18

#CAC18

"Sab!" I shouted

Hinabol ko siya pagkakita sa kanya sa hallway. Lumingon naman siya hanggang sa tuluyan na akong nakalapit sa kanya.

"Oh, hey Talliah. What's up?" she greeted

Hinabol ko ang hininga ko at inayos ang suot sa backpack.

"Here," I said and handed her the box of cookies

Tumingin naman siya sa hawak ko at pabalik sa mata ko.

She smiled. "Para sa'kin ba 'to?"

I nodded. "Yeah, I forgot to give it to you yesterday."

Her smile became wider. "Thank you! Can't wait to try these. Nakita ko nga sa IG story mo na gumawa ka nito."

Kinuha niya na ang box sa'kin.

"Yup! Bored nung bakasyon eh. Christmas gift ko nadin 'yan sa'yo," I replied

Her brow shot up. "This is the first gift that you ever gave me."

"Hoy hindi ah, binigyan kaya kita last year." I defended

"I'm kidding! Masaya lang ako kasi pagkain yung binigay mo," she said

"Bigyan mo din si tita niyan ah!" I replied

"Gagawin mo ba itong business?" she asked and opened the box.

Tinignan ko siya habang ginagawa iyon. She took one cookie and bit on it.

"It's good!" she murmured with a mouthful of cookies inside her mouth.

Umiwas ako ng tingin. "Well, maybe but I already told my parents about it."

"What? About making this as business?" She asked while busy eating

I nodded. "Yeah."

"What did they say?"

Iginaya ko ang paningin sa paligid. "Uhm. Okay lang naman daw."

Honestly, I don't know what to reply.

Medyo naging malabo ang usapan namin kagabi. Hindi ko alam kung parehas silang suportado sa gagawin ko. Kahit ako ay hindi sigurado sa kukunin ko.

It still not final. I just considered the idead of Inna. Maybe, just maybe it will be worth the shot.

"Sige na, una na ako. May klase pa tayo." I said

Tumango naman siya at tinakpan ang box. "Oh yeah. I almost forgot that we still have classes."

She sighed. "Drain na drain na utak ko at hellweek pa ngayon. Gusto ko na gumraduate."

I tapped her shoulder. "Laban lang. Malapit na naman na eh. Exams and clearance nalang."

She pouted and nodded. "Sana makasurvive."

Pagkatapos ng usapan ay nagpaalam na kami sa isa't isa. We parted ways and went to our respective classrooms.

Kagaya ng sinabi ni Sabrina ay hell week ngayon or should I say hell month. It wasn't easy finishing tons of workload. Hindi din naman ako masyado nagcram dahil noong umpisa palang ay tinapos ko na ang mga deadlines.

Soon, our finals ended which I barely survived. I'm not even aiming anymore for honors because at this point, I just want to graduate. Wala naman akong bagsak at nakakuha lang ako ng average na scores. I'm already thankful for that. I'm not asking for more.

I did my best on every subject and I'm glad everything paid off. I may not graduate with flying colors but what's important to me is to graduate.

"Aray!" I hissed

"Ay sorry Talliah!" sambit ni Inna

Andito kami sa room at naghahanda para sa grad pictorial namin. The school hired a make up artist and alo a professional photographer for us.

Nalagyan na kami ng make-up pero eto ngayon si Inna at nilalagyan pa ako.

"Kailangan pa ba ito?" I said

"Oo, kailangan mag retouch. Hindi pa naman tayo yung sunod eh."

Pumikit nalang ako at bumuntong hininga. She's now applying eye shadow on my eyes.

"Baka kumapal. Ayoko ng makapal," sambit ko

"Hindi yan makapal. Nung minake-upan ka nga, parang wala lang nangyari. Parang wala kang make-up sa mukha. Ang putla mo pa tignan," she said

Iminulat ko ng kaunti ang mata ko pero agad niya ulit ako nilagyan kaya pumikit ulit ako.

"Eh pare parehas lang naman tayo ah," depensa ko

"Hindi ah, masyado ka lang tinipid." sagot niya

"Done! You can open your eyes now."

I slowly opened my eyes and she handed me a mirror. Kinuha ko naman iyon at tinignan ang itsura sa salamin.

My eyes automatically widened. "Inna! Napasobra ka ata ng lagay."

