15

#CAC15

Dumaan ang mga araw at malapit nadin ang Christmas break namin. The UPCAT went well. Thankfully, the process wasn't a struggle for us. If you're gonna ask me if it went well, I suppose I'm not confident if I'm going to pass.

I must admit that I have a few items left unanswered due to lack of time. Hindi naging madali sa'kin dahil kalaban ko ang oras.

The results will be announced next year, around March so it's only months from now. Masasabi kong may kaba padin akong nararamdaman kahit na tapos na ang exam pero nakahinga naman din ako ng maluwag. 

I did my best.

Hopefully, I'll pass.

I'm not expecting anything but a part of me is hoping. Mark said I should claim it, pero ayokong umasa dahil baka masaktan lang ako. 

Sapat kaya ang isang buwan kong pag-aaral para makapasa?

Is it enough?

Will it ever be enough?

I'm starting to overthink again, and that's my worst habit.

"Talliah, pakisabit naman ito."

I looked at Inna beside me and she handed me a Christmas ornament. Since it's almost Christmas season, the Student Council decided to decorate the school with Christmas decorations. It became a tradition even before. I find it therapeutic not only because Christmas is fast approaching, but because I can finally relax.

I can't wait to take a long break from schoolworks because this is by far the most stressful year. Graduating na kami kaya hindi pwedeng papetics petics lang. In between months, I overwork myself and I felt my body has worn out already. 

Sana matapos na itong school year na 'to. I badly want to rest already.

Kinuha ko ang christmas ball kay Inna at sinabit iyon sa Christmas tree. The Student Council actually had the idea to put a Christmas tree as one of the decor so that when visitors come, they would see something new and to enhance the Christmas spirit.

"All done!" she cheered

"It looks beautiful!" I said in full admiration

It really is, they did a fantastic job.

Inna did the final touches and she asked me to help her so I did. Tutal ay may free time naman kami ngayon.

"Who's gonna put the star?" I asked

"Boys na bahala diyan. Hindi ko abot eh," sagot niya at humalukipkip

I looked at the boys and they were playing with the Christmas decor. Meanwhile, i saw Cheska approaching us.

"Ganda ah! pero mas maganda padin ako," she said while staring at the tree

"Well, decorating is one of my specialties." si Inna

Ilang sandali ay tinawag niya ang boys. "Huy, lagay niyo na yung star!"

They both turned their heads at the same time. "Yes Ma'am!"

The boys I'm referring to are the usual. Mark, Kurt, Francis and Terrence. Nag-agawan pa sila sa star at nakita kong inirapan naman sila ni Inna.

"Hurry! Huwag na kayo mag-agawan diyan. Pag nasira 'yan sinasabi ko talaga sa inyo, kayo magbabayad niyan." she said

"Akin na nga kasi!" si Kurt at pilit na inaagaw kay Mark!

"Bakit ka ba nakikisali ah? Student Council ka ba?!" sambit ni Mark na naagaw naman niya ang star kay Kurt.

"Ang kapal! Inutusan ako ni Inna na ako ang maglalagay," sabat ni Kurt

"Ina mo!" sagot ni Kurt at muli nilang pinag agawan ito

Napailing nalang ako sa kahihiyan. Buti nalang ay wala masyadong estudyante sa parte namin dahi busy din sila sa pagdecorate ng kani kanilang rooms.

"Ang tanong, abot mo ba ha?!" si Mark sabay bitiw sa star, muntikan pang dumahushos si Kurt dahil doon.

"Oo bakit? Di hamak na mas matangkad ako sa'yo," sagot ni Kurt habang mahigpit ang hawak sa star

"Oh sige pustahan," panghahamon ni Mark

"May pang pusta ka ba?"

"Tsk, ang dami mong sinasabi eh."

"Oy, ikaw Francis. Halika dito. Tignan mo kung sino mas matangkad sa'min ni Mark," tawag niya kay Francis na tahimik lang na nakikipag-usap kay Terrence.

Napakamot nalang ng ulo si Francis atsaka tumayo.

Meanwhile, nagtalikuran naman si Kurt at Mark habang si Francis ay nakahalumbaba habang masuring pinagmamasdan ang dalawa.

