this would have happened.

Makakauwi ako ng maaga. Hindi ako mapapagalitan. Hindi ko kailangan magsinungaling. Hindi sana ako umiiyak ng ganito. Makakatulog sana ako ng maayos at masaya.

I don't know what to do. I don't know if I should text her or call her. It's 3am in the moring, she's probably asleep.

Hindi ko din talaga alam ang sasabihin sa kanya. Magulo ang isip ko at masakit din ang ulo ko kakaiyak.

Ayoko naman ding hindi siya replyan. She must be waiting for me to reply and expecting me to come.

Sa huli ay nagtipa ako ng mensahe.

Ako:

Happy birthday! And I'm sorry...

Sobrang walang kwenta yung sinabi ko at naging malungkot pa ang birthday greeting.

Pagkasend ko ay nagabang ako kung makikita niya. Nagulat ako noong sineen niya.

So that means she's still awake.

Nanlaki ang mata ko noong bigla niya akong tinawagan. Nanatili akong nakatingin sa caller I.D. na may picture ng mukha naming dalawa.

Bigla akong kinabahan. Hindi ko alam ang sasabihin.

I'm still an emotional mess right now. My thoughts are all over the place. I'm clearly not in my best state right now.

But I can't just reject her call. I already ditched her party.

Huminga muna ako ng malalim bago sinagot ang tawag.

"Lia?" boses ni Sab sa kabilang linya

Napahawak ako sa bibig ko upang pigilan ang paghikbi. Kinalma ko muna ang sarili ko bago magsalita.

"Sab," I muttered

Biglang tumahimik ang kabilang linya.

"I'm sorry."

Hindi agad siya nakasagot pero rinig ko ang paghinga niya.

"It's alright. Tapos na birthday ko."

Kinagat ko ang labi ko at pumikit ng mariin.

"Happy birthday..."

I tried my best to have a stable voice but I failed. My voice broke. I'm sure she heard it.

"Hey, are you alright? Umiiyak ka ba? Okay lang sabi eh, masaya naman ako. I mean naging masaya padin yung...birthday ko."

"Hindi, okay lang ako. Uhh, so how's the party?"

"Masaya. Although konti lang yung bisita pero naging masaya padin ako. Daming ding handa eh, tamang lamon lang."

Para akong tanga dito habang tumatawa at umiiyak sa sinabi niya.

I didn't expect she'd call and say these things to me. Akala ko magagalit siya. Akala ko tatanungin niya ako kung bakit hindi ako pumunta.

"Paano pala yung...cake mo?"

"Uhh, yung kaibigan ko, may dala siya para sa'kin tsaka bumili nalang din si mama sa Red Ribbon."

Yumuko ako kasabay ng pagpatak ng luha ko.

My heart aches. I promised that I'd be the one to bake her cake but I broke it. She must be expecting it and even her mom. Kaya siguro maslalo akong nalungkot.

"Huy, andyan ka pa? Are you okay?"

I nodded eventhough she wouldn't see. Kapag kasi nagsalita ako ay mahahalata na nang umiiyak ako. Halata naman na siguro dahil barado na yung ilong ko at iba nadin ang boses ko.

My tears are still fresh after our argument a while ago. Masakit padin pero mas dumoble yung sakit ngayon.

Masaya ako kanina sa party pero ganito  pala mangyayari paguwi ko. Alam ko naman yung consequence eh, alam kong mali pero tinuloy ko padin.

Siguro naging selfish ako. Inisip ko lang yung sarili ko. Inisip ko na gusto kong magpakalasing, magpakasaya kahit ngayong araw lang pero hindi ko alam na dahil sa isang pagkakamali ko nayun, para lang pasayahin ang sarili ko at kalimutan ang problema, ay may malaking consequence pala sa huli.

Nagkaroon ako ng malaking kasalanan sa magulang ko at sa kaibigan ko. Nasaktan ko sila pati narin ang sarili ko.

Ang hirap pala maging masaya dahil mas malaki ang kapalit na lungkot.

"Bakit gising ka pa?" tanong ko

"Hindi ko din alam. Naparami ata ako ng kain sa cake at ibang sweets. 'Di tuloy ako makatulog."

Mahina akong tumawa sa sinabi niya. Tumingala ako upang pigilan ang pagtulo sa luha.

"Tsaka hinintay ko din kung magrereply ka. Hindi ka na nga pumunta tapos hindi mo pa ako babatiin? Aba ibang klase ka na."

I smiled bitterly. I wanted to say sorry but I know it's not enough and it never will be.

"Bawi nalang ako sa'yo."

Hindi agad siya nakasagot. Rinig ko ang malalim niyang paghinga sa kabilang linya.

Did she fall asleep in the middle of our call?

Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko habang hinihintay ang sagot niya.

"Sige, bawi ka nalang."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top