Nilapit ko ang salamin sa mata ko at nakitang kumapal iyon. May eyeliner pa siya na nilagay pero hindi naman masyado halata.

"Ano? Hindi ah. Sakto lang 'yan. Kasi kapag sa camera, hindi makikita yung make-up mo kaya kinapalan ko ng konti so that you won't look pale in the picture."

Binaba ko ang salamin at tumingin sa kanya.

She sighed. "Trust me Talliah, I know make-up." she smiled and winked at me.

"I know, hindi lang ako sanay na ganito kakapal make-up ko."

I don't know much about make-up. It's not that I don't like it, it's because I have sensitive skin. Kapag may produkto na nilalagay sa mukha ko ay minsan ay namumula ako. Tinutubuan din ako ng rashes kaya takot ako maglagay ng make-up.

Naalala ko noon na nangyari yun sa'kin ay yung araw din ng graduation ko noomg grade school. My Mom applied her old make-up on me and my face turned red and itchy. Natrauma ako no'n at hindi ko kayang makita iyon ng mga kaklase ko.

So since then, I only put minimal make-up only on special events and when it's really necessary but on a daily basis, I don't. Tamad din kasi ako mag tanggal ng make-up. It's like I need to remove it first before going to bed dahil masama daw kapag natulog kang may make-up sa mukha mo.

"Tsaka grad pic natin today! Once in a lifetime lang ito kaya sulitin na. Eto talaga pinakainaabangan ko sa lahat eh. Kasi diba? Ipapaframe pa ng magulang ko yung picture ko kaya dapat maganda at presentable itsura ko."

"May grad pic din naman sa college," sagot ko

Nakita kong hinahalungkat niya ngayon ang make-up pouch niya. She took out different shades of lipsticks.

"Maghihintay ka pa ulit ng apat na taon, tsaka maghihire talaga ko ng professional na make-up artist kapag college grad pic na!" she said excitedly

Ngumiti ako at pinagmasdan ulit ang sarili sa salamin. Hindi ko alam pero nanininbago ako sa itsura ko ngayon. It's my first time wearing heavy make-up. I'm not used to it but I'm glad Inna's here to help me.

Tumingin ako sa kanya at nakita kong inaalis niya ang lipstick niya gamit ang wipes.

My forehead creased. "Why are you removing your lipstick?"

Kinuha niya ang salamin sa kamay ko at pinagpatuloy ang ginagawa.

"Pangit yung shade na nilagay sa'kin nung make-up artist. Hindi bagay sa'kin," she said while looking at the small mirror

"Cute naman ang pink ah," I said

I saw her rolled her eyes. "Pink is for kids. Uso na ngayon ay nude colors."

"Tsaka nakakainis. Pangit na yung kulay, pangit pa yung brand. Look, my lips are cracking."

Lumapit siya sa'kin at pinakita ang labi niya.

"-because the lipstick is cheap and not pigmented. I won't look good on the camera," she sighed in frustration

"You still look good though," I commented

She smiled sweetly. "I know but not good enough. Dapat buong mukha flawless!"

I rolled my eyes and chuckled. "Yeah whatever."

Hindi na siya sumagot at tuluyan ng natanggala ang lipstick sa labi. Kinuha niya ang mga lipstick na nilabas niya at tinapat sa'kin.

"Pick a shade," she said

I looked at the lipsticks she's holding. Halos magkakakulay lang sila. Hindi nalalayo ang kulay sa isa't isa.

"Nudes lahat?" I asked

She nodded. "I like nude shades."

Kinagat ko ang labi ko at tinignan mabuti ang mga hawak niya.

"Since magkakakulay lang sila. I choos this one," I said and pointed at the lipstick

"Good choice pero hindi ko pa ito nagagamit. Let's see if this will fit me," she grinned

"This is mac in the shade Taupe," she added and applied the lipstick on her lips.

Umawang ang labi ko habang pinagmamasdan siya. She does it so well.

She looked at me and pouted her lips. "How does it look?"

"You look lovely," I simply said

She smiled. "I know right. Bagay yung shade na pinili mo sa'kin. I like it."

Panay naman ang tingin niya sa salamin. Ilang sandali ay sumulyap siya sa'kin.

"Here, let me pick a shade for you."

Muli niyang tinignan ang mga lipsticks sa harap niya.