"Oh sino mas matangkad?" tanong ni Mark

"Umayos ka naman pre, nagtitip toe ka ata eh!" si Kurt

"Gago, pantay lang. Ramdam ko nga pwet mo eh," sagot ni Mark

"Huy ano na Francis? Ang tagal naman. Hindi pa ba obvious kung sino sa'min ang mas matangkad?" tanong ni Kurt

"Pantay lang mga pre," Francis said after a few minutes

Pinagmamasdan lang namin sila at mukhang kanina pa bad trip si Inna.

"Hay nako, hindi tayo matatapos nito eh." she said frustratingly

"Sigurado ka ba diyan? Tignan mo naman maigi pre," si Mark

Umayos sila ng tayo habang dikit na dikit ang katawan nila. Bumuntong hininga naman si Francis at hindi malaman ang gagawin.

"May one inch lang na lamang si Kurt," sambit niya

Lumayo naman si Kurt kay Mark. "Yes! Sabi ko na eh. Pano ba 'yan, magkano pusta mo?"

Humarap naman si Mark kay Kurt na may blankong ekspresyon. "Tang ina, hindi pwede. Asa sapatos 'yan eh. Hubarin mo 'yan."

At yun na nga ay hinubad ni Mark ang kanyang sapatos. Namilog naman ang mata ni Kurt at akmang lalapitan na siya ni Mark upang tanggalan ng sapatos pero mabilis siyang umatras.

"Anong sa sapatos?! Bakit hindi mo nalang tanggapin na mas matangkad nga ako sa'yo!" bulyaw niya

"Hindi. Ramdam kong sa sapatos 'yan eh. Tignan mo naman, ang laki ng heels ng iyo kumpara sa'kin. Parang pambabae," sagot ni Mark habang tinuturo ang sapatos ni Kurt.

Napahilamos nadin nalang ng mukha si Kurt at wala ding nagawa kaya sa huli ay napilitan nalang din siyang tanggalin ang kanyang sapatos.

"Oh ayan na, madudumihan pa medyas ko dito eh."

Hinila naman ni Mark si Kurt at muli ay nagtalikuran sila. Umayos sila ng tayo at nakita kong kumunot ang noo ni Mark.

"Hindi talaga siya nagpapatalo eh," sambit ko kay Inna

"They're actually entertaining to watch," wika ni Cheska. Tumingin ako sa kanya at nakita ko siyang nakangisi habang pinagmamasdan sila.

Binalik ko nalang ang tingin sa boys.

"Oh ayan para patas na. Sino mas matangkad, Francis?" tanong muli ni Mark

Francis looked at us asking for help. I smiled awkwardly and only nodded. He just scratched his head and sighed.

"S-si Kurt padin talaga eh," si Francis

Matalim naman na tumingin sa kanya si Mark. "Anong sabi mo? Parang mali atang pangalan ang nabanggit mo."

Umawang naman ang labi ni Francis at umiwas ng tingin. "Ah eh, totoo naman kasi!"

"Tsk, tanggapin mo na kasi Mark. Ako padin ang mas matangkad." Kurt said

"One inch lang naman Mark. Hindi naman halata na mas matangkad si Kurt," paliwanag naman ni Francis

Hindi naman niya pinansin si Francis at humarap kay Kurt. He looks pissed but I know they're just playing around. 

"Alam mo yung hindi ko matanggap? Iyang buhok mo, yan ang dahilan kung bakit ka mas matangkad sa'kin ng one inch," sambit ni Mark at tinuro ang buhok ni Kurt.

Kumunot naman ang noo ni Kurt at hinawakan ang kanyang buhok. "Aba sinisi mo pa talaga yung buhok ko!"

"Oo, nabobother ako sa buhok mo na parang buhok ni Johnny Bravo! Tang ina ilang lata ba ng pomade at wax 'yang ginamit mo diyan?!" bulyaw ni Mark

Narinig ko naman ang malakas na pagtawa ni Cheska sa tabi ko. Maging si Inna ay nakatakip ang palad sa bibig. Hindi din iyon nagtagal dahil umayos din siya ng tayo at biglang sumeryoso.

"Gago ka, hindi ko na kasalanan kung mukhang Jose Rizal naman 'yang buhok mo!" sagot naman ni Kurt

Nakita kong kumuyom ang kamao ni Mark at matalim ang titig nila sa isa't isa. Bago pa sila magsuntukan ay pinag gitnaan na sila ni Francis.