Agad ko naman siyang pinigilan. "No, there's really no need Inna. I'm fine with my lipstick." I let out a nervous laugh

Hindi naman niya ako pinansin at pinagmasdan ang mukha ko. Nag-isip siya saglit at pinulot ang isang lipstick.

"Lia, I swear that lipstick on you does not suit you. I got you okay? Learn from the expert," sambit niya at tinaasan pa ako ng kilay

Aangal pa sana ako pero naramdaman ko nalang ang wet wipes na dumampi sa bibig ko. Tinanggal niya ang lipstick ko kaya wala na akong nagawa.

Pagkatapos ay pinakita niya sa'kin ang panibagong lipstick. "So this is also Mac in the shade of Runway Hit. Taray ng pangalan oh! Pang run way models."

Mahina naman akong tumawa sa sinabi niya. "Ang yaman mo naman. Puro Mac lipstick mo."

"Endorser talaga ko nila. Quiet ka nalang," she whisphered and winked at me

Napailing nalang ako at kinuha ang salamin sa kanya.

"Besides this will look good on you kasi maputi ka. This lipstick is warm pinky-coral nude that is perfect for you. Wait and see."

Lumapit siya sa'kin at nilagyan ang labi ko. Tinapat ko ang salamin doon para maslalong makita ang paglagay niya ng lipstick sa labi ko.

"There all set. Ang ganda sis!" she cheered

Tinignan ko sa salamin ang gawa niya at

"So, what do you think?" she asked

I smiled. "You're right, it suits me better."

I'm not gonna lie. Mas maganda nga ang labi ko ngayon. Not only that it complemented my skin but also it matches on my eyeshadow. Mas naemphasize lalo ang labi ko. I don't know if it's because of the lipstick or the way Inna applied it. It looks fuller and plumpier. I love it.

"Mac never disappoints," she proudly said

I seriously can't get over of my lips right now and my over all face. I look like a mature woman. I just can't stop feeling myself.

"Make-up palang 'yan sis. We still need to do our hair! Nako baka wala ng oras," she said worrily

Tumingin naman ako sa kanya. "I can just braid my hair."

Tumayo siya at pumunta sa bag niya. "Sige ikaw bahala pero ako ayoko."

"Anong kinukuha mo diyan?" I asked curiously

Panay ang halungkat niya sa bag at ilang sandali ay may nilabas galing dun.

"I came prepared!" she exclaimed

Nanlaki ang mata ko sa hawak niya na curling iron.

"You seriously brought a curling iron?!" I said in shock

Her forehead creased. "Of course duh?" she said like it wasn't a big deal.

"And this is not only a curling iron but a flat iron. Two in one siya! Cute noh?" she smiled widely

"Pero pwede bang gamitin 'yan-

Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko dahil sinaksak niya na ang curling iron sa sochet.

"Oo, okay lang 'yan. Tayo tayo lang naman nandito. Wala namang teacher oh," she replied

Tumingin ako sa paligid at nakitang onti lang ang mga estudyante sa room. Mostly girls dahil ang boys ang naunang nagpicture. Habang nandito naman yung mga tapos nang picturan.

Umupo siya doon sa sulok. She first divided her hair by sections and started curling it.

Dumiretso nalang ako sa bag at kinuha doon ang suklay ko. I brushed my hair and started to braid it. I knew how to braid because I remember I was so obssessed watching cute girl hairstyles on youtube so that's where I learn it. It's probably the only thing that I'm good at when it comes to girly stuff.

Half braid lang yung ginawa ko at nagtira ng kaunting buhok. I grabbed the mirror and looked at myself.

"Ang ganda mo Talliah! Paturo din magbraid," I heard Inna said

Tumingin ako sa kanya at ngumiti. "Thanks."

"Pagkatapos ko dito. Kulutin ko yung dulo ng buhok mo para gumanda lalo," she offered

I nodded. "Sure, if we still have time tho."

Ilang sandali ay bumukas ang pintuan at niluwa nun ang mga boys.

"Girls, kayo na daw." sambit ng isa kong kaklase.

"What?! Already? Teka lang, hindi pa ako tapos." wika ni Inna

Nakita kong sunod-sunod naman na pumasok sina Mark, Kurt, Terrence at Francis.

"Yow! Kamusta?" si Kurt

Umawang ang labi niya noong nagtama ang mata namin.