"Okay stop it! Ang sakit na sa tainga ng pinagaawayan niyong wala namang kwenta," sambit ni Inna

Tumingin ako sa kanya at tipid na ngumiti. Napatingin naman ako sa Christmas tree at nakita ko si Terrence na nilalagay ang star sa tuktok.

"Oh si Terrence na pala ang naglagay eh," komento ni Cheska.

Lumingon naman ang iba maging sila Mark at Kurt. Nakita kong umawang labi nila habang titig na titig sa Christmas tree.

Pumalakpak naman si Inna noong matagumpay na nailagay ni Terrence ang star sa puno.

Inayos naman ni Terrence ang kanyang uniporme at tumingin sa'min. He gave us a smile small and turned his gaze to the two.

"Sorry guys but I'm the tallest among us," he said confidently. He just shrugged and put his hands on his pockets.

Masamang tumingin sina Mark at Kurt kay Terrence. Bago pa nila tuluyang sugurin si Terrence at humarang na si Inna sa kanila.

"Okay that's enough. You two, kayo ang maglinis ng natirang kalat." utos niya sa dalawa

Bago pa sila umangal ay tinalikuran na sila ni Inna. "Okay that's a wrap for today! Thank you Terrence and Talliah for helping me. Hay, salamat makakuwi din!"

Kinuha niya na ang kanyang gamit sa gilid atsaka tumalikod. Naglakad na siya palayo sa'min. Kaming dalawa nalang ni Cheska ang natira at ang boys.

Busangot ang mukha nina Mark at Kurt. Nagkatinginan naman sila at unti-unting tumango. Base sa paraan ng pagtitig nila ay mukhang may masamang balak sila kay Terrence. Nakangisi sila ng nakakaloko atsaka sinugod ang kaibigan.

"We better get going too," sambit ni Cheska at mabilis na naglakad din palayo

Lumingon naman ako sa kanila at tipid na ngumiti. Ayun sila at parang bata na naghahabulan. Francis is just watching them. He's like a father with his three stubborn sons. 

Napailing nalang ako at nagsimula nading maglakad palayo.

****

The next day we had our exchange gifts. Coincidentally, kaming magkakaibigan din ang nakabunot sa isa't isa. Nabunot ni Kurt si Inna at si Inna naman ay nabunot si Francis. Nabunot ko naman si Cheska. Nabunot ni Francis ay si Mark at si Terrence ang kay Kurt. Ang nakabunot naman sa'kin ay si Mark.

Nakita ko namang binigay na nila ang kani kanilang regalo sa mga nabunot nila. Masaya nilang binuksan ang regalo habang ang iba ay mukhang hindi masaya sa natanggap kagaya ni Kurt.

"Ano ito pre?" his forehead creased

"Limang pomade tsaka wax. Hindi naman ako babae para malaman ang mga bagay na gusto mo. That's why I picked something that reminds me of you, hindi ba mas special yun?" sambit ni Terrence

"Gusto mo bang manigas itong buhok ko?! Lang ya naman," si Kurt at bumuntong hininga

Terrence only chuckled. "One month supply nadin yan."

Ilang sandali ay biglang may humarang sa tinitignan ko. Inangat ko ang paningin ko at nakita kong si Mark iyon.

"Here's my gift!" he said enthusiastically

Bumaba ang tingin ko sa hawak hawak niyang regalo. It was huge basket na nakabalot sa gift wrapper. It wasn't as neat because of how the object inside it kaya hindi masyadong maganda ang pagkabalot nito. Makes me more curious of what's inside of it. To be honest, I have no clue.

Kinamot naman niya ang kanyang batok. "Sorry kung hindi masyadong maganda yung pagkakabalot. Nagmadali na kasi ako eh, pero huwag kang mag-alala. Ang importante naman diyan yung nasa loob. Itatapon din naman yung gift wrapper eh."

I smiled while holding my gift. It was heavy when I took it from him but even heavier now that I'm holding it. Parang bato ata laman nito dahil sa bigat.

"What's this? And why is it so heavy?" I asked

"Open it," he simply said

Pinatong ko iyon sa arm chair ko. Tumingin ako sa kanya at nakita kong nakaabang din siya na buksan ko iyon. I eyed him suspiciously and he only motioned me to open the gift.

I was about to rip the wrapper pero pinigilan niya ako. "Wait!"

"What?" sambit ko at medyo nagulat

"Wanna guess?" he said wiggling his eyebrows

Tumingin naman ako sa regalo niya. I examined it and I seriously have no clue.

"I don't know what it is! Grocery package?" I said

His forehead creased. "What?! That's your guess? Sobrang layo Talliah!"

I thought he was going to laugh or something, guess not.

"Kaya nga bubuksan ko na para malaman. I'm actually really curious of what's inside," I said

"Fine," sambit niya

Sinimulan ko ng punitin ang wrapper hanggang sa tuluyan ko na siyang nabuksan at hindi ko inaasahan ang nakita.

"Oh wow," that's the only thing I said

"I know right," he proudly said

I was correct. It was a basket filled with...rocks and a bunch of other stuff.

"Seriously? Rocks?" I said and looked at him

He seems offended by what I said. "Hoy hindi lang yan basta basta bato. They are not rocks but crystals."

"Crystals?" I said

Muli kong pinagmasdan ang nasa loob ng basket. Nakita ko nga na iba't ibang kulay iyon at hindi siya ordinaryong bato na mapupulot mo lang kung saan saan.

"Para saan naman ito? What am I gonna do with these?"

Hindi ko talaga alam kung bakit binigyan niya ako nito. Gagawin ko ba itong pang display? I mean they are pretty and I don't own one of these.

"You seriously have no idea do you? Saan ka ba nakatira? Sa bundok? Hindi mo talaga alam kung ano yung uso," sambit niya at naramdaman ko nalang siya na umupo sa tabi ko.

"Like what you said, they're crystals." I commented

Kinuha naman siya ang basket sa'kin. "Eto explain ko sa'yo."

"These are called positive energy crystal, healing crystals and stones." kinuha naman niya iyon sa basket at pinakita sa'kin.

"It's pretty!" I commented

May iba't ibang kulay iyon kagaya ng blue, pink, purple at gold. Iba't ibang sizes din at mukhang mamahalin siya tignan. Kapag close up ay makikita mo na kumikinang iyon na parang may glitters sa loob.

"May kasama ding kandila," he snickered

Kinuha naman niya ang maliliit na kandila na nakalagay sa baso. May nakaukit din iyong designs.

"These are what you call aromatherapy candles," he said and gave it to me

Kinuha ko naman iyon at isa isang inamoy. It already smell so good even if not lighted yet. 

"Maraming scent yan. May strawberries and cream, lavander, Lemon, Vanilla. Nakalimutan ko na yung isa basta yung kulay green diyan."

Most of the scent are sweet pero lahat naman iyon mabango. I'm actually excited to try it all. Never pa akong nagkaroon ng ganito. Hindi din naman ako interisado sa mga ganito dahil alam kong mahal din sila.

Binalik ko naman iyon lahat sa basket at inayos naman iyon ni Mark.

"Thank you. I never expected that this would be your gift at ang dami pa nila." 

Nakita ko kung pano sumilay ang ngiti sa kanyang labi. "Syempre ako pa ba. Iba ako eh."

I can't argue with that. I thought he's gonna give me the usual stuff like perfume or wallet. Mostly naman ay yun ang natatanggap ko. I was fine with it but I never expected that this time would be different. 

Mark truly has his ways.

"Bakit pala eto yung binigay mo sa'kin? Tsaka baka masyado ng mahal nagastos mo dito."

He shrugged. "Hindi ko 'yan binili. Hinukay ko pa yan sa mga bundok at sumisid pa ako sa dagat para kumuha niyan."

Mahina ko naman siyang hinampas sa braso. "As if naman gagawin mo yun."

"Syempre hindi talaga. Nabili ko 'yan sa shopee," he replied and bursted laughing

"Buy one take one. May libreng basket pag umorder ka ng madami," dagdag niya

Hahampasin ko na sana siya pero agad siyang umiwas. He blocked me using his arms.

"Joke lang!" he said

Hindi ko nalang siya pinansin at binalik ang tingin sa basket. Hinawakan ko ang mga crystals at hindi ko mapigilang hindi mapangiti. It's really pretty, especially the pink one.

Narinig ko naman siyang tumikhim. "Yan yung naisip kong iregalo sa'yo para naman magkaron ka ng positive energy. Ang nega mo kasi minsan e."