"Woah! Talliah? Ikaw ba 'yan?" he said and walked closer to me

Bahagyang kumunot ang noo ko. "Yeah. Nanibago ka ba?"

He nodded. "Yeah you look different."

I smiled and looked at the others. "You look good bro!" sambit ni Terrence

"Thanks," I said

"Well maganda ka padin naman kahit walang make-up," dagdag niya

My smile grew wider. "Nambobola ka na ah."

He just laughed at my response.

I wasn't used to receiving compliments. I get awkward and shy. I don't know what to say or to react.

"Oh kay gandang binibini naman ang nasa aking harapan!" sabi ni Francis at lumapit din sa'kin

"Salamat ginoo," I said jokingly

"Anong trip niyo?" biglang sambit ni Inna

"Oh may isa pa palang magandang dalaga dito. Nais kong malaman-

"Hay nako Francis. Nahahawa ka nadin sa kanilang tatlo ah," putol ni Inna

Mukhang tapos na siya sa dahil lumapit nadin siya sa'min.

Tumingin naman ako kay Mark at nakita kong ngumiti siya sa'kin.

"Nagmukha kang tao," he teased

I rolled my eyes and went closer to Inna. "I'll take that as a compliment."

"It's all thanks to Inna," sambit ko at inakbayan ang kaibigan.

Umiwas naman siya sa'kin. "Wait lang Talliah. Baka magulo yung curls ko sa likod."

Inalis ko naman ang pagkaka-akbay ko sa kanya. Nakita kong inayos niya ang buhok niya sa likod.

"Kami na sunod diba?" tanong ko

"Oo, kanina pa kayo hinihintay." sagot ni Mark

"Tagal niyo nga eh," si Kurt

"Babae kami eh, natural na matagal talaga. We have to put on make-up and do our hair within a few minutes lang. On a daily basis, it will took me two hours to get ready," paliwanag ni Inna

Napakamot nalang ng ulo si Kurt. Ilang sandali ay nakita kong tumigin siya sa curling iron ni Inna.

"Uy! Pahiram ako nito Inna ah," sambit niya

"No you can't-"

Hindi niya na natuloy ang sasabihin dahil tuluyan nang lumapit si Kurt sa curling iron ni Inna.

"Bakla ka ba?" sambit ni Mark

"Hindi, gusto ko ding kulutin yung buhok ko. Alam mo yung uso ngayon na hairstyle ng mga lalaki?" si Kurt at dinampot ang curling iron.

"Oo yung pang fuck boy na hairstyle," sagot ni Mark

"Grabe naman sa fuck boy! Halika dito, tulungan mo nalang ako. Hindi ako marunong, paano ba i-on ito Inna?"

"Bahala ka diyan!" sigaw ni Inna at humalukipkip

"Akin na nga," si Mark at nilapitan si Kurt

"Tsk, hindi naman pala marunong." dagdag niya

Umupo naman si Kurt sa arm chair at kinuha din ang salamin na nakapatong doon.

"Pagkatapos kay Johnny Bravo, sino naman ngayon ha?" pang-aasar ni Mark

"Ang ingay mo, basta kulitin mo nalang. Kahit itong tuktok lang," sambit niya

Lumapit naman din sina Terrence at Francis sa kanila at pinagmasdan ang dalawa.

"Tsk sayang, kung alam ko lang na may dala pala si Inna na ganito edi iba hairstyle ko sa grad pic. Pwede pa kaya umulit?" tanong niya

"Hindi na pre," sagot ni Francis

"Ano ka sineswerte?" Mark said

"Basta kulutin mo nalang habang may free time pa. Dalian mo," si Kurt

"Aba demanding ka pa ah! Tsaka paano ko makukulot yung buhok mo eh punong puno ng wax?! Ang lagkit kaya!" wika ni Mark

"Hoy eto yung bigay sa'kin ni Terrence nung exchange gift!" sambit niya at tumingin sa kaibigan.

"So? Ano connect?" sagot ni Mark

Tumingin sa'min si Terrence. "You should go guys. Kayo na sunod."

Bigla namang bumalik ang diwa ko at hinarap si Inna. "Tara na."

Hinawakan ko ang kamay niya at nakita kong nakakunot ang noo niya habang nakatingin sa boys.