"Wow, salamat ah!" tumingin ako sa kanya at nakita kong nakanguso siya sa basket. 

"Dinamihan ko na rin. Kung hindi pa naman 'yan effective eh. Sindihan mo yung mga kandila at palibot mo sa kwarto mo. Tapos yung crystals idisplay mo."

"Ang OA. Edi maghahalo halo yung amoy, masakit na sa ilong. Tsaka hindi ko pwedeng sindihan ko lahat edi nasunog kwarto ko."

Nagulat ako noong pinitik niya ako sa noo. "Syempre...joke lang din hehe."

Hinilot ko nalang ang noo ko at tinignan muli ang mga crystals.

"Basta gamitin mo lahat 'yan ah. Gusto ko sa susunod na magkita tayo, dapat mas maging positive ka na. I hope you'll gain your confidence and always believe in yourself," dagdag niya

"Paano kung hindi naman pala ito effective?" I asked

He sighed. "Ayan nanaman, ang nega. Proven and tested 'yan. Hindi yan low quality na nabili sa mga tabi tabi. Mahal yan uy!" he said

Tumingin naman ako sa kanya. "Eh bakit ito pa kasi kung mahal naman pala, pwede naman-"

"Shush! Tama na, nabili ko na. Just use it okay?" he cut me off

I rolled my eyes and nodded. Gagamitin ko naman talaga pero sabi din niya na mahal bili niya dito. I'm not even asking for expensive things but I'm still thankful. 

Well, I hope these babies work. Kung pwede lang ito makain edi kinain ko na.

Guess I'd be needing a lot of these.

****

I wasn't really anticipating Christmas this year because today marks the day of my sister leaving for abroad.

Biglaan din kasi na sumakto sa pasko ang pag-alis niya. Gusto sana naming makasa pa siya ngayong ilang araw nalang ay pasko na pero hindi din natuloy dahil kailangan niya ng umalis.

Kasalukuyan kami na nasa kotse at si Papa ang nagmamaneho. Sumama din kami ni Kuya para magpaalam kay Ate.

My sister is beside me and on her hand was her passport and a plane ticket.

Gusto ko kahit ngayon lang ay bumagal ang oras para sana makasama pa siya.

Ilang sandali ay tumigil na ang kotse. Bumaba na kami at dumiretso naman si Kuya sa trunk ng sasakyan. Kinuha niya ang maleta ni Ate at siya na mismo ang naghila.

Sabay naman kaming pumasok na ng airport.

Marami ding tao dahil pasko. Siguro ay balak ng iba magbakasyon sa ibang bansa habang ang iba ay kakauwi lang para icelebrate ang pasko kasama ang pamilya.

"Well, this is it." sambit ni Ate

Unang lumapit si Mama sa kanya at niyakap. "Take care anak. Huwag masyado mag over work. Alagaan mo ang sarili mo."

"I will Mom," she smiled

Kumalas naman si Mama sa kanya at sumunod naman si Papa. Sinalubong din niya ng yakap si Ate.

"I'm proud of you anak. Ingat ka dun at balitaan mo nalang kami."

Naramdaman ko ang pangingilid ng luha ko kaya agad ko iyong pinigilan sa pagtulo.

God why am I such a crybaby at this age?

Kumalas naman si Papa sa yakap.

"Take care sis," tipid na sabi ni Kuya at niyakap din si Ate

Hindi naman din nagtagal ang yakap niya at kumalas din siya agad.

Ngumiti siya kay Kuya at ilang sandali ay nagtama ang mata namin.

I gave her a small smile. Siya na ang lumapit sa'kin.

She then gave me a hug, a tight one. I can't help but to shed a tear.

"I'll miss you little sis. Take care okay?Balitaan mo nalang ako sa resulta ng UPCAT. Soon, makakapag-aral ka din dun. Tiwala lang," she said

Niyakap ko din siya ng mahigpit. "Thank you, Ate. I'll miss you too. Take care din and don't forget to drink vitamins."

Mahina siyang tumawa at kumalas na sa'kin. Hinawakan niya ang dalawa kong kamay at pinsil iyon. I looked at our hands and on to her eyes. Ngumiti siya sa'kin atsaka pinakawalan ang kamay ko.

Lumayo na siya at tinignan sa huling pagkakataon kela Mama, Papa at Kuya.

"Goodbye, guys. Take care of yourselves."

Kinuha niya na ang maleta niya at nagsimulang maglakad palayo.

"Ate!" pagpigil ko.

Lumingon naman siya sa'kin at maging sila Mama ay napatingin din sa akin.

I bit my lip and smiled. "Uwi ka sa graduation ko!"

She wrinkled her nose and sighed. "Baka sa college graduation mo na!"

Nawala naman ang ngiti sa labi ko at tuluyan na siyang naglakad palayo hila ang maleta.

Kumaway naman sila Mama sa kanya at nakita kong humarap siya sa'min kumaway din siya pabalik.

I waved my hands as she slowly disappears out of my sight.

See you soon, Ate.

****

Hindi masyadong masaya ang pasko namin dahil hindi kami kompleto. Nag celebrate lang kami sa bahay at naghanda ng iba't ibang pagkain.

Tinulungan ko naman si Mama sa pagluto. I also prepared the plates and utensils. Our house was also decorated with Christmas decor. May malaki din kaming Christmas tree at mga regalo sa ilalim nun.

Since malungkot ako dahil wala si Ate ngayon. I decided to bake. I don't know why, I just thought of it suddenly. Noon kasi kapag may free time si Ate ay sinubukan naming magbake para sa birthday ni Mama.
Bata pa ako nun at nag-aaral padin siya.

It was a fail because the cake was got burnt. Doon narealize ni Ate na wala siyang talent sa pagbabake. Isang beses lang niya sinubukan iyon at naging busy nadin siya noong naging doctor.

Habang naghahalo ng ingredients ay hindi ko mapigilang hindi maaalala lahat ng childhood memories namin.

It's like everything I do, reminds me of her, of us.

Mas malapit ako kay Ate dahil parehas kaming babae. I only have few memories with Kuya but I know he took care of me too.

We were growing up and I watch them turn into adults. They have their own lives and soon, I'll be an adult too.

Inalis ko ang cookie dough sa bowl at nilagay iyon sa counter. Binudburan ko iyon ng flour at minasa. Nanood lang ako sa youtube kung paano gumawa ng cookies. Christmas cookies to be exact. Buti nalang ay meron kaming cookie cutters na may iba't ibang designs. Kinuha ko naman iyon sa cabinet at nilagay sa tabi.

I continued to knead the dough and took the rolling pin. I flatten the dough using it until it's completely flat. I then grabbed the cookie cutters and press it lightly on the dough.

Ginger bread ang una kong design na pinili. Sinunod ko naman ang Christmas tree at ang reindeer.

Pagkatapos ko gawin iyon ay inalis ko ang natirang dough at minasa ulit. I repeated all the steps until I have enough cookies.

I carefully placed it all on a pan and put it in the oven.

Niligpit ko naman ang mga kalat ang hugasin. Nilagay ko iyon sa lababo at pinunasan din ang counter tops.

Hinugasan ko ang kamay ko at tinignan sa oven ang cookies.

Ilang sandali ay pumasok si Mama sa kitchen. "Anak, eto ang Ate mo. Kavideo call namin."

Bigla naman akong naging conscious sa itsura ko. Nakaapron pa ako kaya agad ko iyong hinubad.

"Ma, hindi pa ako ready."

"Anong ginagawa ni Talliah, Ma?" rinig kong boses ni Ate sa kabilang linya.

Lumapit naman si Mama sa'kin at pinakita si Ate.

"Nagbabake kapatid mo. Biruin mo yun eh last year puro kain lang ginawa nito."

Ngumuso naman ako at tinakpan ang mukha ko.

"Ang arte, may pagtakip ka ng mukha. Ako lang 'to Talliah!" si Ate

"Hindi pa ako tapos tsaka ang gulo na ng itsura ko noh," sambit ko

"Anak, nangangamoy na yung cookies mo sa oven." wika ni Mama

Tumingin naman ako sa oven at pinuntahan iyon.

"Sige anak. Busy pa si Talliah, maya nalang ulit kayo mag-usap."

Inilayo naman ni Mama sa'kin ang cellphone at nakita ko nalang siya na lumabas ng kusina.

Tinuon ko ang atensyon sa cookies na nasa oven. I put on my mittens and opened the oven. Dahan dahan kong kinuha ang tray na naglalaman ng cookies at nakita kong golden brown ang kulay nila.