"Let's go Inna. Baka pagalitan na tayo," I said and pulled her arm

Nagpahila naman siya habang hindi inaalis ang tingin sa boys.

"Pag iyan talaga nasira niyo sinasabi ko sa inyo. Babayaran niyo 'yan!" she said and pointed at her curling iron

"Yes boss!" the boys said in unison

Tuluyan ko na siyang hinatak hanggang sa makalabas kami ng room.

"Mahal yun eh," she pouted

"Hindi naman siguro nila masisira yun."

"Shit! Nakalimutan kong mag final look. Look at me," she said and held my shoulders

"Okay na ba itsura ko? Walang lagpas or anything? Especially sa mascara? Pantay ba yung foundation sa leeg ko? May nose line pa ba ako? How about cheeks? May blush pa ba? And highlighter! Damn it I forgot to apply that," sunod-sunod niyang sabi

Napakurap kurap ako habang nakatitig sa mukha niya. Unti-unti kong inalis ang kamay niya sa balikat ko.

I never thought she's a perfectionist.

"Y-you look good-

"Good?!" her eyes widened

"Gorgeous! Beautiful! Stunning," mabilis kong sabi

Nanatili ang mata niya sa'kin. Ilang sandali ay umayos siya ng tayo at huminga ng malalim.

"Okay then, let's go."

And just like that, she calmed down. Mukhang gusto lang niya ng compliments.

Nagsimula na kaming maglakad papunta sa kwarto kung saan doon kami pipicturan.

"Oh wait! What about my hair. May kulot pa ba?" dagdag niya at huminto

Muntikan ko pa siyang mabangga sa likod. Lumayo naman ako agad dahil malapit ko ng matamaan ang buhok niya.

"Medyo nawala na yung kulot sa likod pero okay lang, sa harap ka lang naman pipicturan eh."

She nodded and bit her lip. "You're right. Mas kinulot ko din talaga itong nasa harap."

She carefully fixed her hair. Ilang sandali ay nagsimula na ulit kaming maglakad.

We passed by a couple of students and I saw them throwing glances at us. Nakita ko sa gilid ng mata ko na sinusundan nila kami ng tingin. Hindi ko nalang sila pinansin at naglakad na lamang. I suddenly became conscious. Hindi ako sanay sa atensiyon. I don't know I just tend to care about what other people are thinking.

Inna on the other hand, seems oblivious of the situation. She doesn't care and just kept walking. Mukhang sanay naman siya o sadyang wala din siyang pake sa mga tao.

Ilang sandali ay nakarating nadin kami sa kwarto. Kumatok si Inna at tuluyan na kaming pumasok. Nakita ko doon ang ilan naming kaklase na mga nauna.

My eyes scanned the place. May estudyante sa gitna at may malaking puti na background sa likod niya. Nakatayo naman ang photographer sa harap niya ilang metro ang layo sa kanya. May malaki ding ilaw na nakatayo at nakatapat sa kanya na maslalong nagbigay ng liwanag sa paligid.

Muntik pa akong matapilok sa dami ng wires at kable sa sahig. There's a long chair on the side and some of my classmates are sitting there. Andun din ang nasa ibang section. Agad na hinanap ng mata ko si Sab. She waved her hand when she saw me. I smiled and waved back. Nakita kong siya na ang sunod na pipicturan.

"You look pretty!" I mouthed

"Thank you. You too!" she mouthed as well and have me a heart sign.

"Upo na tayo Talliah," sambit sa'kin ni Inna.

Sumunod ako sa kanya at umupo sa bakanteng upuan.

"Hay, dulo pa pala tayo eh. Pinagmadali pa."

Tumingin ako kay Inna na ngayon ay tuwid na tuwid ang upo. "Alphabetical order naman ata."

Sumandal ako sa upuan habang nanatili siya sa ganoong pwesto.

Tumingin nalang ako sa harap at pinagmasdan ang estudyante sa gitna.

She looks pretty even if she's only wearing minimal make-up. Parang natural na natural ang ganda niya at hindi na kailangan pang mag make-up.

Her smile is the most beautiful and eye catching.

"Miss Cojuangco."

Oh how I wish I'm also effortlessly beautiful like her.

"Miss Cojuangco!"

"Pst Talliah, ikaw na."

Bumalik ang diwa ko at tumingin kay Inna.