My jaw dropped and I can't help but to be amazed. I felt proud of myself. Naexcite tuloy ako na idecorate sila.

Pinalamig ko muna sila sandali para hindi matunaw ang frosting kapag nilagyan ko na.

Kinuha ko naman ang phone ko sa bulsa dahil tumunog iyon.

I saw some greetings from my friends and relatives. I replied back to all of them. I went through my social media and scrolled for a while. Nakita ko ang mga post ng mga kaklase at kabigan ko kasama ang kanilang pamilya.

Some were out of the country celebrating Christmas with their loved one's. Pinusuan ko naman ang mga posts nila. After a few scrolls, pinatay ko na ang phone ko at binalik sa bulsa.

I looked at my cookies and smiled. Para akong baliw dito na kanina pa nakangisi habang pinagmamasdan ang gawa ko.

It was my first time and I succeeded. Akala ko noong una ay magiging palpak pero siguro ay madali lang din ang proseso kaya nagawa ko naman ng maayos.

I just hope it tastes good.

Nagsimula na akong maglagay ng frosting. Nilagay ko iyon sa isang piping bag. Hinaluan ko din ng food coloring para sa design.

I carefully outline the Christmas tree with green frosting. Medyo mahirap iyon dahil maliit lang ang cookies. I was so focused that I can hardly breathe. Beads of sweat are starting to form but I still try to concentrate.

Naglagay din ako ng sprinkles at iba pang pwedeng ilagay.

After a few minutes of frosting and decorating. I'm finally done with the finished product.

Of course there are some mistakes. May mga lumagpas na frosting pero inayos ko naman.

Overall, it looks good.

Ang cute nila tignan dahil sa iba't ibang designs na ginawa ko. Parang ayoko na tuloy silang kainin. They just look too cute!

Pinunasan ko ang tumulong pawis at tinali ang aking buhok. Naghugas muna ako ng kamay bago ko niagay ang mga cookies sa malaking plato.

Pagkalagay ko lahat ay niligpit ko naman ang tira kong kalat.

"Talliah, kain na tayo." tawag ni Kuya sa'kin

Sakto ay tapos nadin ako. Kinuha ko ang plato na naglalaman ng cookies at lumabas na ng kusina. Nakita ko agad sila na nasa lamesa. Punong puno ng pagkain iyon at naramdaman kong kumulo ang sikmura ko.

"Wow, ikaw nagbake niyan?" tanong ni Kuya at akmang kukuha sana ng isa pero inilayo ko ang plato sa kanya.

"Oo sino pa ba. Tsaka wag ka muna kumuha. Mamaya ito."

Dumiretso na ako sa lamesa at pinatong ang plato doon kasama ang ibang handa.

"Kain na tayo," si Mama

Umupo naman kaming lahat. Nakita ko naman si Papa na hawak ang cellphone at kavideo call padin si Ate.

"Eto handa namin anak. Luto ng Mama mo ang iba," sambit niya at tinapat ang camera sa pagkain.

"Tinulungan din ako ni Talliah atsaka eto yung gawa niya oh," si Mama at kinuha kay Papa ang phone.

Medyo nahiya ako noong pinakita niya kay Ate ang gawa ko. Kinagat ko ang labi ko at umiwas ng tingin.

"Miss ka na namin anak. Ingat ka dyan ah."

"Miss you too. Sige na, kain na po kayo diyan," si Ate.

Nilayo naman ni Mama ang phone para makita kaming lahat sa frame.

"Bye Ate!" I said waving my hand

"Merry Christmas!" we all said in unison.

We both bid our goodbyes. Binaba nadin ni Mama ang tawag.

Nakita kong pinucturan niya kami kasama ang handa. Mukhang isesend niya iyon kay Ate.

"Tara na. Kumain na tayo," masayang sabi ni Mama.

Nagdasal muna kami ng sabay sabay at nagsimula nading kumain.

Nagpasahan kami ng pagkain at kanya kanyang lagay sa plato.

Habang kumakain ay tumingin ako sa bakanteng upuan sa harap ko.

I smiled weakly and looked down at my plate. Hindi ko nanaman mapigilang hindi malungkot.

I wish she's with us today celebrating Christmas.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top