"H-ha? Ay ako na pala," nauutal kong sabi at tumayo

"Andito ba si Miss Cojuangco?" sambit ng isang babae

"Andito po!" I said

Lumapit naman ako at pumunta sa gitna.

Nilapitan ako ng babae kanina na tumawag sa'kin at inayos ang buhok ko. She placed my hair at the back. I thanked her and she gave me a small smile.

"Okay ready?" sambit ng photographer

Hindi ko alam bigla akong natense. Tumingin nalang ako sa camera

"Smile!" he said

I flashed a smile and I heard a few clicks.

"One more."

I relaxed a bit and smiled. After a few shots, it's finally over.

"Okay nice! Maganda," he commented

"Thank you po," sambit ko at naglakad na paalis.

"Next!" sigaw ng photographer

Lumapit ako kay Inna na ngayon ay nakangisi.

"Ganda mo kainis!" she said

I smiled awkwardly. "CR muna ako Inna. Tanggalin ko na make-up ko."

"Hindi mo ko hihintayin?" malungkot niyang sabi

Umawang ang labi ko at hindi alam ang sasabihin.

"Just kidding! Sure go ahead." she chukled

I just rolled my eyes and went outside the room.

Kanina pa kasi ako hindi komportable sa make-up. Bigla nalang kumati ang mukha ko. Hindi ko alam kung dahil ba sa foundation iyon o ano. Basta gusto ko nalang tanggalin ang make-up ko. I don't want to look red again and have rashes.

Pagkapasok ko sa CR ay nakita ko ang ilang schoolmates ko doon. Lahat sila ay tumingin sa'kin. Tipid akong ngumiti sa kanila at dumiretso sa lababo.

I opened the sink and washed my face. Mula sa gilid ng mata ko ay pansin kong tinitignan nila ako. Ilang sandali ay naramdaman ko nalang silang dumaan sa likod ko at lumabas ng CR.

Pinagpatuloy ko ang paghugas ng mukha. Pinatay ko na ang gripo pagkatapos. I looked at the mirror and saw that my mascara got smudged. Kumalat iyon sa mata ko kaya agad kong kinuha ang panyo sa bulsa ko. Pinunasan ko muna ang mukha ko bago tanggalin ang kumalat na mascara sa mata ko.

"This won't do," I said

Mukhang hindi sapat ang tubig dahil medyo maitim padin ang ilalim ng mata ko. Naalala ko ang wipes na dala ni Inna kanina. Maybe that will help.

This is why I often wear make-up. Ang hirap tanggalin maslalo na ang mascara dahil mabilis kumalat. Hindi pa waterproof yung nilagay sa'kin kaya kakalat talaga siya.

Papalabas na ako noong marinig ko ang ilang bulungan ng estudyante. I stopped and hid myself at the door.

"Grabe nakita mo ba kung gaano kakapal yung make-up niya?"

"Ang dami sigurong layers nung foundation niya," bulong ng isa

"Syempre grad pic naman nila eh," komento ng isa

"Oo pero ang OA nila maglagay nung make-up ah. Tsaka sila lang yung naiiba. Yung iba sa kakalse nila ay light make-up lang at yung iba magkakapareho dahil may make-up artist naman. Hindi ko alam kung anong nangyari sa kanila."

Narinig ko ang tawanan nila. Humigpit ang hawak ko sa panyo at bumagsak ang mata sa sahig.

"Masyado kasing maarte," aniya

I bit my lip and calmed myself. I knew they were talking about us. Their conversation is about us. Hindi ko alam ang mararamdaman sa narinig. I don't like it when people talk ill behind me and especially to someone I'm close with. Nasasaktan din ako kapag may masama silang sinasabi sa kaibigan ko.

I mean they don't have to be so judgemental. Ano bang big deal sa make-up? Tsaka hindi naman kami araw-araw may make-up sa school ah. It's our grad pictorial today so what's wrong about that?

What if for other people make-up makes them feel good about themselves. Paano kung mahilig lang din sila mag make-up. Paano kung sanay lang sila magmake-up. Maarte na ba tawag dun?

I admire natural beauty but for some people who use make-up as a tool to bring out their feminity and confidence within themselves then I think they don't need validation from others.

I don't know what kind of mindset they have. I know it's not a big deal but it somehow affected me.

I just wish I could care less about what other people think.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top